< Mga Bilang 35 >
1 Nagsalita si Yahweh kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico at sinabi,
耶和华在摩押平原—约旦河边、耶利哥对面晓谕摩西说:
2 “Utusan mo ang mga tao ng Israel na magbigay ng ilan sa kanilang mga bahagi ng lupain sa mga Levita. Dapat nila silang bigyan ng mga lungsod upang tirahan at lupaing pastulan sa palibot ng mga lungsod na iyon.
“你吩咐以色列人,要从所得为业的地中把些城给利未人居住,也要把这城四围的郊野给利未人。
3 Kukunin ng mga Levita ang mga lungsod na ito para panahanan. Ang lupaing pastulan ay magiging para sa kanilang mga baka, sa kanilang mga kawan, at sa lahat ng kanilang mga hayop.
这城邑要归他们居住,城邑的郊野可以牧养他们的牛羊和各样的牲畜,又可以安置他们的财物。
4 Ang mga lupaing pastulan sa palibot ng mga lungsod na inyong ibibigay sa mga Levita ay dapat isang libong kubit sa bawat panig mula sa mga pader ng lungsod.
你们给利未人的郊野,要从城根起,四围往外量一千肘。
5 Dapat kang sumukat ng dalawang libong kubit mula sa labas ng lungsod sa silangang bahagi, at dalawang libong kubit sa timugang bahagi, at dalawang libong kubit sa kanlurang bahagi, at dalawang libong kubit sa hilagang bahagi. Ito ang magiging lupaing pastulan para sa kanilang mga lungsod. Ang mga lungsod ay magiging nasa gitna.
另外东量二千肘,南量二千肘,西量二千肘,北量二千肘,为边界,城在当中;这要归他们作城邑的郊野。
6 Anim sa mga lungsod na iyong ibibigay sa mga Levita ay dapat magsilbing mga lungsod ng kanlungan. Dapat mong ilaan ang mga ito bilang mga lugar na maaaring matakasan ng mga akusadong mamamatay-tao. Maglaan ka rin ng ibang apatnapu't dalawang lungsod.
你们给利未人的城邑,其中当有六座逃城,使误杀人的可以逃到那里。此外还要给他们四十二座城。
7 Ang mga lungsod na ibibigay mo sa mga Levita ay may kabuuang apatnapu't walo. Dapat mong ibigay ang kanilang mga lupaing pastulan kasama ng mga ito.
你们要给利未人的城,共有四十八座,连城带郊野都要给他们。
8 Ang mga malalaking tribu ng mga tao ng Israel, ang mga tribu na may maraming lupain, ang dapat magbigay ng maraming lungsod. Ang mga tribu na mas maliit ay magbibigay ng kaunting lungsod. Bawat tribu ay dapat magbigay para sa mga Levita ayon sa bahaging natanggap nito.”
以色列人所得的地业从中要把些城邑给利未 人;人多的就多给,人少的就少给;各支派要按所承受为业之地把城邑给利未人。”
9 Pagkatapos, nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
耶和华晓谕摩西说:
10 “Magsalita ka sa mga tao ng Israel at sabihin mo sa kanila, 'Kapag tumawid kayo sa Jordan patungo sa lupain ng Canaan,
“你吩咐以色列人说:你们过约旦河,进了迦南地,
11 dapat kayong pumili ng mga lungsod na magsisilbing mga lungsod ng kublihan para sa inyo, upang sinumang tao ang makapatay ng isang tao nang hindi sinasadya ay maaaring tumakas sa mga ito.
就要分出几座城,为你们作逃城,使误杀人的可以逃到那里。
12 Ang mga lungsod na ito ang dapat magiging inyong kublihan mula sa tagapaghiganti, upang ang akusadong tao ay hindi mapapatay na walang unang paglilitis sa harap ng sambayanan.
这些城可以作逃避报仇人的城,使误杀人的不至于死,等他站在会众面前听审判。
13 Dapat kayong pumili ng anim na lungsod bilang mga lungsod ng kublihan.
你们所分出来的城,要作六座逃城。
14 Dapat kayong magbigay ng tatlong lungsod sa labas ng Jordan at tatlo sa lupain ng Canaan. Ang mga ito ang magiging mga lungsod ng kublihan.
在约旦河东要分出三座城,在迦南地也要分出三座城,都作逃城。
15 Para sa mga tao ng Israel, para sa mga dayuhan, para sa sinumang naninirahan sa piling ninyo, ang anim na lungsod na ito ay magsisilbing isang kublihan na maaaring matakasan ng sinumang makapatay ng isang tao nang hindi sinasadya.
这六座城要给以色列人和他们中间的外人,并寄居的,作为逃城,使误杀人的都可以逃到那里。
16 Subalit kung hinampas ng isang akusadong tao ang kaniyang biktima gamit ang isang kasangkapang bakal, at kung mamamatay ang kaniyang biktima, ang akusado ay tunay ngang isang mamamatay-tao. Dapat tiyakin siyang patayin.
“倘若人用铁器打人,以致打死,他就是故杀人的;故杀人的必被治死。
17 Kung hinampas ng isang akusadong tao ang kaniyang biktima gamit ang isang bato sa kanyang kamay na maaaring makapatay sa biktima, at kung mamamatay ang kaniyang biktima, ang akusado ay tunay ngang isang mamamatay-tao. Dapat tiyakin siyang patayin.
若用可以打死人的石头打死了人,他就是故杀人的;故杀人的必被治死。
18 Kung hinampas ng isang akusadong tao ang kaniyang biktima gamit ang isang sandatang kahoy na maaaring makapatay sa biktima, at kung mamamatay ang biktima, ang akusado ay tunay ngang isang mamamatay-tao. Dapat tiyakin siyang patayin.
