< Mga Bilang 29 >
1 “Sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Hindi kayo dapat gumawa ng karaniwang gawain sa araw na iyon. Ito ay magiging isang araw kung kailan hihipan ninyo ang mga trumpeta.
Yeddinci ayda, ayın birində müqəddəs toplantı keçirin, heç bir gündəlik işlərinizi görməyin. O gün sizin üçün şeypur çalma günü olacaq.
2 Dapat kayong mag-alay ng isang susunuging handog upang magbigay ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat kayong mag-alay ng isang batang toro, isang lalaking tupa, at pitung lalaking tupa tig-iisang taong gulang, bawat isang walang kapintasan.
Yandırma qurbanını Rəbbin xoşuna gələn ətir kimi qüsursuz bir buğa, bir qoç və birillik yeddi erkək toğlu olmaqla verin.
3 Dapat kayong mag-alay kasama ng mga iyon ng kanilang handog na butil, pinong harinang hinaluan ng langis, tatlo sa sampung bahagi ng isang epa para sa toro, dalawa sa sampung bahagi para sa lalaking tupa,
Buğa üçün taxıl təqdimi olaraq zeytun yağı ilə yoğrulmuş onda üç efa, qoç üçün onda iki efa,
4 at isa sa sampung bahagi ng bawat tupa sa pitong tupa.
yeddi toğludan hər toğlu üçün onda bir efa narın un təqdim edin.
5 At dapat kayong mag-alay ng isang lalaking kambing para sa handog ng pambayad ng inyong sariling kasalanan.
Özünüzü kəffarə etmək üçün günah qurbanı olaraq bir təkə də təqdim edin.
6 Ialay ninyo ang mga handog na ito sa ikapitong buwan bilang karagdagan sa lahat ng mga alay na inyong iaalay sa unang araw ng bawat buwan: ang natatanging alay na susunugin at ang handog na butil kasama nito. Dapat karagdagan ang mga ito sa karaniwang alay na susunugin, ang mga handog na butil nito, at ang mga inuming handog. Habang ginagawa ninyo ng mga handog na ito, susundin ninyo kung ano ang inatas sa inyo upang magbigay ng isang mabangong halimuyak, isang handog na ipinaraan sa apoy para kay Yahweh.
Aylıq və gündəlik yandırma qurbanları ilə lazımi taxıl və içmə təqdimlərinə əlavə olaraq bunları gətirin. Bu, Rəbbin xoşuna gələn ətir – Onun üçün yandırma təqdimidir.
7 Sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Dapat kayong magpakumbaba at hindi magtrabaho.
Həmin yeddinci ayın onunda müqəddəs toplantı keçirin; özünüzü hər şeydən məhrum edin və heç bir iş görməyin.
8 Dapat kayong maghandog ng isang alay na susunugin upang magbigay ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat kayong maghandog ng isang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang kapintasan ang mga ito.
Rəbbə xoş ətir kimi yandırma qurbanı olaraq bir buğa, bir qoç, birillik yeddi erkək toğlu təqdim edin. Onlar qüsursuz olmalıdır.
9 Dapat kayong maghandog kasama ng mga iyon ng isang handog na butil, pinong harinang hinaluan ng langis, tatlo sa sampung bahagi ng isang epa para sa toro, dalawa sa sampung bahagi para sa isang lalaking tupa,
Buğa üçün taxıl təqdimi olaraq zeytun yağı ilə yoğrulmuş onda üç efa, qoç üçün onda iki efa,
10 at isa sa sampung bahagi ng isang epa para sa bawat isa sa pitong tupa.
yeddi toğludan hər toğlu üçün onda bir efa narın un təqdim edin.
11 Dapat kayong mag-alay ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan. Bukod pa ito sa handog para sa kasalanan ng pagbabayad kasalanan, ang karaniwang handog na susunugin, at ang mga handog na butil, at mga inuming handog.
Günah qurbanı olaraq bir təkə də təqdim edin. Kəffarələr üçün günah qurbanına, daimi yandırma qurbanına, onun taxıl təqdiminə və onların içmə təqdimlərinə əlavə olaraq bunları gətirin.
12 Sa ika labing limang araw ng ikapitong buwan dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Hindi kayo dapat gumawa ng karaniwang gawain sa araw na iyon, at dapat ninyong ipagpatuloy ang pagdiriwang sa loob ng pitong araw para sa kaniya.
Yeddinci ayın on beşinci günündə müqəddəs toplantı keçirin; heç bir gündəlik işlərinizi görməyin. Rəbbin şərəfinə yeddi gün bayram keçirin.
