< Mga Bilang 24 >
1 Nang makita ni Balaam na kinalugdanito ni Yahweh na pagpalain ang Israel, hindi na siya umalis, gaya nang una, upang gumamit ng pangkukulam. Sa halip, tumingin siya sa ilang.
Валаам увидел, что Господу угодно благословлять Израиля, и не пошел, как прежде, для волхвования, но обратился лицем своим к пустыне.
2 Itinaas niya ang kaniyang mga mata at nakita niya na nagkampo ang Israel, bawat isa sa kanilang tribu, at pumasok sa kaniya ang Espiritu ng Diyos.
И взглянул Валаам и увидел Израиля, стоявшего по коленам своим, и был на нем Дух Божий.
3 Natanggap niya itong propesiya at sinabi, “Magsasalita na si Balaam na anak ni Beor, ang taong malawak na nakamulat ang kaniyang mga mata.
И произнес он притчу свою и сказал: говорит Валаам, сын Веоров, говорит муж с открытым оком,
4 Nagsalita siya at narinig ang mga salita ng Diyos. Nakita niya ang isang pangitain mula sa Makapangyarihan, Sa harapan niya, siya ay nagpatirapa pababa kalakip ang kaniyang mga matang nakamulat.
говорит слышащий слова Божии, который видит видения Всемогущего; падает, но открыты глаза его:
5 Anong ganda ng iyong mga tolda, o Jacob, ang lugar na kung saan ka nakatira, Israel!
как прекрасны шатры твои, Иаков, жилища твои, Израиль!
6 Katulad ng mga lambak sila'y inilatag, katulad ng mga hardin sa tabing ilog, katulad ng mga mabangong punong itinanim ni Yahweh, katulad ng mga sedar sa gilid ng mga tubig.
расстилаются они как долины, как сады при реке, как алойные дерева, насажденные Господом, как кедры при водах;
7 Ang mga tubig na dumadaloy sa kanilang mga lalagyan, at ang kanilang mga binhi ay saganang-natubigan. Ang kanilang hari ay mas mataas kaysa kay Agag, at pararangalan ang kanilang kaharian.
польется вода из ведр его, и семя его будет как великие воды, превзойдет Агага царь его и возвысится царство его.
8 Ilalabas siya ng Diyos sa Ehipto. Mayroon siyang lakas katulad ng isang mabangis na baka. Uubusin niya ang mga bansa na lalaban sa kaniya. Babaliin niya ang kanilang mga buto sa pira-piraso. Tutudlain niya sila ng kaniyang mga palaso.
Бог вывел его из Египта, быстрота единорога у него, пожирает народы, враждебные ему, раздробляет кости их и стрелами своими разит врага.
9 Yuyuko siya katulad ng isang leon, katulad ng isang babaeng leon. Sino ang mangangahas na gambalain siya? Nawa, ang lahat na magpapala sa kaniya ay pagpalain; nawa, ang lahat na sumumpa sa kaniya ay sumpain.”
Преклонился, лежит как лев и как львица, кто поднимет его? Благословляющий тебя благословен, и проклинающий тебя проклят!
10 Ang galit ni Balak laban kay Balaam ay sumiklab at hinampas niya ang kaniyang mga kamay sa galit. Sinabi ni Balak kay Balaam, “Ipinatawag kita upang isumpa ang aking mga kaaway, ngunit tingnan mo, pinagpala mo sila ng tatlong beses.
И воспламенился гнев Валака на Валаама, и всплеснул он руками своими, и сказал Валак Валааму: я призвал тебя проклясть врагов моих, а ты благословляешь их вот уже третий раз;
11 Kaya iwan mo ako ngayon at umuwi ka na. Sinabi ko na labis kitang gagantimpalaan, ngunit pinigilan ka ni Yahweh na makakuha ng anumang gantimpala.”
итак, беги в свое место; я хотел почтить тебя, но вот, Господь лишает тебя чести.
12 At sumagot si Balaam, “Sinabi ko sa mga mensaherong ipinadala mo sa akin,
И сказал Валаам Валаку: не говорил ли я послам твоим, которых ты присылал ко мне:
13 'Kahit na ibibigay ni Balak sa akin ang kaniyang palasyo na puno ng pilak at ginto, hindi ako susuway sa mga salita ni Yahweh at anumang bagay na masama o mabuti, o lahat ng bagay na gusto ko sanang gawin. Sasabihin ko lamang kung ano ang gusto ni Yahweh na sabihin ko.' Hindi ko ba nasabi ito sa kanila?
