< Mga Kawikaan 21 >
1 Ang puso ng hari ay isang batis ng tubig sa kamay ni Yahweh; siya ang pumapatnubay dito kahit saan niya naisin.
王的心在耶和華手中, 好像隴溝的水隨意流轉。
2 Ang bawat pamamaraan ng tao ay maaaring tama sa kaniyang paningin, ngunit si Yahweh ang sumusukat ng mga puso.
人所行的,在自己眼中都看為正; 惟有耶和華衡量人心。
3 Ang paggawa ng kung ano ang tama at makatarungan ay mas katanggap-tanggap kay Yahweh kaysa sa sakripisyo.
行仁義公平 比獻祭更蒙耶和華悅納。
4 Ang mapagmalaking mga mata at mapagmataas na puso - ang ilawan ng masama - ay kasalanan.
惡人發達,眼高心傲, 這乃是罪。
5 Ang mga plano ng masipag ang tanging daan sa kasaganahan, ngunit ang lahat ng kumikilos ng masyadong mabilis ay sasapit lamang sa kahirapan.
殷勤籌劃的,足致豐裕; 行事急躁的,都必缺乏。
6 Ang pagtamo ng kayamanan ng isang sinungaling na dila ay panandaliang singaw at isang patibong na nakamamatay.
用詭詐之舌求財的,就是自己取死; 所得之財乃是吹來吹去的浮雲。
7 Ang karahasan ng kasamaan ay tatangayin sila palayo, sapagkat sila ay tumatanggi na gawin kung ano ang patas.
惡人的強暴必將自己掃除, 因他們不肯按公平行事。
8 Ang paraan ng makasalanang tao ay liku-liko; ngunit ang taong dalisay ay gumagawa ng tama.
負罪之人的路甚是彎曲; 至於清潔的人,他所行的乃是正直。
9 Mas mabuti pang mamuhay sa sulok ng bubungan kaysa sa bahay na kahati ang palaaway na asawang babae.
寧可住在房頂的角上, 不在寬闊的房屋與爭吵的婦人同住。
10 Ang gana ng masama ay nagmimithi ng labis na kasamaan; ang kaniyang kalapit-bahay sa kaniyang mga mata ay walang nakikitang kabaitan.
惡人的心樂人受禍; 他眼並不憐恤鄰舍。
11 Kapag ang nangungutya ay naparusahan, ang mangmang ay nagiging matalino, at kapag ang taong marunong ay naturuan, nadadagdagan siya ng kaalaman.
褻慢的人受刑罰,愚蒙的人就得智慧; 智慧人受訓誨,便得知識。
12 Ang isang gumagawa ng tama ay binabantayan ang bahay ng masama; kaniyang dinadala ang masama sa kasiraan.
義人思想惡人的家, 知道惡人傾倒,必致滅亡。
13 Ang isa na hindi dininig ang iyak ng mga mahihirap na tao, kapag siya din ay umiyak, hindi siya maririnig.
塞耳不聽窮人哀求的, 他將來呼籲也不蒙應允。
14 Ang lihim na regalo ay nagpapahupa ng galit at ang isang tagong regalo ay nag-aalis nang matinding galit.
暗中送的禮物挽回怒氣; 懷中搋的賄賂止息暴怒。
15 Kapag ang katarungan ay tapos na, nagbibigay ito ng kagalakan sa gumagawa ng tama, ngunit ito ay nagdadala ng takot sa mga masasamang tao.
秉公行義使義人喜樂, 使作孽的人敗壞。
16 Ang siyang naliligaw sa daan ng pang-unawa, ay mamamahinga sa pagpupulong ng mga walang buhay.
迷離通達道路的, 必住在陰魂的會中。
17 Ang sinumang minamahal ang aliw ay magiging mahirap, ang taong minamahal ang alak at langis ay hindi magiging mayaman.
愛宴樂的,必致窮乏; 好酒,愛膏油的,必不富足。
18 Ang masamang tao ay magiging katubusan sa gumagawa ng tama, at ang hindi tapat ay katubusan para sa matuwid.
惡人作了義人的贖價; 奸詐人代替正直人。
19 Mas mabuti pang mamuhay sa disyerto kaysa makasama ang babaeng nagdudulot nang alitan at sobrang makapagreklamo.
寧可住在曠野, 不與爭吵使氣的婦人同住。
20 Ang pinakamahal na yaman at langis ay nasa tahanan ng matalino, ngunit inaaksaya ito ng mangmang na lalaki.
智慧人家中積蓄寶物膏油; 愚昧人隨得來隨吞下。
21 Ang gumagawa ng tama at mabait—ang taong ito ay makasusumpong ng buhay, katuwiran at karangalan.
追求公義仁慈的, 就尋得生命、公義,和尊榮。
22 Isang matalinong tao ang pumunta laban sa lungsod nang makapangyarihan, at kaniyang ginigiba ang matibay na moog na nagtatanggol nito.
智慧人爬上勇士的城牆, 傾覆他所倚靠的堅壘。
23 Sinumang nagbabantay sa kaniyang bibig at dila ay nag-iingat na hindi makasali sa gulo.
謹守口與舌的, 就保守自己免受災難。
24 Ang hambog at mapagmataas na tao - “mangungutya” ang kaniyang pangalan - kumikilos nang may pagmamataas na kayabangan.
心驕氣傲的人名叫褻慢; 他行事狂妄,都出於驕傲。
25 Ang pagnanais ng tamad ay pumapatay sa kaniyang sarili, dahil ang kaniyang mga kamay ay tumatanggi sa pagtatrabaho.
懶惰人的心願將他殺害, 因為他手不肯做工。
26 Buong araw siyang nagmimithi at nagmimithi nang labis, ngunit ang isang gumagawa ng tama ay nagbibigay at hindi nagpipigil.
有終日貪得無饜的; 義人施捨而不吝惜。
27 Ang alay ng masamang tao ay kasuklam-suklam; ito ay mas kasuklam-suklam pa kapag dinala niya ito ng may masasamang motibo.
惡人的祭物是可憎的; 何況他存惡意來獻呢?
28 Ang hindi totoong saksi ay mamamatay, ngunit ang isang nakikinig ay magsasalita sa lahat ng oras.
作假見證的必滅亡; 惟有聽真情而言的,其言長存。
29 Ang masamang lalaki ay ginagawa ang sarili na tila malakas, pero ang matuwid na tao ay maingat sa kaniyang mga kilos.
惡人臉無羞恥; 正直人行事堅定。
30 Walang karunungan, pag-unawa o payo na kayang makatalo kay Yahweh.
沒有人能以智慧、聰明、 謀略敵擋耶和華。
31 Ang kabayo ay handa para sa araw ng labanan, ngunit kay Yahweh ang tagumpay ay nabibilang.
馬是為打仗之日預備的; 得勝乃在乎耶和華。