< Mga Bilang 32 >
1 Ngayon ang mga kaapu-apuhan ni Ruben at Gad ay may napakalaking bilang ng mga alagang hayop. Nang nakita nila ang lupain ni Jazer at Galaad, ang lupain ay isang mainam na lugar para sa mga alagang hayop.
呂便子孫和迦得子孫的牲畜極其眾多;他們看見雅謝地和基列地是可牧放牲畜之地,
2 Kaya ang mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben ay dumating at nagsalita kay Moises, kay Eleazar na pari, at sa mga pinuno ng sambayanan. Sinabi nila,
就來見摩西和祭司以利亞撒,並會眾的首領,說:
3 “Atarot, Dibon, Jazer, Nimra, Hesbon, Eleale, Sebam, Nebo, at Beon,
「亞大錄、底本、雅謝、寧拉、希實本、以利亞利、示班、尼波、比穩,
4 ang mga lupaing sinalakay ni Yahweh sa harap ng mamamayan ng Israel ay magandang mga lugar para sa mga alagang hayop. Kaming mga lingkod mo ay may maraming alagang hayop.”
就是耶和華在以色列會眾前面所攻取之地,是可牧放牲畜之地,你僕人也有牲畜」;
5 Sinabi nila, “Kung kami ay naging kalugud-lugod sa inyong paningin, hibigay mo sa amin ang lupaing ito, samga lingkod mo, bilang isang ari-arian. Huwag mo kaming hayaang tumawid sa Jordan.”
又說:「我們若在你眼前蒙恩,求你把這地給我們為業,不要領我們過約旦河。」
6 Sumagot si Moises sa mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben, “Kailangan bang pumunta ang inyong mga kapatid na lalaki sa digmaan habang kayo ay nananatili dito?
摩西對迦得子孫和呂便子孫說:「難道你們的弟兄去打仗,你們竟坐在這裏嗎?
7 Bakit ninyo pinahihina ang puso ng mga tao ng Israel sa pagpunta sa lupaing ibinigay sa kanila ni Yahweh?
你們為何使以色列人灰心喪膽、不過去進入耶和華所賜給他們的那地呢?
8 Ganoon din ang ginawa ng inyong mga ama nang ipadala ko sila mula sa Kades Barnea upang suriin ang lupain.
我先前從加低斯‧巴尼亞打發你們先祖去窺探那地,他們也是這樣行。
9 Umakyat sila sa lambak ng Escol. Nakita nila ang lupain at pagkatapos ay pinahina ang loob ng mga tao ng Israel kaya tumanggi silang pumasok sa lupaing ibinigay sa kanila ni Yawheh.
他們上以實各谷,去窺探那地回來的時候,使以色列人灰心喪膽,不進入耶和華所賜給他們的地。
10 Nag-alab ang galit ni Yawheh ng araw na iyon. Nanumpa siya at sinabi,
當日,耶和華的怒氣發作,就起誓說:
11 'Tiyak na wala sa mga kalalakihang umalis mula Ehipto, mula dalawampung taong gulang pataas, ang makakakita sa lupaing aking ipinangako kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, dahil hindi nila ako lubusang sinunod, maliban kay
『凡從埃及上來、二十歲以外的人斷不得看見我對亞伯拉罕、以撒、雅各起誓應許之地,因為他們沒有專心跟從我。
12 Caleb na lalaking anak ni Jefune na Cenizita, at Josue na anak ni Nun. Tanging si Caleb at Josue ang lubusang sumunod sa akin.'
惟有基尼洗族耶孚尼的兒子迦勒和嫩的兒子約書亞可以看見,因為他們專心跟從我。』
13 Kaya nag-alab ang galit ni Yahweh laban sa Israel. Idinulot niyang magpaga-gala sila sa ilang sa loob ng apatnapung taon hanggang sa ang lahat ng salinlahing gumawa ng masama sa kaniyang paningin ay nalipol.
耶和華的怒氣向以色列人發作,使他們在曠野飄流四十年,等到在耶和華眼前行惡的那一代人都消滅了。
14 Tingnan mo, humalili kayo sa lugar ng inyong mga ama, tulad ng mas makasalanang mga tao, upang dumagdag sa nag-aalab na galit ni Yahweh sa Israel.
