< Mga Bilang 17 >

1 Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
Poi il Signore disse a Mosè:
2 “Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Kumuha ka ng mga tungkod mula sa kanila, isa para sa bawat tribu ng mga ninuno. Kumuha ng labindalawang tungkod, isa mula sa bawat pinunong napili mula sa bawat tribu. Isulat mo ang pangalan ng bawat lalaki sa kaniyang tungkod.
«Parla agli Israeliti e fatti dare da loro dei bastoni, uno per ogni loro casato paterno: cioè dodici bastoni da parte di tutti i loro capi secondo i loro casati paterni; scriverai il nome di ognuno sul suo bastone,
3 Dapat mong isulat ang pangalan ni Aaron sa tungkod ni Levi. Kailangang may isang tungkod para sa bawat pinuno mula sa lipi ng kaniyang mga ninuno.
scriverai il nome di Aronne sul bastone di Levi, poiché ci sarà un bastone per ogni capo dei loro casati paterni.
4 Dapat mong ilagay ang mga tungkod sa tolda ng pagpupulong sa harapan ng tipan ng mga kautusan, kung saan ako nakikipagkita sa iyo.
Riporrai quei bastoni nella tenda del convegno, davanti alla testimonianza, dove io sono solito darvi convegno.
5 At mangyayaring ang tungkod ng taong aking pipiliin ay uusbong. Patitigilin ko ang mga reklamo ng mga tao ng Israel, mga sinasabi nila laban sa iyo.”
L'uomo che io avrò scelto sarà quello il cui bastone fiorirà e così farò cessare davanti a me le mormorazioni che gli Israeliti fanno contro di voi».
6 Kaya nagsalita si Moises sa mga tao ng Israel. Lahat ng mga katutubong pinuno ay binigyan siya ng mga tungkod, isang tungkod mula sa bawat pinuno, na pinili mula sa bawat isa sa mga ninuno ng tribu, labindalawang tungkod lahat. Kasali na sa mga iyon ang tungkod ni Aaron.
Mosè parlò agli Israeliti e tutti i loro capi gli diedero un bastone ciascuno, secondo i loro casati paterni, cioè dodici bastoni; il bastone di Aronne era in mezzo ai loro bastoni.
7 Pagkatapos inilagak ni Moises ang mga tungkod sa harap ni Yahweh sa toldang tipanan.
Mosè ripose quei bastoni davanti al Signore nella tenda della testimonianza.
8 Sa sumunod na araw, pumunta si Moises sa toldang tipanan at, pagmasdan, ang tungkod ni Aaron para sa mga tribu ni Levi ay umusbong. Tumubo ang mga usbong at naglabas ng mga bulaklak at hinog na almonte!
Il giorno dopo, Mosè entrò nella tenda della testimonianza ed ecco il bastone di Aronne per il casato di Levi era fiorito: aveva prodotto germogli, aveva fatto sbocciare fiori e maturato mandorle.
9 Inilabas ni Moises ang lahat ng mga tungkod mula sa harap ni Yahweh patungo sa lahat ng mga tao ng Israel. Hinanap ng bawat tao ang kaniyang tungkod at kinuha ito.
Allora Mosè tolse tutti i bastoni dalla presenza del Signore e li portò a tutti gli Israeliti; essi li videro e presero ciascuno il suo bastone.
10 Sinabi ni Yawheh kay Moises, “Ilagay mo ang tungkod ni Aaron sa harapan ng mga toldang tipanan. Panatilihin mo ito bilang isang palatandaan ng kasalanan laban sa mga taong nag-aklas upang mawakasan mo ang mga reklamo laban sa akin, o sila ay mamamatay.”
Il Signore disse a Mosè: «Riporta il bastone di Aronne davanti alla Testimonianza, perché sia conservato come un monito per i ribelli e si ponga fine alle loro mormorazioni contro di me ed essi non ne muoiano».
11 Ginawa ni Moises ang iniutos ni Yahweh sa kaniya.
Mosè fece come il Signore gli aveva comandato.
12 Nagsalita ang mga tao ng Israel kay Moises at sinabi, “Mamamatay kami rito. Malilipol kaming lahat!
Gli Israeliti dissero a Mosè: «Ecco, moriamo, siamo perduti, siamo tutti perduti!
13 Mamamatay ang bawat isang umaakyat, na lumalapit sa tabernakulo ni Yahweh. Dapat ba kaming mamatay lahat?”
Chiunque si accosta alla Dimora del Signore muore; dovremo morire tutti?».

< Mga Bilang 17 >