< Mga Bilang 21 >
1 Nang marinig ng Cananeong hari ng Arad, na siyang naninirahan sa Negev na naglalakbay ang Israel sa daan ng Atarim, nakipaglaban siya laban sa Israel at kumuha siya ng ilang bihag mula sa kanila.
Da hörte der Kanaaniter, König von Arad, der im Südland saß, daß Israel auf dem Weg der Kundschafter komme. Da griff er Israel an und nahm von ihm einige gefangen.
2 Nangako ang Israel kay Yahweh at sinabi, “Kung bibigyan mo kami ng tagumpay sa mga taong ito, lubos na wawasakin namin ang kanilang mga lungsod.”
Da machte Israel dem Herrn ein Gelübde und sprach: "Gibst Du dies Volk in meine Hand, dann banne ich ihre Städte."
3 Nakinig si Yahweh sa tinig ng Israel at binigyan sila ng tagumpay laban sa mga Cananeo. Lubusan silang winasak at ang kanilang mga lungsod. Tinawag na Horma ang lugar na iyon.
Und der Herr erhörte Israel und gab den Kanaaniter preis. Und es bannte sie und ihre Städte. Die Stätte nannte man Chorma.
4 Naglakbay sila mula sa Bundok ng Hor sa daan ng Dagat ng mga Tambo upang lumiko sa lupain ng Edom.
Sie zogen nun vom Berge Hor den Weg zum Schilfmeer, das Land Edom zu umgehen. Aber das Volk ward der Wanderung überdrüssig.
5 Lubos na napanghinaan ng loob sa paglalakbay ang mga tao. Nagsalita ang mga tao laban sa Diyos at kay Moises: “Bakit mo kami pinalabas sa Ehipto upang mamatay sa ilang? Walang tinapay, walang tubig, at ayaw namin ang nakakasawang pagkaing ito.”
Und das Volk redete wider Gott und Moses: "Warum habt ihr uns aus Ägypten hergeführt, daß wir in der Wüste sterben? Kein Brot gibt es und kein Wasser. Wir sind der ärmlichen Kost überdrüssig."
6 At nagpadala si Yahweh ng mga makamandag na ahas sa mga tao. Tinuklaw ng mga ahas ang mga tao; maraming tao ang namatay.
Da sandte der Herr gegen das Volk die Schlangen, Brandnattern. Sie bissen die Leute, und viel Volk starb aus Israel.
7 Lumapit ang mga tao kay Moises at sinabin, “Nagkasala kami dahil nagsalita kami laban kay Yahweh at sa iyo. Magdasal ka kay Yahweh upang ilayo niya ang mga ahas mula sa amin.” Kaya nagdasal si Moises para sa mga tao.
Da kam das Volk zu Moses und sprach: "Wir haben gesündigt, daß wir gegen den Herrn und dich geredet haben. Bete zum Herrn, daß er die Schlangen von uns nehme!" Da betete Moses für das Volk.
8 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gumawa ka ng isang ahas at ikabit mo ito sa isang poste. At mangyayari na ang bawat isang natuklaw ay makaliligtas, kung titingnan niya ito.”
Und der Herr sprach zu Moses: "Mach dir eine Brandnatter und hänge sie an eine Stange! Jeder Gebissene schaue sie an und bleibe am Leben!"
9 Kaya gumawa si Moises ng isang tansong ahas at ikinabit ito sa isang poste. Kapag natuklaw ng isang ahas ang sinumang tao, kung titingin siya sa tansong ahas, makaliligtas siya.
Da machte Moses eine eherne Schlange und hängte sie an die Stange. Bissen dann die Schlangen jemand, so blickte er auf die eherne Schlange und blieb am Leben.
10 PAt nagpatuloy ang mga tao ng Israel sa kanilang paglalakbay at nagkampo sila sa Obot.
Die Israeliten zogen nun weiter und lagerten in Obot.
11 Naglakbay sila mula sa Obot at nagkampo sila sa Lye Abarim sa ilang na nakaharap sa Moab sa dakong silangan.
Von Obot zogen sie weiter und lagerten in Ijje Haabarim in der Wüste, die östlich an Moab stößt, gegen Osten.
12 Mula roon naglakbay sila at nagkampo sa lambak ng Zered.
Von dort zogen sie weiter und lagerten sich im Bachtal Zared.
