< Mga Kawikaan 23 >
1 Kapag ikaw ay umupo para kumain kasama ang isang pinuno, magmasid ng mabuti kung ano ang nasa harap mo,
Ki te noho tahi korua ko te rangatira ki te kai, ata whakaaroa marietia tera i tou aroaro:
2 at maglagay ng isang kutsilyo sa iyong lalamunan kung ikaw ay isang tao na gustong kumain ng maraming mga pagkain.
Whakapakia he maripi ki tou korokoro, ki te mea he tangata kakai koe.
3 Huwag naisin ang kaniyang napakasarap na pagkain, dahil ito ay pagkain nang kasinungalingan.
Kaua e hiahia ki ana mea reka: he kai tinihanga hoki era.
4 Huwag magtrabaho ng sobrang hirap para lang ikaw ay maging mayaman; maging marunong para malaman kung kailan titigil.
Kaua e taruke ki te mea taonga: kati tau mea ki tou matauranga.
5 Kapag ang iyong mga mata ay nagliliwanag sa pera, nawala na ito, at bigla itong nagkakaroon ng mga pakpak at lumilipad sa himpapawid tulad ng isang agila.
E anga mai ranei ou kanohi ki taua mea korekore nei? He pono hoki ka whai parirau te taonga, koia ano kei te ekara, rere ana whaka te rangi.
6 Huwag kakainin ang pagkain ng isang masamang tao- isang tao na nakatingin nang napakatagal sa iyong pagkain- at huwag naisin ang kaniyang masarap na mga pagkain,
Kaua e kainga te kai a te tangata kanohi kino, kei minamina hoki koe ki ana mea reka.
7 sapagkat siya ang uri ng tao na inaalam ang halaga ng pagkain. “Kumain at uminom!” sabi niya sa iyo, pero ang kaniyang puso ay wala sa iyo.
Ko tana hoki e mea ai i roto i a ia, pera tonu ia: E kai, e inu; koia tana kupu ki a koe; kahore ia ona ngakau ki a koe.
8 Iyong isusuka ang kakaunting kinain mo, at sasayangin mo ang iyong mga mabubuting sasabihin.
Ko te kongakonga i kainga e koe, ka ruakina e koe, ka maumauria ano hoki au kupu reka.
9 Huwag magsasalita na naririnig ng isang mangmang, sapagkat kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita.
Kaua e korero ki nga taringa o te kuware; ka whakahawea hoki ia ki te whakaaro nui o au kupu.
10 Huwag mong aalisin ang sinaunang hangganang bato o angkinin ang mga bukirin ng mga ulila,
Kei whakanekehia e koe te rohe tawhito; kei haere koe ki nga mara a te pani:
11 sapagkat ang kanilang Tagapagligtas ay malakas, at ipangangatuwiran niya ang kanilang kapakanan laban sa iyo.
No te mea he kaha to ratou kaiwhakaora; ka tohea e ia ta ratou tohe ki a koe.
12 Ilagay ang iyong puso sa pagtuturo at buksan ang iyong mga tainga sa mga salita ng karunungan.
Anga atu tou ngakau ki te ako, me ou taringa ki nga kupu o te matauranga.
13 Huwag pigilin ang disiplina sa isang bata,
Kaua e tohungia te whiu ki te tamaiti: ki te patua hoki ia e koe ki te rakau, e kore ia e mate.
14 dahil kung siya ay iyong papaluin, siya ay hindi mamamatay. Kung siya ay iyong papaluin, iyong ililigtas ang kaniyang kaluluwa mula sa sheol. (Sheol )
Tatatia ia e koe ki te rakau, a ka whakaorangia e koe tona wairua i te reinga. (Sheol )
15 Aking anak, kung ang iyong puso ay marunong, sa gayon ang aking puso ay magiging masaya rin;
E taku tama, ki te whakaaro nui tou ngakau, ka koa hoki toku ngakau, ae ra, toku nei ano:
16 ang aking kaloob-looban ay magagalak kapag ang iyong labi ay magsasalita ng nang matuwid.
Ae ra, ka hari oku whatumanawa, ina korero ou ngutu i nga mea tika.
17 Huwag mong hayaang mainggit ang iyong puso sa mga makasalanan, pero magpatuloy sa takot kay Yahweh sa buong araw.
Kei hae tou ngakau ki te hunga hara; engari kia wehi koe ki a Ihowa, a pau noa te ra.
18 Siguradong may kinabukasan at ang iyong pag-asa ay hindi mapuputol.
He pono hoki tera ano he whakautu; e kore ano hoki tau i tumanako ai e hatepea atu.