誰知,你們起來接續先祖,增添罪人的數目,使耶和華向以色列大發烈怒。
15 Kung tatalikod kayo mula sa pagsunod sa kaniya, iiwan niya muli ang Israel sa ilang at lilipulin ninyo ang lahat ng mga taong ito.”
你們若退後不跟從他,他還要把以色列人撇在曠野,便是你們使這眾民滅亡。」
16 Kaya lumapit sila kay Moises at sinabi, “Payagan mo kaming magtayo ng mga bakod dito para sa aming mga baka at mga lungsod para sa aming mga pamilya.
兩支派的人挨近摩西,說:「我們要在這裏為牲畜壘圈,為婦人孩子造城。
17 Gayunman, kami mismo ay magiging handa at nakasandatang sasama sa hukbo ng Israel hanggang sa mapangunahan namin sila sa kanilang lugar. Ngunit maninirahan ang aming mga pamilya sa mga pinagtibay na lungsod dahil sa ibang mga taong nananatili pa ring nakatira sa lupaing ito.
我們自己要帶兵器行在以色列人的前頭,好把他們領到他們的地方;但我們的婦人孩子,因這地居民的緣故,要住在堅固的城內。
18 Hindi kami babalik sa aming mga tahana hangga't ang mga tao ng Israel, ang bawat lalaki ay magkaroon ng mana.
我們不回家,直等到以色列人各承受自己的產業。
19 Hindi namin mamanahin ang lupain kasama nila sa ibang panig ng Jordan, dahil ang aming mana ay narito sa dakonhg silangan ng Jordan.”
我們不和他們在約旦河那邊一帶之地同受產業,因為我們的產業是坐落在約旦河東邊這裏。」
20 Kaya sumagot si Moises sa kanila, “Kung gagawin ninyo ang inyong sinabi, kung sasandatahan ninyo ang inyong mga sarili sa harap ni Yahweh upang makidigma,
摩西對他們說:「你們若這樣行,在耶和華面前帶着兵器出去打仗,
21 ang bawat isa sa inyong mga armadong lalaki ay kinakailangang tumawid sa Jordan sa harap ni Yahweh, hanggang sa mapaalis niya ang kaniyang mga kaaway mula sa harap niya
所有帶兵器的人都要在耶和華面前過約旦河,等他趕出他的仇敵,
22 at naangkin ang lupain sa harap niya. Kung ganoon matapos iyon makakabalik na kayo. Mapapawalang-sala kayo kay Yahweh at sa Israel. Magiging inyong ari-arian ang lupaing ito sa harapan ni Yahweh.
那地被耶和華制伏了,然後你們可以回來,向耶和華和以色列才為無罪,這地也必在耶和華面前歸你們為業。
23 Ngunit kung hindi ninyo gagawin ito, tingnan ninyo, magkakasala kayo kay Yahweh. Tiyakin ninyong ang inyong kasalanan ay hahanapin kayo.
倘若你們不這樣行,就得罪耶和華,要知道你們的罪必追上你們。
24 Magtayo kayo ng mga lungsod para sa inyong mga pamilya at mga kulungan para sa inyong tupa; at gawin ninyo ang inyong sinabi.”
如今你們口中所出的,只管去行,為你們的婦人孩子造城,為你們的羊群壘圈。」
25 Ang mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben ay nagsalita kay Moises at sinabi, “Ang inyong mga lingkod ay gagawin ang mga inutos mo, aming amo.
迦得子孫和呂便子孫對摩西說:「僕人要照我主所吩咐的去行。
26 Ang aming mga paslit, ang aming mga asawa, ang aming mga kawan, at ang lahat ng aming alagang hayop ay mananatili doon sa mga lungsod ng Galaad.
我們的妻子、孩子、羊群,和所有的牲畜都要留在基列的各城。
27 Ganoon pa man, kami na inyong mga lingkod, ay tatawid sa harapan ni Yahweh upang makipaglaban, bawat lalaking armado para sa digmaan, gaya ng sinabi mo, aming amo.”
但你的僕人,凡帶兵器的,都要照我主所說的話,在耶和華面前過去打仗。」
28 Kaya nagbigay ng mga tagubilin si Moises tungkol sa kanila kay Eleazar na pari, kay Josue na anak na lalaki ni Nun, at sa mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno sa mga tribu ng mga tao ng Israel.