13 Mula roon naglakbay sila at nagkampo sa kabilang bahagi ng Ilog Arnon, na nasa ilang na lpatungo sa hangganan ng mga Amoreo. Ang Ilog Arnon ang nagsisilbing hangganan ng Moab, sa pagitan ng Moab at ng mga Amoreo.
Von da zogen sie weiter und lagerten jenseits des Arnon, der in der Wüste ist und aus dem Amoritergebiet kommt. Denn der Arnon ist die Grenze Moabs zwischen Moabitern und Amoritern.
14 Kaya nga sinasabi sa kasulatang binalumbon ng Mga Digmaan ni Yahweh, “Waheb sa Sufa, at ang mga lambak ng Arnon,
Daher heißt es im Buche der Kriege des Herrn: "Waheb in Supha und die Bachtäler des Arnon
15 ang libis ng mga lambak na patungo sa bayan ng Ar at pababa patungo sa hangganan ng Moab.”
und der Bachtäler Abhang, der sich bis zur Gegend von Ar erstreckt und sich an Moabs Grenze lehnt."
16 Mula roon naglakbay sila patungo sa Beer, na kung saan ay naroon ang balon na sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sama-sama mong tipunin ang mga tao upang bigyan ko sila ng tubig.”
Von dort nach Beer, das ist der Brunnen, von dem der Herr zu Moses gesagt: "Hol das Volk her, damit ich ihm Wasser gebe!"
17 At inawit ng Israel ang awiting ito: “Bumukal ka, balon. Awitin ang tungkol dito.
Damals sang Israel dies Lied und fiel mit dem Kehrvers "Aufspringe, Quell!" ein:
18 Ang balong hinukay ng ating mga pinuno, ang balong hinukay ng mga taong marangal sa pamamagitan ng setro at kanilang mga baston.” Pagkatapos mula sa ilang naglakbay sila patungong Matana.
"Du Brunnen, von Fürsten gegraben, gebohrt von des Volkes Edlen mit Zeptern, ihren Stäben." Aus der Wüste ging es nach Mattana,
19 Mula sa Matana naglakbay sila patungong Nahaliel, at mula sa Nahaliel patungong Bamot,
von Mattana nach Nachaliel, von Nachaliel nach Bamot,
20 at mula sa Bamot patungo sa isang lambak sa lupain ng Moab. Iyon ay kung saan ang tuktok ng Bundok Pisga na natatanaw sa ilang.
von Bamot nach dem Tale in Moabs Gefilde beim Gipfel des Pisga, der auf das Ödland herabschaut.
21 Pagkatapos, nagpadala ang Israel ng mga mensahero kay Sihon na hari ng mga Amoreo na nagsasabi,
Da sandte Israel Boten zu dem Amoriterkönige Sichon und ließ sagen:
22 “Hayaan mo kaming dumaan sa iyong lupain. Hindi kami liliko sa anumang bukirin o ubasan. Hindi kami iinom ng tubig mula sa iyong mga balon. Maglalakbay kami sa pamamagitan ng maluwang na daanan ng hari hanggang makatawid kami sa kanilang hangganan.”
"Ich möchte dein Land durchziehen. Wir wollen weder auf Felder noch in Weinberge abbiegen. Wir wollen kein Wasser aus den Brunnen trinken. Wir ziehen auf dem Königswege hin, bis wir dein Gebiet durchzogen haben."
23 Ngunit hindi pinayagan ni Haring Sihon ang Israel na dumaan sa kanilang hangganan. Sa halip, sama-samang tinipon ni Sihon ang lahat ng kaniyang hukbo at sinalakay ang Israel sa ilang. Nakarating siya sa Jahaz, kung saan nakipaglaban siya sa Israel.
Aber Sichon verweigerte Israel den Durchzug durch sein Gebiet; Sichon zog vielmehr sein ganzes Volk zusammen und rückte gegen Israel in die Wüste vor. So kam er nach Jahas und griff Israel an.
24 Sinalakay ng Israel ang hukbo ni Sihon sa pamamagitan ng talim ng espada at kinuha nila ang lupain mula sa Arnon patungong ilog ng Jabok, hanggang sa lupain ng mga tao ng Ammon. Ngayon ay pinatibay ang hangganan ng mga tao ng Ammon.
