< Mga Kawikaan 20 >

1 Ang alak ay mangungutya at ang matapang na inumin ay basag-ulero; ang sinumang naliligaw sa pamamagitan ng pag-inom ay hindi matalino.
酒は人をして嘲らせ 濃酒は人をして騒がしむ 之に迷はさるる者は無智なり
2 Ang takot sa hari ay katulad ng takot sa batang leon na umaatungal; ang sinumang maging dahilan ng kaniyang galit ay itinatapon ang kaniyang buhay.
王の震怒は獅の吼るがごとし 彼を怒らする者は自己のいのちを害ふ
3 Isang karangalan para sa sinuman ang umiwas sa hindi pagkakasundo, ngunit ang bawat hangal ay sumasali sa isang pagtatalo.
穏かに居りて争はざるは人の榮誉なりすべて愚なる者は怒り争ふ
4 Ang taong tamad ay hindi nag-aararo sa taglagas; siya ay naghahanap ng isang bunga sa panahon ng tag-ani ngunit hindi magkakaroon nang anuman.
惰者は寒ければとて耕さず この故に収穫のときにおよびて求るとも得るところなし
5 Ang mga layunin ng puso ng isang tao ay katulad ng malalim na tubig, ngunit ang isang taong may pang-unawa ay aalamin ito.
人の心にある謀計は深き井の水のごとし 然れど哲人はこれを汲出す
6 Maraming tao ang nagpapahayag na sila ay tapat, ngunit sino ang makakahanap ng isang taong matapat?
凡そ人は各自おのれの善を誇る されど誰か忠信なる者に遇しぞ
7 Ang taong gumagawa ng tama ay naglalakad sa kaniyang dangal, at ang kaniyang mga anak na lalaki na sumusunod sa kaniya ay masaya.
身を正しくして歩履む義人はその後の子孫に福祉あるべし
8 Ang isang hari na nakaupo sa trono na ginagampanan ang mga tungkulin ng isang hukom ay pinipili sa kaniyang mga mata ang lahat ng masasama na nasa harapan niya.
審判の位に坐する王はその目をもてすべての惡を散す
9 Sino ang maaaring magsabi, “Pinapanatili kong malinis ang aking puso; Ako ay malaya mula sa aking kasalanan”?
たれか我わが心をきよめ わが罪を潔められたりといひ得るや
10 Ang magkakaibang timbang at hindi pantay na mga sukat— parehong kinapopootan ang mga ito ni Yahweh.
二種の權衡二種の斗量は等しくヱホバに憎まる
11 Maging ang isang kabataan ay nakikilala sa kaniyang mga kilos, kung ang kaniyang pag-uugali ay dalisay at matuwid.
幼子といへどもその動作によりておのれの根性の清きか或は正しきかをあらはす
12 Ang mga tainga na nakakarinig at ang mga mata na nakakakita— parehong ginawa ito ni Yahweh.
聴くところの耳と視るところの眼とはともにヱホバの造り給へるものなり
13 Huwag mahalin ang pagtulog o ikaw ay darating sa paghihirap; buksan mo ang iyong mga mata at ikaw ay magkakaroon ng maraming kakainin.
なんぢ睡眠を愛すること勿れ 恐くは貧窮にいたらん 汝の眼をひらけ 然らば糧に飽べし
14 '“Masama! Masama!” sabi ng mga bumibili, pero kapag umalis siya, siya ay nagmamayabang.
買者はいふ惡し惡しと 然れど去りて後はみづから誇る
15 Mayroong ginto at kasaganaan sa mamahaling mga bato, ngunit ang mga labi ng kaalaman ay isang mamahaling hiyas.
金もあり眞珠も多くあれど貴き器は知識のくちびるなり
16 Ang sinumang nagbibigay ng kasiguruhan para sa utang ng iba, kuhanan mo ng damit bilang sangla.
人の保證をなす者よりは先その衣をとれ 他人の保證をなす者をばかたくとらへよ
17 Ang tinapay na nakamit sa pamamagitan ng panlilinlang ay matamis sa panlasa, ngunit pagkatapos ang kaniyang bibig ay mapupuno ng graba.
欺きとりし糧は人に甜し されど後にはその口に沙を充されん
18 Ang mga plano ay pinagtitibay sa pamamagitan ng payo, at sa marunong na patnubay lamang ay dapat kang makipaglaban.
謀計は相議るによりて成る 戦はんとせば先よく議るべし
19 Ang tsismis ay nagbubunyag ng mga lihim, at kaya hindi ka dapat makisama sa mga taong nagsasalita ng sobra.
あるきめぐりて人の是非をいふ者は密事をもらす 口唇をひらきてあるくものと交ること勿れ
20 Kapag isinusumpa ng isang tao ang kaniyang ama o kaniyang ina, ang kaniyang ilawan ay papatayin sa kalagitnaan ng kadiliman.
おのれの父母を罵るものはその燈火くらやみの中に消ゆべし
21 Ang isang mana na madaling nakamit sa simula ay gagawa ng mas kaunting kabutihan sa bandang huli.
初に俄に得たる産業はその終さいはひならず
22 Huwag sabihing, “Gagantihan kita para sa pagkakamaling ito!” Hintayin si Yahweh at siya ang sasagip sa iyo.
われ惡に報いんと言ふこと勿れ ヱホバを待て 彼なんぢを救はん
23 Kinamumuhian ni Yahweh ang mga hindi parehas na timbang, at ang hindi tapat na mga timbangan ay hindi mabuti.
二種の分銅はヱホバに憎まる 虚偽の權衡は善らず
24 Ang mga hakbang ng isang tao ay pinapatnubayan ni Yahweh; paano niya mauunawaan ang kaniyang paraan kung gayon?
人の歩履はヱホバによる 人いかで自らその道を明かにせんや
25 Isang patibong para sa isang tao ang pagsasabi nang padalus-dalos, “Ang bagay na ito ay banal,” at iniisip lamang ang kahulugan pagkatapos niyang masabi ang kaniyang panata.
漫に誓願をたつることは其人の罟となる誓願をたててのちに考ふることも亦然り
26 Ang marunong na hari ay inihihiwalay ang masama, at pagkatapos sinasagasaan ng panggiik na kariton sa ibabaw nila.
賢き王は箕をもて簸るごとく惡人を散し 車輪をもて碾すごとく之を罰す
27 Ang espiritu ng isang tao ay ang ilawan ni Yahweh, hinahanap ang lahat ng kaniyang kaloob-loobang mga bahagi.
人の霊魂はヱホバの燈火にして人の心の奥を窺ふ
28 Ang tipan ng katapatan at pagtitiwala ay nangangalaga sa hari; ang kaniyang trono ay iniingatan sa pamamagitan ng pag-ibig.
王は仁慈と眞実をもて自らたもつ その位もまた恩恵のおこなひによりて堅くなる
29 Ang dangal ng mga kabataang lalaki ay ang kanilang kalakasan, at ang karangyaan ng matatanda ay ang kanilang mga uban.
少者の榮はその力 おいたる者の美しきは白髪なり
30 Ang mga hampas na sumusugat, nililinis ang kasamaan, at ang mga palo ay nililinis ang mga kaloob-loobang mga bahagi.
傷つくまでに打たば惡きところきよまり 打てる鞭は腹の底までもとほる

< Mga Kawikaan 20 >