< Mga Bilang 19 >
1 Nagsalita si Yahweh kay Moises at Aaron. Sinabi niya,
上主訓示梅瑟和亞郎說:
2 “Ito ay isang batas, isang batas na aking iniuutos sa inyo: Sabihin ninyo sa mga tao ng Israel na dapat nilang dalhin sa iyo ang isang pulang dumalagang baka na walang depekto o kapintasan, at hindi pa nakapagpasan ng pamatok.
「這是上主製定的法律,衪這樣命令你:你吩咐以色列子民,給你牽一頭無瑕,身上沒有殘缺,且沒有負過軛的紅母牛來。
3 Ibigay ninyo ang dumalagang baka kay Eleazar na pari. Dapat niyang dalhin ito sa labas ng kampo, at dapat patayin ito ng isang tao sa kaniyang harapan.
你們應將牛交給厄肋阿匝爾司祭,牽到營外,在他面前殺了。
4 Dapat kumuha si Eleazar na pari ng kaunti sa mga dugo nito gamit ang kaniyang daliri at iwisik ito ng pitong beses sa harapan ng tolda ng pagpupulong.
厄肋阿匝爾用手指蘸些牛血,七次向會幕的前面灑血。
5 Isa pang pari ang dapat sumunog sa dumalagang baka sa kaniyang paningin. Dapat niyang sunugin ang mga balat nito, laman, at mga dugo nito kasama ang mga dumi nito.
以後在他眼前將牛焚燒;牛的皮、肉、血連糞,一起焚燒。
6 Dapat kumuha ang pari ng kahoy na sedro, isopo, at ng lanang matingkad na pula, at ihagis itong lahat sa gitna ng nasusunog na dumalagang baka.
同時司祭應取香柏木、牛膝草和朱紅線,扔在燒牛的火內。
7 Pagkatapos, dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at maligo sa tubig. At makakapasok siya sa kampo, kung saan siya mananatiling marumi hanggang sa gabi.
以後司祭應洗自己的衣服,用水洗身,然後才可以回營。
8 Dapat labhan ng taong sumunog sa dumalagang baka ang kaniyang mga damit at maligo sa tubig. Mananatili siyang marumi hanggang sa gabi.
那焚燒牛的人,也應洗自己的衣服,用水洗身,但直到晚上仍然不潔。
9 Dapat tipunin ng isang taong malinis ang mga abo ng dumalagang baka at ilagay ang mga ito sa labas ng kampo sa isang malinis na lugar. Dapat itago ang mga abong ito para sa sambayanan ng Israel. Ihahalo nila ang mga abo sa tubig para sa paglilinis mula sa pagkakasala, sapagkat ang mga abo ay galing sa isang handog para sa kasalanan.
另一位潔淨的人收起牛灰,放在在營外潔淨的地方,為以色列子民會眾留下取潔水之用,因為這原是贖罪祭。
10 Ang isang taong tumipon sa mga abo ng dumalagang baka ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit. Mananatili siyang marumi hanggang sa gabi. Ito ay magiging palagiang batas para sa mga tao ng Israel at sa mga dayuhang naninirahan kasama nila.
那收斂牛灰的人,應洗自己的衣服,直到晚上不潔;這為以色列子民和僑居在你們中的外方人,是一條永久的法律。
11 Sinuman ang humipo sa bangkay ng kahit na sinong tao ay magiging marumi sa loob ng pitong araw.
凡摸了任何人屍體的,七天之久不潔。
12 Dapat linisin ng taong iyon ang kaniyang sarili sa ikatlong araw at sa ikapitong araw. At siya ay magiging malinis. Ngunit kung hindi niya nilinis ang kaniyang sarili sa ikatlong araw, hindi siya magiging malinis sa ikapitong araw.
