< Mga Filipos 4 >
1 Kaya nga, minamahal kong mga kapatid na aking kinasasabikan, aking kagalakan at korona. Sa paraang ito, manatili kayong matatag sa Panginoon, mga minamahal kong kaibigan.
為此,我所親愛的和所懷念的弟兄,我的喜樂和我的冠冕,我可愛的諸位! 你們應這樣屹占在主內。
2 Nagsusumamo ako kay Euodia, at kay Sintique na magkaroon ng parehong pag-iisip sa Panginoon.
我奉勸厄敖狄雅和欣提赫,要在主內有同樣的心情。
3 Katunayan, hinihiling ko rin sa iyo, tunay kong kamanggagawa, tulungan mo ang mga babaeng ito. Sapagkat sila ang kasama kong nagsikap sa pagpapalaganap ng ebanghelyo kasama si Clemente at iba pang mga kapwa ko manggagawa, kung saan ang mga pangalan ay nasa aklat ng buhay.
至於你,我忠誠的同伴,我也求你援助她們,因為她們曾伴隨我為福音而奮鬥,與克肋孟以及我的其他的同事一樣,他們的名字已寫在生命冊上了。
4 Magalak lagi sa Panginoon. Muli kong sasabihin, magalak.
你們在主內應常常喜樂,我再說:你們應當喜樂!
5 Hayaan ninyong makita ng lahat ng tao ang inyong kahinahunan. Malapit lamang ang Panginoon.
你們的寬仁應當叫眾人知道:主快來了。
6 Huwag mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hayaan ninyong malaman ng Panginoon ang inyong mga kahilingan sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.
你們什麼也不要掛慮,只在一切事上,以懇求和祈禱,懷著感謝之心,向天父呈上你們的請求;
7 At ang kapayapaan ng Diyos na humihigit sa lahat ng pang-unawa, ang mag-iingat sa inyong mga puso at isipan kay Cristo Jesus.
這樣,天主那超乎各種意想的平安,必要在基督耶穌內固守你們的人思念慮。
8 Sa wakas, mga kapatid, anumang mga bagay na totoo, marangal, makatarungan, dalisay, kaibig-ibig, may mabuting ulat, kung may mga bagay na mahusay at dapat papurihan, isipin ang mga bagay na ito.
此外弟兄們! 凡是真實的,凡是高尚的,凡是純潔的,凡是可愛的,凡是榮譽的,不管是美德,不管是稱譽:這一切你們都該思念:
9 Ang mga bagay na natutunan at natanggap ninyo, narinig at nakita ninyo sa akin, gawin ang mga bagay na ito. Gawin ninyo ang mga bagay na inyong natutunan, natanggap, narinig at nakita sa akin. At sasainyo ang Diyos ng kapayapaan.
凡你們在我身上所學得的,所領受的,所聽到的,所看到的:這一切你們都該實行:這樣,賜平安的天主必與你們同在。
10 Lubos akong nagagalak sa Panginoon dahil sa wakas ay binago ninyo ang inyong pagpapahalaga para sa akin. Bagama't pinahalagahan ninyo ako noon ngunit wala kayong pagkakataon para tumulong.
再者,我在主內非常喜歡,因為你們對我的關心又再次表現出來,始終是關心我,只不過缺少表現的機會。
11 Hindi ko sinasabi ang mga ito para sa aking mga pangangailangan. Sapagkat natutunan ko ang masiyahan sa lahat ng pangyayari.
我說這話,並不是由於貧乏,因為我已學會了,在所處的環中常常知足。
12 Alam ko kung paano mangailangan at alam ko rin kung paano magkaroon ng kasaganaan. Sa lahat ng paraan at sa lahat ng bagay, natutunan ko ang lihim kung paano parehong kumain ng marami at magutom, paano parehong managana at mangailangan.
我也知道受窮,也知道享受;在各樣事上和各種環中,或飽飫,或饑餓,或富裕,或貧乏,我都得了秘訣。
13 Magagawa ko ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan niya na nagpapalakas sa akin.
我賴加強我力量的那位,能應付一切。
14 Gayunpaman, ginawa ninyo ang mabuti sa pakikibahagi sa aking mga paghihirap.
但是,你們也實在做的好,因為分擔了我的困苦。
15 At alam ninyo, kayong mga taga-Filipos, na sa simula ng ebanghelyo, nang umalis ako sa Macedonia, walang iglesya ang tumulong sa akin sa bagay ng pagbibigay at pagtatanggap maliban sa inyo lamang.
你們斐理伯人也知道:當我在傳福音之初,離開馬其頓時,沒有一個教會在支收的事上供應過我,惟獨只你們;
16 Kahit nang ako ay nasa Tesalonica, nagpadala kayo ng tulong para sa aking mga pangangailangan ng higit sa isang beses.
連我在得撒洛尼時,你們不只一次,而且兩次曾給我送來我的急需。
17 Hindi sa hinahanap ko ang kaloob. Sa halip, hinahanap ko ang bunga na nagpapataas ng inyong halaga.
我並不是貪求餽贈,我所貪求的,是歸入你們賬內的豐厚的利息。
18 Nakatanggap at nagkaroon ako ng lahat bagay. Napuno ako. Natanggap ko mula kay Epafroditus ang mga bagay na galing sa inyo. Ang mga ito ay mababangong samyo, katanggap-tanggap at kalugod-lugod na handog sa Diyos.
如今我已收到了一切,已富足了;我由厄帕格狄托收到了你們來的芬芳的馨香,天主所悅納中意的祭品,我已夠滿了
19 At ang aking Diyos ang magpupuno ng inyong mga pangangailangan ayon sa kaniyang mga kayamanan at kaluwalhatian kay Cristo Jesus.
我的天主必要以自己的財富,在基督耶穌內,豐富滿足你們的一切需要。
20 Ngayon, nawa'y sa ating Diyos at Ama ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. (aiōn )
願光榮歸於天主,我們的父,至於世世。阿們。 (aiōn )
21 Batiin ninyo ang bawat mananampalataya kay Cristo Jesus. Binabati kayo ng mga kasamahan kong mananampalataya.
你們要在基督耶穌內問候各位聖徒;同我在一起的弟兄都問候你們。
22 Binabati kayo ng lahat ng mananampalataya dito, lalo na ang mga nasa sambahayan ni Ceasar.
眾位聖徒,特別是凱撒家中的聖徒,都問候你們。
23 Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo.
願主耶穌基督的恩寵與你們的人神同在。阿們。