< Mga Kawikaan 24 >

1 Huwag kang mainggit sa mga masasama, ni hangarin na makisama sa kanila,
ئیرەیی بە پیاوخراپان مەبە، ئارەزوو مەکە لەگەڵیاندا بیت،
2 dahil ang kanilang mga puso ay nagbabalak ng karahasan, at ang kanilang mga labi ay nag-uusap tungkol sa kaguluhan.
چونکە دڵیان پیلانی زۆرداری دەکێشێت و لێوەکانیان باسی گرفتنانەوە دەکەن.
3 Sa pamamagitan ng karunungan ang isang bahay ay naitatayo at sa kaunawaan ito ay naitatatag.
بە دانایی ماڵ بنیاد دەنرێت، بە تێگەیشتنیش دەچەسپێت،
4 Sa kaalaman ang mga silid ay puno ng lahat ng mga mamahalin at kaaya-ayang kayamanan.
بە زانیاریش ژوورەکان پڕ دەبن لە هەموو گەنجینەیەکی بە نرخ و جوان.
5 Ang isang matalinong tao ay nagpapatunay na malakas, at ang isang taong mayroong kaalaman ay mas maigi kaysa sa isang malakas,
پیاوی دانا بەتوانایە، کەسی زانا هێزی زیاد دەبێت.
6 sapagkat sa matalinong mga utos kaya mong itaguyod ang iyong digmaan, at kasama ang maraming mga tagapangaral mayroong tagumpay.
بێگومان بە ڕاوێژەوە شەڕ دەکەیت، سەرکەوتنیش بە زۆری ئامۆژگارانە.
7 Ang karunungan ay masyadong mataas para sa isang mangmang; sa tarangkahan hindi niya binubuksan ang kaniyang bibig.
دانایی بەرزە بۆ گێل، لە کۆڕی ناو دەروازەدا دەمی لێک ناکاتەوە.
8 Mayroong isang nagbabalak na gumawa ng masama— tinatawag siya ng mga tao na bihasa sa mga masamang balakin.
ئەوەی بیر لە خراپە بکاتەوە، بە تەڵەکەباز ناودەبردرێت.
9 Ang isang hangal na hangarin ay kasalanan, at ang mga tao ay hinahamak ang nangungutya.
پیلانی گێلایەتی گوناهە، خەڵک قێزیان لە گاڵتەجاڕە.
10 Kung ipinapakita mo ang iyong kaduwagan sa araw ng kaguluhan, kung gayon ang iyong lakas ay hindi sapat.
ئەگەر ورە بەردەیت لە ڕۆژی تەنگانە، بێ هێزیت!
11 Sagipin mo silang mga inilalayo papunta sa kamatayan, at pigilan mo silang mga nalilito papunta sa pagpatay.
ئەوانە دەرباز بکە کە بۆ مردن دەبردرێن و لەوانەی بۆ سەربڕین پاڵخراون، کەمتەرخەم مەبە.
12 Kung sinabi mo, “Diyan! Wala kaming alam tungkol dito.” Hindi ba't ang Siyang nagtitimbang ng puso ay naiintindihan kung ano ang sinasabi mo? At Siyang nagbabantay ng iyong buhay, hindi ba niya alam ito? At hindi ba ibibigay ng Diyos sa bawat isa kung ano ang karapat-dapat sa kaniya?
ئەگەر بڵێی: «ئەوەتا ئەمەم نەزانیوە،» ئایا هەڵسەنگێنەری دڵەکان تێناگات؟ ئەوەی گیانت دەپارێزێت ئایا نازانێت؟ ئایا سزای مرۆڤ بەپێی کردەوەکانی ناداتەوە؟
13 Aking anak, kumain ng pulot dahil ito ay mabuti, dahil ang mga katas ng pulut-pukyutan ay matamis sa iyong panlasa.
ڕۆڵە، هەنگوین بخۆ، چونکە باشە و شیلەی هەنگوین لە گەرووت شیرینە،
14 Katulad nito ang karunungan para sa iyong kaluluwa— kung nahanap mo ito, magkakaroon ng kinabukasan at ang iyong pag-asa ay hindi mapuputol.
هەروەها بزانە دانایی بۆ گیانت بەم جۆرەیە. ئەگەر دانایی بدۆزیتەوە دواڕۆژت دەبێت و ئومێدبڕ نابیت.
15 Huwag kang mag-abang tulad ng mga masasamang tao na lumulusob sa bahay ng mga gumagawa ng mabuti. Huwag mong wasakin ang bahay niya!
وەک خراپەکار خۆت مەڵاس مەدە بۆ ماڵی کەسی ڕاستودروست، هەڵمەکوتە سەر جێی حەسانەوەی،
16 Sapagkat kung ang isang taong gumagawa ng tama ay bumagsak ng pitong beses, siya ay tatayo muli, ngunit ang mga masasama ay ibabagsak ng kalamidad.
چونکە کەسی ڕاستودروست حەوت جار دەکەوێت و هەڵدەستێتەوە، بەڵام کارەسات بەدکاران تێکدەشکێنێت.
