< Mga Kawikaan 30 >

1 Ang mga kasabihan ni Agur, anak na lalaki ni Jakeh—isang orakulo: Ipinahayag ng lalaking ito kay Itiel, kay Itiel at Ucal:
דברי אגור בן-יקה--המשא נאם הגבר לאיתיאל לאיתיאל ואכל
2 Tiyak na ako ay mas katulad ng isang hayop kaysa sa sinumang tao, at wala akong pang-unawa ng isang tao.
כי בער אנכי מאיש ולא-בינת אדם לי
3 Hindi ko natutunan ang karunungan, ni mayroon akong kaalaman ng Tanging Banal.
ולא-למדתי חכמה ודעת קדשים אדע
4 Sino ang umakyat sa langit at bumaba? Sino ang nagtipon ng hangin sa ilalim ng kaniyang mga kamay? Sino ang nagtipon ng mga tubig sa balabal? Sino ang nagtatag ng lahat ng mga hangganan ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak? Tiyak na alam mo!
מי עלה-שמים וירד מי אסף-רוח בחפניו מי צרר-מים בשמלה-- מי הקים כל-אפסי-ארץ מה-שמו ומה-שם-בנו כי תדע
5 Bawat salita ng Diyos ay nasubok, siya ay isang panangga sa mga nagkukubli sa kaniya.
כל-אמרת אלוה צרופה מגן הוא לחסים בו
6 Huwag magdagdag sa kaniyang mga salita, o pagsasabihan ka niya at ikaw ay mapapatunayang isang sinungaling.
אל-תוסף על-דבריו פן-יוכיח בך ונכזבת
7 Dalawang bagay ang hinihingi ko sa iyo, huwag mo silang ipagkait sa akin bago ako mamatay.
שתים שאלתי מאתך אל-תמנע ממני בטרם אמות
8 Ilayo mo sa akin ang kayabangan at kasinungalingan. Bigyan mo ako ng hindi kahirapan ni kayamanan, bigyan mo lamang ako ng pagkain na aking kailangan.
שוא ודבר-כזב הרחק ממני-- ראש ועשר אל-תתן-לי הטריפני לחם חקי
9 Dahil kung mayroon akong labis, itatanggi kita at sasabihin, “Sino si Yahweh?” O kung ako ay magiging mahirap, magnanakaw ako at lalapastanganin ko ang pangalan ng aking Diyos.
פן אשבע וכחשתי-- ואמרתי מי יהוה ופן-אורש וגנבתי ותפשתי שם אלהי
10 Huwag mong siraan ng puri ang isang alipin sa harapan ng kaniyang panginoon, o isusumpa ka niya at papaniwalaang ikaw ang may kasalanan.
אל-תלשן עבד אל-אדנו פן-יקללך ואשמת
11 Ang isang salinlahi na sinusumpa ang kanilang ama at hindi pinagpapala ang kanilang ina,
דור אביו יקלל ואת-אמו לא יברך
12 iyan ang isang salinlahi na dalisay sa kanilang sariling mga mata, ngunit hindi sila nahugasan sa kanilang karumihan.
דור טהור בעיניו ומצאתו לא רחץ
13 Iyan ang isang salinlahi—gaano mapagmataas ang kanilang mga mata at ang kanilang takipmata ay nakaangat! —
דור מה-רמו עיניו ועפעפיו ינשאו
14 sila ang isang salinlahi na ang mga ngipin ay mga espada, at kanilang mga panga ay mga kutsilyo, para lapain nila ang mahirap mula sa lupa at ang nangangailangan mula sa sangkatauhan.
דור חרבות שניו-- ומאכלות מתלעתיו לאכל עניים מארץ ואביונים מאדם
15 Ang linta ay mayroong dalawang anak na babae, “Magbigay at magbigay,” sigaw nila. May tatlong bagay na hindi kailanman nasisiyahan, apat na hindi kailanman nagsabing, “Tama na”:
לעלוקה שתי בנות-- הב הב שלוש הנה לא תשבענה ארבע לא-אמרו הון
16 Ang Sheol, ang baog na sinapupunan, ang lupa na uhaw sa tubig, at ang apoy na hindi kailanman nagsabing, “Tama na.” (Sheol h7585)
שאול ועצר-רחם ארץ לא-שבעה מים ואש לא-אמרה הון (Sheol h7585)
17 Ang mata na nangungutya sa isang ama at nasusuklam sa pagsunod sa isang ina, ang kaniyang mga mata ay tutukain ng mga uwak sa lambak, at siya ay kakainin ng mga buwitre.
