< Mga Bilang 4 >

1 Nagsalita si Yahweh kina Moises at Aaron. Sinabi niya,
耶和华晓谕摩西、亚伦说:
2 “Magsagawa kayo ng isang pagtatala sa mga lalaking kaapu-apuhan ni Kohat na nagmula sa mga Levita, sa pamamagitan ng kanilang mga angkan at ng mga pamilya ng kanilang ninuno.
“你从利未人中,将哥辖子孙的总数,照他们的家室、宗族,
3 Bilangin ninyo ang lahat ng kalalakihan na tatlumpu hanggang limampung taong gulang.
从三十岁直到五十岁,凡前来任职、在会幕里办事的,全都计算。
4 Dapat sumali ang kalalakihang ito sa samahan para maglingkod sa tolda ng pagpupulong. Dapat pangalagaan ng mga kaapu-apuhan ni Kohat ang pinakasagradong mga bagay na inilaan para sa akin sa tolda ng pagpupulong.
哥辖子孙在会幕搬运至圣之物,所办的事乃是这样:
5 Kapag naghahanda ang kampo para umabante, dapat pumunta si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa tolda, ibaba ang kurtina na naghihiwalay sa pinakabanal na lugar mula sa banal na lugar, at itakip ito sa kaban ng tipan.
起营的时候,亚伦和他儿子要进去摘下遮掩柜的幔子,用以蒙盖法柜,
6 Dapat nilang takpan ang kaban ng mga balat ng dugong. Dapat silang maglatag ng asul na tela sa taas nito. Dapat nilang ilagay ang mga pasanan sa pagbubuhat nito.
又用海狗皮盖在上头,再蒙上纯蓝色的毯子,把杠穿上。
7 Dapat silang maglatag ng isang asul na tela sa mesa ng tinapay ng presensya. Sa ibabaw nito, dapat nilang ilagay ang mga pinggan, mga kutsara, mga mangkok, at mga banga para sa pagbubuhos. Dapat palaging nasa mesa ang tinapay.
又用蓝色毯子铺在陈设饼的桌子上,将盘子、调羹、奠酒的爵,和杯摆在上头。桌子上也必有常设的饼。
8 Dapat nilang takpan ang mga ito ng isang matingkad na pulang tela at muli ng mga balat ng dugong. Dapat nilang ilagay ang mga pasanan sa pagbubuhat sa mesa.
在其上又要蒙朱红色的毯子,再蒙上海狗皮,把杠穿上。
9 Dapat silang kumuha ng isang asul na tela at takpan ang patungan ng ilawan, kasama ng mga ilawan nito, mga sipit, mga sisidlan ng abo, at lahat ng mga banga ng langis para sa mga ilawan.
要拿蓝色毯子,把灯台和灯台上所用的灯盏、剪子、蜡花盘,并一切盛油的器皿,全都遮盖。
10 Dapat nilang takpan ang patungan ng ilawan at ang lahat ng mga kasangkapan nito ng mga balat ng dugong, at dapat nilang ilagay ito sa balangkas na binubuhat.
又要把灯台和灯台的一切器具包在海狗皮里,放在抬架上。
11 Dapat nilang ilatag ang isang asul na tela sa gintong altar. Dapat nilang takpan ito ng mga balat ng dugong, at pagkatapos ay ilagay ang mga pasanan sa pagbubuhat.
在金坛上要铺蓝色毯子,蒙上海狗皮,把杠穿上。
12 Dapat nilang dalhin ang lahat ng kasangkasapan para sa gawain sa loob ng banal na lugar at balutin ito ng isang asul na tela. Dapat nilang takpan ito ng mga balat ng dugong at ilagay ang kasangkapan sa balangkas na binubuhat.
又要把圣所用的一切器具包在蓝色毯子里,用海狗皮蒙上,放在抬架上。
13 Dapat nilang alisin ang mga abo mula sa altar at maglatag ng isang lilang tela sa altar.
要收去坛上的灰,把紫色毯子铺在坛上;
14 Dapat nilang ilagay ang lahat ng kasangkapan sa balangkas na binubuhat na ginagamit nila sa paggawa ng altar. Ang mga bagay na ito ay ang mga kawali, mga tinidor, mga pala, mga mangkok, at lahat ng ibang kasangkapan para sa altar. Dapat nilang takpan ang altar ng mga balat ng dugong at pagkatapos ay ilagay ang mga pasanan sa pagbubuhat.
又要把所用的一切器具,就是火鼎、肉锸子、铲子、盘子,一切属坛的器具都摆在坛上,又蒙上海狗皮,把杠穿上。
15 Kapag ganap na natakpan ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang banal na lugar at lahat ng mga kasangkapan nito, at kapag umabante ang kampo, dapat pumunta ang mga kaapu-apuhan ni Kohat upang dalhin ang banal na lugar. Kapag hinawakan nila ang mga sagradong kasangkapan, dapat silang mamatay. Ito ang gawain ng mga kaapu-apuhan ni Kohat, upang dalhin ang mga gamit sa tolda ng pagpupulong.