於是,摩西為他們囑咐祭司以利亞撒和嫩的兒子約書亞,並以色列眾支派的族長,說:
29 Sinabi ni Moises sa kanila, “Kung ang mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben ay tatawid sa Jordan kasama ninyo, bawat lalaking armado upang makipaglaban sa harapan ni Yahweh, at kung ang lupain ay nilupig sa harap ninyo, ibibigay ninyo sa kanila ang lupain ng Galaad bilang isang ari-arian.
「迦得子孫和呂便子孫,凡帶兵器在耶和華面前去打仗的,若與你們一同過約旦河,那地被你們制伏了,你們就要把基列地給他們為業。
30 Ngunit kung hindi sila tatawid kasama ninyong armado, kukunin nila ang kanilang mga ari-arian sa piling ninyo sa lupain ng Canaan.”
倘若他們不帶兵器和你們一同過去,就要在迦南地你們中間得產業。」
31 Kaya ang mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben ay sumagot at sinabi, “Ayon sa sinabi ni Yahweh sa amin, na inyong mga lingkod, ito ang gagawin namin.
迦得子孫和呂便子孫回答說:「耶和華怎樣吩咐僕人,僕人就怎樣行。
32 Kami ay tatawid na nakasandata sa harap ni Yahweh sa lupain ng Canaan, ngunit mananatili sa amin ang aming inangking mana sa bahaging ito ng Jordan.”
我們要帶兵器,在耶和華面前過去,進入迦南地,只是約旦河這邊、我們所得為業之地仍歸我們。」
33 Kaya ang mga kaapu-apuhan nina Gad at Ruben at pati na rin ang kalahati sa tribu ni Manases na anak na lalaki ni Jose, ibinigay ni Moises ang kaharian ni Sihon, na hari ng mga Amoreo, at Og, na hari ng Bashan. Ibinigay sa kanila ang lupain, at ibinahagi sa kanila ang lahat ng mga lungsod nito kasama ang mga hangganan, ang mga lungsod ng lupaing nakapaligid sa mga ito.
摩西將亞摩利王西宏的國和巴珊王噩的國,連那地和周圍的城邑,都給了迦得子孫和呂便子孫,並約瑟的兒子瑪拿西半個支派。
34 Muling itinayo ng mga kaapu-apuhan ni Gad ang Dibon, Atarot, Aroer,
迦得子孫建造底本、亞他錄、亞羅珥、
35 Atrot Sopan, Jazer, Jogbeha,
亞他錄‧朔反、雅謝、約比哈、
36 Bet Nimra, at Bet Haran bilang mga pinatibay na lungsod na may mga kulungan para sa tupa.
伯‧寧拉、伯‧哈蘭,都是堅固城。他們又壘羊圈。
37 Muling itinayo ng mga kaapu-apuhan ni Ruben ang Hesbon, Eleale, Kiriatim,
呂便子孫建造希實本、以利亞利、基列亭、
38 Nebo, Baal Meon—na pinalitan kalaunan ang kanilang mga pangalan, at Sibma. Nagbigay sila ng ibang mga pangalan sa mga lungsod na kanilang muling itinayo.
尼波、巴力‧免、西比瑪(尼波、巴力‧免,名字是改了的),又給他們所建造的城另起別名。
39 Nagpunta ang mga kaapu-apuhan ni Maquir na anak na lalaki ni Manases sa Galaad at kinuha ito mula sa mga Amoreong naroon.
瑪拿西的兒子瑪吉,他的子孫往基列去,佔了那地,趕出那裏的亞摩利人。
40 Pagkatapos ibinigay ni Moises ang Galaad kay Maquir anak na lalaki ni Manases, at ang kaniyang mga tao ay nanirahan doon.
摩西將基列賜給瑪拿西的兒子瑪吉,他子孫就住在那裏。
41 Nagpunta si Jair na anak na lalaki ni Manases at sinakop ang mga nayon nito at tinawag ang mga itong Havot Jair.
瑪拿西的子孫睚珥去佔了基列的村莊,就稱這些村莊為哈倭特‧睚珥。
42 Nagpunta si Noba at sinakop ang Kenat at mga kanayunan nito, at tinawag niya itong Noba, sunod sa kaniyang sariling pangalan.
挪巴去佔了基納和基納的鄉村,就按自己的名稱基納為挪巴。