< Mga Bilang 8 >
1 Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
耶和华晓谕摩西说:
2 “Kausapin mo si Aaron. Sabihin mo sa kaniya, 'Dapat magbigay ng liwanag ang pitong ilawan sa harapan ng patungan ng ilaw kapag sinindihan mo ang mga ito.'''
“你告诉亚伦说:点灯的时候,七盏灯都要向灯台前面发光。”
3 Ginawa ito ni Aaron. Sinindihan niya ang mga ilawan na nasa patungan ng ilawan upang magbigay ng liwanag sa harapan nito, gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises.
亚伦便这样行。他点灯台上的灯,使灯向前发光,是照耶和华所吩咐摩西的。
4 Ginawa ang patungan ng ilawan sa ganitong paraan: Ipinakita ni Yahweh kay Moises ang huwaran para rito: pinanday na ginto mula sa paanan hanggang sa itaas nito, kasama ang mga basong pinanday na parang mga bulaklak.
这灯台的做法是用金子锤出来的,连座带花都是锤出来的。摩西制造灯台,是照耶和华所指示的样式。
5 Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
耶和华晓谕摩西说:
6 “Kunin mo ang mga Levita mula sa mga tao ng Israel at gawin mo silang dalisay.
“你从以色列人中选出利未人来,洁净他们。
7 Gawin mo ito sa kanila upang gawin silang malinis: Iwisik mo sa kanila ang tubig na panlinis ng kasalanan. Paahitan mo sa kanila ang kanilang buong katawan, palabhan mo ang kanilang mga damit, at sa ganitong paraan gawing malinis ang kanilang sarili.
洁净他们当这样行:用除罪水弹在他们身上,又叫他们用剃头刀刮全身,洗衣服,洁净自己。
8 Pagkatapos pakuhain mo sila ng isang batang toro at ng handog butil ng pinong harinang hinaluan ng langis. Pakuhain mo sila ng isa pang batang toro bilang handog para sa kasalanan.
然后叫他们取一只公牛犊,并同献的素祭,就是调油的细面;你要另取一只公牛犊作赎罪祭。
9 Idulog mo ang mga Levita sa harapan ng tolda ng pagpupulong, at tipunin mo ang buong sambayanan ng Israel.
将利未人奉到会幕前,招聚以色列全会众。
10 Idulog mo ang mga Levita sa aking harapan, ni Yahweh. Dapat ipatong ng mga tao ng Israel ang kanilang mga kamay sa mga Levita.
将利未人奉到耶和华面前,以色列人要按手在他们头上。
11 Dapat ihandog ni Aaron ang mga Levita sa aking harapan, idulog mo sila na para bang itinaas sila sa kaniyang harapan, sa ngalan ng mga tao ng Israel. Dapat niyang gawin ito upang makapaglingkod sa akin ang mga Levita.
亚伦也将他们奉到耶和华面前,为以色列人当作摇祭,使他们好办耶和华的事。
12 Dapat ipatong ng mga Levita ang kanilang mga kamay sa ulo ng mga toro. Dapat kang maghandog ng isang toro bilang alay para sa kasalanan at ang ibang toro bilang alay na susunugin sa akin, upang ibayad sa kasalanan ng mga Levita.
利未人要按手在那两只牛的头上;你要将一只作赎罪祭,一只作燔祭,献给耶和华,为利未人赎罪。
13 Idulog mo ang mga Levita sa harapan ni Aaron at sa harapan ng kaniyang mga anak, at itaas mo sila sa akin bilang handog.
你也要使利未人站在亚伦和他儿子面前,将他们当作摇祭奉给耶和华。
14 Sa ganitong paraan dapat mong ihiwalay ang mga Levita mula sa mga tao ng Israel. Mapapabilang sa akin ang mga Levita.
“这样,你从以色列人中将利未人分别出来,利未人便要归我。
15 Pagkatapos nito, dapat pumasok ang mga Levita upang maglingkod sa tolda ng pagpupulong. Dapat gawin mo silang dalisay. Dapat mo silang itaas sa akin bilang handog.
