< Mga Kawikaan 19 >
1 Mas mabuti ang isang mahirap na lumalakad nang may karangalan kaysa sa isang baluktot magsalita at isang mangmang.
窮而行為正直,勝於富而唇舌欺詐。
2 Gayon din, hindi mabuting magkaroon ng nais na walang karunungan at ang tumatakbo nang mabilis ay lumilihis sa landas.
熱誠無謀,誠不可取;步伐匆忙,難免失足。
3 Pinapahamak ng kamangmangan ng tao ang kaniyang buhay, at ang puso niya ay nagagalit laban kay Yahweh.
人因愚蠢自毀前途;他的心反遷怒上主。
4 Ang kayamanan ay nakadaragdag ng maraming kaibigan, pero ang mahirap ay hiwalay mula sa kaniyang mga kaibigan.
財富招來許多朋友,窮人卻為親朋所棄。
5 Ang bulaang saksi ay hindi makakaalis ng hindi napaparusahan, at hindi makakatakas ang siyang nabubuhay sa mga kasinungalingan.
作假見證的人,難免受罰;撒播謊言的人,勢必難逃。
6 Maraming hihingi ng tulong mula sa mapagbigay na tao, at lahat ay kaibigan ng siyang nagbibigay ng mga regalo.
大方的人,人人奉承;好施的人,人都諂媚。
7 Lahat ng mga kapatid ng mahirap ay napopoot sa kaniya; paano pa ang kaniyang mga kaibigan na lumalayo mula sa kaniya! Siya ay nananawagan sa kanila, pero sila ay naglaho na.
人窮兄弟恨,朋友更遠離;誰追求空言,是捕風捉影。
8 Ang nagsisikap na magkaroon ng karunungan ay nagmamahal sa kaniyang sariling buhay; ang nagpapanatili sa pang-unawa ay makatatagpo ng kabutihan.
獲得明哲的,必愛惜自己;珍惜明智的,必覓得幸福。
9 Ang bulaang saksi ay hindi makaaalis ng hindi mapaparusahan, ngunit mapapahamak ang mga nabubuhay sa kasinungalingan.
作假見證的人,難免受罰;撒播謊言的人,自趨滅亡。
10 Hindi angkop para sa isang mangmang na mamuhay ng may karangyaan— lalong hindi para sa isang alipin ang mamuno sa mga prinsipe.
安逸的生活,不適於愚人;奴隸管君主,更是不相宜。
11 Ang pag-iingat ay nagdudulot sa isang tao na hindi agad magalit at ang kaniyang dangal ay ang hindi pagpansin sa kasalanan.
明智的人,緩於發怒,寬恕愆尤,引以為榮。
12 Ang poot ng hari ay parang batang leon na umaatungal, pero ang kaniyang kagandahang loob ay katulad ng hamog sa mga damuhan.
君主的盛怒,有如獅子的怒吼;君王的恩惠,有如草上的朝露。
13 Kasiraan sa kaniyang ama ang isang mangmang na anak at ang mapang-away na asawang babae ay tulo ng tubig na walang tigil.
愚昧的兒子,是父親的災禍;吵鬧的女人,有如屋頂漏水。
14 Ang bahay at kayamanan ay namamana mula sa mga magulang, ngunit mula kay Yahweh ang masinop na asawang babae.
房屋與錢財,是父母的遺產;賢明的妻子,是上主的恩賜。
15 Hinahagis ng katamaran ang isang tao sa mahimbing na tulog, pero magugutom ang isang tao na ayaw maghanapbuhay.
懶慢怠惰,使人沉睡;閒蕩的人,必要挨餓。
16 Ang tumutupad ng kautusan ay nag-iingat ng kaniyang buhay, pero ang hindi pinag-iisipan ang kaniyang mga pamamaraan ay tiyak na mamamatay.
恪守上主誡命的,可保全生命;輕視上主道路的,必自趨喪亡。
17 Ang sinumang mabait sa mahihirap ay nagpapahiram kay Yahweh, at babayaran siya ni Yahweh dahil sa kaniyang ginawa.
向窮人施捨,是借貸於上主;對他的功德,上主必要報答。
18 Disiplinahin mo ang iyong anak habang may pag-asa pa, at huwag mong patatagin ang iyong kagustuhan na ilagay siya sa kamatayan.
尚有希望時,應懲罰兒子;但不可存心置他於死地。
19 Ang taong mainitin ang ulo ay dapat magbayad kung siya ay iyong sinagip, gagawin mo ito ulit sa pangalawang pagkakataon.
易怒的人,應當受罰:你越寬容,使他越乖戾。
20 Dinggin mo at sundin ang aking katuruan, at ikaw ay magiging marunong hanggang sa katapusan ng iyong buhay.
你應聽取勸告,接受教訓,使你今後成個明智的人。
21 Marami ang mga plano sa puso ng isang tao, pero ang layunin ni Yahweh ang siyang mananaig.
人在心中儘可策劃多端,實現的卻是上主的計劃。
22 Katapatan ang ninanais ng isang tao, at higit na mainam ang mahirap kaysa sa isang sinungaling.
慷慨為人有利,窮漢勝過騙子。
23 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay; ang gumagawa nito ay masisiyahan at ligtas sa kapahamakan.
敬畏上主,使人得生命,滿懷敬畏,必無殃無禍。
24 Binabaon ng batugan ang kaniyang kamay sa pagkain; hindi man lamang niya ito maibalik pataas sa kaniyang bibig.
懶惰人伸手到食盤,卻懶於送回到口邊。
25 Kapag iyong pinarusahan ang isang mangungutya, matututo pati ang walang pinag-aralan; itama mo ang may pang-unawa at lalawak ang kaniyang kaalaman.
你若杖責輕狂人,幼稚者將變明智;你只譴責明智者,他即更明瞭義理。
26 Ang isang ninanakawan ang kaniyang ama at pinapalayas ang kaniyang ina ay isang anak na nagdadala ng kahihiyan at kasiraan.
苛待父親,迫走母親的,實是卑賤可恥的兒子。
27 Kung hindi ka na makikinig sa katuruan, aking anak, ikaw ay mapapalayo mula sa mga salita ng kaalaman.
我兒,你停止聽取教訓,就是遠離智慧的訓言。
28 Ang masamang saksi ay kinukutya ang katarungan, at ang bibig ng masama ay lumulunok ng malaking kasalanan.
邪曲的見證,戲笑公義;惡人們的嘴,吞食不義。
29 Nakahanda ang paghatol sa mga mapangutya, at paghahagupit sa likod ng mga mangmang.
體刑是為輕狂人而設,鞭笞是為愚人背而備。