< Mga Filipos 1 >

1 Mula kina Pablo at Timoteo, mga lingkod ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga nailaan kay Cristo Jesus na nasa Filipos, kasama ang mga tagapangasiwa at mga diakono.
Од Павла и Тимотија, слугу Исуса Христа, свима светима у Христу Исусу који су у Филиби, с владикама и ђаконима:
2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
Благодат вам и мир од Бога Оца нашег и Господа Исуса Христа.
3 Nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa bawat ala-ala ninyo.
Захваљујем Богу свом кад се год опоменем вас,
4 Sa bawat panalangin ko para sa inyong lahat, palagi akong nananalangin nang may kagalakan.
Свагда у свакој молитви својој за све вас с радошћу молећи се,
5 Nagpapasalamat ako sa inyong pakikiisa sa ebanghelyo mula sa unang araw hanggang sa ngayon.
Што ви постадосте заједничари у јеванђељу, од првог дана и до данас;
6 Nagtitiwala ako sa bagay na ito, na ang nagsimula ng mabuting gawain sa inyo ay ipagpapatuloy na tapusin ito hanggang sa araw ni Jesu-Cristo.
Уздајући се у ово исто да ће Онај који је почео добро дело у вама довршити га тја до дана Исуса Христа.
7 Tama para sa akin na maramdaman ang ganito tungkol sa inyong lahat dahil kayo ay nasa puso ko. Naging kasama ko kayong lahat sa biyaya pati sa aking pagkakakulong at sa aking pagtatanggol at pagpapatunay ng ebanghelyo.
Као што је право да ја ово мислим за све вас, јер вас имам у срцу у оковима својим и у одговору и потврђивању јеванђеља, као све заједничаре са мном у благодати.
8 Sapagkat ang Diyos ang aking saksi, kung paano ko pinananabikan na makasama kayong lahat sa kalaliman ng pag-ibig ni Cristo Jesus.
Јер Бог ми је сведок да вас љубим љубављу Исуса Христа,
9 At ipinapanalangin ko ito: na ang inyong pag-ibig ay lalo pang sumagana sa kaalaman at sa lahat ng pang-unawa.
И зато се молим Богу да љубав ваша још више и више изобилује у разуму и свакој вољи,
10 Ipinapanalangin ko ito upang masubukan ninyo at mapili ang mga bagay na mahusay. Ipinapanalangin ko ito upang kayo ay maging tapat at walang sala sa araw ni Cristo.
Да кушате шта је боље, да будете чисти и без спотицања на дан Христов,
11 Ito rin ay upang mapuno kayo ng bunga ng katuwiran na dumarating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, sa kaluwalhatian at kapurihan ng Diyos.
Напуњени плодова правде кроз Исуса Христа, на славу и хвалу Божију.
12 Ngayon, nais kong malaman ninyo mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nagbunga ng mabilis na paglaganap ng ebanghelyo.
Хоћу, пак, да знате, браћо, да ово што се ради са мном изиђе за напредак јеванђеља,
13 Dahil ang aking pagkabilanggo dahil kay Cristo ay nalaman ng mga bantay sa buong palasyo at ng lahat.
Тако да се разгласи у свој судници и код свих осталих да су моји окови за Христа.
14 At nahimok ang halos lahat ng mga kapatid sa Panginoon dahil sa aking pagkabilanggo na maglakas-loob na ipahayag ang salita nang walang takot.
И многа браћа у Господу ослободивши се оковима мојим већма смеју говорити реч Божију без страха.
15 Tunay na inihahayag ng iba si Cristo dahil sa inggit at alitan, at ang iba naman ay dahil sa mabuting kalooban.
Истина, једни из зависти и свађе, а једни од добре воље Христа проповедају.
16 Ang mga naghahayag kay Cristo dahil sa pag-ibig ay nalalaman na inilagay ako dito upang ipagtanggol ang ebanghelyo.
Тако ови, упркос, Христа објављују нечисто, мислећи да ће нанети жалост мојим оковима;
17 Ngunit ipinapahayag ng iba si Cristo dahil sa makasarili at hindi tapat na mga dahilan. Iniisip nilang mapapahirapan nila ako habang nasa kulungan.
