< Mga Kawikaan 1 >
1 Ang kawikaan ni Solomon na anak na lalaki ni David, ang hari ng Israel.
При́повісті Соломона, сина Давидового, царя Ізраїлевого, —
2 Ang mga kawikaan na ito ay para magturo ng karunungan at tagubilin, para magturo ng mga salita ng kaalaman,
щоб пізна́ти премудрість і карність, щоб зрозуміти розсу́дні слова́,
3 upang kayo ay makatanggap nang pagtutuwid para mamuhay kayo sa paggawa ng kung ano ang tama, makatarungan at patas.
щоб прийняти напоу́млення мудрости, праведности, і пра́ва й простоти,
4 Ang mga kawikaan ay para din magbigay ng karunungan sa mga hindi pa naituro at para magbigay kaalaman at mabuting pagpapasya sa mga kabataan.
щоб мудрости дати простоду́шним, юнако́ві — пізна́ння й розва́жність.
5 Hayaan ang mga matatalinong tao na makinig at dagdagan ang kanilang nalalaman, at hayaan ang mga nakakaintinding tao na makakuha ng patnubay,
Хай послухає мудрий — і примно́жить науку, а розумний здобу́де хай мудрих думо́к,
6 para maunawaan ang mga kawikaan, mga kasabihan, at mga salita ng matatalinong tao at kanilang mga palaisipan.
щоб пізнати ту при́повість та загадко́ве говорення, слова мудреці́в та їхні за́гадки.
7 Ang pagkatakot kay Yahweh ay ang simula ng kaalaman - ang mga hangal ay kinamumuhian ang karunungan at disiplina.
Страх Господній — початок прему́дрости, — нерозумні пого́рджують мудрістю та напу́чуванням.
8 Aking anak, pakinggan ang tagubilin ng iyong ama at huwag isang tabi ang mga utos ng iyong ina;
Послухай, мій сину, напу́чення батька свого́, і не відкидай науки матері своєї, —
9 ito ay magiging kaaya-ayang korona sa iyong ulo at mga palawit sa iyong leeg.
вони бо хороший вінок для твоєї голови, і прикра́са на шию твою.
10 Aking anak, kung sinusubukan kang udyukan ng mga makasalanan sa kanilang mga pagkakasala, tumangging sumunod sa kanila.
Мій сину, як грішники будуть тебе намовляти, — то з ними не згоджуйся ти!
11 Kung kanilang sasabihin na, “Sumama ka sa amin, tayo ay mag-abang upang makagawa ng pagpatay, tayo ay magtago at sugurin ang mga walang malay na mga tao ng walang kadahilanan.
Якщо скажуть вони: „Ходи з нами, чатуймо на кров, безпричи́нно засядьмо на неповинного,
12 Lunukin natin sila ng buhay, katulad ng paglayo ng sheol sa mga malulusog at gawin silang katulad ng mga nahulog sa hukay. (Sheol )
живих поковтаймо ми їх, як шео́л, та здорових, як тих, які сходять до гро́бу! (Sheol )
13 Dapat nating hanapin ang lahat ng klaseng mga mahahalagang bagay; pupunuin natin ang ating tahanan ng mga bagay na ating ninakaw sa iba,
Ми зна́йдемо всіляке багатство цінне́, перепо́внимо здо́биччю наші хати́.
14 Makipagsapalaran ka sa amin, tayo ay magkakaroon ng iisang lalagyanan.”
Жеребо́к свій ти кинеш із нами, — буде са́ква одна для всіх нас“, —
15 Aking anak, huwag kang maglalakad sa daanang iyon kasama nila; huwag mong hayaang dumampi ang iyong paa kung saan sila naglalakad;
сину мій, — не ходи ти доро́гою з ними, спини́ но́гу свою від їхньої сте́жки,
16 ang kanilang mga paa ay tumatakbo sa kasamaan at sila ay nagmamadali para sa pagdanak ng dugo.
бо біжать їхні но́ги на зло, і поспішають, щоб кров проливати!
17 Sapagkat walang saysay na ikalat ang lambat upang bumitag ng isang ibon habang nanonood ang ibon.
Бож нада́рмо поставлена сі́тка на о́чах усього крила́того:
18 Ang mga lalaking ito ay nag-aabang para patayin ang kanilang mga sarili - sila ay naglagay ng bitag para sa kanilang mga sarili.
