< Mga Kawikaan 15 >

1 Ang malumanay na sagot ay nag-aalis ng poot, pero ang malupit na salita ay nagsasanhi ng galit.
Blag odgovor ublažava jarost, a riječ osorna uvećava srdžbu.
2 Ang dila ng mga matatalinong tao ay sinasang-ayunan ng kaalaman, pero ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso nang kamangmangan.
Jezik mudrih ljudi proslavlja znanje, a usta bezumnih prosipaju ludost.
3 Ang mga mata ni Yahweh ay nasa lahat ng dako, patuloy na nagmamasid sa masama at mabuti.
Oči su Jahvine na svakome mjestu i budno motre i zle i dobre.
4 Ang dilang nagpapagaling ay puno ng buhay, pero ang mapanlinlang na dila ay sumisira ng kalooban.
Blaga je besjeda drvo života, a pakosna je rana duhu.
5 Hinahamak ng mangmang ang disiplina ng kaniyang ama, pero ang siyang natututo mula sa pagtatama ay marunong.
Luđak prezire pouku oca svog, a tko ukor prima, pametno čini.
6 Sa bahay ng mga gumagawa ng tama ay mayroong labis na kayamanan, pero ang kinikita ng mga masasamang tao ay nagbibigay ng gulo sa kanila.
U pravednikovoj je kući mnogo blaga, a opaki zarađuje propast svoju.
7 Ang labi ng mga matatalinong tao ay nagbabahagi ng kaalaman, pero hindi ang puso ng mga mangmang.
Usne mudrih siju znanje, a srce je bezumnika nepostojano.
8 Kinasusuklaman ni Yahweh ang mga pag-aalay ng mga masasamang tao, pero kasiyahan sa kaniya ang panalangin ng mga matuwid na tao.
Žrtva opakog mrska je Jahvi, a mila mu je molitva pravednika.
9 Kinasusuklaman ni Yahweh ang paraan ng mga masasamang tao, pero mahal niya ang siyang nanatili sa tama.
Put opakih Jahvi je mrzak, a mio mu je onaj koji ide za pravicom.
10 Ang malupit na disiplina ay hinihintay ang sinumang tatalikod sa tamang daan at ang siyang galit sa pagtatama ay mamamatay.
Oštra kazna čeka onog tko ostavlja pravi put, a umrijet će tko mrzi ukor.
11 Ang Sheol at pagkawasak ay nasa harap ni Yahweh; gaano pa kaya ang puso ng mga kaapu-apuhan ng sangkatauhan? (Sheol h7585)
I Šeol i Abadon stoje pred Jahvom, a nekmoli srca sinova ljudskih. (Sheol h7585)
12 Ang mangungutya ay galit sa pagtatama; hindi siya magiging marunong.
Podsmjevač ne ljubi onog tko ga kori: on se ne druži s mudrima.
13 Ang pusong nagagalak ay ginagawang maaya ang mukha, pero ang matinding lungkot ay sumisira ng diwa.
Veselo srce razvedrava lice, a bol u srcu tjeskoba je duhu.
14 Ang puso ng umuunawa ay humahanap ng kaalaman, pero ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kahangalan.
Razumno srce traži znanje, a bezumnička se usta bave ludošću.
15 Lahat ng araw ng mga taong inaapi ay napakahirap, pero ang nagagalak na puso ay may piging na walang katapusan.
Svi su dani bijednikovi zli, a komu je srce sretno, na gozbi je bez prestanka.
16 Mas mabuti ang kaunti na may takot kay Yahweh kaysa sa labis na kayamanan na may kaguluhan.
Bolje je malo sa strahom Gospodnjim nego veliko blago i s njime nemir.
17 Mas mabuti ang pagkain na may mga gulay na may mayroong pag-ibig kaysa sa isang pinatabang guya na hinain na may galit.
Bolji je obrok povrća gdje je ljubav nego od utovljena vola gdje je mržnja.
