< Mga Bilang 23 >

1 Sinabi ni Balaam kay Balak, “Gumawa ka ng pitong altar dito para sa akin at maglaan ka ng pitong toro at pitong lalaking tupa.
و بلعام به بالاق گفت: «در اینجا برای من هفت مذبح بساز، و هفت گاو و هفت قوچ در اینجا برایم حاضر کن.»۱
2 Kaya ginawa ni Balak ayon sa hiniling ni Balaam. Pagkatapos, naghandog si Balak at Balaam ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar.
و بالاق به نحوی که بلعام گفته بود به عمل آورد، و بالاق و بلعام، گاوی و قوچی بر هر مذبح گذرانیدند.۲
3 Pagkatapos, sinabi ni Balaam kay Balak, “Tumayo ka malapit sa handog na susunugin at pupunta ako. Marahil darating si Yahweh upang makipagkita sa akin. Anuman ang ipapakita niya sa akin sasabihin ko sa iyo.”Kaya umalis siya patungo sa isang burol na walang mga puno.
و بلعام به بالاق گفت: «نزد قربانی سوختنی خود بایست، تا من بروم؛ شاید خداوند برای ملاقات من بیاید، وهر‌چه او به من نشان دهد آن را به تو باز خواهم گفت.» پس به تلی برآمد.۳
4 Nakipagkita ang Diyos sa kaniya, at sinabi ni Balaam sa kaniya, “Gumawa ako ng pitong altar, at nag-alay ako ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat isa”.
و خدا بلعام را ملاقات کرد، و او وی را گفت: «هفت مذبح برپا داشتم و گاوی و قوچی بر هرمذبح قربانی کردم.»۴
5 Naglagay ng isang mensahe si Yahweh sa bibig ni Balaam at sinabi, “Bumalik ka kay Balak at magsalita ka sa kaniya.”
خداوند سخنی به دهان بلعام گذاشته، گفت: «نزد بالاق برگشته چنین بگو.»۵
6 Kaya bumalik si Balaam kay Balak, na nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at lahat ng mga pinuno ng Moab na kasama niya.
پس نزد او برگشت، و اینک او با جمیع سروران موآب نزد قربانی سوختنی خود ایستاده بود.۶
7 At nagsimulang sabihin ni Balaam ang kaniyang propesiya at sinabi, “Dinala ako ni Balak mula sa Aram. Ang hari ng Moab mula sa mga bundok sa silangan. 'Halika, isumpa mo si Jacob para sa akin,' sinabi niya. 'Halika, labanan mo ang Israel.'
و مثل خود را آورده، گفت: «بالاق ملک موآب مرا از ارام از کوههای مشرق آورد، که بیایعقوب را برای من لعنت کن، و بیا اسرائیل رانفرین نما.۷
8 Paano ko isusumpa ang mga taong hindi isinumpa ng Diyos? Paano ko lalabanan ang mga hindi nilabanan ni Yahweh?
چگونه لعنت کنم آن را که خدا لعنت نکرده است؟ و چگونه نفرین نمایم آن را که خداوند نفرین ننموده است؟۸
9 Sapagkat nakikita ko siya mula sa tuktok ng mga bato; mula sa mga burol tinitingnan ko siya. Tingnan mo, may mga taong naninirahang mag-isa at hindi itinuturing ang kanilang sarili bilang isang karaniwang bansa.
زیرا از سرصخره‌ها او را می‌بینم. و از کوهها او را مشاهده می‌نمایم. اینک قومی است که به تنهایی ساکن می‌شود، و در میان امتها حساب نخواهد شد.۹
10 Sino ang makakapagbilang sa alikabok ni Jacob o makakapagbilang kahit na ang ikaapat lamang ng Israel? Hayaan akong akong mamatay sa kamatayan ng isang matuwid na tao, at hayaang maging katulad niya ang wakas ng aking buhay!”
کیست که غبار یعقوب را تواند شمرد یا ربع اسرائیل را حساب نماید؟ کاش که من به وفات عادلان بمیرم و عاقبت من مثل عاقبت ایشان باشد.»۱۰
11 Sinabi ni Balak kay Balaam, “Anong ginawa mo sa akin? Dinala kita upang isumpa ang aking mga kalaban, ngunit tingnan mo, pinagpala mo sila.”
پس بالاق به بلعام گفت: «به من چه کردی؟ تو را آوردم تا دشمنانم را لعنت کنی، و هان برکت تمام دادی!»۱۱
12 Sumagot si Balaam at sinabi, “Hindi ba dapat akong maging maingat na sabihin lamang kung ano ang inilagay ni Yahweh sa aking bibig?”
او در جواب گفت: «آیا نمی بایدباحذر باشم تا آنچه را که خداوند به دهانم گذاردبگویم؟»۱۲
13 Kaya sinabi ni Balak sa kaniya, “Pakiusap sumama ka sa akin sa isang lugar kung saan makikita mo sila. Makikita mo lamang ang pinakamalapit sa kanila, hindi silang lahat. Doon isusumpa mo sila para sa akin.”
بالاق وی را گفت: «بیا الان همراه من به‌جای دیگر که از آنجا ایشان را توانی دید، فقطاقصای ایشان را خواهی دید، و جمیع ایشان رانخواهی دید و از آنجا ایشان را برای من لعنت کن.»۱۳
14 Kaya dinala niya si Balaam sa bukid ng Zopim, sa tuktok ng Bundok Pisga, at gumawa ng pito pang altar. Naghandog siya ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar.
پس او را به صحرای صوفیم، نزد قله فسجه برد و هفت مذبح بنا نموده، گاوی و قوچی بر هر مذبح قربانی کرد.۱۴
15 Pagkatapos, sinabi ni Balaam kay Balak, “Tumayo ka rito sa tabi ng iyong handog na susunugin, habang nakikipagkita ako kay Yahweh doon.”
