< Mga Kawikaan 24 >
1 Huwag kang mainggit sa mga masasama, ni hangarin na makisama sa kanila,
Pis adamlara qibtə etmə, Onlara qoşulmaq istəmə.
2 dahil ang kanilang mga puso ay nagbabalak ng karahasan, at ang kanilang mga labi ay nag-uusap tungkol sa kaguluhan.
Çünki ürəklərində zalımlığı fikirləşər, Dilləri qəddarlıqdan danışar.
3 Sa pamamagitan ng karunungan ang isang bahay ay naitatayo at sa kaunawaan ito ay naitatatag.
Ev hikmətlə tikilər, Dərrakə ilə möhkəmlənər.
4 Sa kaalaman ang mga silid ay puno ng lahat ng mga mamahalin at kaaya-ayang kayamanan.
Mənzillər bilik vasitəsilə, Hər cür dəyərli, yaxşı şeylərlə dolar.
5 Ang isang matalinong tao ay nagpapatunay na malakas, at ang isang taong mayroong kaalaman ay mas maigi kaysa sa isang malakas,
Hikmətli kişi qüvvətli olar, Bilikli adam öz gücünü artırar.
6 sapagkat sa matalinong mga utos kaya mong itaguyod ang iyong digmaan, at kasama ang maraming mga tagapangaral mayroong tagumpay.
Düzgün məsləhətlə müharibə edə bilərsən, Doğru nəsihət verən çoxdursa, qələbəyə çatarsan.
7 Ang karunungan ay masyadong mataas para sa isang mangmang; sa tarangkahan hindi niya binubuksan ang kaniyang bibig.
Səfeh üçün hikmət əlçatmazdır, Darvazada susub ağzını açmır.
8 Mayroong isang nagbabalak na gumawa ng masama— tinatawag siya ng mga tao na bihasa sa mga masamang balakin.
Şər quran fitnəkar adlanar,
9 Ang isang hangal na hangarin ay kasalanan, at ang mga tao ay hinahamak ang nangungutya.
Səfehin pis əməlləri günah sayılar, Rişxəndçilər insanlarda ikrah yaradar.
10 Kung ipinapakita mo ang iyong kaduwagan sa araw ng kaguluhan, kung gayon ang iyong lakas ay hindi sapat.
Dar gündə taqətdən düşsən, Necə də zəif adamsan!
11 Sagipin mo silang mga inilalayo papunta sa kamatayan, at pigilan mo silang mga nalilito papunta sa pagpatay.
Ölümə aparılanları qurtar, Qırğın təhlükəsi altında olanları geri çək.
12 Kung sinabi mo, “Diyan! Wala kaming alam tungkol dito.” Hindi ba't ang Siyang nagtitimbang ng puso ay naiintindihan kung ano ang sinasabi mo? At Siyang nagbabantay ng iyong buhay, hindi ba niya alam ito? At hindi ba ibibigay ng Diyos sa bawat isa kung ano ang karapat-dapat sa kaniya?
Desən ki, bax bundan xəbərim yox idi, Ürəkləri yoxlayan bunu görməzmi? Canını qoruyan bunu bilməzmi? İnsan əməlinə görə Ondan əvəz almazmı?
13 Aking anak, kumain ng pulot dahil ito ay mabuti, dahil ang mga katas ng pulut-pukyutan ay matamis sa iyong panlasa.
Oğlum, bal ye, xeyri var, Şanı balının şirin dadı damağında qalar.
14 Katulad nito ang karunungan para sa iyong kaluluwa— kung nahanap mo ito, magkakaroon ng kinabukasan at ang iyong pag-asa ay hindi mapuputol.
Bil ki, hikmət də canın üçün belə olar, Onu tapsan, nəticəsi də var, Ümidin boşa çıxmaz.
15 Huwag kang mag-abang tulad ng mga masasamang tao na lumulusob sa bahay ng mga gumagawa ng mabuti. Huwag mong wasakin ang bahay niya!
Ey şər insan, salehin yurdu üçün pusqu qurma, Onun evini soyma.
16 Sapagkat kung ang isang taong gumagawa ng tama ay bumagsak ng pitong beses, siya ay tatayo muli, ngunit ang mga masasama ay ibabagsak ng kalamidad.
Saleh yeddi dəfə yıxılsa belə, yenə qalxar, Şər insan büdrəsə, bəlaya düçar olar.
