< Mga Kawikaan 1 >
1 Ang kawikaan ni Solomon na anak na lalaki ni David, ang hari ng Israel.
ダビデの子、イスラエルの王ソロモンの箴言。
2 Ang mga kawikaan na ito ay para magturo ng karunungan at tagubilin, para magturo ng mga salita ng kaalaman,
これは人に知恵と教訓とを知らせ、悟りの言葉をさとらせ、
3 upang kayo ay makatanggap nang pagtutuwid para mamuhay kayo sa paggawa ng kung ano ang tama, makatarungan at patas.
賢い行いと、正義と公正と公平の教訓をうけさせ、
4 Ang mga kawikaan ay para din magbigay ng karunungan sa mga hindi pa naituro at para magbigay kaalaman at mabuting pagpapasya sa mga kabataan.
思慮のない者に悟りを与え、若い者に知識と慎みを得させるためである。
5 Hayaan ang mga matatalinong tao na makinig at dagdagan ang kanilang nalalaman, at hayaan ang mga nakakaintinding tao na makakuha ng patnubay,
賢い者はこれを聞いて学に進み、さとい者は指導を得る。
6 para maunawaan ang mga kawikaan, mga kasabihan, at mga salita ng matatalinong tao at kanilang mga palaisipan.
人はこれによって箴言と、たとえと、賢い者の言葉と、そのなぞとを悟る。
7 Ang pagkatakot kay Yahweh ay ang simula ng kaalaman - ang mga hangal ay kinamumuhian ang karunungan at disiplina.
主を恐れることは知識のはじめである、愚かな者は知恵と教訓を軽んじる。
8 Aking anak, pakinggan ang tagubilin ng iyong ama at huwag isang tabi ang mga utos ng iyong ina;
わが子よ、あなたは父の教訓を聞き、母の教を捨ててはならない。
9 ito ay magiging kaaya-ayang korona sa iyong ulo at mga palawit sa iyong leeg.
それらは、あなたの頭の麗しい冠となり、あなたの首の飾りとなるからである。
10 Aking anak, kung sinusubukan kang udyukan ng mga makasalanan sa kanilang mga pagkakasala, tumangging sumunod sa kanila.
わが子よ、悪者があなたを誘っても、それに従ってはならない。
11 Kung kanilang sasabihin na, “Sumama ka sa amin, tayo ay mag-abang upang makagawa ng pagpatay, tayo ay magtago at sugurin ang mga walang malay na mga tao ng walang kadahilanan.
彼らがあなたに向かって、「一緒に来なさい。われわれは待ち伏せして、人の血を流し、罪のない者を、ゆえなく伏してねらい、
12 Lunukin natin sila ng buhay, katulad ng paglayo ng sheol sa mga malulusog at gawin silang katulad ng mga nahulog sa hukay. (Sheol )
陰府のように、彼らを生きたままで、のみ尽し、健やかな者を、墓に下る者のようにしよう。 (Sheol )
13 Dapat nating hanapin ang lahat ng klaseng mga mahahalagang bagay; pupunuin natin ang ating tahanan ng mga bagay na ating ninakaw sa iba,
われわれは、さまざまの尊い貨財を得、奪い取った物で、われわれの家を満たそう。
14 Makipagsapalaran ka sa amin, tayo ay magkakaroon ng iisang lalagyanan.”
あなたもわれわれの仲間に加わりなさい、われわれは共に一つの金袋を持とう」と言っても、
15 Aking anak, huwag kang maglalakad sa daanang iyon kasama nila; huwag mong hayaang dumampi ang iyong paa kung saan sila naglalakad;
わが子よ、彼らの仲間になってはならない、あなたの足をとどめて、彼らの道に行ってはならない。
16 ang kanilang mga paa ay tumatakbo sa kasamaan at sila ay nagmamadali para sa pagdanak ng dugo.
彼らの足は悪に走り、血を流すことに速いからだ。
17 Sapagkat walang saysay na ikalat ang lambat upang bumitag ng isang ibon habang nanonood ang ibon.
すべて鳥の目の前で網を張るのは、むだである。
18 Ang mga lalaking ito ay nag-aabang para patayin ang kanilang mga sarili - sila ay naglagay ng bitag para sa kanilang mga sarili.