“хотя бы давал мне Валак полный свой дом серебра и золота, не могу преступить повеления Господня, чтобы сделать что-либо доброе или худое по своему произволу: что скажет Господь, то и буду говорить”?
14 Kaya ngayon, tingnan mo, babalik ako sa aking mga tao. Ngunit binabalaan muna kita kung ano ang gagawin ng mga taong ito sa iyong mga tao sa darating na mga araw.”
Итак, вот, я иду к народу своему; пойди, я возвещу тебе, что сделает народ сей с народом твоим в последствие времени.
15 Sinimulan ni Balaam itong propesiya. Sinabi niya, “Magsasalita si Balaam na anak ni Beor, Ang taong mulat ang kaniyang mga mata.
И произнес притчу свою и сказал: говорит Валаам, сын Веоров, говорит муж с открытым оком,
16 Ito ay isang propesiya ng isang taong nakaririnig ng mga salita mula sa Diyos, na may kaalaman mula sa Kataas-taasan, na may mga pangitain mula sa Makapangyarihan sa lahat, Sa harapan niya na siyang nagpatirapang mulat ang kaniyang mga mata.
говорит слышащий слова Божии, имеющий ведение от Всевышнего, который видит видения Всемогущего, падает, но открыты очи его.
17 Nakita ko siya, ngunit siya ay wala ngayon dito. Tiningnan ko siya, ngunit hindi siya malapit. Isang tala ang lalabas mula kay Jacob, at lilitaw ang isang setro mula sa Israel. Dudurugin niya ang mga pinuno ng Moab at lilipulin lahat ng mga kaapu-apuhan ni Set.
Вижу Его, но ныне еще нет; зрю Его, но не близко. Восходит звезда от Иакова и восстает жезл от Израиля, и разит князей Моава и сокрушает всех сынов Сифовых.
18 At ang Edom ay magiging pag-aari ng Israel, at ang Seir ay magiging pag-aari rin nila, ang mga kaaway ng Israel, na masasakop ng Israel sa pamamagitan ng dahas.
Едом будет под владением, Сеир будет под владением врагов своих, а Израиль явит силу свою.
19 Mula kay Jacob darating ang isang hari na mayroong kapangyarihan, at kaniyang lilipulin ang mga nakaligtas sa kanilang lungsod.”
Происшедший от Иакова овладеет и погубит оставшееся от города.
20 At tiningnan ni Balaam si Amalek at sinimulan ang kaniyang propesiya. Sinabi niya, “Si Amalek ay minsang naging pinakadakila sa mga bansa, ngunit pagkawasak ang kaniyang magiging huling hantungan.”
И увидел он Амалика, и произнес притчу свою, и сказал: первый из народов Амалик, но конец его - гибель.
21 At tumingin si Balaam sa mga Cineo at sinimulan niya ang kaniyang propesiya. Sinabi niya, “Ang lugar kung saan kayo nakatira ay matibay, at ang inyong mga pugad ay nasa loob ng mga bato.
И увидел он Кенеев, и произнес притчу свою, и сказал: крепко жилище твое, и на скале положено гнездо твое;
22 Gayon pa man, si Kain ay mawawasak kapag binihag kayo ng Asiria.”
но разорен будет Каин, и недолго до того, что Ассур уведет тебя в плен.
23 Pagkatapos, sinimulan ni Balaam ang kaniyang pangwakas na propesiya. Sinabi niya, “Aba! Sino ang makakaligtas kapag ginawa ito ng Diyos?
И увидев Ога, произнес притчу свою, и сказал: горе, горе, кто уцелеет, когда наведет сие Бог!
24 Darating ang mga barko mula sa baybayin ng Kitim; Sasalakayin nila ang Asiria at sasakupin ang Eber, ngunit sila rin ay hahantong sa pagkawasak sa katapusan.”
придут корабли от Киттима, и смирят Ассура, и смирят Евера; но и им гибель!
25 Pagkatapos tumayo si Balaam at umalis. Bumalik siya sa kanyang tahanan at umalis din si Balak.
И встал Валаам и пошел обратно в свое место, а Валак также пошел своею дорогою.