< Mga Bilang 21 >
1 Nang marinig ng Cananeong hari ng Arad, na siyang naninirahan sa Negev na naglalakbay ang Israel sa daan ng Atarim, nakipaglaban siya laban sa Israel at kumuha siya ng ilang bihag mula sa kanila.
Le Cananéen, roi d’Arad, qui habitait au midi, ayant appris qu’Israël s’acheminait par ces régions, attaqua les Israélites et en fit quelques-uns prisonniers.
2 Nangako ang Israel kay Yahweh at sinabi, “Kung bibigyan mo kami ng tagumpay sa mga taong ito, lubos na wawasakin namin ang kanilang mga lungsod.”
Mais Israël fit un vœu à l’Éternel en disant: "Si tu livres ce peuple en mon pouvoir, je vouerais ses villes à l’anathème."
3 Nakinig si Yahweh sa tinig ng Israel at binigyan sila ng tagumpay laban sa mga Cananeo. Lubusan silang winasak at ang kanilang mga lungsod. Tinawag na Horma ang lugar na iyon.
L’Éternel écouta la voix d’Israël et lui livra les Cananéens; et on les frappa d’anathème, eux et leurs villes, et l’on donna à ce lieu le nom de Horma.
4 Naglakbay sila mula sa Bundok ng Hor sa daan ng Dagat ng mga Tambo upang lumiko sa lupain ng Edom.
Ils partirent de Hor-la-Montagne dans la direction de la mer des Joncs, pour tourner le pays d’Edom. Le peuple perdit courage pendant cette marche,
5 Lubos na napanghinaan ng loob sa paglalakbay ang mga tao. Nagsalita ang mga tao laban sa Diyos at kay Moises: “Bakit mo kami pinalabas sa Ehipto upang mamatay sa ilang? Walang tinapay, walang tubig, at ayaw namin ang nakakasawang pagkaing ito.”
et il se plaignit de Dieu et de Moïse: "Pourquoi nous avez-vous tirés de l’Egypte, pour nous faire mourir dans ce désert? Car il n’y a point de pain, point d’eau, et nous sommes excédés de ce misérable aliment."
6 At nagpadala si Yahweh ng mga makamandag na ahas sa mga tao. Tinuklaw ng mga ahas ang mga tao; maraming tao ang namatay.
Alors l’Éternel suscita contre le peuple les serpents brûlants, qui mordirent le peuple, et il périt une multitude d’Israélites.
7 Lumapit ang mga tao kay Moises at sinabin, “Nagkasala kami dahil nagsalita kami laban kay Yahweh at sa iyo. Magdasal ka kay Yahweh upang ilayo niya ang mga ahas mula sa amin.” Kaya nagdasal si Moises para sa mga tao.
Et le peuple s’adressa à Moïse, et ils dirent: "Nous avons péché en parlant contre l’Éternel et contre toi; intercède auprès de l’Éternel, pour qu’il détourne de nous ces serpents!" Et Moïse intercéda pour le peuple.
8 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gumawa ka ng isang ahas at ikabit mo ito sa isang poste. At mangyayari na ang bawat isang natuklaw ay makaliligtas, kung titingnan niya ito.”
L’Éternel dit à Moïse: "Fais toi-même un serpent et place-le au haut d’une perche: quiconque aura été mordu, qu’il le regarde et il vivra!"
9 Kaya gumawa si Moises ng isang tansong ahas at ikinabit ito sa isang poste. Kapag natuklaw ng isang ahas ang sinumang tao, kung titingin siya sa tansong ahas, makaliligtas siya.
Et Moïse fit un serpent d’airain, le fixa sur une perche; et alors, si quelqu’un était mordu par un serpent, il levait les yeux vers le serpent d’airain et était sauvé.
10 PAt nagpatuloy ang mga tao ng Israel sa kanilang paglalakbay at nagkampo sila sa Obot.
Les enfants d’Israël levèrent le camp, puis campèrent à Oboth.
11 Naglakbay sila mula sa Obot at nagkampo sila sa Lye Abarim sa ilang na nakaharap sa Moab sa dakong silangan.
Partis d’Oboth, ils campèrent à lyyê-Haabarîm, dans le désert situé devant Moab, vers le soleil levant.
12 Mula roon naglakbay sila at nagkampo sa lambak ng Zered.
De là ils repartirent et campèrent dans la vallée de Zéred.
