< Mga Bilang 26 >
1 At nangyari na pagkatapos ng salot, nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Eleazar na anak ni Aaron na pari. Sinabi niya,
And it came to pass after the plague, that the LORD spoke to Moses, and to Eleazar the son of Aaron the priest, saying,
2 “Bilangin ninyo ang buong sambayanan ng Israel, mula labindalawang taong gulang pataas, ayon sa pamilya ng kanilang mga ninuno, lahat ng may kakayahang makipagdigma para sa Israel.”
Take the sum of all the congregation of the children of Israel, from twenty years old and upward, throughout their fathers' house, all that are able to go to war in Israel.
3 Kaya nagsalita sina Moises at Eleazar na pari sa kanila sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan at Jerico at sinabi,
And Moses and Eleazar the priest spoke with them in the plains of Moab by Jordan [near] Jericho, saying,
4 “Bilangin ninyo ang mga tao, mula labindalawang taong gulang pataas, ayon sa iniutos ni Yahweh kay Moises at sa mga tao ng Israel, na lumabas mula sa lupain ng Ehipto.”
[Take the sum of the people], from twenty years old and upward; as the LORD commanded Moses and the children of Israel, who went forth from the land of Egypt.
5 Si Ruben ay ang panganay ni Israel. Mula sa kaniyang anak na si Hanoc nagmula ang angkan ng mga Hanocitas. Mula kay Palu nagmula ang mga angkan ng mga Paluita.
Reuben the eldest son of Israel: the children of Reuben; Hanoch, [of whom cometh] the family of the Hanochites: Of Phallu, the family of the Phalluites:
6 Mula kay Hesron nagmula ang angkan ng mga Hesronita. Mula kay Carmi nagmula ang angkan ng mga Carmita.
Of Hezron, the family of the Hezronites: of Carmi, the family of the Carmites.
7 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Ruben, na may bilang 43, 730 na kalalakihan.
These [are] the families of the Reubenites: and they that were numbered of them were forty and three thousand and seven hundred and thirty.
8 Si Eliab ay isang anak ni Palu.
And the sons of Phallu; Eliab.
9 Ang mga anak na lalaki ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Ito ay ang parehong Datan at Abiram na sumunod kay Kora nang subukin nila si Moises at umaklas laban kay Yahweh.
And the sons of Eliab; Nemuel, and Dathan, and Abiram. This [is that] Dathan and Abiram, [who were] famous in the congregation, who strove against Moses and against Aaron in the company of Korah, when they strove against the LORD:
10 Ibinuka ng lupa ang bibig nito at nilamon sila kasama si Kora nang mamatay ang lahat na kaniyang tagasunod. Sa panahong iyon, nilamon ng apoy ang 250 na kalalakihan, na naging isang babalang tanda.
And the earth opened her mouth, and swallowed them up together with Korah, when that company died, when the fire devoured two hundred and fifty men: and they became a sign.
11 Ngunit hindi namatay ang kaapu-apuhan ni Kora.
Notwithstanding the children of Korah died not.
12 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Simeon: Kay Nemuel, ang angkan ng mga Nemuelita, kay Jamin, ang angkan ng mga Jaminita, kay Jaquin, ang angkan ng mga Jaquinita,
The sons of Simeon after their families: of Nemuel, the family of the Nemuelites: of Jamin, the family of the Jaminites: of Jachin, the family of the Jachinites:
13 kay Zerah, ang angkan ng mga Zeraita, kay Saul, ang angkan ng mga Saulita.
Of Zerah, the family of the Zarhites: of Shaul, the family of the Shaulites.
14 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Simeon, na may bilang 22, 200 na kalalakihan.
These [are] the families of the Simeonites, twenty and two thousand and two hundred.
15 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Gad: kay Zefon, ang angkan ng mga Zefonita, kay Hagai, ang angkan ng mga Hagaita, kay Suni na angkan ng mga Sunita,
The children of Gad after their families: of Zephon, the family of the Zephonites: of Haggai, the family of the Haggites: of Shuni, the family of the Shunites:
16 kay Ozni na angkan ng mga Oznita, kay Eri, ang angkan ng mga Erita,
Of Ozni, the family of the Oznites: of Eri, the family of the Erites:
17 kay Arod, ang angkan ng mga Arodita, kay Areli, ang angkan ng mga Arelita.