17 Huwag magdiwang kapag ang iyong kaaway ay bumagsak at huwag hayaan ang iyong puso ay magalak kapag siya ay nadapa,
بە ساتمەکردنی دوژمنت شاد مەبە، بە کەوتنیشی دڵت خۆش نەبێت،
18 o si Yahweh ay makikita at tututulan at tatalikuran ang kaniyang galit mula sa kaniya.
نەوەک یەزدان ببینێت و بەلایەوە خراپ بێت، جا تووڕەیی خۆی لێ بگێڕێتەوە.
19 Huwag kang mag-alala dahil sa kanila na gumagawa ng mga masasamang bagay, at huwag kang mainggit sa mga masasamang tao,
مەراق لە خراپەکاران مەخۆ، ئیرەیی بە بەدکاران مەبە،
20 sapagkat ang masamang tao ay walang kinabukasan, at ang ilawan ng masama ay mamamatay.
چونکە خراپەکار دواڕۆژی نابێت و چرای بەدکاران دەکوژێتەوە.
21 Matakot kay Yahweh, at matakot sa hari, aking anak; huwag makisama sa mga naghihimagsik laban sa kanila,
ڕۆڵە، لە یەزدان و پاشا بترسە، تێکەڵی یاخیبووەکان مەبە،
22 sapagkat darating nang biglaan ang kanilang kapamahakan at sino ang nakakaalam nang lawak ng pagkawasak na parehong darating mula sa kanila?
چونکە بەڵایان لەپڕ دێت، بەڵای هەردووکیان کێ دەیزانێت؟
23 Ito rin ang mga kasabihan ng matalino. Ang pagkiling sa paghahatol ng isang kaso sa batas ay hindi mabuti.
هەروەها ئەمەش قسەی دانایانە: لایەنگریکردن لە دادوەری باش نییە.
24 Sinuman ang nagsasabi sa may kasalanan, “Ikaw ay nasa tama,” ay susumpain ng mga tao at kapopootan ng mga bansa.
ئەوەی بە بەدکار بڵێت: «تۆ بێتاوانی،» گەلان نەفرەتی لێ دەکەن و نەتەوەکان تاوانباری دەکەن.
25 Pero sila na pinagsasabihan ang masama ay magkakaroon ng galak, at ang mga kaloob nang kabutihan ay darating sa kanila.
بەڵام ئەوانەی بەدکار تاوانبار دەکەن دەکەونە خۆشی و بەرەکەتی باشیان بەسەردا دەڕژێت.
26 Ang isang nagbibigay ng tapat na sagot ay nagbibigay ng halik sa mga labi.
وەڵامی ڕاست وەک ماچی لێوە.
27 Ihanda mo ang iyong panlabas na gawain, at gawin mong handa ang lahat para sa iyong sarili sa bukirin; pagkatapos noon, itayo mo ang iyong bahay.
کاروباری خۆت لە دەرەوە ڕاپەڕێنە و لە کێڵگەکەت ئامادەی بکە، دوای ئەمە ماڵی خۆت بنیاد بنێ.
28 Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapwa nang walang dahilan at huwag kang manlinlang gamit ang iyong mga labi.
بەبێ هۆ لە دژی دراوسێکەت شایەتی مەدە، بە لێوەکانت فێڵ مەکە.
29 Huwag mong sabihing, “Gagawin ko sa kaniya kung ano ang ginawa niya sa akin; babalikan ko siya dahil sa kaniyang ginawa.”
مەڵێ: «چی لێکردووم، ئاوای لێ دەکەم، سزای ئەو پیاوە بەپێی کردەوەکەی دەدەمەوە.»
30 Dumaan ako sa bukirin ng isang tamad na tao, lagpas sa ubasan ng taong walang isip.
بەلای کێڵگەی پیاوی تەمبەڵ تێپەڕیم، بەلای ڕەزەمێوی کەسی تێنەگەیشتووش.
31 Ang mga tinik ay tumubo sa lahat ng dako, ang lupa ay nababalot ng halamang matinik at ang batong pader nito ay sira.
چقڵ هەمووی داگرتبوو، گەزگەزکە هەمووی داپۆشی بوو، کەڵەکە بەردەکانی ڕووخابوو.
32 Pagkatapos ay nakita ko at pinag-isipan ito; tumingin ako at nakatanggap ng katuruan.
تەماشام کرد و لە دڵی خۆمدا لێکم دایەوە، بینیم و وانەم لێ وەرگرت:
33 Kaunting tulog, kaunting idlip, kaunting pagtitiklop ng mga kamay para magpahinga—
کەمێک خەوتن، کەمێک خەواڵووبوون، کەمێکیش دەست تێکنان بۆ ڕاکشان،
34 at ang kahirapan ay pupunta sa iyo tulad ng isang magnanakaw at ang iyong mga pangangailangan ay pupunta sa iyo tulad ng isang armadong sundalo.
ئینجا هەژاریت وەک چەتە دێت، نەبوونیشت وەک چەکدار.

< Mga Kawikaan 24 >