< Mga Bilang 28 >

1 Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
耶和華曉諭摩西說:
2 “Utusan mo ang mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Dapat ninyong ialay ang inyong mga handog sa akin sa mga itinakdang panahon, ang pagkain ng aking mga handog na ipinaraan sa apoy upang magbigay ng isang mabangong halimuyak para sa akin.'
「你要吩咐以色列人說:『獻給我的供物,就是獻給我作馨香火祭的食物,你們要按日期獻給我』;
3 Dapat mo ring sabihin sa kanila, 'Ito ang alay na ipinaraan sa apoy na dapat mong ihandog kay Yahweh—mga lalaking tupa na isang taong gulang na walang kapintasan, dalawa bawat araw, bilang isang karaniwang alay na susunugin.
又要對他們說:你們要獻給耶和華的火祭,就是沒有殘疾、一歲的公羊羔,每日兩隻,作為常獻的燔祭。
4 Dapat mong ihandog ang isang tupa sa umaga, at dapat mong ihandog ang ibang tupa sa gabi.
早晨要獻一隻,黃昏的時候要獻一隻;
5 Dapat mong ihandog ang ikasampu ng epa ng pinong harina bilang isang handog na butil, hinaluan ng ikaapat ng isang hin ng hinalong langis.
又用細麵伊法十分之一,並搗成的油一欣四分之一,調和作為素祭。
6 Ito ay karaniwang alay na susunugin na inutos sa Bundok Sinai upang magbigay ng isang matamis na halimuyak, isang handog na ipinaraan sa apoy para kay Yahweh.
這是西奈山所命定為常獻的燔祭,是獻給耶和華為馨香的火祭。
7 Ang inuming handog na kasama nito ay dapat maging ika-apat ng isang hin para sa isa sa mga tupa. Dapat ninyong ibuhos sa banal na lugar ang inuming handog ng matapang na inumin kay Yahweh.
為這一隻羊羔,要同獻奠祭的酒一欣四分之一。在聖所中,你要將醇酒奉給耶和華為奠祭。
8 Dapat ninyong ihandog ang isang tupa sa gabi kasama ang iba pang handog na butil tulad ng isang inihandog sa umaga. Dapat ninyong ihandog din ang isa pang inuming handog kasama nito, isang handog na ipinaraan sa apoy, upang magbigay ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh.
晚上,你要獻那一隻羊羔,必照早晨的素祭和同獻的奠祭獻上,作為馨香的火祭,獻給耶和華。」
9 Sa Araw ng Pamamahinga dapat ninyong ihandog ang dalawang lalaking tupa, bawat isang taong gulang na walang kapintasan, at dalawa sa ikasampu ng isang epa ng pinong harina bilang isang handog na pagkaing butil, na hinaluan ng langis, at ang inuming handog kasama nito.
「當安息日,要獻兩隻沒有殘疾、一歲的公羊羔,並用調油的細麵伊法十分之二為素祭,又將同獻的奠祭獻上。
10 Ito ay ang alay na susunugin para sa bawat Araw ng Pamamahinga, bilang karagdagan sa karaniwang alay na susunugin at ang inuming handog na kasama nito.
這是每安息日獻的燔祭;那常獻的燔祭和同獻的奠祭在外。」
11 Sa simula ng bawat buwan, dapat kayong mag-alay ng isang handog na susunugin kay Yahweh. Dapat kayong mag-alay ng dalawang batang toro, isang tupang lalaki, at pitong lalaking tupa na isang taong gulang na walang kapintasan.
「每月朔,你們要將兩隻公牛犢,一隻公綿羊,七隻沒有殘疾、一歲的公羊羔,獻給耶和華為燔祭。
12 Dapat din kayong maghandog ng tatlo sa ikasampu ng isang epa ng pinong harina bilang isang handog na butil na hinaluan ng langis para sa bawat toro, at dalawa sa ikasampu ng pinong harina bilang isang handog na butil na hinaluan ng langis para sa bawat lalaking tupa.
每隻公牛要用調油的細麵伊法十分之三作為素祭;那隻公羊也用調油的細麵伊法十分之二作為素祭;
13 Dapat din ninyong ihandog ang isang ikasampu ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang isang handog na butil para sa bawat tupa. Ito ay magiging alay na susunugin, upang magbigay ng isang mabangong halimuyak, isang handog na ipinaraan sa apoy para kay Yahweh.
每隻羊羔要用調油的細麵伊法十分之一作為素祭和馨香的燔祭,是獻給耶和華的火祭。
14 Dapat maging kalahati ng isang hin ng alak ang mga inuming handog ng mga tao para sa isang toro, ang ikatlo ng isang hin para sa isang lalaking tupa, at ikaapat ng isang hin para sa isang batang tupa. Ito ay magiging alay na susunugin para sa bawat buwan sa bawat buwan ng taon.