עין תלעג לאב-- ותבז ליקהת-אם יקרוה ערבי-נחל ויאכלוה בני-נשר
18 May tatlong bagay na labis na kamangha-mangha para sa akin, apat na hindi ko maintindihan: ang daan ng isang agila sa langit;
שלשה המה נפלאו ממני וארבע (וארבעה) לא ידעתים
19 ang ginagawa ng isang ahas sa isang bato; ang ginagawa ng isang barko sa puso ng karagatan; at ang ginagawa ng isang lalaki kasama ang isang dalaga.
דרך הנשר בשמים-- דרך נחש עלי-צור דרך-אניה בלב-ים-- ודרך גבר בעלמה
20 Ito ang ginagawa ng isang nangangalunyang babae— siya ay kumakain at kaniyang pinupunasan ang kaniyang bibig at sinasabi, “Wala akong ginawang mali.”
כן דרך אשה-- מנאפת אכלה ומחתה פיה ואמרה לא-פעלתי און
21 Sa ilalim ng tatlong bagay ang lupa ay nayayanig, at ang pang-apat ay hindi na makakayanan nito:
תחת שלוש רגזה ארץ ותחת ארבע לא-תוכל שאת
22 ang isang alipin kapag siya ay naging hari; ang isang hangal kapag siya ay puno ng pagkain;
תחת-עבד כי ימלוך ונבל כי ישבע-לחם
23 kapag ang isang kinamumuhian na babae ay nagpakasal; at kapag ang isang babaeng utusan ay pumalit sa pwesto ng kaniyang babaeng amo.
תחת שנואה כי תבעל ושפחה כי תירש גברתה
24 May apat na bagay sa lupa na malilit, pero napakatatalino:
ארבעה הם קטני-ארץ והמה חכמים מחכמים
25 ang mga langgam ay mga nilalang na hindi malalakas, pero hinahanda nila ang kanilang pagkain sa tag-araw;
הנמלים עם לא-עז ויכינו בקיץ לחמם
26 ang mga kuneho ay hindi makapangyarihang nilalang, pero ginagawa nila ang kanilang mga tahanan sa mga batuhan.
שפנים עם לא-עצום וישימו בסלע ביתם
27 Ang mga balang ay walang hari, pero lahat sila ay lumalakad ng maayos.
מלך אין לארבה ויצא חצץ כלו
28 Para sa butiki, maaari mo itong hawakan ng iyong dalawang kamay, pero sila ay natatagpuan sa mga palasyo ng mga hari.
שממית בידים תתפש והיא בהיכלי מלך
29 Mayroong tatlong bagay na marangal sa kanilang mahabang hakbang, apat na marangal kung paano lumakad:
שלשה המה מיטיבי צעד וארבעה מיטבי לכת
30 ang isang leon, ang pinakamalakas sa mga mababangis na hayop— hindi ito tumatalikod mula sa kahit ano; ang isang tandang mayabang sa paglalakad;
ליש גבור בבהמה ולא-ישוב מפני-כל
31 isang kambing; at isang hari kung saan ang mga sundalo ay nasa tabi niya.
זרזיר מתנים או-תיש ומלך אלקום עמו
32 Kung ikaw ay naging hangal, dinadakila ang iyong sarili, o kung ikaw ay nag-iisip ng kasamaan— ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig.
אם-נבלת בהתנשא ואם-זמות יד לפה
33 Katulad ng hinalong gatas na nakakagawa ng mantikilya, at katulad ng ilong ng sinuman na magdurugo kapag piningot, kaya ang gawain na ginawa sa galit ay lumilikha nang kaguluhan.
כי מיץ חלב יוציא חמאה-- ומיץ-אף יוציא דם ומיץ אפים יוציא ריב

< Mga Kawikaan 30 >