13 Dapat kayong maghandog ng isang handog na susunugin, isang alay na ipinaraan sa apoy para magbigay ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat maghandog kayo ng labing tatlong batang toro, dalawang lalaking tupa, at labing-apat na lalaking tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang kapintasan ang bawat isa.
Rəbbin xoşuna gələn ətir – yandırma təqdimi olaraq qüsursuz on üç buğa, iki qoç və birillik on dörd erkək toğlu verin. Onlar qüsursuz olmalıdır.
14 Dapat kayong maghandog kasama ng mga iyon ng isang handog na butil, pinong harina na hinaluan ng langis, tatlo sa sampung bahagi ng isang epa para sa bawat toro ng labing tatlong toro, dalawa sa sampung bahagi para sa bawat lalaking tupa ng dalawang lalaking tupa,
Hər buğa üçün taxıl təqdimi olaraq zeytun yağı ilə yoğrulmuş onda üç efa, hər qoç üçün onda iki efa,
15 at isa sa sampung bahagi ng isang epa para sa bawat isa sa labing apat na mga tupa.
on dörd toğludan hər toğlu üçün onda bir efa narın un təqdim edin.
16 Dapat maghandog kayo ng isang lalaking kambing bilang isang alay para sa kasalanan bukod pa sa karaniwang handog na susunugin, mga handog na butil, at inuming handog kasama nito.
Günah qurbanı olaraq bir təkə də təqdim edin. Daimi yandırma qurbanı ilə taxıl və içmə təqdimlərinə əlavə olaraq bunları gətirin.
17 Sa ikalawang araw ng pagpupulong, dapat maghandog kayo ng labindalawang batang toro, dalawang lalaking tupa, at labing apat na tupa na tig-iisang taong gulang bawat isa, na walang kapintasan.
İkinci gün qüsursuz on iki buğa, iki qoç, birillik on dörd erkək toğlu təqdim edin.
18 Dapat gumawa kayo kasama ng mga iyon ng isang handog na butil at ang mga inuming handog para sa mga toro, para sa mga lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
Buğa, qoç və toğluların sayına görə onların lazımi taxıl və içmə təqdimlərini gətirin.
19 Dapat kayong mag-handog ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalananbukod pa sa karaniwang alay na susunugin, handog na butil, at kanilang mga inuming handog.
Günah qurbanı olaraq bir təkə də təqdim edin. Daimi yandırma qurbanı ilə taxıl və içmə təqdimlərinə əlavə olaraq bunları gətirin.
20 Sa ikatlong araw ng pagpupulong, dapat maghandog kayo ng labing-isang toro, dalawang lalaking tupa, at labing apat na lalaking tupang tig-iisang taong gulang, walang kapintasan ang bawat isa.
Üçüncü gün qüsursuz on bir buğa, iki qoç, birillik on dörd erkək toğlu təqdim edin.
21 Dapat gawin kasama ng mga iyon ang isang handog na butil at mga inuming handog para sa mga toro, para sa mga lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
Buğa, qoç və toğluların sayına görə onların lazımi taxıl və içmə təqdimlərini gətirin.
22 Dapat mag-handog kayo ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan bukod pa sa karaniwang handog na susunugin, handog na butil, at mga inuming handog.
Günah qurbanı olaraq bir təkə də təqdim edin. Daimi yandırma qurbanı ilə taxıl və içmə təqdimlərinə əlavə olaraq bunları gətirin.
23 Sa ikaapat na araw ng pagpupulong, dapat maghandog kayo ng sampung toro, dalawang lalaking tupa, at labing apat na lalaking tupa na tig-iisang taong gulang, walang kapintsan ang bawat isa.
Dördüncü gün qüsursuz on buğa, iki qoç, birillik on dörd erkək toğlu təqdim edin.
24 Dapat gumawa kayo kasama ng mga iyon ng isang handog na butil at mga inuming handog para sa mga toro, para sa mga lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
Buğa, qoç və toğluların sayına görə onların lazımi taxıl və içmə təqdimlərini gətirin.
25 Dapat kayong maghandog ng isang kambing bilang isang handog para sa kasalanan bukod pa sa karaniwang handog na susunugin, mga handog na butil, at mga inuming handog.
Günah qurbanı olaraq bir təkə də təqdim edin. Daimi yandırma qurbanı ilə taxıl və içmə təqdimlərinə əlavə olaraq bunları gətirin.
26 Sa ikalimang araw ng pagpupulong, dapat maghandog kayo ng siyam na toro, dalawang lalaking tupa, at labing apat na lalaking tupang tig-iisang taong gulang, walang kapintasan ang bawat isa.
Beşinci gün qüsursuz doqquz buğa, iki qoç, birillik on dörd erkək toğlu təqdim edin.