19 Makinig, aking anak, at maging matalino at patnubayan ang iyong puso sa daan.
Whakarongo ra, e taku tama, kia whai whakaaro hoki koe, a whakatikaia tou ngakau i te ara.
20 Huwag makikisama sa mga lasenggero, o sa mga matatakaw na kumakain ng karne,
Kei uru ki te hunga kakai waina; ki te hunga pukukai kikokiko:
21 dahil ang lasenggero at ang matakaw ay nagiging mahirap, at ang naiidlip ay madadamitan ng mga basahan.
No te mea ka tutuki tahi te tangata inu raua ko te tangata kakai ki te rawakore; he tawhetawhe hoki te kakahu a te momoe mo te tangata.
22 Makinig sa iyong ama na nag-alaga sa iyo at huwag hamakin ang iyong ina kung matanda na siya.
Whakarongo ki tou papa nana koe; kaua hoki e whakahawea ki tou whaea ina ruruhi ia.
23 Bilhin ang katotohanan, ngunit huwag itong ipagbili; bilhin ang karunungan, disiplina at pang-unawa.
Hokona te pono, kaua hoki e whakawhitiwhitia; ae ra, te whakaaro nui, te ako hoki, me te matauranga.
24 Ang ama ng isang gumagawa ng matuwid ay labis na magagalak at siya na nag-alaga sa isang matalinong bata ay matutuwa sa kaniya.
Nui atu hoki te koa o te papa o te tangata tika; a, ko te tangata e whanau he tama whakaaro nui mana, ka hari ia ki a ia.
25 Hayaang matuwa ang iyong ama at ang iyong ina at hayaang magsaya ang siyang nagsilang sa iyo.
Kia hari tou papa raua ko tou whaea, ina, kia koa te wahine i whanau ai koe.
26 Aking anak, ituon mo sa akin ang iyong puso, at hayaan mong mamasdan ng iyong mga mata ang aking mga paraan.
E taku tama, homai tou ngakau ki ahau, kia manako ano hoki ou kanohi ki aku ara.
27 Dahil ang isang bayarang babae ay isang malalim na hukay at ang asawa ng ibang lalaki ay isang makitid na hukay.
No te mea he rua hohonu te wahine kairau; he poka kuiti te wahine ke.
28 Siya ay nag-aabang katulad ng isang magnanakaw at siya ay nagdadagdag ng bilang ng mga traydor sa sangkatauhan.
Ae ra, ka whanga ia ano he kaipahua, a ka whakatokomahatia e ia nga tangata poka ke.
29 Sino ang may kasawian? Sino ang may kalungkutan? Sino ang may mga laban? Sino ang nagrereklamo? Sino ang may mga sugat na walang dahilan? Sino ang may matang namumula?
Ko wai e aue? Ko wai e tangi? Ko wai e totohe? Ko wai e ngangautia? Ko wai e maru, he mea takekore? Ko wai e whero tonu ona kanohi?
30 Silang sugapa sa alak, sila na sinusubukan ang pinaghalong alak.
Ko te hunga e noho roa ana ki te waina; ko te hunga e haere ana ki te rapu i te waina whakaranu.
31 Huwag tumingin sa alak kung ito ay mapula, kung ito ay kumikinang sa tasa at bumaba nang tuloy-tuloy.
Kaua e titiro ki te waina i te mea e whero ana, ina puta tona kara i roto i te kapu, ina mania tona heke.
32 Sa bandang huli ito ay tumutuklaw katulad ng isang ulupong at ito ay kumakagat tulad ng isang ahas.
Tona tukunga iho ano he nakahi e ngau ana, koia ano kei te wero a te neke.
33 Ang iyong mga mata ay makakakita ng kakaibang mga bagay at ang iyong puso ay magsasabi ng napakasamang mga bagay.
E kite hoki ou kanohi i nga mea rereke, a ka puta he kupu rereke i tou ngakau.
34 Ikaw ay magiging gaya ng isang natutulog sa mataas na karagatan o humihiga sa ibabaw ng isang duyan.
Ae ra, ka rite koe ki te tangata e takoto ana i waenga moana, ki te tangata ranei e takoto ana i te tihi o te rewa.
35 “Tinamaan nila ako!” iyong sasabihin, “pero ako ay hindi nasaktan. Binugbog nila ako, pero hindi ko ito naramdaman. Kailan ako magigising? Maghahanap ako ng isa pang maiinom.”
A ka mea koe, Patua ana ahau e ratou, a kihai ahau i mamae; tatatia ana ahau e ratou, a kihai ahau i mohio: a hea ahau ara ake ai? Ka rapua ano e ahau.