А ови из љубави, знајући да за одбрану јеванђеља лежим у тамници.
18 Ano naman? Sa alinmang paraan maging sa pagkukunwari o sa katotohanan, naihahayag si Cristo, at dahil dito nagagalak ako! Oo, ako ay magagalak.
Шта дакле? Било како му драго, дволичењем или истином, Христос се проповеда; и зато се радујем, а и радоваћу се;
19 Sapagkat alam kong magdudulot ito sa akin ng paglaya. Mangyayari ito dahil sa inyong mga panalangin at sa tulong ng Espiritu ni Jesu-Cristo.
Јер знам да ће ми се ово збити на спасење вашом молитвом и помоћу Духа Исуса Христа.
20 Naaayon ito sa aking matibay na inaasahan at kasiguraduhan na hindi ako mapapahiya. Sa halip, inaasahan kong maitataas si Cristo sa aking katawan, sa buhay man o sa kamatayan nang may buong tapang, na lagi naman at maging sa ngayon.
Као што чекам и надам се да се ни у чему нећу постидети, него да ће се и сад као свагда са сваком слободом Христос величати у телу мом, било животом или смрћу.
21 Sapagkat para sa akin, ang mabuhay ay kay Cristo at ang mamatay ay kapakinabangan.
Јер је мени живот Христос, а смрт добитак.
22 Ngunit kung ang mabuhay sa laman ay magdudulot ng bunga sa aking paghihirap, kung gayon hindi ko alam kung ano ang pipiliin.
А кад ми живљење у телу плод доноси, то не знам шта ћу изабрати.
23 Sapagkat naguguluhan ako sa dalawang pagpipilian na ito. Gusto ko nang mamatay at makasama si Cristo, kung saan iyon ang pinakamabuti!
А обоје ми је мило, имајући жељу отићи и с Христом бити, које би много боље било;
24 Ngunit ang manatili sa laman ay mas kinakailangan para sa inyong kapakanan.
Али остати у телу потребније је вас ради.
25 Dahil nakatitiyak ako tungkol dito, alam kong mananatili ako at magpapatuloy na kasama ninyong lahat, para sa inyong paglago at kagalakan sa pananampalataya.
И ово знам јамачно да ћу бити и остати код свих вас на ваш напредак и радост вере,
26 Bilang resulta, ang pagluluwalhati ninyo kay Cristo Jesus dahil sa akin ay mananagana, dahil sa muli kong presensya sa inyo.
Да хвала ваша мноме изобилује у Христу Исусу кад вам опет дођем.
27 Mamuhay lamang kayo na karapat-dapat sa ebanghelyo ni Cristo. Gawin ninyo ito upang kahit darating ako para makita kayo o kung wala ako, marinig ko sana ang tungkol sa kung paano kayo tumatayong matibay sa iisang espiritu. Ninanais kong marinig na kayo ay nasa iisang kaluluwa na magkakasamang nagsisikap para sa pananampalataya ng ebanghelyo.
Само живите као што се пристоји јеванђељу Христовом, да вас видим кад дођем или ако вам не дођем да чујем за вас да стојите у једном духу и једнодушно борите се за веру јеванђеља,
28 At huwag kayong matakot sa anumang ginawa ng inyong mga kaaway. Para sa kanila, tanda ito ng kanilang pagkawasak. Ngunit para sa inyo, tanda ito ng inyong kaligtasan, at ito ay nagmula sa Diyos.
И ни у чем да се не плашите од противника; које је њима знак погибли а вама спасења, и то од Бога;
29 Sapagkat ipinagkaloob na ito para sa inyo, alang-alang kay Cristo, hindi lamang para maniwala sa kaniya, ngunit para magdusa rin para sa kaniya.
Јер се вама дарова, Христа ради, не само да Га верујете него и да страдате за Њ,
30 Sapagkat kayo ay may laban na gaya ng nakita ninyo sa akin, at naririnig ninyo na mayroon ako ngayon.
Имајући ону исту борбу какву у мени видесте и сад чујете за мене.

< Mga Filipos 1 >