27 Dapat gumawa kayo kasama ng mga iyon ng isang handog na butil at ang inuming handog para sa mga toro, para sa mga lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
Buğa, qoç və toğluların sayına görə lazımi taxıl və içmə təqdimlərini gətirin.
28 Dapat maghandog kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan bukod pa sa karaniwang handog na susunugin, mga handog na butil, at kanilang mga inuming handog.
Günah qurbanı olaraq bir təkə də təqdim edin. Daimi yandırma qurbanı ilə taxıl və içmə təqdimlərinə əlavə olaraq bunları gətirin.
29 Sa ikaanim na araw ng pagpupulong, dapat maghandog kayo ng walong toro, dalawang lalaking tupa, at labing-apat na lalaking tupa na tig-iisang taong gulang, walang kapintasan ang bawat isa.
Altıncı gün qüsursuz səkkiz buğa, iki qoç, birillik on dörd erkək toğlu təqdim edin.
30 Dapat gumawa kayo kasama nila ng isang handog na butil at mga inuming handog para sa mga toro, para sa mga lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
Buğa, qoç və toğluların sayına görə onların lazımi taxıl və içmə təqdimlərini gətirin.
31 Dapat kayong maghandog ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan bukod pa sa karaniwang handog na susunugin, mga handog na butil, at mga inuming handog.
Günah qurbanı olaraq bir təkə də təqdim edin. Daimi yandırma qurbanı ilə taxıl və içmə təqdimlərinə əlavə olaraq bunları gətirin.
32 Sa ikapitong araw ng pagpupulong, dapat maghandog kayo ng pitong toro, dalawang lalaking tupa, at labing apat na lalaking tupa na tig-iisang taong gulang, walang kapintasan ang bawat isa.
Yeddinci gün qüsursuz yeddi buğa, iki qoç, birillik on dörd erkək toğlu təqdim edin.
33 Dapat gumawa kayo kasama ng mga iyon ng isang handog na butil at inuming handog para sa mga toro, para sa mga lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
Buğa, qoç və toğluların sayına görə onların lazımi taxıl və içmə təqdimlərini gətirin.
34 Dapat maghandog kayo ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan bukod pa sa karaniwang handog na susunugin, mga butil ng handog, at kanilang mga inuming handog.
Günah qurbanı olaraq bir təkə də təqdim edin. Daimi yandırma qurbanı ilə taxıl və içmə təqdimlərinə əlavə olaraq bunları gətirin.
35 Sa ikawalong araw dapat magkaroon kayo ng isa pang mataimtim na pagpupulong. Hindi kayo dapat gumawa ng karaniwang gawain sa araw na iyon.
Səkkizinci gün özünüz üçün təntənəli toplantı keçirin, heç bir gündəlik işlərinizi görməyin.
36 Dapat mag-alay kayo ng isang handog na susunugin, isang handog naipinaraan sa apoy upang magbigay ng mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat kayong mag-alay ng isang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupa na tig-iisang taong gulang, walang kapintasan ang bawat isa.
Yandırma qurbanı, Rəbbin xoşuna gələn ətir – yandırma təqdimi olaraq qüsursuz bir buğa, bir qoç və birillik yeddi erkək toğlu təqdim edin.
37 Dapat ninyong ihandog ang kanilang handog na butil at kanilang mga inuming handog para sa toro, para sa lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
Buğa, qoç və toğluların sayına görə onların lazımi taxıl və içmə təqdimlərini gətirin.
38 Dapat maghandog kayo ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan bukod pa sa karaniwang handog na susunugin, at kanilang mga inuming handog.
Günah qurbanı olaraq bir təkə də təqdim edin. Daimi yandırma qurbanı ilə taxıl və içmə təqdimlərinə əlavə olaraq bunları gətirin.
39 Ito ang dapat ninyong ihandog kay Yahweh sa inyong mga itinakdang pagdiriwang. Dapat ay karagdagan ang mga ito sa inyong mga panata at mga kusang handog. Dapat ihandog ninyo ang mga ito bilang inyong handog na susunugin, mga handog na butil, mga inuming handog, at handog para sa pagtitipon-tipon.”
Əhdə görə və könüllü təqdimlərinizdən əlavə təyin olunan bayramlarınızda Rəbbə bu yandırma qurbanlarınızı, taxıl təqdimlərinizi, içmə təqdimlərinizi və ünsiyyət qurbanlarınızı təqdim edin”».
40 Sinabi ni Moises sa mga tao ng Israel ang lahat ng bagay na inutos ni Yahweh na kaniyang sabihin.
Musa Rəbbin ona əmr etdiyi hər şeyi İsrail övladlarına bildirdi.