将要起营的时候,亚伦和他儿子把圣所和圣所的一切器具遮盖完了,哥辖的子孙就要来抬,只是不可摸圣物,免得他们死亡。会幕里这些物件是哥辖子孙所当抬的。
16 Dapat pangalagaan ni paring Eleazar na anak na lalaki ni Aaron ang langis para sa ilaw. Dapat niyang pangasiwaan ang pangangalaga ng matamis na insenso, ang palagiang handog na butil, ang pampahid na langis, ang buong tabernakulo at lahat ng narito, ang sagradong mga kagamitan at mga artikulo.”
“祭司亚伦的儿子以利亚撒所要看守的是点灯的油与香料,并当献的素祭和膏油,也要看守全帐幕与其中所有的,并圣所和圣所的器具。”
17 Nagsalita si Yahweh kina Moises at Aaron. Sinabi niya,
耶和华晓谕摩西、亚伦说:
18 “Huwag hayaan ang mga angkan ng mga tribu ni Kohat na maalis mula sa mga Levita.
“你们不可将哥辖人的支派从利未人中剪除。
19 Ipangtanggol ninyo sila sa paggawa nito, upang sila ay mabuhay at hindi mamamatay. Kapag nilapitan nila ang pinakabanal na mga bagay
他们挨近至圣物的时候,亚伦和他儿子要进去派他们各人所当办的,所当抬的。这样待他们,好使他们活着,不致死亡。
20 hindi sila dapat pumasok upang tingnan ang banal na lugar kahit sandali, kasi kung gagawin nila, dapat silang mamatay. Dapat pumasok sina Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at pagkatapos, dapat italaga nina Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang bawat Kohatita sa kaniyang gawain, sa kaniyang natatanging mga tungkulin.”
只是他们连片时不可进去观看圣所,免得他们死亡。”
21 Nagsalita muli si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
耶和华晓谕摩西说:
22 “Gumawa ka rin ng isang pagtatala ng mga kaapu-apuhan ni Gerson, ayon sa mga pamilya ng kanilang ninuno, ayon sa kanilang mga angkan.
“你要将革顺子孙的总数,照着宗族、家室,
23 Bilangin mo iyong mga tatlumpu hanggang limampung taong gulang. Bilangin mo silang lahat na sasali sa samahan upang maglingkod sa tolda ng pagpupulong.
从三十岁直到五十岁,凡前来任职、在会幕里办事的,全都数点。
24 Ito ay ang gawain ng mga angkan ng Gersonita, kapag sila ay naglilingkod at anuman ang kanilang binubuhat.
革顺人各族所办的事、所抬的物乃是这样:
25 Dapat nilang dalhin ang mga kurtina ng tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong, ang mga pantakip nito, ang pantakip na balat ng dugong na nakalagay dito, at ang mga kurtina para sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
他们要抬帐幕的幔子和会幕,并会幕的盖与其上的海狗皮,和会幕的门帘,
26 Dapat nilang dalhin ang mga kurtina ng patyo, ang kurtina para sa daanan sa tarangkahan ng patyo, na malapit sa tabernakulo at malapit sa altar, ang mga lubid nito, at lahat ng mga kasangkapan para sa kanilang paglilingkod. Anuman ang kailangang gawin sa mga bagay na ito, dapat nilang gawin ito.
院子的帷子和门帘(院子是围帐幕和坛的)、绳子,并所用的器具,不论是做什么用的,他们都要经理。
27 Dapat pamahalaan nila Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang lahat ng paglilingkod ng mga kaapu-apuhan ng mga Gersonita, sa bawat bagay na kanilang ililipat, at sa lahat ng kanilang paglilingkod. Dapat mo silang italaga sa lahat ng kanilang mga tungkulin.
革顺的子孙在一切抬物办事之上都要凭亚伦和他儿子的吩咐;他们所当抬的,要派他们看守。
28 Ito ay ang paglilingkod ng mga angkan ng mga kaapu-apuhan ng mga Gersonita para sa tolda ng pagpupulong. Ang pari na si Itamar na anak na lalaki ni Aaron ang dapat na manguna sa kanilang paglilingkod.
这是革顺子孙的各族在会幕里所办的事;他们所看守的,必在祭司亚伦儿子以他玛的手下。”
29 Dapat mong bilangin ang mga kaapu-apuhan ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, at iayos mo sila ayon sa mga pamilya ng kanilang ninuno,
“至于米拉利的子孙,你要照着家室、宗族把他们数点。
30 mula tatlumpung taong gulang pataas hanggang limampung taong gulang. Bilangin mo bawat isa na sasali sa samahan at maglilingkod sa tolda ng pagpupulong.
从三十岁直到五十岁,凡前来任职、在会幕里办事的,你都要数点。
31 Ito ay ang kanilang tungkulin at kanilang gawain sa lahat ng kanilang paglilingkod para sa tolda ng pagpupulong. Dapat nilang pangalagaan ang pagbabalangkas ng tabernakulo, mga pahalang na haligi nito, mga poste, at mga patungan,
他们办理会幕的事,就是抬帐幕的板、闩、柱子,和带卯的座,
32 kasama ng mga poste ng patyo sa palibot ng tabernakulo, ang mga patungan ng mga ito, mga tulos na pako, at ang mga lubid nito, kasama ang mga metal ng mga ito. Itala sa kanilang pangalan ang mga bagay na dapat nilang dalhin.
