< Mga Bilang 33 >
1 Ito ang mga pagkilos ng mga tao ng Israel matapos nilang lisanin ang lupain ng Ehipto ayon sa kanilang mga armadong pangkat sa ilalim ng pamumuno ni Moises at Aaron.
以下是以色列子民在梅瑟和亞郎指揮下,分隊出離埃及國後所行的路程。
2 Isinulat ni Moises ang mga lugar mula sa pinanggalingan nila hanggang sa pinuntahan nila ayon sa inutos ni Yahweh. Ito ang kanilang mga pagkilos, mula sa paglisan tungo sa sunod na paglisan.
梅瑟記錄了他們遵上主的命啟營的出發點。以下是他們依次出發的行程:
3 Naglakbay sila mula sa Rameses sa unang buwan, umalis sila sa ikalabing limang araw ng unang buwan. Sa umaga matapos ang Paskua, hayagang umalis ang mga tao ng Israel sa paningin ng lahat ng mga taga-Ehipto.
他們於正月十五日由辣默色斯起程,即在逾越節第二日,以色列子民大膽地、當著眾埃及人的面出走了,
4 Nangyari ito habang inililibing ng mga taga-Ehipto ang lahat ng kanilang mga panganay, iyong mga pinatay ni Yahweh sa kanila, sapagkat nagpataw din siya ng parusa sa kanilang mga diyos.
其時埃及人正在埋葬上主在他們中所擊殺的一切長子;上主也懲罰了他們的神祇。
5 Naglakbay ang mga tao ng Israel mula sa Rameses at nagkampo sa Sucot.
以色列子民由辣默色斯起程,在酥苛特紮營。
6 Naglakbay sila mula sa Succot at nagkampo sa Etam sa dulo ng ilang.
由穌苛特起程,在位於曠野邊界的厄堂紮營。
7 Naglakbay sila mula sa Etam at bumalik sa Pi Hahirot na kasalungat ng Baal-zefon, kung saan sila nagkampo kasalungat ng Migdol.
由厄堂起程,轉向巴耳責豐的丕哈希洛特,在米革多耳對面紮營。
8 Pagkatapos, naglakbay sila mula sa kasalungat ng Pi Hahirot at dumaan sila sa gitna ng dagat tungo sa ilang. Naglakbay sila ng tatlong araw tungo sa ilang ng Etam at nagkampo sa Mara.
由丕哈希洛特起程,由海中經過進入曠野,在厄堂曠野中行了三天的路,然後在瑪辣紮營。
9 Naglakbay sila mula sa Mara at dumating sa Elim. May labindalawang bukal at pitumpung puno ng palmera sa Elim. Doon sila nagkampo.
