< Mga Filipos 2 >

1 Kung gayon, kung mayroon man kasiglahan kay Cristo. Kung mayroon man kaginhawahan mula sa kaniyang pagmamahal. Kung mayroon man pakikiisa sa Espiritu. Kung mayroon man mga mahinahong awa at habag.
Отже, коли є якесь підбадьорення в Христі, коли є якась утіха в любові, коли є якась спільність Духа, коли є якісь щирі почуття та милосердя,
2 Gawing ganap ang aking kasiyahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang pag-iisip, pagkakaroon ng parehong pagmamahal, nagkaisa sa espiritu, at sa pagkakaroon ng parehong layunin.
то доповніть мою радість: майте однакове мислення, однакову любов, будьте однодушні та однодумні.
3 Huwag kayong gumawa ng kahit na ano dahil sa kasakiman o walang saysay na pagmamataas. Sa halip ay ituring ninyo nang may kababaang-loob ang iba na higit kaysa sa inyong sarili.
[Не робіть] нічого з самолюбних амбіцій чи з марнославства, а в смиренності вважайте одне одного за вищого від себе,
4 Huwag ninyong tingnan ang pansarili ninyong pangangailangan, ngunit pati na rin ang pangangailangan ng iba.
дбаючи не лише про самих себе, а й про інших.
5 Mag-isip kayo tulad ng kay Cristo Jesus.
Нехай у вас буде те ж мислення, що й у Христа Ісуса.
6 Nabuhay siya sa anyo ng Diyos, ngunit hindi niya itinuring ang kaniyang pagkakapantay sa Diyos bilang isang bagay na dapat niyang panghawakan.
Він, будучи в образі Божому, не вважав, що рівність із Богом треба захопити,
7 Sa halip, tinanggalan niya ng kapakanan ang kaniyang sarili. Nag-anyo siya bilang isang tagapaglingkod. Nagpakita siyang kawangis ng mga tao. Nakita siya bilang anyong tao.
але принизив Самого Себе, прийнявши образ раба, став подібним до людини і на вигляд як людина з’явився.
8 Ibinaba niya ang kaniyang sarili at naging masunurin hanggang sa kamatayan, ang kamatayan sa krus.
Він упокорив Себе, ставши слухняним до самої смерті, причому смерті на хресті!
9 Kung kaya't lubos siyang itinaas ng Diyos. Siya ay binigyan niya ng pangalan na nakahihigit sa lahat ng pangalan.
Тому й Бог підніс Його понад усе і дав Йому ім’я, вище від усякого іншого імені,
10 Ginawa niya ito upang ang lahat ay luluhod sa pangalan ni Jesus, ang mga nasa langit at sa lupa, at ang mga nasa ilalim ng lupa.
щоб перед іменем Ісуса вклонилося кожне коліно на небі, на землі та під землею
11 Ginawa niya ito upang ang lahat ng labi ay magsasabing si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa kaluwalhatian ng Diyos Ama.
і щоб кожен язик визнав, що Ісус Христос – це Господь на славу Бога Отця.
12 Kaya, mga minamahal ko, tulad ng inyong palaging pagsunod, hindi lamang sa panahong kasama ninyo ako, ngunit mas higit pa ngayong hindi ninyo ako kasama, pagsikapan ninyo ang inyong kaligtasan nang may takot at panginginig.
Тому, любі мої, оскільки ви завжди були слухняними, і не лише в моїй присутності, але й тепер, коли я відсутній, звершуйте ваше спасіння зі страхом та тремтінням,
13 Sapagkat ang Diyos na parehong kumikilos sa inyo upang naisin at gawin ninyo ang ipinagagawa niya alang-alang sa kaniyang ikasisiya.
адже Бог є Тим, Хто викликає у вас і бажання, і дію згідно зі [Своєю] доброю волею.
14 Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagrereklamo at pagtatalo.
Робіть усе без нарікань та суперечок,
15 Kumilos kayo sa ganitong paraan upang kayo ay maging walang kapintasan at tapat na mga anak ng Diyos na walang dungis. Kumilos kayo sa ganitong paraan upang kayo ay magningning tulad ng mga liwanag sa mundo, sa gitna ng baluktot at bulok na salinlahi.
