< Filemon 1 >
1 Si Pablo, isang bilanggo kay Jesu-Cristo, at kapatid na Timoteo, kay Filemon, aming minamahal na kaibigan at kamanggagawa,
Павел юзник Иисус Христов, и Тимофей брат, Филимону возлюбленному и споспешнику нашему,
2 at kay Apia aming kapatid na babae, at kay Arquipo aming kapwa kawal, at sa mga mananampalataya na nagtitipon sa iyong tahanan:
и Апфии сестре возлюбленнеи, и Архиппу совоинственнику нашему, и домашней твоей церкви:
3 Biyaya sa inyo at kapayapaan mula sa Diyos ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
благодать вам и мир от Бога Отца нашего, и Господа Иисуса Христа.
4 Lagi kong pinasasalamatan ang aking Diyos. Binabanggit kita sa aking mga panalangin.
Благодарю Бога моего, всегда память о тебе творя в молитвах моих,
5 Narinig ko ang pagmamahal at pananampalataya na mayroon ka sa Panginoong Jesus at sa lahat ng mananampalataya.
слышав любовь твою и веру, юже имаши ко Господу Иисусу и ко всем святым.
6 Ipinapanalangin ko na ang pakikisama ng iyong pananampalataya ay maging mabisa para sa kaalaman ng lahat ng mabuting bagay na sumasa-atin kay Cristo.
Яко да общение твоея веры действенно будет в разуме всякаго блага, еже в вас, о Христе Иисусе.
7 Sapagkat ako'y lubhang nagagalak at nagiginhawaan sa iyong pag-ibig, dahil ang mga puso ng mga mananampalataya ay pumayapa sa pamamagitan mo, kapatid.
Радость бо имам многу и утешение о любви твоей, яко утробы святых почиша тобою, брате.
8 Kaya kahit na mayroon akong lahat ng katapangan kay Cristo na utusan ka kung ano ang dapat mong gawin,
Сего ради многое дерзновение имея во Христе повелевати тебе, еже потребно есть,
9 sa halip dahil sa pag-ibig, ako ay nakikiusap sa iyo- ako, si Pablo, isang matandang lalaki, at ngayon isang bilanggo para kay Cristo Jesus.
любве же ради паче молю, таков сый якоже Павел старец, ныне же и узник Иисуса Христа:
10 Ako ay nakikiusap sa iyo tungkol sa aking anak na si Onesimo, ako'y naging ama niya sa aking pagkakagapos.
молю тя о моем чаде, егоже родих во узах моих Онисима,
11 Dahil minsan siyang walang pakinabang sa iyo, pero ngayon ay kapaki-pakinabang na sa iyo at sa akin.
иногда тебе непотребнаго, ныне же тебе и мне благопотребна, егоже возпослах тебе,
12 Pinadala ko siya—ang aking puso—muli sa iyo.
ты же его, сиречь мою утробу, приими.
13 Nais ko sanang manatili siya sa aking piling, upang siya ang maglingkod sa akin kahalili mo, habang ako ay naka-tanikala alang-alang sa ebanghelyo.
Егоже аз хотех у себе держати, да вместо тебе послужит ми во узах благовествования:
14 Ngunit ayaw kong gumawa ng anumang bagay na wala ang iyong pahintulot. Ginawa ko ito para anumang mabuting gawain ay mula sa sarili mong kagustuhan at hindi dahil pinilit kita.
без твоея же воли ничтоже восхотех сотворити, да не аки по нужди благое твое будет, но по воли.
15 Marahil ang dahilan kaya siya nahiwalay sa iyo sandali, ay upang siya ay matanggap mong muli magpakailanman. (aiōnios )
Негли бо ради сего разлучися на час, да вечна того приимеши, (aiōnios )
16 Hindi bilang isang alipin, ngunit higit sa pagiging isang alipin, bilang minamahal na kapatid—lalo na sa akin, at lalo pa para sa iyo, kapwa sa laman at sa Panginoon.
не ктому аки раба, но выше раба, брата возлюбленна, паче же мне, кольми же паче тебе, и по плоти и о Господе.
17 At sa gayon kung ako ay tinuturing mong katuwang, tatanggapin mo siya katulad ng pangtanggap mo sa akin.
Аще убо имаши мене общника, приими сего якоже мене.
18 Pero kung siya man ay nagkamali sa iyo sa anumang paraan o anuman ang utang sa iyo, sa akin mo iyon singillin.
Аще же в чесом обиде тебе, или должен есть, мне сие вмени.
19 Ako, si Pablo, sinulat ko ito sa pamamagitan ng aking sariling kamay: ako ang magbabayad sa iyo. Hindi ko na binabanggit sa iyo na utang mo sa akin ang iyong buhay.
Аз Павел написах рукою моею: аз воздам: да не реку тебе, яко и сам себе ми еси должен.
20 Oo, kapatid, hayaan mo akong magkaroon ng ilang kagalakan sa Panginoon mula sa iyo; pasiglahin mo ang aking puso kay Kristo.
Ей, брате, аз да получу еже прошу у тебе о Господе: упокой мою утробу о Господе.
21 Dahil nagtitiwala sa iyong pagsunod, sumulat ako sa iyo na alam kong magagawa mo ang higit pa sa aking hinihiling.
Надеявся на послушание твое написах тебе, ведый, яко и паче, еже глаголю, сотвориши.
22 Gayun din, maghanda ng silid panauhin para sa akin, umaasa ako na sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ako ay makakadalaw sa inyo agad.
Купно же и уготови ми обитель: уповаю бо, яко молитвами вашими дарован буду вам.
23 Si Epafras, aking kapwa bilanggo kay Kristo Jesus, ay bumabati sa inyo,
Целует тя Епафрас, спленник мой о Христе Иисусе,
24 gayun din sina Marcos, Aristarco, Demas, Lucas, mga kamanggagawa ko.
Марко, Аристарх, Димас, Лука, споспешницы мои.
25 Nawa ang pagpapala ng Panginoong Jesu Cristo ay mapasa-inyong espiritu. Amen.
Благодать Господа нашего Иисуса Христа со духом вашим. Аминь.