彼らは自分の血を待ち伏せし、自分の命を伏してねらうのだ。
19 Ganoon din ang mga paraan ng lahat na nagtamo ng kayaman sa pamamagitan ng hindi makatarungan; ang hindi makatuwirang pagtamo ay nag-aalis ng buhay sa mga kumakapit dito.
すべて利をむさぼる者の道はこのようなものである。これはその持ち主の命を取り去るのだ。
20 Umiiyak ng malakas sa lansangan ang karunungan, kaniyang nilalakasan ang kaniyang boses sa isang liwasang-bayan,
知恵は、ちまたに呼ばわり、市場にその声をあげ、
21 sa gitna ng maingay na lansangan siya ay umiyak, sa pasukan ng lungsod ng tarangkahan siya ay nagsalita.
城壁の頂で叫び、町の門の入口で語る。
22 “Kayong mga walang karunungan, Gaano katagal ninyo mamahalin ang inyong hindi naiintindihan? Kayong mga nangungutya, gaano kayo katagal magalak sa pangungutya at kayong mga hangal, gaano kayo katagal mamumuhi sa kaalaman?
「思慮のない者たちよ、あなたがたは、いつまで思慮のないことを好むのか。あざける者は、いつまで、あざけり楽しみ、愚かな者は、いつまで、知識を憎むのか。
23 Bigyang pansin ang aking paninita; ibubuhos ko ang aking saloobin sa inyo, ipapaalam ko ang salita ko sa inyo.
わたしの戒めに心をとめよ、見よ、わたしは自分の思いを、あなたがたに告げ、わたしの言葉を、あなたがたに知らせる。
24 Ako ay tumawag, at kayo ay tumangging makinig; inaabot ko sila ng aking kamay, ngunit walang nagbigay pansin.
わたしは呼んだが、あなたがたは聞くことを拒み、手を伸べたが、顧みる者はなく、
25 Ngunit isinawalang bahala ninyo ang aking mga bilin at hindi ninyo binigyan ng pansin ang aking pagsasaway.
かえって、あなたがたはわたしのすべての勧めを捨て、わたしの戒めを受けなかったので、
26 Tatawanan ko kayo sa inyong kapamahakan, kukutyain ko kayo kapag dumating ang malaking takot —
わたしもまた、あなたがたが災にあう時に、笑い、あなたがたが恐慌にあう時、あざけるであろう。
27 kapag dumating ang inyong kinakatakutang pangamba tulad ng bagyo at tinangay kayo ng sakuna na parang buhawi, kapag ang kabalisahan at dalamhati ay dumating sa inyo.
これは恐慌が、あらしのようにあなたがたに臨み、災が、つむじ風のように臨み、悩みと悲しみとが、あなたがたに臨む時である。
28 Pagkatapos sila ay tatawag sa akin at hindi ako sasagot; desperado silang tatawag sa akin, ngunit hindi nila ako mahahanap.
その時、彼らはわたしを呼ぶであろう、しかし、わたしは答えない。ひたすら、わたしを求めるであろう、しかし、わたしに会えない。
29 Dahil kanilang kinapopootan ang karunungan at hindi pinili ang pagkatakot kay Yahweh,
彼らは知識を憎み、主を恐れることを選ばず、
30 hindi nila susundin ang aking tagubilin, at kanilang kinamuhian ang aking mga pagtatama.
わたしの勧めに従わず、すべての戒めを軽んじたゆえ、
31 Kakainin nila ang bunga sa kanilang pamamaraan, at sa bunga ng kanilang mga balak sila ay maaaring mabusog.
自分の行いの実を食らい、自分の計りごとに飽きる。
32 Ang mga hindi naturuan ay pinapatay kapag sila ay umalis, at ang kakulangan ng mga hangal ang sisira sa kanila.
思慮のない者の不従順はおのれを殺し、愚かな者の安楽はおのれを滅ぼす。
33 Pero ang sinumang makikinig sa akin ay mamumuhay nang ligtas at magtatamo ng walang pagkatakot sa mga sakuna.”
しかし、わたしに聞き従う者は安らかに住まい、災に会う恐れもなく、安全である」。