Of Arod, the family of the Arodites: of Areli, the family of the Arelites.
18 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Gad, na may bilang 40, 500 na kalalakihan.
These [are] the families of the children of Gad, according to those that were numbered of them, forty thousand and five hundred.
19 Sina Er at Onan ang mga anak na lalaki ni Juda, ngunit namatay ang mga lalaking ito sa lupain ng Canaan.
The sons of Judah [were] Er and Onan: and Er and Onan died in the land of Canaan.
20 Ito ang mga angkan ng ibang mga kaapu-apuhan ni Juda: kay Sela, ang angkan ng mga Selanita, kay Perez, ang angkan ng mga Perezita, at kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita.
And the sons of Judah after their families were; of Shelah, the family of the Shelanites: of Pharez, the family of the Pharezites: of Zerah, the family of the Zarhites.
21 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Perez: kay Hezron, ang angkan ng mga Hesronita, kay Hamul, ang angkan ng mga Hamulita.
And the sons of Pharez were; of Hezron, the family of the Hezronites: of Hamul, the family of the Hamulites.
22 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Juda, na may bilang 76, 500 na kalalakihan.
These [are] the families of Judah according to those that were numbered of them, seventy six thousand and five hundred.
23 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Isacar: kay Tola, ang angkan ni Tolaita, kay Pua, ang angkan ni Puanita,
[Of] the sons of Issachar after their families: [of] Tola, the family of the Tolaites: of Pua, the family of the Punites:
24 kay Jasub, ang angkan ng mga Jasubita, kay Simron, ang angkan ng mga Simronita.
Of Jashub, the family of the Jashubites: of Shimron, the family of the Shimronites.
25 Ito ang mga angkan ni Isacar, na may bilang 64, 300 na kalalakihan.
These [are] the families of Issachar according to those that were numbered of them, sixty four thousand and three hundred.
26 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Zebulon: kay Sered, ang angkan ng mga Seredita, kay Elon, ang angkan ng mga Elonita, kay Jaleel, ang angkan ng mga Jalelita.
[Of] the sons of Zebulun after their families: of Sered, the family of the Sardites: of Elon, the family of the Elonites: of Jahleel, the family of the Jahleelites.
27 Ito ang mga angkan ng mga Zaebulonita, na may bilang 60, 500 na kalalakihan.
These [are] the families of the Zebulunites according to those that were numbered of them, sixty thousand and five hundred.
28 Ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Jose ay sina Manases at Efraim.
The sons of Joseph after their families [were] Manasseh and Ephraim.
29 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Manases: kay Maquir, ang angkan ng mga Maquirita (si Maquir ang ama ni Galaad), kay Galaad, ang angkan ng mga Galaadita.
Of the sons of Manasseh: of Machir, the family of the Machirites: and Machir begat Gilead: of Gilead [come] the family of the Gileadites.
30 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Galaad: kay Iezer, ang angkan ng mga Iezerita, kay Helec, ang angkan ng mga Helecita,
These [are] the sons of Gilead: [of] Jeezer, the family of the Jeezerites: of Helek, the family of the Helekites:
31 kay Asriel, ang angkan ng mga Asrielita, kay Shekem, ang angkan ng mga Shekemita,
And [of] Asriel, the family of the Asrielites: and [of] Shechem, the family of the Shechemites:
32 kay Semida, ang angkan ng mga Semidaita, kay Hefer, ang angkan ng mga Heferita.
And [of] Shemida, the family of the Shemidaites: and [of] Hepher, the family of the Hepherites.
33 Si Zelofehad na anak na lalaki ni Hefer ay walang anak na lalaki, kundi mga anak na babae lamang. Ang pangalan ng kaniyang mga anak na babae ay sina Mahla, Noe, Hogla, Milca at Tirza.
And Zelophehad the son of Hepher had no sons, but daughters: and the names of the daughters of Zelophehad [were] Mahlah, and Noah, Hoglah, Milcah, and Tirzah.
34 Ito ang mga angkan ni Manases, na may bilang na 52, 700 na kalalakihan.
These [are] the families of Manasseh, and those that were numbered of them, fifty and two thousand and seven hundred.
