< Obadias 1 >

1 Ang Pangitain ni Obadias. Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh tungkol sa Edom: Nakarinig kami ng ulat na mula kay Yahweh, at isang kinatawan ang ipinadala sa mga bansa, na nagsasabi, “Tumindig kayo! Tayo ay tumindig laban sa kaniya para sa digmaan!”
오바댜의 묵시라 주 여호와께서 에돔에 대하여 이같이 말씀하시니라 우리가 여호와께로 말미암아 소식을 들었나니 곧 사자가 열국 중에 보내심을 받고 이르기를 너희는 일어날지어다 우리가 일어나서 그로 더불어 싸우자 하는 것이니라
2 Tingnan mo, gagawin kitang maliit sa lahat ng mga bansa, ikaw ay labis na hahamakin.
여호와께서 가라사대 내가 너를 열국 중에 미약하게 하였으므로 네가 크게 멸시를 받느니라
3 Nilinlang ka ng pagmamataas ng iyong puso, ikaw na naninirahan sa mga siwang ng bato, sa iyong matayog na tahanan, sinasabi mo sa iyong puso, “Sino ang makapagpapabagsak sa akin sa lupa?
바위 틈에 거하며 높은 곳에 사는 자여 네가 중심에 이르기를 누가 능히 나를 땅에 끌어내리겠느냐? 하니 너의 중심의 교만이 너를 속였도다
4 Kahit na ang iyong tore ay mataas ka gaya ng paglipad ng agila, at kahit na nakalagay na ang iyong pugad kasama ng mga bituin, ibababa kita mula roon sabi ni Yahweh.
네가 독수리처럼 높이 오르며 별 사이에 깃들일지라도 내가 거기서 너를 끌어내리리라 나 여호와가 말하였느니라
5 Kung pumunta sa iyo ang mga magnanakaw, kung dumating sa gabi ang mga magnanakaw (paano ka nahiwalay!), hindi ba nanakawin lamang nila ang sapat para sa kanilang mga sarili? Kung pumunta sa iyo ang mga mag-aani ng ubas, hindi ba iiwan nila ang mga nalaglag?
혹시 도적이 네게 이르렀으며 강도가 밤중에 네게 이르렀을지라도 그 마음에 만족하게 취하면 그치지 아니하였겠느냐? 혹시 포도를 따는 자가 네게 이르렀을지라도 그것을 얼마쯤 남기지 아니하였겠느냐? 네가 어찌 그리 망하였는고
6 Paano nawasak si Esau at nakita ang kaniyang mga nakatagong kayamanan!
에서가 어찌 그리 수탐되었으며 그 감춘 보물이 어찌 그리 수탐되었는고
7 Ang lahat ng kalalakihan na iyong kaanib ay ipadadala ka sa hangganan ng daraanan. Nilinlang ka ng mga taong kasundo mo, at nanaig sila laban sa iyo. Ang mga kumain ng iyong tinapay ang naglagay ng bitag sa ilalim mo. Walang pang-unawa sa kaniya.
너와 약조한 자들이 다 너를 쫓아 변경에 이르게 하며 너와 화목하던 자들이 너를 속이고 이기며 네 식물을 먹는 자들이 네 아래 함정을 베푸니 네 마음에 지각이 없음이로다
8 Sabi ni Yahweh, hindi ba wawasakin ko sa araw na iyon ang mga matatalinong lalaki ng Edom, at aalisin ang kaalaman sa bundok ni Esau?
나 여호와가 말하노라 그 날에 내가 에돔에서 지혜 있는 자를 멸하며 에서의 산에서 지각있는 자를 멸하지 아니하겠느냐?
9 At panghinaan ng loob ang iyong mga malalakas na kalalakihan, Teman, upang maihiwalay ang bawat lalaki sa bundok ni Esau sa pamamagitan ng malupit na pagpatay.
드만아 네 용사들이 놀랄 것이라 이로 인하여 에서의 산의 거민이 살륙을 당하여 다 멸절되리라
10 Dahil sa karahasang ginawa sa iyong kapatid na si Jacob, ikaw ay matatakpan ng kahihiyan at mahihiwalay magpakailanman.
네가 네 형제 야곱에게 행한 포학을 인하여 수욕을 입고 영원히 멸절되리라
11 Nang araw na tumayo ka sa malayo, nang araw na kinuha ng mga dayuhan ang kaniyang kayamanan at pinasok ng mga dayuhan ang kaniyang mga tarangkahan, at nagsapalaran sila sa Jerusalem, para ka na ring katulad nila.