由瑪辣起程,來到厄林。在厄林有十二水泉和七十株棕櫚樹,就在那裡紮營。
10 Naglakbay sila mula sa Elim at nagkampo sa tabi ng Dagat ng mga Tambo.
由厄林起程,在紅海旁紮營。
11 Naglakbay sila mula sa Dagat ng mga Tambo at nagkampo sa ilang ng Sin.
由紅海起程,在欣曠野紮營。
12 Naglakbay sila mula sa ilang ng Sin at nagkampo sa Dofca.
由欣曠野啟程,在多弗卡紮營。
13 Naglakbay sila mula sa Dofca at nagkampo sa Alus.
由多弗卡起程,在阿路士紮營。
14 Naglakbay sila mula sa Alus at nagkampo sila sa Refidim, kung saan walang matagpuang tubig upang mainom ng mga tao.
由阿路士起程,在勒非丁紮營;民眾在這裡沒有水喝。
15 Naglakbay sila mula sa Refidim at nagkampo sa ilang ng Sinai.
由勒非丁起程,在西乃曠野裡紮營。
16 Naglakbay sila mula sa ilang ng Sinai at nagkampo sa Kibrot Hataava.
由西乃曠野起程,在克貝洛特哈塔瓦紮營。
17 Naglakbay sila mula sa Kibrot Hattaava at nagkampo sa Hazerot.
由克貝洛特哈塔瓦起程,在哈責洛特紮營。
18 Naglakbay sila mula sa Hazerot at nagkampo sa Ritma.
由哈責洛特起程,在黎特瑪紮營。
19 Naglakbay sila mula sa Ritma at nagkampo sa Rimmon Perez.
由黎特瑪起程,在黎孟培勒茲紮營。
20 Naglakbay sila mula sa Rimmon Perez at nagkampo sa Libna.
由黎孟培勒茲起程,在里貝納紮營。
21 Naglakbay sila mula sa Libna at nagkampo sa Risa.
由里貝納起程,在黎撒紮營。
22 Naglakbay sila mula sa Risa at nagkampo sa Cehelata.
由黎撒起程,在刻黑拉達紮營。
23 Naglakbay sila mula sa Cehelata at nagkampo sila sa Bundok ng Sefer.
由刻黑拉達起程,在舍斐爾山紮營。
24 Naglakbay sila mula sa Bundok ng Sefer at nagkampo sa Harada.
由舍斐爾山起程,在哈辣達紮營。
25 Naglakbay sila mula sa Harada at nagkampo sa Macelot.
由哈辣達起程,在瑪刻黑羅特紮營。
26 Naglakbay sila mula sa Macelot at nagkampo sa Tahat.
由瑪刻黑羅特起程,在塔哈特紮營。
27 Naglakbay sila mula sa Tahat at nagkampo sa Tera.
由塔哈特起程,在特辣黑紮營。
28 Naglakbay sila mula sa Tera at nagkampo sa Mitca.
由特辣黑起程,在米特卡紮營。
29 Naglakbay sila mula sa Mitca at nagkampo sa Hasmona.
由米特卡起程,在哈市摩納紮營。
30 Naglakbay sila mula sa Hasmona at nagkampo sa Moserot.
由哈市摩納起程,在摩色爾紮營。
31 Naglakbay sila mula sa Moserot at nagkampo sa Bene Jaakan.
由摩色爾起程,在貝乃雅干紮營。
32 Naglakbay sila mula sa Bene Jaakan at nagkampo sa Hor Hagidgad.
由貝乃雅干起程,在曷爾哈基加得紮營。
33 Naglakbay sila mula sa Hor Hagidgad at nagkampo sa Jotbata.
由曷爾哈基加得起程,在約特巴達紮營。
34 Naglakbay sila mula sa Jotbata at nagkampo sa Abrona.
由約特巴達起程,在阿貝洛納紮營。
35 Naglakbay sila mula sa Abrona at nagkampo sa Ezion Geber.
由阿貝洛納起程,在厄茲雍革貝爾紮營。
36 Naglakbay sila mula sa Ezion Geber at nagkampo sa ilang ng Sin sa Kades.
由厄茲雍革貝爾起程,在親曠野,即卡德士紮營。
37 Naglakbay sila mula sa Kades at nagkampo sa Bundok ng Hor, sa dulo ng lupain ng Edom.
由卡德士起程,在位於厄東地邊界上的曷爾山下紮營。
38 Umakyat ang paring si Aaron sa Bundok Hor ayon sa utos ni Yahweh at doon namatay sa ika-apatnapung taon matapos lumabas ang mga tao ng Israel sa lupain ng Ehipto, sa ikalimang buwan, sa unang araw ng buwan.
亞郎大司祭依上主的命,上了曷爾山,死在那裡,時在以色列子民出埃及國後四十年五月初一日。
39 123 taong gulang si Aaron nang mamatay siya sa Bundok Hor.
亞郎死在曷爾山上時,已一百二十三歲。
40 Narinig ng hari ng Arad na Cananeo, na nakatira sa timugang ilang sa lupain ng Canaan ang pagdating ng mga tao ng Israel.