Israel aber schlug ihn mit dem Schwerte und eroberte sein Land vom Arnon bis zum Jabbok und bis zu den Ammonitern hin. Denn Jazer war die Grenze der Ammoniter.
25 Kinuha ng Israel ang lahat ng mga lungsod ng Amoreo at tinirhan nilang lahat, kasama ang Hesbon at lahat ng mga nayon nito.
Israel nahm alle diese Städte ein. Und Israel besetzte alle Amoriterstädte, Chesbon und alle seine Tochterstädte.
26 Ang Hesbon ay ang lungsod ni haring Sihon ng mga Amoreo, na siyang nakipaglaban sa dating hari ng Moab. Kinuha ni Sihon ang lahat ng kaniyang lupain mula sa kaniyang sinasakupan hanggang sa Ilog Arnon.
Chesbon aber war die Stadt des Amoriterkönigs Sichon. Dieser hatte mit dem früheren Moabiterkönig Krieg geführt; da nahm er ihm sein ganzes Land bis zum Arnon ab.
27 Kaya sinabi ng mga nagsalita sa kawikaan, “Pumunta kayo sa Hesbon. Hayaan ninyo ang lungsod ng Sihon na muling maitayo at maitatag.
Daher sagten die Spruchdichter: "Kommt nach Chesbon! Gebaut und wohlbefestigt werde Sichons Stadt!"
28 Isang apoy na umaalab mula sa Hesbon, isang ningas ng apoy mula sa lungsod ng Sihon na lumamon sa Ar ng Moab, at mga nagmamay-ari ng mga burol sa tabi ng Arnon.
"Ein Feuer ging von Chesbon aus, aus Sichons Stadt die Lohe. Sie fraß bis Moab hin und glomm bis auf des Arnon Höhen."
29 Aba sa iyo, Moab! Napuksa ka, mga tao ng Cemos. Pinabihag niya ang kaniyang mga anak na lalaki at pinabilanggo niya ang kaniyang mga anak na babae kay Sihon na hari ng mga Amoreo.
"Weh, Moab, dir! Du bist verloren, Volk des Kamos. Er läßt gefangennehmen seine Söhne, und seine Töchter werden Kriegsgefangene des Amoriterkönigs Sichon."
30 Ngunit nasakop namin si Sihon. Nawasak ang Hesbon hanggang sa Dibon. Tinalo namin sila hanggang sa dulo ng Nofa, na umaabot sa Medeba.”
"Gerade sie beschossen wir. Zugrund ging Chesbon bis nach Dibon, und wir verwüsteten bis Nophach hin, bei Medeba."
31 Kaya nagsimulang manirahan ang Israel sa lupain ng mga Amoreo.
So besetzte Israel das Amoriterland.
32 At ipinadala ni Moises ang mga lalaki upang tingnan ang Jazer. Kinuha nila ang mga nayon nito at pinaalis ang mga Amoreong naroon.
Dann ließ Moses Jazer auskundschaften. Sie nahmen seine Tochterstädte, und man vertrieb die Amoriter darin.
33 Pagkatapos tumalikod sila at umakyat sa daan ng Bashan. Lumabas si Og na hari ng Bashan laban sa kanila, siya at ang lahat niyang hukbo, upang labanan sila sa Edrei.
Dann wandten sie sich und zogen gen Basan hinauf. Da rückte Basans König Og mit seinem ganzen Volke ihnen bis Edreï entgegen zum Kampfe.
34 Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises, “Huwag kang matakot sa kaniya, dahil binigyan ko kayo ng tagumpay laban sa kaniya, lahat ng kaniyang hukbo at ng kaniyang lupain. Gawin ninyo sa kaniya ang tulad ng ginawa ninyo kay Sihon na hari ng mga Amoreo, na nanirahan sa Hesbon.”
Der Herr aber sprach zu Moses: "Hab keine Furcht vor ihm! Ich gebe ihn und all sein Volk und Land in deine Hand. Tu mit ihm so, wie du mit dem Amoriterkönig Sichon getan, der zu Chesbon saß!"
35 Kaya pinatay nila siya, ang kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng kaniyang hukbo, hanggang walang natirang buhay sa kaniyang mga tao. Pagkatapos, kinuha nila ang kaniyang lupain.
Da schlugen sie ihn, seine Söhne und all sein Volk, daß kein Entronnener ihm blieb. Und sie besetzten sein Land.