< Mga Kawikaan 28 >

1 Ang masamang tao ay tumatakbo kahit walang humahabol sa kanila, ngunit ang mga gumagawa ng tama ay kasintapang ng batang leon.
惡人無人追蹤,仍然竄逃;義人安然自得,有如雄獅。
2 Dahil sa kasalanan ng isang lupain, ito ay papalit-palit ng mga pinuno, ngunit ang isang taong may pang-unawa at kaalaman, ito ay magtatagal sa mahabang panahon.
由於國家的罪,領袖時有更迭;惟賴明哲之士,邦國方能久存。
3 Ang taong dukha na nagpapahirap sa kapwa niya dukha ay tulad ng isang humahampas sa ulan na nag-iiwan ng walang pagkain.
欺壓弱小的惡霸,有如沖沒穀糧的暴雨。
4 Sila na mga tumalikod sa batas ay pinupuri ang masamang tao, ngunit silang nagpapanatili ng batas ay lumalaban sa kanila.
違法的人,稱揚敗類;守法的人,與之為敵。
5 Ang mga masasamang tao ay hindi naiintindihan ang katarungan, ngunit sila na naghahanap kay Yahweh ay naiintindihan ang lahat ng bagay.
作惡的人,不明瞭正義;尋求上主的,卻全洞識。
6 Mas mainam sa isang dukha na lumakad sa kaniyang katapatan, kaysa sa isang mayaman na baluktot sa kaniyang mga paraan.
為人正直的窮人,勝於行為邪僻的富人。
7 Ang siyang nagpapanatili ng batas ay isang bata na may pang-unawa, ngunit ang isa na kasama ang mga matatakaw ay hinihiya ang kaniyang ama.
遵守法律的,是智慧之子;交結蕩子的,是取辱己父。
8 Siya na nagpapayaman sa pamamagitan nang labis na pagsingil ng tubo ay nag-iipon ng kaniyang yaman para sa iba na maaawa sa mga dukha.
誰放貸取利增加己產,是為憐恤貧乏者積蓄。
9 Kung ang isa na hindi ibinaling ang kaniyang tainga sa pakikinig ng batas, kahit na ang kaniyang panalangin ay kasuklam-suklam.
對於法律,人若充耳不聞,他的祈禱,也為上主所惡。
10 Ang sinumang maglihis sa matuwid sa isang masamang paraan ay babagsak sa kaniyang sariling hukay, ngunit ang walang sala ay magkakaroon ng mabuting pamana.
勾引正直的人走上邪路的,必落在自己所掘的坑內;但正直的人仍能繼承幸福。
11 Ang mayaman ay maaaring matalino sa kaniyang sariling mga mata, ngunit ang dukha na may pang-unawa ay matutuklasan siya.
富貴的人,自認為有智慧,聰明的窮人一眼即看穿。
12 Kung may katagumpayan sa mga gumawa ng kung ano ang tama, mayroong dakilang kaluwalhatian, ngunit kung ang masama ay bumangon, tinatago ng mga tao ang kanilang sarili.
義人獲勝,群情歡騰;惡霸當道,人人走避。
13 Ang isa na nagtatago ng kaniyang mga kasalanan ay hindi yayaman, ngunit ang nagpapahayag at nagpapabaya sa kanila ay pakikitaan ng habag.
文過飾非的,必不會順利;認錯悔改的,將蒙受憐憫。
14 Masaya ang isa na laging namumuhay na may paggalang, ngunit ang sinumang nagmamatigas ng kaniyang puso ay babagsak sa kaguluhan.
常戒慎的人,必蒙祝福;心硬如鐵者,必遭災禍。
15 Katulad ng isang umaatungal na leon o isang lumulusob na oso ang isang masamang pinuno sa lahat ng mga dukha.
暴君欺凌貧窮弱小,有如咆哮怒獅,飢餓野熊。
16 Ang pinuno na nagkukukulang ng pang-unawa ay isang mabagsik na nagpapahirap, pero ang isa na namumuhi sa di matapat ay mapapahaba ang kaniyang mga araw.
無知的昏君,必橫行霸道;憎恨貪婪的,將延年益壽。
17 Kung ang isang tao ay maysala dahil nagdanak siya ng dugo sa isang tao, siya ay magiging isang pugante hanggang sa kamatayan, at wala ni isa ang tutulong sa kaniya.
身負血債者,雖逃至死地,也無人搭救。
18 Ang sinumang maglalakad ng may katapatan ay pinapanatiling ligtas, pero ang isa na ang paraan ay baluktot ay biglang babagsak.
行走正路的,必安然無恙;愛走曲徑的,必墮入陷阱。
19 Ang isa na siyang nagtatrabaho sa kaniyang lupa ay magkakaroon ng maraming pagkain, pero ang sinumang sumusunod sa walang kabuluhang gawain ay magkakaroon ng maraming kahirapan.
自耕其地的,必常得飽食;追求虛幻的,必飽嘗貧苦。
20 Ang isang tapat na tao ay magkakaroon ng malaking mga biyaya, ngunit ang nagmamadaling yumaman ay tiyak na hindi makaka-iwas sa kaparusahan.
忠誠篤實的人,將滿渥福祉;急於致富的人,將難免無過。
21 Hindi mabuti magpakita nang may pinapanigan, ngunit para sa isang pirasong tinapay ang isang tao ay maaaring gumawa ng masama.
顧及人的情面,原非一件好事;但為一片麵包,人卻陷身不義。
22 Ang isang maramot na tao ay nagmamadaling yumaman, pero hindi niya alam na ang kahirapan ay darating sa kaniya.
眼睛貪婪的人,匆匆急於致富;豈知貧乏窮困,即將臨他身上!
23 Sinumang nagsasaway sa isang tao ay makakahanap nang higit na pabor mula sa kaniya kaysa sa mga pumupuri sa kaniya gamit ang kaniyang dila.
責斥他人的,終比奉承的,更得人愛戴。
24 Sinumang magnanakaw sa kaniyang ama at kaniyang ina at sasabihing, “hindi iyon kasalanan,” kasama siya ng mga maninira.
向自己父母行竊,卻說「這並不是罪,」與強盜是同路人。
25 Ang taong sakim ay lumilikha nang away, ngunit ang isa na nagtitiwala kay Yahweh ay magtatagumpay.
貪得無厭的人,必引起爭端;信賴上主的人,必心安理得。
26 Ang isa na nagtitiwala sa kaniyang sariling puso ay isang hangal, pero ang isang lumalakad sa karunungan ay lalayo mula sa kapahamakan.
自恃聰明的,實是糊塗人;行事智慧的,必安全無恙。
27 Ang nagbibigay sa mahirap ay hindi magkukulang, pero sinumang magsara ng kaniyang mga mata sa kanila ay tatanggap ng maraming mga sumpa.
樂施濟貧的,決不會匱乏;視若無睹的,必飽受咒罵。
28 Kapag nagtagumpay ang mga masasamang tao, itinatago ng mga tao ang kanilang mga sarili, kung masusugpo ang masasamang tao, dadami ang gumagawa ng tama.
惡霸當道,人人走避;惡霸滅亡,義人興旺。

< Mga Kawikaan 28 >