此后利未人要进去办会幕的事,你要洁净他们,将他们当作摇祭奉上;
16 Gawin mo ito, dahil akin silang lahat mula sa mga tao ng Israel. Sila ang magiging kapalit ng bawat batang lalaking unang ipapanganak, ang panganay sa lahat ng kaapu-apuhan ng Israel. Kinuha ko ang mga Levita para sa aking sarili.
因为他们是从以色列人中全然给我的,我拣选他们归我,是代替以色列人中一切头生的。
17 Sa akin ang lahat ng panganay mula sa mga tao ng Israel, kapwa mga tao at mga hayop. Sa araw na kinuha ko ang mga buhay ng lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, inilaan ko sila para sa aking sarili.
以色列人中一切头生的,连人带牲畜,都是我的。我在埃及地击杀一切头生的那天,将他们分别为圣归我。
18 Kinuha ko ang mga Levita mula sa mga tao ng Israel sa halip na ang lahat ng panganay.
我拣选利未人代替以色列人中一切头生的。
19 Ibinigay ko ang mga Levita bilang isang regalo kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki. Kinuha ko sila mula sa mga tao ng Israel upang gawin ang gawain ng mga tao ng Israel sa tolda ng pagpupulong. Ibinigay ko sila upang magbayad ng kasalanan para sa mga tao ng Israel upang walang salot ang pipinsala sa mga tao kapag lumapit sila sa banal na lugar.”
我从以色列人中将利未人当作赏赐给亚伦和他的儿子,在会幕中办以色列人的事,又为以色列人赎罪,免得他们挨近圣所,有灾殃临到他们中间。”
20 Ginawa ito nina Moises, Aaron, at ng buong sambayanan ng Israel kasama ang mga Levita. Ginawa nila ang lahat ng bagay na inutos ni Yahweh kay Moises ukol sa mga Levita. Ginawa ito ng mga tao ng Israel na kasama nila.
摩西、亚伦,并以色列全会众便向利未人如此行。凡耶和华指着利未人所吩咐摩西的,以色列人就向他们这样行。
21 Ginawang dalisay ng mga Levita ang kanilang sarili mula sa kasalanan sa pamamagitan ng paglalaba ng kanilang mga damit. Idinulog sila ni Aaron bilang isang handog kay Yahweh at ibinayad sila sa kasalanan para sa kanila, upang gawin silang dalisay.
于是利未人洁净自己,除了罪,洗了衣服;亚伦将他们当作摇祭奉到耶和华面前,又为他们赎罪,洁净他们。
22 Pagkatapos nito, pumasok ang mga Levita upang isagawa ang kanilang paglilingkod sa tolda ng pagpupulong sa harapan ni Aaron at sa harapan ng kaniyang mga anak na lalaki. Ito ang inutos ni Yahweh kay Moises tungkol sa mga Levita. Pinakitunguhan nila ang mga Levita sa ganitong paraan.
然后利未人进去,在亚伦和他儿子面前,在会幕中办事。耶和华指着利未人怎样吩咐摩西,以色列人就怎样向他们行了。
23 Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
耶和华晓谕摩西说:
24 “Ang lahat ng ito ay para sa mga Levitang dalawampu't-limang taong gulang pataas. Dapat silang sumama sa mga samahan upang maglingkod sa tolda ng pagpupulong.
“利未人是这样:从二十五岁以外,他们要前来任职,办会幕的事。
25 Dapat silang tumigil sa paglilingkod sa paraang ganito sa gulang na limampung taon. Sa edad na iyan, hindi na sila dapat maglingkod pa.
到了五十岁要停工退任,不再办事,
26 Maaari nilang tulungan ang kanilang mga kapatid na patuloy na gumagawa sa tolda ng pagpupulong, ngunit hindi na sila dapat maglingkod pa. Dapat mong atasan ang mga Levita sa lahat ng bagay na ito.”
只要在会幕里,和他们的弟兄一同伺候,谨守所吩咐的,不再办事了。至于所吩咐利未人的,你要这样向他们行。”