네가 멀리 섰던 날 곧 이방인이 그의 재물을 늑탈하며 외국인이 그의 성문에 들어가서 예루살렘을 얻기 위하여 제비뽑던 날에 너도 그들 중 한 사람 같았었느니라
12 Ngunit huwag mong ikalugod ang araw ng iyong kapatid, ang araw ng kaniyang kasawian, at huwag mong ikagalak ang mga tao ng Juda sa araw ng kanilang pagkawasak; huwag magyabang sa araw ng kanilang paghihirap.
네가 형제의 날 곧 그 재앙의 날에 방관할 것이 아니며 그 고난의 날에 네가 입을 크게 벌릴 것이 아니라
13 Huwag kang pumasok sa tarangkahan ng aking bayan sa araw ng kanilang kapahamakan; huwag mong ikalugod ang kanilang paghihirap sa araw ng kanilang sakuna, huwag mong nakawin ang kanilang kayamanan sa araw ng kanilang pagkawasak.
내 백성이 환난을 당하는 날에 네가 그 성문에 들어가지 않을 것이며 환난을 당하는 날에 네가 그 고난을 방관하지 않을 것이며 환난을 당하는 날에 네가 그 재물에 손을 대지 않을 것이며
14 At huwag kang tumayo sa sangang daan, upang pigilan ang kaniyang mga tumatakas; at huwag mong ibigay ang mga nakaligtas sa araw ng kanilang pagkabalisa.
사거리에 서서 그 도망하는 자를 막지 않을 것이며 고난의 날에 그 남은 자를 대적에게 붙이지 않을 것이니라
15 Sapagkat ang araw ni Yahweh ay malapit na sa lahat ng mga bansa. Anuman ang iyong ginawa, ay gagawin din sa iyo; at lahat ng iyong mga ginawa ay babalik sa iyong sariling ulo.
여호와의 만국을 벌할 날이 가까왔나니 너의 행한대로 너도 받을 것인즉 너의 행한 것이 네 머리로 돌아갈 것이라
16 Sapagkat kung paano kayo uminom sa aking banal na bundok, ganoon patuloy na iinom ang lahat ng bansa. Iinom sila, at lulunok, at para bang hindi sila kailanman nabuhay.
너희가 내 성산에서 마신 것 같이 만국인이 항상 마시리니 곧 마시고 삼켜서 본래 없던 것 같이 되리라
17 Ngunit sa Bundok n Sion mayroong mga nakatakas, magiging banal ito; aariin muli ng sambahayan ni Jacob ang sarili nilang mga ari-arian.
오직 시온산에서 피할 자가 있으리니 그산이 거룩할 것이요 야곱 족속은 자기 기업을 누릴 것이며
18 Magiging isang apoy ang sambahayan ni Jacob, at isang liyab ang sambahayan ni Jose, at ang magiging pinaggapasan ang sambahayan ni Esau, at susunugin nila sila, at sila ay tutupukin. Walang makaliligtas sa sambahayan ni Esau, sapagkat sinabi ito ni Yahweh.
야곱 족속은 불이 될 것이요 요셉 족속은 불꽃이 될 것이며 에서 족속은 초개가 될 것이라 그들이 그의 위에 붙어서 그를 사를 것인즉 에서 족속에 남은 자가 없으리니 이는 여호와께서 말씀하셨음이니라
19 At aariin ng mula sa Negeb ang bundok ni Esau, at aariin ang mga nasa Shepelah ang lupain ng mga Filisteo; at aariin nila ang lupain ng Efraim, at ang lupain ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Gilead.
남방 사람은 에서의 산을 얻을 것이며 평지 사람은 블레셋을 얻을 것이요 또 그들이 에브라임의 들과 사마리아의 들을 얻을 것이며 베냐민은 길르앗을 얻을 것이며
20 Aariin ng mga ipinatapon na mga Israelita ang lupain ng Canaan hanggang sa Zarefat. Aariin ng mga ipinatapon na taga-Jerusalem na nasa Sardis ay aariin ng Negeb.
사로잡혔던 이스라엘의 뭇 자손은 가나안 사람에게 속한 땅을 사르밧까지 얻을 것이며 예루살렘의 사로잡혔던 자 곧 스바랏에 있는 자는 남방의 성읍들을 얻을 것이니라
21 Pupunta ang mga magliligtas sa bundok ng Zion upang hatulan ang bundok ni Esau, at ang kaharian ay magiging kay Yahweh.
구원자들이 시온산에 올라와서 에서의 산을 심판하리니 나라가 여호와께 속하리라

< Obadias 1 >