院子四围的柱子和其上带卯的座、橛子、绳子,并一切使用的器具。他们所抬的器具,你们要按名指定。
33 Ito ay ang paglilingkod ng mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Merari, anuman ang kanilang gagawin para sa tolda ng pagpupulong, sa ilalim ng pamamahala n paring Itamar na anak na lalaki ni Aaron.”
这是米拉利子孙各族在会幕里所办的事,都在祭司亚伦儿子以他玛的手下。”
34 Binilang nina Moises, Aaron at ng mga pinuno ng mga sambayanan ang mga kaapu-apuhan ng mga Kohatita ayon sa mga angkan ng mga pamilya ng kanilang ninuno.
摩西、亚伦与会众的诸首领将哥辖的子孙,照着家室、宗族,
35 Binilang sila mula tatlumpung taong gulang pataas hanggang limampung taong gulang. Binilang nila ang bawat isa na sasali sa samahan para maglingkod sa tolda ng pagpupulong.
从三十岁直到五十岁,凡前来任职、在会幕里办事的,都数点了。
36 Binilang nila ang 2, 750 na kalalakihan ayon sa kanilang mga angkan.
被数的共有二千七百五十名。
37 Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng kalalakihan sa mga angkan at mga pamilya ng mga Kohatita na siyang naglilingkod sa tolda ng pagpupulong. Sa pag-gawa nito, sinunod nila ang iniutos ni Yahweh na kanilang gawin sa pamamagitan ni Moises.
这是哥辖各族中被数的,是在会幕里办事的,就是摩西、亚伦照耶和华借摩西所吩咐数点的。
38 Binilang ang mga kaapu-apuhan ni Gerson sa kanilang mga angkan, ayon sa mga pamilya ng kanilang ninuno,
革顺子孙被数的,照着家室、宗族,
39 mula tatlumpu hanggang limampung taong gulang, bawat isa na sasali sa samahan para maglingkod sa tolda ng pagpupulong.
从三十岁直到五十岁,凡前来任职、在会幕里办事的,共有二千六百三十名。
40 Lahat ng kalalakihan, binilang ayon sa kanilang mga angkan at mga pamilya ng kanilang ninuno, sa bilang na 2, 630.
41 Binilang nina Moises at Aaron ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Gerson na maglilingkod sa tolda ng pagpupulong. Sa paggawa nito, sinunod nila ang iniutos ni Yahweh sa kanila na gawin sa pamamagitan ni Moises.
这是革顺子孙各族中被数的,是在会幕里办事的,就是摩西、亚伦照耶和华借摩西所吩咐数点的。
42 Binilang ang mga kaapu-apuhan ni Merari sa kanilang angkan ayon sa mga pamilya ng kanilang ninuno,
米拉利子孙中各族被数的,照着家室、宗族,
43 mula tatlumpu hanggang limampung taong gulang, bawat isa na sasali sa samahan para maglingkod sa tolda ng pagpupulong.
从三十岁直到五十岁,凡前来任职、在会幕里办事的,共有三千二百名。
44 Lahat ng kalalakihan, nabilang ayon sa kanilang mga angkan at mga pamilya ng kanilang mga ninuno, sa bilang na 3, 200.
45 Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng kalalakihang ito, ang mga kaapu-apuhan ni Merari. Sa paggawa nito, sinunod nila ang iniutos ni Yahweh sa kanila na gawin sa pamamagitan ni Moises.
这是米拉利子孙各族中被数的,就是摩西、亚伦照耶和华借摩西所吩咐数点的。
46 Kaya binilang nina Moises, Aaron, at ng mga pinuno ng Israel ang lahat ng Levita ayon sa kanilang angkan sa mga pamilya ng kanilang ninuno
凡被数的利未人,就是摩西、亚伦并以色列众首领,照着家室、宗族所数点的,
47 mula tatlumpu hanggang limampung taong gulang. Binilang nila ang bawat isa na gagawa ng mga gawain sa tabernakulo, at sinumang magdadala at mamamahala ng mga kagamitan sa tolda ng pagpupulong.
从三十岁直到五十岁,凡前来任职、在会幕里做抬物之工的,共有八千五百八十名。
48 Nabilang nila ang 8, 580 na kalalakihan.
49 Sa utos ni Yahweh, binilang ni Moises ang bawat lalaki, patuloy na bilang ang bawat-isa ayon sa uri ng gawaing naitilaga sa kaniya upang gawin niya. Binilang niya ang bawat-isa sa uri ng tungkulin na kanyang pasanin. Sa paggawa nito, sinunod nila ang utos ni Yahweh na kanilang gawin sa pamamagitan ni Moises.
摩西按他们所办的事、所抬的物,凭耶和华的吩咐数点他们;他们这样被摩西数点,正如耶和华所吩咐他的。

< Mga Bilang 4 >