< Mga Kawikaan 10 >

1 Ang mga kawikaan ni Solomon. Ang isang marunong na anak ay ikinagagalak ng kaniyang ama ngunit ang isang hangal na anak ay nagdadala ng pighati sa kaniyang ina.
The proverbs of Solomon. A wise son makes a glad father; but a foolish son brings grief to his mother.
2 Ang mga yamang naipon sa pamamagitan ng kasamaan ay walang halaga, ngunit ang paggawa ng kung ano ang tama ay naglalayo sa kamatayan.
Treasures of wickedness profit nothing, but righteousness delivers from death.
3 Hindi hinahayaan ni Yahweh na magutom ang mga gumagawa ng masama, ngunit kaniyang binibigo ang mga pagnanasa ng masama.
The LORD will not allow the soul of the righteous to go hungry, but he thrusts away the desire of the wicked.
4 Ang kamay na tamad ay nagdudulot sa isang tao para maging mahirap, ngunit ang kamay ng masipag na tao ay magtatamo ng kayamanan.
He becomes poor who works with a lazy hand, but the hand of the diligent brings wealth.
5 Ang marunong na anak ay magtitipon ng pananim sa tag-araw, ngunit kahihiyan sa kaniya para matulog habang anihan.
He who gathers in summer is a wise son, but he who sleeps during the harvest is a son who causes shame.
6 Ang mga kaloob mula sa Diyos ay nasa isipan ng mga gumagawa ng tama, ngunit ang bibig ng masama ay pinagtatakpan ang karahasan.
Blessings are on the head of the righteous, but violence covers the mouth of the wicked.
7 Ang taong gumagawa ng tama ay natutuwa tuwing siya ay ating naiisip ang tungkol sa kaniya, ngunit ang pangalan ng masama ay mabubulok.
The memory of the righteous is blessed, but the name of the wicked will rot.
8 Silang mga maunawain ay tumatanggap ng mga utos, ngunit ang isang madaldal na hangal ay mapapahamak.
The wise in heart accept commandments, but a chattering fool will fall.
9 Ang siyang lumalakad sa katapatan ay lumalakad sa kaligtasan, subalit ang isa na gumagawa ng kabuktutan, siya ay malalantad.
He who walks blamelessly walks surely, but he who perverts his ways will be found out.
10 Siya na kumikindat ang mata ay nagdudulot ng kalungkutan, ngunit ang isang madaldal na hangal ay masisira.
The one who winks with the eye causes trouble, but the one who boldly rebukes makes peace.
11 Ang bibig ng gumagawa ng tama ay isang bukal ng buhay, ngunit ang bibig ng masama ay nagtatago ng karahasan.
The mouth of the righteous is a spring of life, but violence covers the mouth of the wicked.
12 Ang galit ay nagpapasimula ng mga kaguluhan, subalit ang pag-ibig ay matatakpan ang lahat ng pagkakasala.
Hatred stirs up strife, but love covers all wrongs.
13 Ang karunungan ay matatagpuan sa labi ng isang taong marunong umunawa, ngunit ang isang pamalo ay para sa likod ng isang walang pang-unawa.
Wisdom is found on the lips of him who has discernment, but a rod is for the back of him who is void of understanding.
14 Ang mga taong marunong ay nag-iipon ng kaalaman, ngunit ang bibig ng isang hangal ay nagpapalapit ng kapahamakan.
Wise men lay up knowledge, but the mouth of the foolish is near ruin.
15 Ang kayamanan ng isang mayamang tao ay ang kaniyang pinatibay na lungsod, ang kasalatan ng mahirap ay kanilang pagkawasak.
The rich man's wealth is his strong city. The destruction of the poor is their poverty.
16 Ang kabayaran ng mga gumagawa ng tama ay patungo sa buhay; ang pakinabang ng masama ay patungo sa kasalanan.
The labor of the righteous leads to life. The increase of the wicked leads to sin.
17 Doon ay may isang daan sa buhay para sa isang sumusunod sa disiplina, ngunit ang tumatanggi sa pagpuna ay inaagos sa pagkaligaw.
He is in the way of life who heeds correction, but he who forsakes reproof leads others astray.
18 Ang sinumang magtago ng pagkagalit ay may mga sinungaling na labi, at sinumang magkalat ng paninirang puri ay isang hangal.
He who hides hatred has lying lips. He who utters a slander is a fool.
19 Kung maraming salita, pagkakasala ay hindi nagkukulang, ngunit ang siyang nag-iingat sa kaniyang sasabihin ay isang matalino
In the multitude of words there is no lack of disobedience, but he who restrains his lips does wisely.
20 Ang dila na siyang gumagawa nang matuwid ay purong pilak; ito ay may maliit na halaga sa puso ng masama.
The tongue of the righteous is like choice silver. The heart of the wicked is of little worth.
21 Ang mga labi ng isa na gumagawa ng tama ay nagpapalusog ng marami, ngunit ang mga mangmang ay mamamatay dahil sa kakulangan ng kanilang pang-unawa.
The lips of the righteous feed many, but the foolish die for lack of understanding.
22 Ang mga mabuting kaloob ni Yahweh ay nagdadala ng kayamanan at hindi ito nagdagdag ng sakit.
The LORD's blessing brings wealth, and he adds no trouble to it.
23 Ang kasamaan ay laro ng isang hangal, ngunit ang karunungan ay isang kasiyahan para sa isang tao ng may pang-unawa.
It is a fool's pleasure to do wickedness, but wisdom is a man of understanding's pleasure.
24 Ang takot ng masama ay sasaklawan siya, ngunit ang pagnanais ng isang matuwid ay ibibigay.
What the wicked fear, will overtake them, but the desire of the righteous will be granted.
25 Ang masama ay tulad ng isang bagyo na dumadaan, at sila ay wala na, ngunit silang gumagawa ng tama ay isang pundasyon na magtatagal kailanman.
When the whirlwind passes, the wicked is no more; but the righteous stand firm forever.
26 Tulad ng suka sa ngipin at usok sa mata, ganoon din ang batugan na nagpadala sa kaniya.
As vinegar to the teeth, and as smoke to the eyes, so is the sluggard to those who send him.
27 Ang takot kay Yahweh nagpapahaba ng buhay, ngunit ang mga taon ng masama ay mapapaiksi.
The fear of the LORD prolongs days, but the years of the wicked shall be shortened.
28 Ang pag-asa ng mga gumagawa ng tama ay kanilang kagalakan, ngunit ang mga taon ng mga masama ay mapapaiksi.
The prospect of the righteous is joy, but the hope of the wicked will perish.
29 Ang paraan ni Yahweh ay nag-iingat sa kanila na may katapatan, ngunit ito ay pagkawasak para sa masama.
The way of the LORD is a stronghold to the upright, but it is a destruction to evildoers.
30 Silang mga gumagawa ng tama ay hindi kailanman maibabagsak, ngunit ang masama ay hindi mananatili sa lupain.
The righteous will never be removed, but the wicked will not dwell in the land.
31 Mula sa bibig ng mga gumagawa ng tama ay dumarating ang bunga ng karunungan, ngunit ang masamang dila ay mapuputol.
The mouth of the righteous brings forth wisdom, but the perverse tongue will be cut off.
32 Alam ng mga labing gumagawa nang tama kung ano ang katanggap-tanggap, ngunit ang bibig ng masama ay alam kung ano ang masama
The lips of the righteous know what is acceptable, but the mouth of the wicked is perverse.

< Mga Kawikaan 10 >