35 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Efraim: kay Sutela, ang angkan ng mga Sutelita, kay Bequer, ang angkan ng mga Bequerita, kay Tahan, ang angkan ng mga Tahanita.
These [are] the sons of Ephraim after their families: of Shuthelah, the family of the Shuthalhites: of Becher, the family of the Bachrites: of Tahan, the family of the Tahanites.
36 Ang mga kaapu-apuhan ni Sutela ay sina, kay Eran, ang angkan ng mga Eranita.
And these [are] the sons of Shuthelah: of Eran, the family of the Eranites.
37 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Efraim, na may bilang 32, 500 na kalalakihan. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Jose, na naibilang sa kanilang bawat angkan.
These [are] the families of the sons of Ephraim according to those that were numbered of them, thirty and two thousand and five hundred. These [are] the sons of Joseph after their families.
38 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Benjamin: kay Bela, ang angkan ng mga Belaita, kay Asbel, ang angkan ng mga Asbelita, kay Ahiram, ang angkan ng mga Ahiramita,
The sons of Benjamin after their families: of Bela, the family of the Belaites: of Ashbel, the family of the Ashbelites: of Ahiram, the family of the Ahiramites:
39 kay Sufam, ang angkan ng mga Sufamita, kay Hufam, ang angkan ng mga Hufamita.
Of Shupham, the family of the Shuphamites: of Hupham, the family of the Huphamites.
40 Ang mga anak na lalaki ni Bela ay sina Ard at Naaman. Mula kay Ard nagmula ang angkan ng mga Ardita, at mula kay Naaman nagmula ang angkan ng mga Naamita.
And the sons of Bela were Ard and Naaman: [of Ard], the family of the Ardites: [and] of Naaman, the family of the Naamites.
41 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Benjamin. Sila ay may bilang na 45, 600 na kalalakihan.
These [are] the sons of Benjamin after their families: and they that were numbered of them [were] forty and five thousand and six hundred.
42 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Dan, kay Suham, ang mga angkan ng mga Suhamita. Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Dan.
These [are] the sons of Dan after their families: of Shuham, the family of the Shuhamites. These [are] the families of Dan after their families.
43 Lahat ng mga angkan ng Suhamita, na may bilang na 64, 400 na kalalakihan.
All the families of the Shuhamites according to those that were numbered of them [were] sixty and four thousand and four hundred.
44 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Aser: kay Imna, ang angkan ng mga Imnita, kay Isvi, ang angkan ng mga Isvita, kay Beria, ang angkan ng mga Berita.
[Of] the children of Asher after their families: of Jimna, the family of the Jimnites: of Jesui, the family of the Jesuites: of Beriah, the family of the Beriites.
45 Ang mga kaapu-apuhan ni Beria ay ang mga ito: kay Heber, ang angkan ng mga Heberita, kay Malquiel, ang angkan ng mga Malquielita.
Of the sons of Beriah: of Heber, the family of the Heberites: of Malchiel, the family of the Malchielites.
46 Ang pangalan ng anak na babae ni Aser ay si Sera.
And the name of the daughter of Asher [was] Sarah.
47 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Aser, na may bilang 53, 400 na kalalakihan.
These [are] the families of the sons of Asher according to those that were numbered of them; [who were] fifty and three thousand and four hundred.
48 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Neftali: kay Jahzeel, ang angkan ng mga Jahzeelita, kay Guni, ang angkan ng mga Gunita,
[Of] the sons of Naphtali after their families: of Jahzeel, the family of the Jahzeelites: of Guni, the family of the Gunites:
49 kay Jezer, ang angkan ng mga Jezerita, kay Silem, ang angkan ng mga Silemita.
Of Jezer, the family of the Jezerites: of Shillem, the family of the Shillemites.
50 Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Neftali, na may bilang 45, 400 na kalalakihan.
These [are] the families of Naphtali according to their families: and they that were numbered of them, [were] forty and five thousand and four hundred.
51 Ito ang kabuuang bilang ng mga kalalakihan ng mga tao ng Israel: 601, 730.
These [were] the numbered of the children of Israel, six hundred thousand and a thousand seven hundred and thirty.
52 Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
And the LORD spoke to Moses, saying,
53 “Dapat ninyong hatiin ang lupain sa mga kalalakihang ito bilang mana ayon sa bilang ng kanilang mga pangalan.