若用可以打死人的木器打死了人,他就是故杀人的;故杀人的必被治死。
19 Ang kadugong tagapaghiganti ay maaari niyang patayin ang isang mamamatay-tao. Kapag makatagpo siya, maaari niyang patayin.
报血仇的必亲自杀那故杀人的,一遇见就杀他。
20 At kung pagbuhatan ng kamay ng isang akusadong tao ang sinuman sa galit o maghagis ng isang bagay sa kaniya, habang nagtatago upang tambangan siya, para mamatay ang biktima,
人若因怨恨把人推倒,或是埋伏往人身上扔物,以致于死,
21 o kung hinampas siya sa galit gamit ang kaniyang kamay upang mamatay ang biktima, ang akusadong humampas sa kaniya ay tiyak na papatayin. Isang siyang mamamatay-tao. Ang kadugong tagapaghiganti ay maaaring patayin ang mamamatay-tao kapag siya ay makasalubong niya.
或是因仇恨用手打人,以致于死,那打人的必被治死。他是故杀人的;报血仇的一遇见就杀他。
22 Subalit kung biglang pinalo ng isang akusadong tao ang isang biktima nang walang galit o maghagis ng isang bagay na makatama sa biktima nang hindi inaasahan
“倘若人没有仇恨,忽然将人推倒,或是没有埋伏把物扔在人身上,
23 o kung maghahagis ng bato na makakapatay sa isang biktima nang hindi nakikita ang biktima, ang akusado ay hindi kaaway ng biktima, hindi niya sinasadyang saktan ang biktima. Gayon pa man, kung mamamatay ang biktima,
或是没有看见的时候用可以打死人的石头扔在人身上,以致于死,本来与他无仇,也无意害他。
24 sa ganoong kalagayan, dapat maghusga ang sambayanan sa pagitan ng inaakusahan at ng kadugong tagapaghiganti sa batayan ng mga batas na ito.
会众就要照典章,在打死人的和报血仇的中间审判。
25 Dapat iligtas ng sambayanan ang inaakusahan mula sa kapangyarihan ng kadugong tagapaghiganti. Dapat ibalik ng sambayanan ang inaakusahan sa lungsod ng kublihan kung saan siya dating tumakas. Dapat siyang mamuhay doon hanggang sa mamatay ang kasalukuyang pinakapunong pari, ang siyang pinahiran ng banal na langis.
会众要救这误杀人的脱离报血仇人的手,也要使他归入逃城。他要住在其中,直等到受圣膏的大祭司死了。
26 Subalit kung pumunta ang akusadong tao sa anumang oras sa lampas ng hangganan ng lungsod ng kublihan kung saan siya tumakas,
但误杀人的,无论什么时候,若出了逃城的境外,
27 at kung makita siya ng kadugong tagapaghiganti sa labas ng hangganan ng kaniyang lungsod ng kublihan, at kung mapatay niya ang akusadong tao, ang kadugong tagapaghiganti ay hindi magkakasala ng pagpatay.
报血仇的在逃城境外遇见他,将他杀了,报血仇的就没有流血之罪。
28 Ito ay dahil ang akusadong tao ay dapat nanatili sa kaniyang lungsod ng kublihan hanggang sa mamatay ang pinakapunong pari. Pagkatapos ng kamatayan ng pinakapunong pari, ang akusadong tao ay maaaring bumalik sa lupain kung saan ang kaniyang sariling ari-arian.
因为误杀人的该住在逃城里,等到大祭司死了。大祭司死了以后,误杀人的才可以回到他所得为业之地。
29 Ang mga batas na ito ay dapat maging mga kautusan para sa inyo sa buong salinlahi ng mga tao sa lahat ng lugar kung saan kayo nakatira.
这在你们一切的住处,要作你们世世代代的律例典章。
30 Kung sinuman ang pumatay ng sinumang tao, dapat patayin ang mamamatay-tao, ayon sa patotoo sa pamamagitan ng mga salita ng mga saksi. Ngunit ang salita ng isang saksi lamang ay hindi magdudulot sa sinumang tao upang patayin.
“无论谁故杀人,要凭几个见证人的口把那故杀人的杀了,只是不可凭一个见证的口叫人死。
31 Gayundin, dapat huwag kayong tumanggap ng pantubos para sa buhay ng isang mamamatay-tao na nagkasala ng pagpatay. Dapat tiyakin siyang patayin.
故杀人、犯死罪的,你们不可收赎价代替他的命;他必被治死。
32 At dapat huwag kayong tumanggap ng pantubos para sa isang tumakas papunta sa lungsod ng kublihan. Dapat huwag ninyong gagawin ang ganitong pamamaraan, pahintulutan siyang tumira sa kaniyang sariling ari-arian hanggang sa mamatay ang pinakapunong pari.
那逃到逃城的人,你们不可为他收赎价,使他在大祭司未死以先再来住在本地。
33 Huwag ninyong dumihan sa ganitong pamamaraan ang lupain kung saan kayo namumuhay, dahil ang dugo mula sa pinatay ay dinudumihan ang lupain. Walang pambayad kasalanan ang maaaring gawin sa lupain kapag ang dugo ay dumanak dito, maliban sa pamamagitan ng dugo ng isang dumanak dito.
这样,你们就不污秽所住之地,因为血是污秽地的;若有在地上流人血的,非流那杀人者的血,那地就不得洁净。
34 Kaya dapat huwag ninyong dungisan ang lupaing inyong pinamumuhayan dahil ako ay namumuhay dito. Akong si Yahweh ay namumuhay kasama ng mga tao ng Israel.'”
你们不可玷污所住之地,就是我住在其中之地,因为我—耶和华住在以色列人中间。”