< Mga Kawikaan 26 >
1 Tulad ng niyebe sa tag-araw o ulan sa panahon ng tag-ani, ang isang hangal na hindi karapat-dapat sa karangalan.
As snow in summer, and as rain in harvest, So honor [is] not fitting for a fool.
2 Gaya ng isang maya na mabilis na nagpapalipat-lipat at ng layanglayang na humahagibis kapag sila ay lumilipad, gayundin hindi tatalab ang isang sumpa na hindi nararapat.
As a bird by wandering, as a swallow by flying, So reviling without cause does not come.
3 Ang latigo ay para sa kabayo, ang kabisada ay para sa asno, at ang pamalo ay para sa likod ng mga hangal.
A whip is for a horse, a bridle for a donkey, And a rod for the back of fools.
4 Huwag sagutin ang isang hangal at sumali sa kanyang kahangalan, o magiging tulad ka niya.
Do not answer a fool according to his folly, Lest you are like to him—even you.
5 Sumagot sa isang hangal at sumali sa kaniyang kahangalan upang hindi siya maging marunong sa kaniyang sariling paningin.
Answer a fool according to his folly, Lest he is wise in his own eyes.
6 Sinumang magpadala ng isang mensahe sa pamamagitan ng kamay ng isang hangal ay pinuputol ang kaniyang sariling mga paa at umiinom nang karahasan.
He is cutting off feet, he is drinking injury, Who is sending things by the hand of a fool.
7 Ang mga binti ng isang paralitiko na nakabitin ay tulad ng isang kawikaan sa bibig ng mga hangal.
The two legs of the lame have been weak, And an allegory in the mouth of fools.
8 Ang pagtatali ng bato sa isang tirador ay gaya ng pagbibigay karangalan sa isang hangal.
As one who is binding a stone in a sling, So [is] he who is giving honor to a fool.
9 Ang halamang tinik na hawak ng isang lasing ay tulad ng isang kawikaan sa bibig ng mga hangal.
A thorn has gone up into the hand of a drunkard, And an allegory in the mouth of fools.
10 Ang isang mamamana na sumusugat ng lahat ay tulad ng isang umuupa ng isang hangal o ng kahit sinumang dumadaan.
The Former of all [is] great, And He is rewarding a fool, And is rewarding transgressors.
11 Gaya ng isang asong bumabalik sa kanyang sariling suka, ganoon din ang isang hangal na inuulit ang kanyang kahangalan.
As a dog has returned to its vomit, A fool is repeating his folly.
12 Nakikita mo ba ang taong marunong sa kanyang sariling paningin? Higit na may pag-asa ang isang hangal kaysa sa kanya.
You have seen a man wise in his own eyes, More hope of a fool than of him!
13 Ang tamad na tao ay nagsasabing, “May isang leon sa kalsada! May isang leon sa pagitan ng mga lantad na lugar!
The slothful has said, “A lion [is] in the way, A lion [is] in the broad places.”
14 Kung paanong ang isang pinto ay bumabaling sa kaniyang bisagra, ang tamad na tao naman ay sa ibabaw ng kaniyang kama.
The door turns around on its hinge, And the slothful on his bed.
15 Nilalagay ng isang tamad na tao ang kaniyang kamay sa pagkain, pero wala siyang lakas na isubo ito sa kaniyang bibig.
The slothful has hid his hand in a dish, He is weary of bringing it back to his mouth.
16 Ang tamad na tao ay mas marunong sa kanyang paningin kaysa sa pitong lalaking may kakayahang kumilatis.
Wiser [is] the slothful in his own eyes, Than seven [men] returning a reason.
17 Tulad ng isang humahawak ng mga tainga ng isang aso ay isang taong dumadaan na nagagalit sa alitan na hindi kanya.
Laying hold on the ears of a dog, [Is] a passer-by making himself wrath for strife [that is] not his own.
18 Tulad ng isang baliw na pumapana ng nagliliyab na mga palaso,
As [one] pretending to be feeble, Who is casting sparks, arrows, and death,
19 ay ang isang nandaraya ng kanyang kapwa at nagsasabing, “Di ba't nagbibiro lang ako?”
So has a man deceived his neighbor, And has said, “Am I not playing?”
20 Dahil sa kakulangan ng gatong, namamatay ang apoy, at kung saan walang tsismoso, tumitigil ang pag-aaway.
Fire is going out without wood, And contention ceases without a tale-bearer,
21 Tulad ng isang uling na nagbabaga at panggatong ay sa apoy, ganoon din ang isang palaaway na tao na nagpapasiklab ng alitan.
Coal to burning coals, and wood to fire, And a man of contentions to kindle strife.
22 Ang mga salita ng isang tsismoso ay tulad ng masarap na mga pagkain; bumababa sila sa kaloob-loobang mga bahagi ng katawan.
The words of a tale-bearer [are] as self-inflicted wounds, And they have gone down [to] the inner parts of the heart.
23 Ang pampakintab na bumabalot sa isang banga ay tulad ng nagbabagang mga labi at isang napakasamang puso.
Silver of dross spread over potsherd, [Are] burning lips and an evil heart.
24 Ang isang namumuhi sa iba ay kinukubli ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng kaniyang mga labi at nag-iimbak ng panlilinlang sa kaniyang sarili.
A hater pretends by his lips, And he places deceit in his heart,
25 Magiliw siyang mangungusap, pero huwag siyang paniwalaan, dahil may pitong mga pagkasuklam sa kaniyang puso.
When his voice is gracious do not trust in him, For seven abominations [are] in his heart.
26 Kahit na natatakpan ng panlilinlang ang kaniyang pagkamuhi, ang kaniyang kabuktutan ay malalantad sa kapulungan.
Hatred is covered by deceit, Its wickedness is revealed in an assembly.
27 Sinumang gumagawa ng isang hukay ay mahuhulog dito at ang bato ay gugulong pabalik sa taong tumulak nito.
Whoever is digging a pit falls into it, And the roller of a stone, it turns to him.
28 Ang isang nagsisinungaling na dila ay namumuhi sa mga taong dinudurog nito at ang nambobolang bibig ay nagiging dahilan ng pagkawasak.
A lying tongue hates its bruised ones, And a flattering mouth works an overthrow!