< Mga Bilang 9 >
1 Nagsalita si Yahweh kay Moises sa ilang ng Sinai, sa unang buwan ng ikalawang taon matapos silang makalabas mula sa lupain ng Ehipto. Sinabi niya,
Locutus est Dominus ad Moysen in deserto Sinai anno secundo, postquam egressi sunt de terra Ægypti, mense primo, dicens:
2 “Hayaan mong panatilihin ng mga tao ng Israel ang Paskua sa nakatakdang panahon nito sa bawat taon.
Faciant filii Israël Phase in tempore suo,
3 Sa paglubog ng araw sa ikalabing-apat na araw ng buwang ito, dapat ninyong ipagdiwang ang Paskua sa nakatakdang panahon nito sa bawat taon. Dapat ninyong panatilihin ito, sundin ang lahat ng alituntunin at sumunod sa lahat ng utos na kaugnay rito.”
quartadecima die mensis hujus ad vesperam, juxta omnes cæremonias et justificationes ejus.
4 Kaya sinabi ni Moises sa mga tao ng Israel na dapat nilang panatilihin ang Pagdiriwang ng Paskua.
Præcepitque Moyses filiis Israël ut facerent Phase.
5 Kaya ipinagdiwangi nila ang Paskua sa unang buwan, sa gabi ng ikalabing-apat na araw ng buwan, sa ilang ng Sinai. Sinunod ng mga tao ng Israel ang lahat ng bagay na iniutos ni Yahweh kay Moises na kaniyang gawin.
Qui fecerunt tempore suo, quartadecima die mensis ad vesperam, in monte Sinai. Juxta omnia quæ mandaverat Dominus Moysi, fecerunt filii Israël.
6 May ilang kalalakihang naging marumi sa pamamagitan ng patay na katawan ng isang tao. Hindi nila magawang ipagdiwang ang Paskua sa araw ding iyon, pinuntahan nila sina Moises at Aaron sa parehong araw na iyon.
Ecce autem quidam immundi super anima hominis, qui non poterant facere Phase in die illo, accedentes ad Moysen et Aaron,
7 Sinabi ng mga lalaking iyon kay Moises, “Marumi kami dahil sa patay na katawan ng isang tao. Bakit mo kami pinipigilan sa pag-aalay ng handog kay Yahweh sa panahon panahon ng bawat taon sa mga tao ng Israel?”
dixerunt eis: Immundi sumus super anima hominis: quare fraudamur ut non valeamus oblationem offerre Domino in tempore suo inter filios Israël?
8 Sinabi ni Moises sa kanila, “Hintayin ninyo na marinig ko kung ano ang itatagubilin ni Yahweh tungkol sa inyo.”
Quibus respondit Moyses: State ut consulam quid præcipiat Dominus de vobis.
9 Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
Locutusque est Dominus ad Moysen, dicens:
10 Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Sabihin mo, ''Kung sinuman sa inyo o sa inyong mga kaapu-apuhan ay marumi dahil sa isang patay na katawan, o nasa isang mahabang paglalakabay, maaari pa rin niyang ipagdiwang ang Paskua para kay Yahweh.'
Loquere filiis Israël: Homo, qui fuerit immundus super anima, sive in via procul in gente vestra, faciat Phase Domino
11 Dapat nilang ipagdiwang ang Paskua sa ikalawang buwan sa gabi ng ikalabing-apat na araw. Dapat nilang kainin ito kasama ng tinapay na walang pampaalsa at mga gulay na mapait.
in mense secundo, quartadecima die mensis ad vesperam. Cum azymis et lactucis agrestibus comedent illud:
12 Wala silang dapat ititira nito hanggang sa umaga, ni dapat nilang baliin ang isang buto ng mga hayop. Dapat nilang sundin ang lahat ng alituntunin para sa Paskua.
non relinquent ex eo quippiam usque mane, et os ejus non confringent: omnem ritum Phase observabunt.
13 Ngunit sinumang taong malinis at wala sa isang paglalakbay, ngunit nabigong ipagdiwang ang Paskua, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao dahil hindi siya nag-alay ng handog na inatas ni Yahweh sa nakatakdang panahon ng bawat taon. Dapat dalhin ng taong iyon ang kaniyang kasalanan.
