< Mga Kawikaan 12 >
1 Sinumang umiibig sa disiplina ay iniibig ang kaalaman, pero sinumang namumuhi sa pagtatama ay mangmang.
Qui diligit disciplinam, diligit scientiam: qui autem odit increpationes, insipiens est.
2 Nagbibigay si Yahweh ng pabor sa mabuting tao, pero pinarurusahan niya ang taong gumagawa ng masasamang plano.
Qui bonus est, hauriet gratiam a Domino: qui autem confidit in cogitationibus suis, impie agit.
3 Ang isang tao ay hindi tatatag sa pamamagitan ng kasamaan, pero silang gumagawa ng katuwiran ay hindi mabubunot kailanman.
Non roborabitur homo ex impietate: et radix iustorum non commovebitur.
4 Ang isang karapat-dapat na asawang babae ay korona ng kaniyang asawang lalaki, ngunit ang babaeng nagdadala nang kahihiyan ay tulad ng isang sakit na sumisira ng kaniyang mga buto.
Mulier diligens, corona est viro suo: et putredo in ossibus eius, quæ confusione res dignas gerit.
5 Ang mga balakin ng lahat ng gumagawa ng tama ay makatarungan, ngunit ang payo ng masasama ay mapanlinlang.
Cogitationes iustorum iudicia: et consilia impiorum fraudulenta:
6 Ang mga salita ng masasamang tao ay bitag na nakaabang ng pagkakataong pumatay, ngunit ang mga salita ng matutuwid ang siyang nag-iingat sa kanila.
Verba impiorum insidiantur sanguini: os iustorum liberabit eos.
7 Ang masasama ay bumabagsak at naglalaho, pero ang bahay ng mga taong gumagawa ng tama ay mananatili.
Verte impios, et non erunt: domus autem iustorum permanebit.
8 Pinupuri ang isang tao sa kaniyang karunungan, ngunit sinumang gumagawa ng baluktot na mga pagpili ay kinamumuhian.
Doctrina sua noscetur vir: qui autem vanus et excors est, patebit contemptui.
9 Mas mabuti na magkaroon ng mababang katayuan—ang maging isang lingkod lamang, kaysa ang magmalaki patungkol sa iyong katayuan ngunit walang namang makain.
Melior est pauper et sufficiens sibi, quam gloriosus et indigens pane.
10 Nagmamalasakit ang matuwid sa pangangailangan ng kaniyang alagang hayop, pero maging ang habag ng masasama ay kalupitan.
Novit iustus iumentorum suorum animas: viscera autem impiorum crudelia.
11 Sinumang nagbubungkal ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng kasaganaan ng pagkain, pero sinumang naghahabol ng mga proyektong walang halaga ay hindi nag-iisip.
Qui operatur terram suam, satiabitur panibus: qui autem sectatur otium, stultissimus est. Qui suavis est in vini demorationibus, in suis munitionibus relinquit contumeliam.
12 Hinahangad ng masama ang mga ninakaw ng makasalanan mula sa iba, pero ang bunga ng mga matuwid ay galing sa kanilang mga sarili.
Desiderium impii munimentum est pessimorum: radix autem iustorum proficiet.
13 Ang masamang tao ay nabibitag ng kaniyang masamang pananalita, pero ang mga taong gumagawa ng tama ay nakaliligtas sa kapahamakan.
Propter peccata labiorum ruina proximat malo: effugiet autem iustus de angustia.
14 Mula sa bunga ng kaniyang mga salita, ang tao ay napupuno ng mabuting mga bagay, tulad ng paggagantimpala ng mga kamayy niyang nagtatrabaho.
De fructu oris sui unusquisque replebitur bonis, et iuxta opera manuum suarum retribuetur ei.
15 Ang kaparaanan ng isang mangmang ay tama sa kaniyang paningin, pero ang taong may karunungan, sa payo ay nakikinig.
Via stulti recta in oculis eius: qui autem sapiens est, audit consilia.
16 Ang mangmang ay kaagad nagpapakita ng galit, pero ang nagsasawalang-kibo sa insulto ay maingat.
Fatuus statim indicat iram suam: qui autem dissimulat iniuriam, callidus est.
17 Sinumang nagsasabi ng totoo ay nagsasalita ng tama, pero ang bulaang saksi ay nagsasabi ng kasinungalingan.
Qui quod novit loquitur, index iustitiæ est: qui autem mentitur, testis est fraudulentus.
18 Ang mga salitang padalos-dalos ay tulad ng saksak ng isang espada, pero ang dila ng matalino, kagalingan ang dinadala.
Est qui promittit, et quasi gladio pungitur conscientiæ: lingua autem sapientium sanitas est.
19 Ang makatotohanang mga labi ay tumatagal habang-buhay, pero ang sinungaling na dila ay panandalian lamang.
Labium veritatis firmum erit in perpetuum: qui autem testis est repentinus, concinnat linguam mendacii.
20 Mayroong panlilinlang sa puso ng mga taong nagbabalak ng kasamaan, pero kagalakan ang dumarating sa mga tagapagpayo ng kapayapaan.
Dolus in corde cogitantium mala: qui autem pacis ineunt consilia, sequitur eos gaudium.
21 Walang karamdaman ang dumarating sa mga matuwid, pero ang masasama ay puno ng paghihirap.
Non contristabit iustum quidquid ei acciderit: impii autem replebuntur malo.
22 Galit si Yahweh sa sinungaling na mga labi, pero ang mga namumuhay nang tapat ay ang kasiyahan ng Diyos.
Abominatio est Domino labia mendacia: qui autem fideliter agunt, placent ei.
23 Itinatago ng taong maingat ang kaniyang kaalaman, pero ang puso ng hangal ay sumisigaw ng kamangmangan.
Homo versatus celat scientiam: et cor insipientium provocat stultitiam.
24 Ang kamay ng matiyaga ay maghahari, pero ang tamad ay sasailalim sa sapilitang pagtatrabaho.
Manus fortium dominabitur: quæ autem remissa est, tributis serviet.
25 Ang pangamba sa puso ng tao ay nagpapabigat sa kaniya, ngunit nagpapagalak ang mabuting salita.
Mœror in corde viri humiliabit illum, et sermone bono lætificabitur.
26 Ang matuwid ay gabay sa kaniyang kaibigan, pero ang paraan ng masama ay nag-aakay sa kanila sa lihis na daan.
Qui negligit damnum propter amicum, iustus est: iter autem impiorum decipiet eos.
27 Ang mga tamad ay hindi niluluto ang kanilang sariling huli, pero ang matiyaga ay magkakaroon pa ng yamang natatangi.
Non inveniet fraudulentus lucrum: et substantia hominis erit auri pretium.
28 Ang mga lumalakad sa tamang daan, buhay ang nasusumpungan at sa kaniyang landas ay walang kamatayan.
In semita iustitiæ, vita: iter autem devium ducit ad mortem.