18 Ang galit na tao ay pumupukaw ng mga pagtatalo, pero ang taong matagal magalit ay pinapayapa ang isang alitan.
Gnjevljiv čovjek zameće svađu, a ustrpljiv utišava raspru.
19 Ang daanan ng taong tamad ay tulad ng isang lugar na may bakod na tinik, pero ang daanan ng matuwid ay gawa sa daanang tuloy-tuloy.
Put je ljenivčev kao glogov trnjak, a utrta je staza pravednika.
20 Ang matalinong anak na lalaki ay nagdadala ng kasiyahan sa kaniyang ama, pero ang mangmang ay namumuhi sa kaniyang ina.
Mudar sin veseli oca, a bezumnik prezire majku svoju.
21 Ang kahangalan ay kasiyahan ng hindi nag-iisip, pero ang siyang nakauunawa ay naglalakad sa tuwid na daanan.
Ludost je veselje nerazumnomu, a razuman čovjek pravo hodi.
22 Ang mga balak ay namamali kapag walang payo, pero kapag marami ang tagapayo sila ay nagtatagumpay.
Ne uspijevaju nakane kad nema vijećanja, a ostvaruju se gdje je mnogo savjetnika.
23 Ang tao ay nakakahanap ng kaligayahan kapag siya ay nagbibigay ng matalinong sagot; Napakabuti ng napapanahong salita!
Čovjek se veseli odgovoru usta svojih, i riječ u pravo vrijeme - kako je ljupka!
24 Ang landas ng buhay ay gabay pataas para sa marurunong na tao, upang siya nawa ay makalayo mula sa sheol na nasa ilalim. (Sheol h7585)
Razumnu čovjeku put života ide gore, da izmakne carstvu smrti koje je dolje. (Sheol h7585)
25 Winawasak ni Yahweh ang pamana ng mapagmataas, pero pinapangalagaan niya ang ari-arian ng balo.
Jahve ruši kuću oholima, a postavlja među udovici.
26 Kinasusuklaman ni Yahweh ang mga kaisipan ng mga masasamang tao, pero ang mga salita ng kagandahang-loob ay busilak.
Mrske su Jahvi zle misli, a dobrostive riječi mile su mu.
27 Nagdadala ng gulo ang magnanakaw sa kaniyang pamilya, pero mabubuhay ang siyang galit sa mga suhol.
Tko se grabežu oda, razara svoj dom, a tko mrzi mito, živjet će.
28 Ang pusong gumagawa ng tama ay nag-iisip bago sumagot, ngunit ang bibig ng masasama ay ibinubuhos ang lahat ng kasamaan nito.
Pravednikovo srce smišlja odgovor, a opakomu usta govore zlobom.
29 Si Yahweh ay malayo sa mga masasamang tao, pero naririnig niya ang panalangin ng mga gumagawa ng tama.
Daleko je Jahve od opakih, a uslišava molitvu pravednih.
30 Ang ilaw ng mga mata ay nagdadala ng kasiyahan sa puso, at ang mabuting mga balita ay mabuti sa katawan.
Bistar pogled razveseli srce i radosna vijest oživi kosti.
31 Kung ikaw ay magbibigay ng pansin sa taong nagtatama sa kung papaano ka mamuhay, ikaw ay mananatiling kabilang sa mga matatalino.
Uho koje posluša spasonosan ukor prebiva među mudracima.
32 Ang siyang tumatanggi sa disiplina ay namumuhi sa kaniyang sarili, pero ang siyang nakikinig sa pagtatama ay nagtatamo ng kaunawaan.
Tko odbaci pouku, prezire vlastitu dušu, a tko posluša ukor, stječe razboritost.
33 Ang takot kay Yahweh ay nagtuturo ng karunungan, at ang pagpapakumbaba ay nauuna bago ang karangalan.
Strah je Gospodnji škola mudrosti, jer pred slavom ide poniznost.

< Mga Kawikaan 15 >