Si quis autem et mundus est, et in itinere non fuit, et tamen non fecit Phase, exterminabitur anima illa de populis suis, quia sacrificium Domino non obtulit tempore suo: peccatum suum ipse portabit.
14 Kung nakikitira ang isang dayuhan sa inyo at ipinagdiriwang ang Paskua sa karangalan ni Yahweh, dapat niyang panatilihin ito at gawin lahat ng kaniyang iniuutos, sinusunod ang mga alituntunin ng Paskua at sinusunod ang mga batas para rito. Dapat kayong magkaroon ng parehong batas para sa dayuhan at para sa lahat ng ipinanganak sa lupain.”
Peregrinus quoque et advena si fuerint apud vos, facient Phase Domino juxta cæremonias et justificationes ejus. Præceptum idem erit apud vos tam advenæ quam indigenæ.
15 Sa araw na itinayo ang tabernakulo, binalot ng ulap ang tabernakulo, ang tolda ng kautusang tipan. Sa gabi nasa itaas ng tabernakulo ang ulap. Nagpakita ito na parang apoy hanggang sa umaga.
Igitur die qua erectum est tabernaculum, operuit illud nubes. A vespere autem super tentorium erat quasi species ignis usque mane.
16 Nagpatuloy ito sa paraang ganito. Binalot ng ulap ang tabernakulo at nagpakita na parang apoy sa gabi.
Sic fiebat jugiter: per diem operiebat illud nubes, et per noctem quasi species ignis.
17 Sa tuwing tumataas ang ulap mula sa ibabaw ng tolda, naghahanda sa paglalakbay ang mga tao ng Israel. Sa tuwing titiigil ang ulap, nagkakampo ang mga tao.
Cumque ablata fuisset nubes, quæ tabernaculum protegebat, tunc proficiscebantur filii Israël: et in loco ubi stetisset nubes, ibi castrametabantur.
18 Sa utos ni Yahweh, naglalakbay ang mga tao ng Israel, at sa kaniyang utos, nagkakampo sila. Habang nakatigil ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo, nananatili sila sa kanilang kampo.
Ad imperium Domini proficiscebantur, et ad imperium illius figebant tabernaculum. Cunctis diebus quibus stabat nubes super tabernaculum, manebant in eodem loco:
19 Kapag nananatili ang ulap sa tabernakulo ng maraming araw, maaaring sundin ng mga tao ng Israel ang mga tagubilin ni Yahweh at huwag maglakbay.
et si evenisset ut multo tempore maneret super illud, erant filii Israël in excubiis Domini, et non proficiscebantur
20 Minsan nananatili ang ulap ng kaunting araw sa tabernakulo. Sa panahong iyon, susundin nila ang utos ni Yahweh—magkakampo sila at maglalakbay muli sa kaniyang utos.
quot diebus fuisset nubes super tabernaculum. Ad imperium Domini erigebant tentoria, et ad imperium illius deponebant.
21 Minsan naroroon ang ulap sa kampo mula gabi hanggang sa umaga. Kapag tumataas ang ulap sa umaga, maglalakbay sila. Kung magpapatuloy ito ng isang araw at isang gabi, kapag tumaas lamang ang ulap na sila ay magpapatuloy sa paglalakbay.
Si fuisset nubes a vespere usque mane, et statim diluculo tabernaculum reliquisset, proficiscebantur: et si post diem et noctem recessisset, dissipabant tentoria.
22 Kahit nananatili ang ulap sa tabernakulo ng dalawang araw, isang buwan o isang taon, habang nananatili ito roon, mananatili ang mga tao ng Israel sa kanilang kampo at hindi maglalakbay. Ngunit kapag tumaas ang ulap, nagpapatuloy sila sa kanilang paglalakbay.
Si vero biduo aut uno mense vel longiori tempore fuisset super tabernaculum, manebant filii Israël in eodem loco, et non proficiscebantur: statim autem ut recessisset, movebant castra.
23 Maaari silang magkampo sa utos ni Yahweh at maglalakaby sa kaniyang utos. Sinusunod nila ang utos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.
Per verbum Domini figebant tentoria, et per verbum illius proficiscebantur: erantque in excubiis Domini juxta imperium ejus per manum Moysi.