< Mga Kawikaan 25 >
1 Ito ay mga karagdagan pang mga kawaikaan ni Solomon, na kinopya ng mga tauhan ni Hezekias, hari ng Juda.
Hæ quoque parabolæ Salomonis, quas transtulerunt viri Ezechiæ regis Iuda.
2 Kaluwalhatian ng Diyos na ikubli ang isang bagay, pero kaluwalhatian ng mga hari na saliksikin ito.
Gloria Dei est celare verbum, et gloria regum investigare sermonem.
3 Tulad ng kalangitan ay para sa taas at ang lupa para sa lalim, gayun din ang puso ng mga hari ay hindi malirip.
Cælum sursum, et terra deorsum, et cor regum inscrutabile.
4 Alisin ang kalawang mula sa pilak, at magagamit ng panday ang pilak para sa kaniyang kasanayan.
Aufer rubiginem de argento, et egredietur vas purissimum:
5 Gayun din, alisin ang masamang mga tao mula sa harapan ng hari, at ang kaniyang trono ay maitatatag sa pamamagitan ng paggawa kung ano ang tama.
Aufer impietatem de vultu regis, et firmabitur iustitia thronus eius.
6 Huwag mong parangalan ang iyong sarili sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa lugar na nakalaan para sa mga dakilang mga tao.
Ne gloriosus appareas coram rege, et in loco magnorum ne steteris.
7 Mas mabuti para sa kaniya na sabihin sa iyo, “Umakyat ka rito,” kaysa sa mapahiya ka sa harapan ng marangal na tao. Kung ano ang iyong nasaksihan,
Melius est enim ut dicatur tibi: Ascende huc; quam ut humilieris coram principe.
8 huwag mo agad dalhin sa paglilitis. Dahil ano ang gagawin mo sa bandang huli, kapag pinahiya ka ng kapwa mo?
Quæ viderunt oculi tui, ne proferas in iurgio cito: ne postea emendare non possis, cum dehonestaveris amicum tuum.
9 Ipangatwiran mo ang kaso mo sa kapwa mo mismo, at huwag ipaalam ang lihim ng isa pang tao;
Causam tuam tracta cum amico tuo, et secretum extraneo ne reveles:
10 kung hindi, ang isa na nakakarinig sa iyo ay magdadala ng kahihiyan sa iyo at ng masamang balita tungkol sa iyo na hindi mabibigyang katahimikan.
ne forte insultet tibi cum audierit, et exprobrare non cesset. Gratia et amicitia liberant: quas tibi serva, ne exprobrabilis fias.
11 Ang pagsasabi ng salitang napili ng mabuti, ay katulad ng mga disenyo ng ginto na nakalagay sa pilak.
Mala aurea in lectis argenteis, qui loquitur verbum in tempore suo.
12 Katulad ng gintong singsing o alahas na gawa sa pinong ginto ay ang matalinong pagsaway sa nakikinig na tainga.
Inauris aurea, et margaritum fulgens, qui arguit sapientem, et aurem obedientem.
13 Tulad ng lamig ng niyebe sa oras ng pag-aani ay ang tapat na mensahero para sa mga nagpadala sa kaniya; ipinanunumbalik niya ang buhay ng kaniyang mga amo.
Sicut frigus nivis in die messis, ita legatus fidelis ei, qui misit eum, animam ipsius requiescere facit.
14 Tulad ng mga ulap at hangin na walang ulan ay ang taong nagmamalaki sa regalo na hindi niya binibigay.
Nubes, et ventus, et pluviæ non sequentes, vir gloriosus, et promissa non complens.
15 Kapag may pagtitiis maaaring mahikayat ang isang pinuno, at ang malambot na dila ay kayang makabali ng buto.
Patientia lenietur princeps, et lingua mollis confringet duritiam.
16 Kapag nakahanap ka ng pulot, kumain ka lang ng sapat— kung hindi, ang kalabisan nito, ay isusuka mo.
Mel invenisti, comede quod sufficit tibi, ne forte satiatus evomas illud.
17 Huwag mong ilagay ang iyong paa ng napakadalas sa bahay ng iyong kapwa, maaari siyang magsawa sa iyo at kamuhian ka.
Subtrahe pedem tuum de domo proximi tui, nequando satiatus oderit te.
18 Ang taong nagdadala ng huwad na patotoo laban sa kaniyang kapwa ay katulad ng pamalo na ginagamit sa digmaan, o isang espada, o isang matalim na palaso.
Iaculum, et gladius, et sagitta acuta, homo qui loquitur contra proximum suum falsum testimonium.
19 Ang taong hindi tapat na pinagkakatiwalaan mo sa oras ng gulo ay katulad ng sirang ngipin o isang nadudulas na paa.
Dens putridus, et pes lassus, qui sperat super infideli in die angustiæ,
20 Tulad ng tao na naghubad ng kaniyang damit sa malamig na panahon, o tulad ng suka na binuhos sa matapang na inumin, ang siyang umaawit ng mga kanta sa isang nabibigatang puso.
et amittit pallium in die frigoris. Acetum in nitro, qui cantat carmina cordi pessimo. Sicut tinea vestimento, et vermis ligno: ita tristitia viri nocet cordi.
21 Kung nagugutom ang kaaway mo, bigyan mo siya ng makakain, at kung nauuhaw siya, bigyan mo siya ng tubig na maiinom,
Si esurierit inimicus tuus, ciba illum: si sitierit, da ei aquam bibere:
22 dahil lalagyan mo siya sa kaniyang ulo ng isang pala ng umaapoy na uling, at gagantimpalaan ka ni Yahweh.
prunas enim congregabis super caput eius, et Dominus reddet tibi.
23 Gaya ng katiyakan na ang hanging mula sa hilaga ay may dalang ulan, ang taong naghahayag ng mga lihim ay nagpapagalit ng mga mukha.
Ventus aquilo dissipat pluvias, et facies tristis linguam detrahentem.
24 Mas mabuti pa na mamuhay sa sulok ng bubungan kaysa sa makibahagi sa tahanan ng babaeng palaaway.
Melius est sedere in angulo domatis, quam cum muliere litigiosa, et in domo communi.
25 Tulad ng malamig na tubig sa taong uhaw, gayun din ang mabuting balita mula sa malayong bansa.
Aqua frigida animæ sitienti, et nuncius bonus de terra longinqua.
26 Tulad ng maruming batis o nasirang bukal ng tubig ang mabuting tao na naglalakad kasama ang masamang tao.
Fons turbatus pede, et vena corrupta, iustus cadens coram impio.
27 Hindi mabuting kumain ng napakaraming pulot; iyon ay parang naghahanap ng labis na karangalan.
Sicut qui mel multum comedit, non est ei bonum: sic qui scrutator est maiestatis, opprimetur a gloria.
28 Ang tao na walang pagpipigil sa sarili ay tulad ng lungsod na napasok at walang pader.
Sicut urbs patens et absque murorum ambitu, ita vir, qui non potest in loquendo cohibere spiritum suum.