第三日和第日,他應用那水取潔,他才潔淨;若在第三日和第七日不取潔,他仍然不潔。
13 Sinumang humipo sa isang patay na tao, ang katawan ng taong namatay, at hindi niya nilinis ang kaniyang sarili—dinudungisan ng taong ito ang tabernakulo ni Yahweh. Dapat itiwalag ang taong iyon mula sa Israel dahil hindi naiwisik sa kaniya ang tubig para sa karumihan. Mananatili siyang marumi; mananatili sa kaniya ang kaniyang pagkamarumi.
任何人摸了屍首,即死人的身體,而不取潔,便玷污了上主的居所,這人應由以色列中剷除,因為取潔水沒有灑在他身上,他仍然不潔,不潔仍留在他身上。
14 Ito ang batas kapag mamamatay ang isang tao sa loob ng isang tolda. Bawat taong papasok sa loob ng tolda at bawat isang nasa loob ng tolda ay magiging marumi sa loob ng pitong araw.
幾時在帳幕內死了一人,有這樣的規定:凡進這帳幕和所有在帳幕的人,七天之久不潔;
15 Bawat nakabukas na lalagyan na walang takip ay magiging marumi.
一切開著口,沒有蓋上蓋的器皿,都成了不潔的。
16 Katulad nang sinumang nasa labas ng tolda na humipo sa isang taong pinatay gamit ang isang espada, anumang bangkay, buto ng tao, o isang puntod—magiging marumi ang taong iyon sa loob ng pitong araw.
凡在田野門,摸了一個為刀所害,或自死的人,或人的骨骸,或墳墓的人,七天之久不潔。
17 Gawin ninyo ito sa taong marumi: Kumuha kayo ng kaunting abo mula sa sinunog na handog para sa kasalanan at ihalo ang mga ito sa isang banga na may sariwang tubig.
為這樣不潔的人,應取些贖罪祭燒成的灰,放在在一器皿內,倒上活水。
18 Dapat kumuha ang isang taong malinis ng isopo, isawsaw ito sa tubig at iwisik ito sa tolda, sa lahat ng lalagyang nasa loob ng tolda, sa mga taong naroon, at sa isang taong humipo sa buto, sa pinatay na tao, sa namatay na tao, o sa puntod.
然後一潔淨的人拿牛膝草浸入水內,灑在帳幕上和其內的一切器皿並人身上,以及灑在那摸過骨骸或疲害死的,或自死的,或墳墓的人身卡。
19 Sa ikatlong araw at sa ikapitong araw, dapat wisikan ng taong malinis ang taong marumi. Dapat maglinis ng kaniyang sarili ang taong marumi sa ikapitong araw. Dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at maligo sa tubig. At sa gabi ay magiging malinis siya.
那潔淨的人應在第三日第七日上,灑那人不潔淨的人,到第七日才能使他潔淨;那人還應洗自己的衣服,在水中沐浴,到晚上就潔淨了。
20 Ngunit ang sinumang mananatiling marumi, na tumatangging magpalinis ng kaniyang sarili—ititiwalag ang taong iyon mula sa sambayanan—dahil dinungisan niya ang santuwaryo ni Yahweh. Hindi pa naiwisik sa kaniya ang tubig para sa karumihan; mananatili siyang marumi.
誰成了不潔的而不取潔,這人應由會眾中剷除,因為他玷污了上主的聖所,因取潔水沒有灑在他身上,他仍然不潔。
21 Ito ay magiging isang patuloy na batas patungkol sa mga kalagayang ganito. Dapat labhan ng taong nagwiwisik sa tubig para sa karumihan ang kaniyang mga damit. Ang taong humawak sa tubig para sa karumihan ay magiging marumi hanggang sa gabi.
這為你們是一條永久的法律。那灑取潔水的,應洗自己的衣服;凡觸摸取潔水的,直到晚上不潔。
22 Anuman ang hahawakan ng taong marumi ay magiging marumi. Ang taong hahawak nito ay magiging marumi hanggang gabi.”
凡不潔的人摸過的東西,也成了不潔的;與之接觸的人,也直到晚上不潔」。