щоб ви стали бездоганними та невинними «Божими непорочними дітьми серед зіпсованого та розбещеного покоління», в якому ви сяєте як світильники у світі,
16 Ipahayag ninyo ang salita ng buhay nang sa gayon ay may dahilan ako upang magluwalhati sa araw ni Cristo. Doon ko malalaman na hindi ako tumatakbo ng walang kabuluhan o gumagawa ng walang kabuluhan.
тримаючись Слова життя, щоб я міг похвалитися в День Христа, що недаремно біг і недаремно трудився.
17 Ngunit kahit na ibinuhos ako bilang isang alay sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, nagagalak ako, at nagagalak ako kasama ninyong lahat.
І навіть якщо [моя кров] буде пролита на додаток до вашої жертви й вірного богослужіння, я радію та веселюся разом із вами усіма.
18 Sa ganitong paraan nagagalak din kayo, at nagagalak kasama ko.
Так само й ви радійте та веселіться разом зі мною!
19 Ngunit umaasa ako sa Panginoong Jesus na agad niyang ipadala si Timoteo sa inyo, nang sa gayon ay mapalakas din ang aking loob kapag nalaman ko ang mga bagay tungkol sa inyo.
Надіюсь у Господі Ісусі, що незабаром пошлю до вас Тимофія, щоб і я міг підбадьоритися вістями про вас.
20 Sapagkat walang ibang taong may katulad ng ugali niya, na tunay na sabik sa inyo.
Бо я не маю нікого іншого, такого ж відданого душею, хто б так щиро подбав про вас.
21 Sapagkat lahat sila ay naghahanap ng kani-kaniyang kapakinabangan, hindi ang mga bagay na kay Jesu-Cristo.
Адже всі шукають свого, а не того, що належить Ісусу Христу.
22 Ngunit alam ninyo ang kaniyang halaga, dahil tulad ng isang anak na naglilingkod sa kaniyang ama, kaya naglingkod din siya kasama ko sa ebanghelyo.
Ви знаєте його характер і те, що він служив разом зі мною для Доброї Звістки, немов батько із сином.
23 Kaya umaasa akong ipadadala siya sa oras na makita ko kung paano magaganap ang mga bagay sa akin.
Тож сподіваюся послати його відразу, як тільки дізнаюся, що буде зі мною,
24 Ngunit nagtitiwala ako sa Panginoon na ako, sa aking sarili ay nalalapit na ring makarating.
і я впевнений у Господі, що скоро і сам прийду.
25 Ngunit sa tingin ko ay kinakailangang ipadala muli si Epafrodito pabalik sa inyo. Kapatid ko siya, kapwa manggagawa, at kapwa kawal, at inyong mensahero at lingkod para sa aking mga pangangailangan.
Також я вважав за необхідне послати до вас Епафродита, мого брата й товариша в праці та боротьбі, вашого посланця та служителя в моїх потребах.
26 Sapagkat labis siyang nabalisa, at ninais niyang makasama kayong lahat, dahil nalaman ninyo na siya ay may sakit.
Він дуже сумував за всіма вами та був стривожений, що ви почули про його хворобу.
27 Sa katunayan, malubha ang kaniyang karamdaman na halos ikamatay niya. Ngunit naawa ang Diyos sa kaniya, at hindi lamang sa kaniya, ngunit pati na rin sa akin, nang sa gayon ay hindi na madagdagan pa ang aking kalungkutan ng isa pang kalungkutan.
Він і справді захворів і мало не помер, але Бог змилувався над ним, і не лише над ним, а й наді мною, щоб мені не довелося мати скорботу за скорботою.
28 Kung kaya mas nakasasabik na ipadadala ko siya, nang sa gayon kung makita ninyo siyang muli ay maaari kayong magalak at ako ay higit na makakalaya sa pagkabalisa.
Тож я послав його якомога швидше, щоб, побачивши його знову, ви зраділи, а я не був таким засмученим.
29 Tanggapin ninyo si Epafrodito sa Panginoon ng may buong galak. Parangalan ninyo ang mga taong katulad niya.
Отже, прийміть його з усією радістю в Господі та майте повагу до таких людей,
30 Sapagkat dahil sa gawain para kay Cristo kaya siya nalapit sa bingit ng kamatayan. Itinaya niya ang kaniyang buhay upang mapaglingkuran ako at mapunuan ang hindi ninyo kayang gawin sa paglilingkod sa akin.
адже він мало не помер заради праці для Христа, ризикуючи життям, аби доповнити нестаток вашого служіння мені.

< Mga Filipos 2 >