To these the land shall be divided for an inheritance, according to the number of names.
54 Sa mas malaking mga angkan day apat mong bigyan ng mas malaking mana, at sa mas maliit na mga angkan dapat mong bigyan ng mas maliit na mana. Dapat mong bigyan ng isang mana ang bawat pamilya ayon sa bilang ng mga kalalakihan na nabilang.
To many thou shalt give the more inheritance, and to few thou shalt give the less inheritance: to every one shall his inheritance be given, according to those that were numbered of him.
55 Gayunpaman, dapat hatiin ang lupain sa pamamagitan ng palabunutan. Dapat nilang manahin ang lupain habang hinahati ito sa mga tribu ng kanilang mga ninuno.
Notwithstanding, the land shall be divided by lot: according to the names of the tribes of their fathers they shall inherit.
56 Dapat hatiin ang kanilang mana sa mas malaki at mas maliit na angkan, na ipamamahagi sa kanila sa pamamagitan ng palabunutan.”
According to the lot shall the possession of it be divided between many and few.
57 Ito ang mga angkan ng Levita na nabilang angkan sa angkan: kay Gerson, ang angkan ng mga Gersonita, kay Kohat, ang angkan ng mga Kohatita, kay Merari, ang angkan ng mga Merarita.
And these [are] they that were numbered of the Levites after their families: of Gershon, the family of the Gershonites: of Kohath, the family of the Kohathites: of Merari, the family of the Merarites.
58 Ito ang mga angkan ni Levi: ang angkan ng mga Libnita, ang angkan ng mga Hebronita, ang angkan ng mga Mahlita, ang angkan ng mga Musita, at ang angkan ng mga Koraita. Si Kohat ang ninuno ng Amram.
These [are] the families of the Levites: the family of the Libnites, the family of the Hebronites, the family of the Mahlites, the family of the Mushites, the family of the Korathites. And Kohath begat Amram.
59 Ang pangalan ng asawa ni Amram ay si Jocebed, isang kaapu-apuhan ni Levi, na ipinanganak sa mga Levita sa Ehipto. Isinilang niya kay Amram ang kanilang mga anak na sina Aaron, Moises at Miriam na kanilang kapatid na babae.
And the name of Amram's wife [was] Jochebed, the daughter of Levi, whom [her mother] bore to Levi in Egypt: and she bore to Amram Aaron and Moses, and Miriam their sister.
60 Kay Aaron ipinanganak si Nadab at Abihu, Eleazar at Itamar.
And to Aaron was born Nadab, and Abihu, Eleazar, and Ithamar.
61 Namatay sina Nadab at Abihu nang maghandog sila sa harap ni Yahweh ng hindi katanggap-tanggap na apoy.
And Nadab and Abihu died, when they offered strange fire before the LORD.
62 Ang mga lalaking nabilang sa nila ay may bilang na 23, 000, lahat ng mga lalaking isang buwang gulang pataas. Ngunit hindi sila kabilang sa mga kaapu-apuhan ng Israel sapagkat walang pamana na ibinigay sa kanila ng mga tao ng Israel.
And those that were numbered of them were twenty and three thousand, all males from a month old and upward: for they were not numbered among the children of Israel, because there was no inheritance given them among the children of Israel.
63 Ito ang mga taong nabilang nina Moises at Eleazar na Pari. Binilang nila ang mga tao ng Israel sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico.
These [are] they that were numbered by Moses and Eleazar the priest, who numbered the children of Israel in the plains of Moab by Jordan [near] Jericho.
64 Ngunit sa mga ito walang taong nabilang sina Moises at Aaron na pari nang bilangin nila ang mga kaapu-apuhan ng Israel sa ilang ng Sinai.
But among these there was not a man of them whom Moses and Aaron the priest numbered, when they numbered the children of Israel in the wilderness of Sinai.
65 Sapagkat sinabi ni Yahweh na ang lahat ng mga taong iyon ay tiyak na mamamatay sa ilang. Walang isang taong natira kasama nila, maliban kina Caleb na anak ni Jefune at Josue na anak ni Nun.
For the LORD had said of them, They shall surely die in the wilderness. And there was not left a man of them, save Caleb the son of Jephunneh, and Joshua the son of Nun.