< Mga Kawikaan 17 >

1 Mas mabuti na magkaroon ng tahimik na may isang subong tuyong tinapay kaysa sa isang bahay na puno ng kapistahan na mayroong pagkaka-alitan.
Melior est buccella sicca cum gaudio quam domus plena victimis cum jurgio.
2 Ang isang matalinong alipin ay mamamahala sa isang anak na gumagawa ng kahihiyan at makikibahagi ng mana gaya ng isa sa magkakapatid.
Servus sapiens dominabitur filiis stultis, et inter fratres hæreditatem dividet.
3 Ang tunawan ng metal ay para sa pilak at ang hurno ay para sa ginto, ngunit dinadalisay ni Yahweh ang mga puso.
Sicut igne probatur argentum et aurum camino, ita corda probat Dominus.
4 Ang taong gumagawa ng masama ay nakikinig sa mga taong nagsasalita ng kasamaan; Ang sinungaling ay nagbibigay pansin sa mga taong nagsasalita ng mga masasamang bagay.
Malus obedit linguæ iniquæ, et fallax obtemperat labiis mendacibus.
5 Ang sinumang nanglalait sa mahirap ay hinahamak ang kanyang Tagapaglikha, at ang taong nagagalak sa kasawian ay hindi makakaligtas sa kaparusahan.
Qui despicit pauperem exprobrat factori ejus, et qui ruina lætatur alterius non erit impunitus.
6 Ang mga apo ay korona ng mga matatanda, at ang mga magulang ay nagbibigay dangal sa kanilang mga anak.
Corona senum filii filiorum, et gloria filiorum patres eorum.
7 Ang mahusay na pananalita ay hindi angkop para sa isang mangmang; lalong hindi angkop ang mga labing sinungaling para sa isang maharlika.
Non decent stultum verba composita, nec principem labium mentiens.
8 Ang suhol ay parang isang mahikang-bato sa isang nagbibigay nito; saan man siya dumako, siya ay magtatagumpay.
Gemma gratissima exspectatio præstolantis; quocumque se vertit, prudenter intelligit.
9 Ang sinumang nagpapaumanhin sa paglabag ay naghahanap ng pagmamahal, pero ang sinumang umuulit sa isang bagay ay nagpapalayo sa mga malalapit na kaibigan.
Qui celat delictum quærit amicitias; qui altero sermone repetit, separat fœderatos.
10 Ang pagsaway ay taimtim na tumutungo sa isang tao na may pang-unawa kaysa sa isang daang dagok sa isang hangal.
Plus proficit correptio apud prudentem, quam centum plagæ apud stultum.
11 Ang masamang tao ay naghahanap lamang ng himagsikan, kaya ang isang malupit na mensahero ay ipapadala laban sa kaniya.
Semper jurgia quærit malus: angelus autem crudelis mittetur contra eum.
12 Mabuti pa na makasalubong ang isang inahing oso na ninakawan ng anak kaysa makatagpo ng isang mangmang sa kanyang kahangalan.
Expedit magis ursæ occurrere raptis fœtibus, quam fatuo confidenti in stultitia sua.
13 Kung ang isang tao ay nagbabalik ng masama para sa mabuti, hindi kailanman iiwan ng kasamaan ang kaniyang tahanan.
Qui reddit mala pro bonis, non recedet malum de domo ejus.
14 Ang simula ng hindi pagkakasundo ay gaya ng isang taong nagpapakawala ng tubig sa lahat ng dako, kaya lumayo ka sa mga pagtatalo bago ito magsimula.
Qui dimittit aquam caput est jurgiorum, et antequam patiatur contumeliam judicium deserit.
15 Ang sinumang nagpapawalang-sala sa mga masasamang tao o humahatol sa mga taong gumagawa ng tama—kapwa ang mga taong ito ay karumal-dumal kay Yahweh.
Qui justificat impium, et qui condemnat justum, abominabilis est uterque apud Deum.
16 Bakit kailangang magbayad ng salapi ang isang mangmang para matuto tungkol sa karunungan, kung wala naman siyang kakayahang matutunan ito?
Quid prodest stulto habere divitias, cum sapientiam emere non possit? Qui altum facit domum suam quærit ruinam, et qui evitat discere incidet in mala.
17 Ang kaibigan ay mapagmahal sa lahat ng oras, at ang kapatid ay isinilang para sa mga oras ng kaguluhan.
Omni tempore diligit qui amicus est, et frater in angustiis comprobatur.
18 Ang taong walang isip ay gumagawa ng mga pangakong kailangang tuparin at mananagot sa mga utang ng kaniyang kapwa.
Stultus homo plaudet manibus, cum spoponderit pro amico suo.
19 Ang sinuman na nagmamahal sa mga hidwaan ay nagmamahal sa kasalanan; Ang taong gumagawa ng mataas na pintuan ay sanhi para ang buto ay mapilayan.
Qui meditatur discordias diligit rixas, et qui exaltat ostium quærit ruinam.
20 Ang taong may mandarayang puso ay walang mabuting bagay na matatagpuan. Ang taong may napakasamang dila ay nahuhulog sa kapahamakan.
Qui perversi cordis est non inveniet bonum, et qui vertit linguam incidet in malum.
21 Kung sinumang umanak ng isang hangal ay magdudulot ng kapighatian sa kanyang sarili; Kung sinumang umaruga ng isang hangal ay hindi makakapagdiwang.
Natus est stultus in ignominiam suam; sed nec pater in fatuo lætabitur.
22 Ang isang masayahing puso ay mainam na gamot, pero ang mabigat na kalooban ay nakakatuyo ng mga buto.
Animus gaudens ætatem floridam facit; spiritus tristis exsiccat ossa.
23 Ang masamang tao ay tumatanggap ng suhol na palihim para iligaw ang mga daan ng katarungan.
Munera de sinu impius accipit, ut pervertat semitas judicii.
24 Ang taong mayroong pang-unawa ay itinutuon ang kanyang mukha sa karunungan, pero ang mga mata ng isang hangal ay nakatuon sa dulo ng daigdig.
In facie prudentis lucet sapientia; oculi stultorum in finibus terræ.
25 Ang isang mangmang na anak ay pighati sa kanyang ama at kapaitan sa babaeng nagsilang sa kanya,
Ira patris filius stultus, et dolor matris quæ genuit eum.
26 At saka, hindi kailanman mabuting parusahan ang sinumang gumagawa ng tama; ni hindi mabuting paluin ang mga taong marangal na taglay ang katapatan.
Non est bonum damnum inferre justo, nec percutere principem qui recta judicat.
27 Ang isang may kaalaman ay gumagamit ng kaunting mga salita at ang mahinahon ay may pang-unawa.
Qui moderatur sermones suos doctus et prudens est, et pretiosi spiritus vir eruditus.
28 Kahit ang isang mangmang ay iisiping marunong kapag siya ay nananahimik; kung pinapanatili niyang tikom ang kaniyang bibig, siya ay itinuturing na matalino.
Stultus quoque, si tacuerit, sapiens reputabitur, et si compresserit labia sua, intelligens.

< Mga Kawikaan 17 >