13 Mula roon naglakbay sila at nagkampo sa kabilang bahagi ng Ilog Arnon, na nasa ilang na lpatungo sa hangganan ng mga Amoreo. Ang Ilog Arnon ang nagsisilbing hangganan ng Moab, sa pagitan ng Moab at ng mga Amoreo.
De là ils repartirent et campèrent sur la rive de l’Arnon située dans le désert et partant du territoire des Amorréens; car l’Arnon est la frontière de Moab, entre Moab et le territoire amorréen.
14 Kaya nga sinasabi sa kasulatang binalumbon ng Mga Digmaan ni Yahweh, “Waheb sa Sufa, at ang mga lambak ng Arnon,
C’Est pourquoi l’on cite, dans l’histoire des guerres du Seigneur, "Vaheb en Soufa, et les affluents de l’Arnon;
15 ang libis ng mga lambak na patungo sa bayan ng Ar at pababa patungo sa hangganan ng Moab.”
et encore le bassin des rivières, qui s’étend vers Chébeth-Ar et confine à la frontière de Moab…"
16 Mula roon naglakbay sila patungo sa Beer, na kung saan ay naroon ang balon na sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sama-sama mong tipunin ang mga tao upang bigyan ko sila ng tubig.”
Puis, ils gagnèrent Beêr, ce puits à propos duquel le Seigneur dit à Moïse: "Assemble le peuple, je veux lui donner de l’eau."
17 At inawit ng Israel ang awiting ito: “Bumukal ka, balon. Awitin ang tungkol dito.
C’Est alors qu’Israël chanta ce cantique: "Jaillis, ô source! Acclamez-la!…
18 Ang balong hinukay ng ating mga pinuno, ang balong hinukay ng mga taong marangal sa pamamagitan ng setro at kanilang mga baston.” Pagkatapos mula sa ilang naglakbay sila patungong Matana.
Ce puits, des princes l’ont creusé, les plus grands du peuple l’ont ouvert, avec le sceptre, avec leurs verges!…" Et de Midbar ils allèrent à Mattana;
19 Mula sa Matana naglakbay sila patungong Nahaliel, at mula sa Nahaliel patungong Bamot,
de Mattana à Nahalïel; de Nahalïel à Bamoth;
20 at mula sa Bamot patungo sa isang lambak sa lupain ng Moab. Iyon ay kung saan ang tuktok ng Bundok Pisga na natatanaw sa ilang.
et de Bamoth, au plateau qui est dans la campagne de Moab, au sommet du Pisga, d’où l’on découvrait l’étendue du désert.
21 Pagkatapos, nagpadala ang Israel ng mga mensahero kay Sihon na hari ng mga Amoreo na nagsasabi,
Israël envoya des députés à Sihôn, roi des Amorréens, pour lui dire:
22 “Hayaan mo kaming dumaan sa iyong lupain. Hindi kami liliko sa anumang bukirin o ubasan. Hindi kami iinom ng tubig mula sa iyong mga balon. Maglalakbay kami sa pamamagitan ng maluwang na daanan ng hari hanggang makatawid kami sa kanilang hangganan.”
"Je voudrais passer par ton pays. Nous ne traverserons ni champs ni vignobles, nous ne boirons point de l’eau des citernes; nous irons par la route royale, jusqu’à ce que nous ayons passé ta frontière."
23 Ngunit hindi pinayagan ni Haring Sihon ang Israel na dumaan sa kanilang hangganan. Sa halip, sama-samang tinipon ni Sihon ang lahat ng kaniyang hukbo at sinalakay ang Israel sa ilang. Nakarating siya sa Jahaz, kung saan nakipaglaban siya sa Israel.
Mais Sihôn ne permit point à Israël de traverser son territoire; et Sihôn rassembla tout son peuple, marcha à la rencontre d’Israël, vers le désert et atteignit Yahça, où il livra la bataille à Israël.
24 Sinalakay ng Israel ang hukbo ni Sihon sa pamamagitan ng talim ng espada at kinuha nila ang lupain mula sa Arnon patungong ilog ng Jabok, hanggang sa lupain ng mga tao ng Ammon. Ngayon ay pinatibay ang hangganan ng mga tao ng Ammon.