و او به بالاق گفت: «نزدقربانی سوختنی خود، اینجا بایست تا من در آنجا(خداوند را) ملاقات نمایم.»۱۵
16 Kaya nakipagkita si Yahweh kay Balaam at inilagay ang isang mensahe sa kaniyang bibig. Sinabi niya, “Bumalik ka kay Balak at ibigay mo sa kaniya ang aking mensahe.”
و خداوند بلعام را ملاقات نموده، و سخنی در زبانش گذاشته، گفت: «نزد بالاق برگشته، چنین بگو.»۱۶
17 Bumalik si Balaam sa kaniya, at masdam, nakatayo siya sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at kasama niya ang mga pinuno ng Moab. At sinabi ni Balak sa kaniya, “Ano ang sinabi ni Yahweh?”
پس نزدوی آمد، و اینک نزد قربانی سوختنی خود باسروران موآب ایستاده بود، و بالاق از او پرسیدکه «خداوند چه گفت؟»۱۷
18 Sinimulan ni Balaam ang kaniyang propesiya. Sinabi niya, “Tumayo ka, Balak, at dinggin mo. Makinig ka sa akin, ikaw na anak ni Zippor.
آنگاه مثل خود راآورده، گفت: «ای بالاق برخیز و بشنو. و‌ای پسرصفور مرا گوش بگیر.۱۸
19 Hindi isang tao ang Diyos, na kailangan niyang magsinungaling, o isang tao, na kailangang magbago ang kaniyang isip. Nangako ba siya ng anumang bagay na hindi ito ginagawa? Nagsabi ba siyang gagawin niya ang isang bagay na hindi niya ito tinutupad?
خدا انسان نیست که دروغ بگوید. و از بنی آدم نیست که به اراده خودتغییر بدهد. آیا او سخنی گفته باشد و نکند؟ یاچیزی فرموده باشد و استوار ننماید؟۱۹
20 Tingnan mo, inutusan ako upang magpala. Binigyan ako ng Diyos ng isang biyaya, at hindi ko kayang baliktarin ito.
اینک مامور شده‌ام که برکت بدهم. و او برکت داده است و آن را رد نمی توانم نمود.۲۰
21 Wala siyang nakikitang paghihirap kay Jacob o kaguluhan sa Israel. Kasama nila si Yahweh na kanilang Diyos, at sumisigaw sapagkat kasama nila ang kanilang hari.
او گناهی دریعقوب ندیده، و خطایی در اسرائیل مشاهده ننموده است. یهوه خدای او با وی است. و نعره پادشاه در میان ایشان است.۲۱
22 Inilabas sila ng Diyos mula sa Ihipto nang may lakas katulad ng isang mabangis na kapong baka.
خدا ایشان را ازمصر بیرون آورد. او را شاخها مثل گاو وحشی است.۲۲
23 Walang kulam ang tatalab laban kay Jacob, at walang panghuhula ang makakapinsala sa Israel. Sa halip, dapat itong sabihin tungkol kay Jacob at kay Israel, 'Tingnan mo kung ano ang ginawa ng Diyos!'
به درستی که بر یعقوب افسون نیست وبر اسرائیل فالگیری نی. درباره یعقوب و درباره اسرائیل در وقتش گفته خواهد شد، که خدا چه کرده است.۲۳
24 Tingnan mo, tumayo ang mga tao katulad ng isang babaeng leon, gaya ng isang leong lumabas at sumalakay. Hindi siya humihiga hanggang sa makain niya ang kaniyang biktima at inumin ang dugo ng kaniyang napatay.”
اینک قوم مثل شیر ماده خواهندبرخاست. و مثل شیر نر خویشتن را خواهندبرانگیخت، و تا شکار را نخورد، و خون کشتگان را ننوشد، نخواهد خوابید.»۲۴
25 Pagkatapos sinabi ni Balak kay Balaam, “Huwag mo silang isumpa o pagpalain.”
بالاق به بلعام گفت: «نه ایشان را لعنت کن ونه برکت ده.»۲۵
26 Ngunit sumagot si Balaam at sinabi kay Balak, “Hindi ko ba sinabi sa iyo na dapat kong sabihin ang lahat ng sinabi ni Yahweh na sasabihin ko?”
بلعام در جواب بالاق گفت: «آیاتو را نگفتم که هر‌آنچه خداوند به من گوید، آن را باید بکنم؟»۲۶
27 Kaya sumagot si Balak kay Balaam, “Pumarito ka ngayon, dadalhin kita sa ibang lugar. Marahil makakalugod ito sa Diyos para isumpa mo sila roon para sa akin.”
بالاق به بلعام گفت: «بیا تا تو را به‌جای دیگر ببرم، شاید در نظر خدا پسند آید که ایشان را برای من از آنجا لعنت نمایی.»۲۷
28 Kaya dinala ni Balak si Balaam sa tuktok ng Bundok Peor, na natatanawan ang ilang sa ibaba.
پس بالاق بلعام را بر قله فغور که مشرف بر بیابان است، برد.۲۸
29 Sinabi ni Balaam kay Balak, “Magtayo ka para sa akin ng pitong altar dito at maghanda ng pitong toro at pitong lalaking tupa.”
بلعام به بالاق گفت: «در اینجا برای من هفت مذبح بساز و هفت گاو و هفت قوچ از برایم دراینجا حاضر کن.»۲۹
30 Kaya ginawa ni Balak ayon sa sinabi ni Balaam; nag-alay siya ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar.
و بالاق به طوری که بلعام گفته بود، عمل نموده، گاوی و قوچی بر هر مذبح قربانی کرد.۳۰

< Mga Bilang 23 >