< Mga Bilang 36 >

1 Pagkatapos, ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang ninuno sa angkan na itinatag ni Galaad na anak ni Maquir na anak ni Manases—ang mga pinuno ng mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Jose ay lumapit at nagasalita sa harap ni Moises at sa harap ng mga pinunong pangulo ng mga pamilya ng mga ninuno ng mga tao ng Israel.
ヨセフの子孫の氏族のうち、マナセの子マキルの子であるギレアデの子らの氏族のかしらたちがきて、モーセとイスラエルの人々のかしらであるつかさたちとの前で語って、
2 Sinabi nila, “Inutusan ka ni Yahweh, aming amo, na bigyan mo ng kabahagi ng lupa ang mga tao ng Israel sa pamamagitan ng palabunutan. Inutusan ka ni Yahweh na ibigay ang kabahagi ng kapatid naming si Zelofehad sa kaniyang mga anak na babae.
言った、「イスラエルの人々に、その嗣業の地をくじによって与えることを主はあなたに命じられ、あなたもまた、われわれの兄弟ゼロペハデの嗣業を、その娘たちに与えるよう、主によって命じられました。
3 Subalit kung mag-aasawa ang kaniyang mga anak na babae ng mga lalaki sa ibang tribu ng mga tao ng Israel, aalisin ang kabahagi ng lupa nila mula sa kabahagi ng aming mga ninuno. Idaragdag ito sa kabahagi ng mga tribu na sinalihan nila. Sa ganitong usapin, aalisin ito sa itinakdang kabahagi ng aming mana.
その娘たちがもし、イスラエルの人々のうちの他の部族のむすこたちにとつぐならば、彼女たちの嗣業は、われわれの父祖の嗣業のうちから取り除かれて、そのとつぐ部族の嗣業に加えられるでしょう。こうしてそれはわれわれの嗣業の分から取り除かれるでしょう。
4 Sa pagkakataong iyon, kapag dumating ang Paglaya ng mga tao ng Israel, ang kabahagi nila ay masasama sa kabahagi ng tribung sinalihan nila. Sa ganitong paraan, ibabawas ang kabahagi nila mula sa kabahagi ng tribu ng aming mga ninuno.”
そしてイスラエルの人々のヨベルの年がきた時、彼女たちの嗣業は、そのとついだ部族の嗣業に加えられるでしょう。こうして彼女たちの嗣業は、われわれの父祖の部族の嗣業のうちから取り除かれるでしょう」。
5 Kaya nagbigay si Moises ng isang utos sa mga tao ng Israel, ayon sa salita ni Yahweh. Sinabi niya, “Tama ang sinabi ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Jose.
モーセは主の言葉にしたがって、イスラエルの人々に命じて言った、「ヨセフの子孫の部族の言うところは正しい。
6 Ito ang inuutos ni Yahweh patungkol sa mga anak na babae ni Zelofehad. Sinabi niya, 'Hayaan silang magpakasal sa sinumang inaakala nilang pinakamabuti, subalit dapat lamang silang magpakasal sa loob ng lipi ng kanilang ama.'
ゼロペハデの娘たちについて、主が命じられたことはこうである。すなわち『彼女たちはその心にかなう者にとついでもよいが、ただその父祖の部族の一族にのみ、とつがなければならない。
7 Walang kabahagi ng mga tao ng Israel ang dapat lumipat mula sa isang tribu tungo sa iba. Dapat magpatuloy ang bawat isa sa mga tao ng Israel sa kabahagi ng tribu ng kaniyang mga ninuno.
そうすればイスラエルの人々の嗣業は、部族から部族に移るようなことはないであろう。イスラエルの人々は、おのおのその父祖の部族の嗣業をかたく保つべきだからである。
8 Bawat babae sa mga tao ng Israel na nagmamay-ari ng kabahagi sa kaniyang tribu ay dapat mag-asawa mula sa angkang nabibilang sa tribu ng kaniyang ama. Ito ay upang bawat isa sa mga tao ng Israel ay magmay-ari ng pamana mula sa mga ninuno niya.
イスラエルの人々の部族のうち、嗣業をもっている娘はみな、その父の部族に属する一族にとつがなければならない。そうすればイスラエルの人々は、おのおのその父祖の嗣業を保つことができる。
9 Walang kabahagi ang dapat magpalipat-lipat mula sa isang tribu tungo sa iba. Bawat isa sa mga tribu ng mga tao ng Israel ay dapat panatilihin ang kaniyang sariling mana.”
こうして嗣業は一つの部族から他の部族に移ることはなかろう。イスラエルの人々の部族はおのおのその嗣業をかたく保つべきだからである』」。
10 Kaya ginawa ng mga anak na babae ni Zelofehad ang gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises.
そこでゼロペハデの娘たちは、主がモーセに命じられたようにした。
11 Sina Mahla, Tirza, Hogla, Milca, at Noe, mga anak na babae ni Zelopfehad ay nag-asawa ng mga kaapu-apuhan ni Manases.
すなわちゼロペハデの娘たち、マアラ、テルザ、ホグラ、ミルカおよびノアは、その父の兄弟のむすこたちにとついだ。
12 Nagsipag-asawa sila sa mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Manases na anak ni Jose. Sa ganitong paraan, mananatili ang mga mana nila sa tribu na nabibilang sa angkan ng kanilang ama.
彼女たちはヨセフの子マナセのむすこたちの一族にとついだので、その嗣業はその父の一族の属する部族にとどまった。
13 Ito ang mga utos at kautusan na ibinigay ni Yahweh kay Moises para sa mga tao ng Israel sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico.
これらはエリコに近いヨルダンのほとりのモアブの平野で、主がモーセによってイスラエルの人々に命じられた命令とおきてである。

< Mga Bilang 36 >