то вони на кров власну чату́ють, засідають на душу свою!
19 Ganoon din ang mga paraan ng lahat na nagtamo ng kayaman sa pamamagitan ng hindi makatarungan; ang hindi makatuwirang pagtamo ay nag-aalis ng buhay sa mga kumakapit dito.
Такі то доро́ги усіх, хто за́здрий чужого добра: воно́ бере душу свого власника́!
20 Umiiyak ng malakas sa lansangan ang karunungan, kaniyang nilalakasan ang kaniyang boses sa isang liwasang-bayan,
Кличе мудрість на вулиці, на пло́щах свій голос дає,
21 sa gitna ng maingay na lansangan siya ay umiyak, sa pasukan ng lungsod ng tarangkahan siya ay nagsalita.
на шумли́вих місцях проповідує, у місті при входах до брам вона каже слова́ свої:
22 “Kayong mga walang karunungan, Gaano katagal ninyo mamahalin ang inyong hindi naiintindihan? Kayong mga nangungutya, gaano kayo katagal magalak sa pangungutya at kayong mga hangal, gaano kayo katagal mamumuhi sa kaalaman?
„Доки ви, нерозумні, глупо́ту любитимете? Аж доки насмі́шники будуть кохатись собі в глузува́нні, а безглу́зді нена́видіти будуть знания́?
23 Bigyang pansin ang aking paninita; ibubuhos ko ang aking saloobin sa inyo, ipapaalam ko ang salita ko sa inyo.
Зверніться но ви до карта́ння мого́, — ось я виллю вам духа свого, сповіщу́ вам слова свої!
24 Ako ay tumawag, at kayo ay tumangging makinig; inaabot ko sila ng aking kamay, ngunit walang nagbigay pansin.
Бо кликала я, та відмовились ви, простягла́ була руку свою, та ніхто не прислу́хувався!
25 Ngunit isinawalang bahala ninyo ang aking mga bilin at hindi ninyo binigyan ng pansin ang aking pagsasaway.
І всю раду мою ви відкинули, карта́ння ж мого не схотіли!
26 Tatawanan ko kayo sa inyong kapamahakan, kukutyain ko kayo kapag dumating ang malaking takot —
Тож у вашім нещасті сміятися буду і я, насміха́тися буду, як при́йде ваш страх.
27 kapag dumating ang inyong kinakatakutang pangamba tulad ng bagyo at tinangay kayo ng sakuna na parang buhawi, kapag ang kabalisahan at dalamhati ay dumating sa inyo.
Коли при́йде ваш страх, немов вихор, і прива́литься ваше нещастя, мов буря, як при́йде недоля та у́тиск на вас,
28 Pagkatapos sila ay tatawag sa akin at hindi ako sasagot; desperado silang tatawag sa akin, ngunit hindi nila ako mahahanap.
тоді кликати бу́дуть мене, але не відпові́м, будуть шукати мене, та не зна́йдуть мене, —
29 Dahil kanilang kinapopootan ang karunungan at hindi pinili ang pagkatakot kay Yahweh,
за те, що науку знена́виділи, і не ви́брали стра́ху Господнього,
30 hindi nila susundin ang aking tagubilin, at kanilang kinamuhian ang aking mga pagtatama.
не хотіли поради моєї, пого́рджували всіма моїми доко́рами!
31 Kakainin nila ang bunga sa kanilang pamamaraan, at sa bunga ng kanilang mga balak sila ay maaaring mabusog.
І тому́ хай їдять вони з пло́ду дороги своєї, а з порад своїх хай насища́ються, —
32 Ang mga hindi naturuan ay pinapatay kapag sila ay umalis, at ang kakulangan ng mga hangal ang sisira sa kanila.
бо відсту́пство безумних заб'є їх, і безпе́чність безтя́мних їх ви́губить!
33 Pero ang sinumang makikinig sa akin ay mamumuhay nang ligtas at magtatamo ng walang pagkatakot sa mga sakuna.”
А хто мене слухає, той буде жити безпе́чно, і буде спокійний від страху перед злом!“