Israël le passa au fil de l’épée, et il conquît son pays depuis l’Arnon jusqu’au Jaboc, jusqu’aux possessions des Ammonites; car elle était forte, la frontière des enfants d’Ammon.
25 Kinuha ng Israel ang lahat ng mga lungsod ng Amoreo at tinirhan nilang lahat, kasama ang Hesbon at lahat ng mga nayon nito.
Israël s’empara de toutes ces villes; et il s’établit dans toutes les villes des Amorréens, à Hesbon et dans toutes ses dépendances.
26 Ang Hesbon ay ang lungsod ni haring Sihon ng mga Amoreo, na siyang nakipaglaban sa dating hari ng Moab. Kinuha ni Sihon ang lahat ng kaniyang lupain mula sa kaniyang sinasakupan hanggang sa Ilog Arnon.
Car Hesbon était devenue la ville de Sihôn, roi des Amorréens, celui-ci ayant fait la guerre au précédent roi de Moab, et lui ayant pris tout son territoire jusqu’à l’Arnon.
27 Kaya sinabi ng mga nagsalita sa kawikaan, “Pumunta kayo sa Hesbon. Hayaan ninyo ang lungsod ng Sihon na muling maitayo at maitatag.
C’Est à ce propos que les poètes disaient: "Venez à Hesbon! Cité de Sihôn, qu’elle se relève et s’affermisse!
28 Isang apoy na umaalab mula sa Hesbon, isang ningas ng apoy mula sa lungsod ng Sihon na lumamon sa Ar ng Moab, at mga nagmamay-ari ng mga burol sa tabi ng Arnon.
Car un feu a jailli de Hesbon, une flamme, de la ville de Sihôn, qui a dévoré Ar-en-Moab, les maîtres des hauteurs d’Arnon.
29 Aba sa iyo, Moab! Napuksa ka, mga tao ng Cemos. Pinabihag niya ang kaniyang mga anak na lalaki at pinabilanggo niya ang kaniyang mga anak na babae kay Sihon na hari ng mga Amoreo.
C’Est fait de toi. Moab! Tu es perdu, peuple de Camôs!… Ses fils, il les laisse mettre en fuite, ses filles, emmener captives, par un roi amorréen, par Sihôn!
30 Ngunit nasakop namin si Sihon. Nawasak ang Hesbon hanggang sa Dibon. Tinalo namin sila hanggang sa dulo ng Nofa, na umaabot sa Medeba.”
Hesbon perdu, nous les avons poursuivis de nos traits jusqu’à Dibôn; nous avons dévasté jusqu’à Nôfah, même jusqu’à Mèdeba!…"
31 Kaya nagsimulang manirahan ang Israel sa lupain ng mga Amoreo.
Israël s’établit donc dans le pays des Amorréens.
32 At ipinadala ni Moises ang mga lalaki upang tingnan ang Jazer. Kinuha nila ang mga nayon nito at pinaalis ang mga Amoreong naroon.
Moïse envoya explorer Yazêr; on s’empara de ses dépendances, et l’on déposséda les Amorréens qui y demeuraient.
33 Pagkatapos tumalikod sila at umakyat sa daan ng Bashan. Lumabas si Og na hari ng Bashan laban sa kanila, siya at ang lahat niyang hukbo, upang labanan sila sa Edrei.
Puis ils se dirigèrent, en montant plus haut, vers le Basan. Og, roi du Basan, s’avança à leur rencontre avec tout son peuple, pour leur livrer bataille, à Edréi.
34 Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises, “Huwag kang matakot sa kaniya, dahil binigyan ko kayo ng tagumpay laban sa kaniya, lahat ng kaniyang hukbo at ng kaniyang lupain. Gawin ninyo sa kaniya ang tulad ng ginawa ninyo kay Sihon na hari ng mga Amoreo, na nanirahan sa Hesbon.”
Mais l’Éternel dit à Moïse: "Ne le crains point, car je le livre en tes mains, lui et tout son peuple, et son pays; et tu le traiteras comme tu as traité Sihôn, roi des Amorréens, qui résidait à Hesbon."
35 Kaya pinatay nila siya, ang kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng kaniyang hukbo, hanggang walang natirang buhay sa kaniyang mga tao. Pagkatapos, kinuha nila ang kaniyang lupain.
Et ils le battirent, ainsi que ses fils et tout son peuple, tellement qu’ils n’en laissèrent survivre aucun; et ils conquirent son territoire.