其時住在客納罕南部的客納罕人王阿辣得聽說以色列子民來了。
41 Naglakbay sila mula sa Bundok Hor at nagkampo sa Zalmona.
它們再由曷爾山下起程,在匝耳摩納紮營。
42 Naglakbay sila mula sa Zalmona at nagkampo sa Punon.
由匝耳摩納起程,在普農紮營。
43 Naglakbay sila mula sa Punon at nagkampo sa Obot.
由普農起程,在敖波特紮營。
44 Naglakbay sila mula sa Obot at nagkampo sa Iye Abarim, sa hangganan ng Moab.
由敖波特起程,在位於摩阿布邊境的依因阿巴陵紮營。
45 Naglakbay sila mula sa Iye Abarim at nagkampo sa Dibon Gad.
由依因起程,在狄朋加得紮營。
46 Naglakbay sila mula sa Dibon Gad at nagkampo sa Almon Diblataim.
由狄朋加得起程,在阿耳孟狄貝拉塔因紮營。
47 Naglakbay sila mula sa Almon Diblataim at nagkampo sa kabundukan ng Abarim, salungat ng Nebo.
由阿耳孟狄貝拉塔因起程,在乃波前面的阿巴陵山地內紮營。
48 Naglakbay sila mula sa mga kabundukan ng Abarim at nagkampo sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico.
由阿巴陵山地起程,在耶里哥對面,約但河邊,摩阿布曠野紮營;
49 Nagkampo sila sa tabi ng Jordan, mula Bet Jesimot hanggang Abel Siitim sa mga kapatagan ng Moab.
他們在摩阿布曠野裡,沿著約但河邊紮營,由貝特耶史摩特直到阿貝耳史廷。
50 Nagsalita si Yahweh kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico at sinabi,
在耶里哥對面,約但河邊,摩阿布曠野內,上主訓示梅瑟說:「
51 “Magsalita ka sa mga tao ng Israel at sabihin mo sa kanila, 'Kapag tumawid kayo sa Jordan sa lupain ng Canaan,
你告訴以色列子民說:你們幾時過了約但,進入客納罕地,
52 dapat ninyong itaboy ang lahat ng mga naninirahan sa lupain sa inyong harapan. Dapat ninyong sirain ang lahat ng kanilang inukit na mga anyo. Dapat ninyong wasakin ang lahat ng kanilang mga hinubog na anyo at gibain ang lahat ng kanilang mga dambana.
應由你們面前驅逐當地所有的居民,應毀壞他們的一切偶像,應打碎他們的一切鑄像,應鏟除他們的一切丘壇。
53 Dapat ninyong angkinin ang lupain at manirahan doon, sapagkat ibinigay ko sa inyo ang lupain upang angkinin.
你們要佔領那地方,住在那裡,因為我已將那裡給了你們叫你們佔有。
54 Dapat ninyong manahin ang lupain sa pamamagitan ng palabunutan, ayon sa bawat angkan. Dapat ninyong ibigay ang mas malaking bahagi ng lupa sa mas malaking angkan, at dapat ninyong ibigay ang mas maliit na bahagi ng lupa sa mas maliit na angkan. Saan man tumapat ang palabunutan sa bawat angkan, ang lupaing iyon ay mapapabilang dito. Mamanahin ninyo ang lupa ayon sa tribu ng inyong mga ninuno.
你們要按支派抽籤分配那地方:人數多的多給,人數少的少給。誰的籤落在那裡,那裡就屬於他。你們依照宗祖支派分配你們的產業。
55 Subalit kung hindi ninyo itataboy ang mga naninirahan sa lupain sa harapan ninyo, sa gayon ang mga taong pinayagan ninyong manatili ay magiging parang mga muta sila sa inyong mga mata at magiging tinik sa inyong mga tagiliran. Gagawin nilang mahirap ang inyong buhay sa lupain kung saan kayo maninirahan.
但如果你們不把當地的居民由你們面前驅逐,那留下的居民,必要成為你們的眼中刺,腰間針,在你們住的地方內迫害你們;
56 At mangyayari na kung ano ang binabalak ko ngayong gawin sa mga taong iyon, gagawin ko rin sa inyo.”'
並且我打算了怎樣對待他們,也要怎樣對待你們。」