< Mga Kawikaan 22 >
1 Ang isang magandang pangalan ay dapat piliin higit pa sa labis na kayamanan, at mas mainam ang kagandahan ng loob kaysa sa pilak at ginto.
美名勝過大財; 恩寵強如金銀。
2 Ang mayaman at mahirap na mga tao ay mayroong pagkakatulad— si Yahweh ang tagapaglikha nilang lahat.
富戶窮人在世相遇, 都為耶和華所造。
3 Ang isang marunong na tao ay nakikita ang kaguluhan at itinatago ang kaniyang sarili, pero ang walang karanasan na mga tao ay magpapatuloy at magdurusa dahil dito.
通達人見禍藏躲; 愚蒙人前往受害。
4 Ang gantimpala sa pagpapakumbaba at takot kay Yahweh ay kayamanan, karangalan at buhay.
敬畏耶和華心存謙卑, 就得富有、尊榮、生命為賞賜。
5 Ang mga tinik at mga patibong ay nakalatag sa daan ng sutil; kung sino man ang mag-ingat ng kaniyang buhay ay papanatilihing malayo mula sa kanila.
乖僻人的路上有荊棘和網羅; 保守自己生命的,必要遠離。
6 Turuan ang isang bata sa daan kung saan siya nararapat pumunta, at kapag siya ay matanda na hindi siya tatalikod mula sa bilin na iyon.
教養孩童,使他走當行的道, 就是到老他也不偏離。
7 Ang mayayamang tao ay pinamumunuan ang mahihirap na tao, at ang isa na siyang humihiram ay isang alipin sa isa na siyang nagpapahiram.
富戶管轄窮人; 欠債的是債主的僕人。
8 Siyang naghahasik ng kasamaan ay mag-aani ng kaguluhan, at ang pamalo ng kaniyang matinding galit ay magiging walang pakinabang.
撒罪孽的,必收災禍; 他逞怒的杖也必廢掉。
9 Ang isang mapagbigay na mata ay pagpapalain, sapagkat siya ay nagbabahagi ng kaniyang tinapay sa mahihirap.
眼目慈善的,就必蒙福, 因他將食物分給窮人。
10 Itaboy ang mangungutya at aalis ang alitan; ang mga hindi pagkakaunawaan at mga panlalait ay matitigil.
趕出褻慢人,爭端就消除; 紛爭和羞辱也必止息。
11 Ang siyang nagmamahal ng isang busilak na puso at ang salita ay magiliw, siya ay magiging kaibigan ng hari.
喜愛清心的人因他嘴上的恩言, 王必與他為友。
12 Ang mga mata ni Yahweh ay nanatiling nakamasid sa kaalaman, ngunit ibabagsak niya ang mga salita ng taksil.
耶和華的眼目眷顧聰明人, 卻傾敗奸詐人的言語。
13 Sinasabi ng tamad na tao, “Mayroong isang leon sa lansangan! Ako ay mapapatay sa mga hayag na lugar.”
懶惰人說:外頭有獅子; 我在街上就必被殺。
14 Ang bibig ng isang babaeng nangangalunya ay isang malalim na hukay; ang galit ni Yahweh ay sumiklab laban sa sinuman na mahulog dito.
淫婦的口為深坑; 耶和華所憎惡的,必陷在其中。
15 Ang kahangalan ay nasa puso ng isang bata, pero ang pamalo ng pagdisiplina ay nagpapaalis dito.
愚蒙迷住孩童的心, 用管教的杖可以遠遠趕除。
16 Ang isa na siyang nagpapahirap sa mahihirap na tao para lumago ang kaniyang karangyaan, o nagbibigay para sa mayayamang tao, ay magiging isang mahirap.
欺壓貧窮為要利己的, 並送禮與富戶的,都必缺乏。
17 Magbigay pansin at pakinggan ang mga salita ng mga matalino at idulog ang iyong puso sa aking kaalaman,
你須側耳聽受智慧人的言語, 留心領會我的知識。
18 dahil magiging kaaya-aya ito para sa iyo kung panatilihin mo ang mga ito sa iyo, kung lahat ng ito ay handa sa iyong mga labi.
你若心中存記, 嘴上咬定,這便為美。
19 Sa gayon, mailagak kay Yahweh ang iyong tiwala, ituturo ko ang mga ito sa inyo ngayon— maging sa iyo.
我今日以此特特指教你, 為要使你倚靠耶和華。
20 Hindi ko ba naisulat sa iyo ang tatlumpung kasabihan ng tagubilin at kaalaman,
謀略和知識的美事, 我豈沒有寫給你嗎?
21 para ituro sa iyo ang katotohanan sa mga mapagkakatiwalaang mga salitang ito, sa gayon maaaring kang makapagbigay ng mapagkakatiwalaang mga sagot sa mga nagpadala sa iyo?
要使你知道真言的實理, 你好將真言回覆那打發你來的人。
22 Huwag mo pagnakawan ang mahirap na tao, dahil siya ay mahirap, o wasakin ang nangangailangang tao sa tarangkahan,
貧窮人,你不可因他貧窮就搶奪他的物, 也不可在城門口欺壓困苦人;
23 dahil si Yahweh ang mangangatwiran sa kanilang kaso, at nanakawin niya ang buhay na siyang nagnakaw sa kanila.
因耶和華必為他辨屈; 搶奪他的,耶和華必奪取那人的命。
24 Huwag ka makipagkaibigan sa isang tao na siyang pinamumuan ng galit, at huwag kang sumama sa isang nagagalit nang labis,
好生氣的人,不可與他結交; 暴怒的人,不可與他來往;
25 o matututunan mo ang kaniyang mga pamamaraan, at papaluputan mo ang iyong sarili sa isang patibong.
恐怕你效法他的行為, 自己就陷在網羅裏。
26 Huwag kang makiisa sa nagbibigay ng nakakagapos na mga panunumpa tungkol sa pera, at huwag kang magbibigay ng kasiguraduhan para sa mga pagkakautang ng iba.
不要與人擊掌, 不要為欠債的作保。
27 Kung kulang ka ng pamamaraan para magbayad, ano ang makakapigil sa isang tao mula sa pagkuha ng iyong higaan mula sa iyo?
你若沒有甚麼償還, 何必使人奪去你睡臥的床呢?
28 Huwag mong alisin ang sinaunang batong nagtatakda ng hangganan na inalagay ng iyong mga ama.
你先祖所立的地界, 你不可挪移。
29 Nakikita mo ba ang isang bihasang lalaki sa kaniyang gawain? Siya ay tatayo sa harapan ng mga hari; hindi siya tatayo sa harapan ng pangkaraniwang mga tao.
你看見辦事殷勤的人嗎? 他必站在君王面前, 必不站在下賤人面前。