< Mga Kawikaan 18 >
1 Sinumang ihinihiwalay ang kaniyang sarili ay naghahangad ng sariling kagustuhan at siya ay nakikipagtalo sa lahat ng kaisipang may katuturan.
2 Hindi nakasusumpong ng kasiyahan sa pag-unawa ang isang hangal maliban sa paghahayag ng laman ng kaniyang puso.
3 Sa pagdating ng masama, kasama niya ay paghamak, kahihiyan at kasiraan.
4 Ang mga salitang mula sa bibig ng tao ay malalim na katubigan, ang bukal na pinagdadaluyan ng karunungan.
5 Hindi mabuti na pumanig sa masama o ang ipagkait ang katarungan sa mga matuwid.
6 Ang labi ng mangmang ay nagdadala ng alitan at ang kaniyang bibig ay nag-aanyaya ng kaguluhan.
7 Ang bibig ng mangmang ay ang kaniyang pagkasira, at ang kaniyang sarili ay nalilinlang ng kaniyang mga labi.
8 Ang mga salitang tsismis ay tulad ng masarap na pagkain, bumababa ito sa kaloob-looban ng katawan.
9 Sinumang tamad sa gawain ay kapatid sa taong mapanira.
10 Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tore; ang matuwid na tumatakbo patungo rito ay ligtas.
11 Ang kayamanan ng mayaman ay ang kaniyang tanggulang-lungsod, at sa kaniyang imahinasyon ito ay tulad ng isang mataas na pader.
12 Bago ang kaniyang pagbagsak, ang puso ng tao ay mapagmataas, pero ang kababaang-loob ay nauuna bago ang karangalan.
13 Sinumang sumasagot bago pa man makinig ay mangmang at kahiya-hiya.
14 Ang espiritu ng tao ay mananaig sa karamdaman, ngunit ang espiritung mahina, sino ang makatitiis?
15 Ang puso ng matalino ay nagkakamit ng kaalaman at ang pandinig ng marunong ay naghahangad nito.
16 Ang kaloob ng tao ay maaaring magbukas ng daan para dalhin siya patungo sa isang mahalagang tao.
17 Ang unang magsumamo ng kaniyang kaso ay mukhang tama hangga't ang kaniyang kalaban ay dumating at tanungin siya.
18 Ang palabunutan ay nag-aayos ng gulo at naghihiwalay ng malalakas na katunggali.
19 Ang kapatid na nasaktan ang damdamin ay mas mahirap na amuin kaysa isang matatag na lungsod, at ang pakikipagtalo ay tulad ng mga harang ng isang kastilyo.
20 Mula sa bunga ng kaniyang bibig, ang kaniyang tiyan ay napupuno; sa ani ng kaniyang mga labi, siya ay nasisiyahan.
21 Ang kamatayan at ang buhay ay nasa kapangyarihan ng dila, at ang mga nagmamahal dito ay kakain ng bunga nito.
22 Ang sinumang nakatatagpo ng asawang babae ay nakahahanap ng mabuting bagay at tatanggap ng pagpapala mula kay Yahweh.
23 Ang mahirap ay nanlilimos ng awa, pero ang sagot ng mayaman ay magaspang.
24 Sinumang umaangkin ng maraming kaibigan ay nadadala sa pagkasira ng mga kaibigang iyon, pero mayroong isang kaibigan na mas malapit pa sa isang kapatid.