一隻公牛要奠酒半欣,一隻公羊要奠酒一欣三分之一,一隻羊羔也奠酒一欣四分之一。這是每月的燔祭,一年之中要月月如此。
15 Isang lalaking kambing bilang isang alay para sa kasalanan ang dapat ihandog kay Yahweh. Magiging karagdagan ito sa karaniwang alay na susunugin at ang inuming handog na kasama nito.
又要將一隻公山羊為贖罪祭,獻給耶和華;要獻在常獻的燔祭和同獻的奠祭以外。」
16 Sa unang buwan, sa ikalabing-apat na araw ng buwan, dumadating ang Paskua ni Yahweh.
「正月十四日是耶和華的逾越節。
17 Idinadaos ang pista sa ikalabing limang araw ng buwang ito. Sa loob ng pitong araw, dapat kainin ang tinapay na walang lebadura.
這月十五日是節期,要吃無酵餅七日。
18 Sa unang araw, dapat magkaroon ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Hindi ninyo dapat gawin ang karaniwang gawain sa araw na iyon.
第一日當有聖會;甚麼勞碌的工都不可做。
19 Gayunman, dapat kayong mag-alay ng isang handog na ipinaraan sa apoy, isang alay na susunugin para kay Yahweh. Dapat kayong mag-alay ng dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupa na isang taong gulang, na walang kapintasan.
當將公牛犢兩隻,公綿羊一隻,一歲的公羊羔七隻,都要沒有殘疾的,用火獻給耶和華為燔祭。
20 Kasama ng toro, dapat kayong mag-alay ng isang handog na butil ng tatlo sa ikasampu ng epa ng pinong harina na hinaluan ng langis, at kasama ng lalaking tupa, ang dalawa sa ikasampu.
同獻的素祭用調油的細麵;為一隻公牛要獻伊法十分之三;為一隻公羊要獻伊法十分之二;
21 Sa bawat pitong tupa, dapat kayong maghandog ng isang ikasampu ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis,
為那七隻羊羔,每隻要獻伊法十分之一。
22 at isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan upang maging pambayad sa kasalanan para sa inyong sarili.
並獻一隻公山羊作贖罪祭,為你們贖罪。
23 Dapat ninyong ihandog ang mga ito bilang karagdagan sa karaniwang alay na susunugin na kinakailangan sa bawat umaga.
你們獻這些,要在早晨常獻的燔祭以外。
24 Gaya ng nailarawan dito, dapat kayong mag-alay ng mga handog na ito araw-araw, para sa pitong araw ng Paskua, ang pagkaing inihahandog ninyong ipinaraan sa apoy, isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat itong ihandog bilang karagdagan sa karaniwang alay na susunugin at inuming handog kasama nito.
一連七日,每日要照這例把馨香火祭的食物獻給耶和華,是在常獻的燔祭和同獻的奠祭以外。
25 Sa ika-pitong araw, dapat kayong magkaroon ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh, at hindi ninyo dapat gawin ang karaniwang gawain sa araw na iyon.
第七日當有聖會,甚麼勞碌的工都不可做。」
26 At saka sa araw ng mga unang bunga, kapag maghandog kayo ng isang bagong handog na butil kay Yahweh sa inyong Pagdiriwang ng mga Linggo, dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh, at hindi ninyo dapat gawin ang karaniwang gawain sa araw na iyon.
「七七節莊稼初熟,你們獻新素祭給耶和華的日子,當有聖會;甚麼勞碌的工都不可做。
27 Dapat kayong mag-alay ng isang handog na susunugin upang magbigay ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat kayong mag-alay ng dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupang isang taong gulang.
只要將公牛犢兩隻,公綿羊一隻,一歲的公羊羔七隻,作為馨香的燔祭獻給耶和華。
28 Maghandog din kayo ng handog na butil kasama ng mga ito: pinong harina na hinaluan ng langis, tatlo sa ikasampu ng isang epa ng pinong harinang hinaluan ng langis para sa bawat toro at dalawa sa ikasampu para sa isang lalaking tupa.
同獻的素祭用調油的細麵;為每隻公牛要獻伊法十分之三;為一隻公羊要獻伊法十分之二;
29 Mag-alay kayo ng isang ikasampu ng isang epa ng pinong harinang hinaluan ng langis para sa bawat pitong tupa,
為那七隻羊羔,每隻要獻伊法十分之一。
30 at isang lalaking kambing upang maging pambayad kasalanan para sa inyong mga sarili.
並獻一隻公山羊為你們贖罪。
31 Kapag mag-aalay kayo ng ganitong mga hayop na walang kapintasan, kasama ng kanilang inuming handog, dapat itong maging karagdagan sa karaniwang alay na susunugin at ang handog na butil kasama nito.”
這些,你們要獻在常獻的燔祭和同獻的素祭並同獻的奠祭以外,都要沒有殘疾的。」

< Mga Bilang 28 >