17 Huwag magdiwang kapag ang iyong kaaway ay bumagsak at huwag hayaan ang iyong puso ay magalak kapag siya ay nadapa,
Düşməninin yıxılmasına sevinmə, Onun büdrəməsinə görə ürəyin fərəhlənməsin.
18 o si Yahweh ay makikita at tututulan at tatalikuran ang kaniyang galit mula sa kaniya.
Yoxsa Rəbb görər, bundan xoşu gəlməz, Düşmənin üzərindən qəzəbini götürər.
19 Huwag kang mag-alala dahil sa kanila na gumagawa ng mga masasamang bagay, at huwag kang mainggit sa mga masasamang tao,
Pislik edənlərə görə qəzəblənmə, Şər insanlara qibtə etmə,
20 sapagkat ang masamang tao ay walang kinabukasan, at ang ilawan ng masama ay mamamatay.
Çünki pis insanın axırı yoxdur, Şər adamın çırağı sönər.
21 Matakot kay Yahweh, at matakot sa hari, aking anak; huwag makisama sa mga naghihimagsik laban sa kanila,
Oğlum, Rəbdən və padşahdan qorx, Xəyanətkarlarla yoldaş olmaqdan çəkin.
22 sapagkat darating nang biglaan ang kanilang kapamahakan at sino ang nakakaalam nang lawak ng pagkawasak na parehong darating mula sa kanila?
Onların bəlası qəfildən gəlir. Hər ikisinin verəcəyi cəzanı kim bilir?
23 Ito rin ang mga kasabihan ng matalino. Ang pagkiling sa paghahatol ng isang kaso sa batas ay hindi mabuti.
Bu sözləri də hikmətlilər deyib: Məhkəmədə tərəfkeşlik etmək yaxşı deyil.
24 Sinuman ang nagsasabi sa may kasalanan, “Ikaw ay nasa tama,” ay susumpain ng mga tao at kapopootan ng mga bansa.
Pis insana «sən salehsən» deyəni xalqlar qınayar, Ümmətlər lənət yağdırar.
25 Pero sila na pinagsasabihan ang masama ay magkakaroon ng galak, at ang mga kaloob nang kabutihan ay darating sa kanila.
Amma onu danlayanlar xeyir tapar, Başlarından bol bərəkət yağar.
26 Ang isang nagbibigay ng tapat na sagot ay nagbibigay ng halik sa mga labi.
İnsana doğru cavab verən Sanki onun üzündən öpər.
27 Ihanda mo ang iyong panlabas na gawain, at gawin mong handa ang lahat para sa iyong sarili sa bukirin; pagkatapos noon, itayo mo ang iyong bahay.
Əvvəlcə çöldəki işini qurtar, Zəmi sal, sonra evini tik.
28 Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapwa nang walang dahilan at huwag kang manlinlang gamit ang iyong mga labi.
Qonşunun əleyhinə haqsız şahidlik etmə, Qoy dilindən yalan söz çıxmasın.
29 Huwag mong sabihing, “Gagawin ko sa kaniya kung ano ang ginawa niya sa akin; babalikan ko siya dahil sa kaniyang ginawa.”
Demə: «Mənə etdiyini mən də ona edəcəyəm, Onun əməlinin əvəzini verəcəyəm».
30 Dumaan ako sa bukirin ng isang tamad na tao, lagpas sa ubasan ng taong walang isip.
Tənbəlin zəmisindən, Qanmazın üzümlüyündən keçdim.
31 Ang mga tinik ay tumubo sa lahat ng dako, ang lupa ay nababalot ng halamang matinik at ang batong pader nito ay sira.
Gördüm hər yanı tikan basıb, Gicitkən bürüyüb, daşı-divarı uçub.
32 Pagkatapos ay nakita ko at pinag-isipan ito; tumingin ako at nakatanggap ng katuruan.
Baxaraq ona diqqət yetirdim, Bundan ibrət götürdüm:
33 Kaunting tulog, kaunting idlip, kaunting pagtitiklop ng mga kamay para magpahinga—
Bir az da uzanıb yuxuya dalsan, Əl-qolunu uzadaraq yatsan,
34 at ang kahirapan ay pupunta sa iyo tulad ng isang magnanakaw at ang iyong mga pangangailangan ay pupunta sa iyo tulad ng isang armadong sundalo.
Yoxsulluq üstünə soyğunçu kimi, Ehtiyac üstünə quldur kimi hücum çəkər.