< Mga Bilang 16 >
1 Ngayon si Korah na anak na lalaki ni Izar na anak na lalaki ni Kohat na anak na lalaki ni Levi, kasama ni Datan at Abiram na mga anak na lalaki ni Eliab, at si On na anak na lalaki ni Pelet, ang mga kaapu-apuan ni Ruben ay tinipon ng ilang kalalakihan.
肋未的兒子刻哈特的後裔依茲哈爾的兒子客辣黑,和勒烏本的後裔厄里雅布的兩個兒子阿堂和阿彼蘭,並培肋特的兒子翁,
2 Tumindig sila laban kay Moises, kasama ng ibang kalalakihan mula sa mga tao ng Israel, dalawang daan at limampung pinuno ng sambayanan na mga tanyag na kasapi sa sambayanan.
起來反抗梅瑟。此外,還有二百五十個以色列人,他們都是會眾的領袖,會議的要員,有名望的人。
3 Nagkatipon sila upang harapin sina Moises at Aaron. Sinabi nila sa kanila, “Kumukuha kayo nang labis para sa inyong mga sarili. Ang buong sambayanan ay banal, inilaan kay Yahweh, ang bawat isa sa kanila, at si Yahweh ay kasama nila. Bakit ninyo inaangat ang inyong mga sarili sa ibabaw ng natitirang sambayanan ni Yahweh?”
他們團結起來反抗梅瑟和亞郎,對他們說:「你們太過份了! 全體會眾都是聖潔的人,上主也在他們中;為什麼你們卻抬舉自己在上主的集會以上﹖」
4 Nang marinig iyon ni Moises, nagpatirapa siya.
梅瑟一聽這話,就俯伏在地。
5 Nagsalita siya kay Korah at sa lahat ng kaniyang pangkat; sinabi niya, “Sa kinaumagahan, ipapakita ni Yahweh kung sino ang kaniya, at kung sino ang inilaan kay Yahweh. Dadalhin niya sa kaniya ang taong pipiliin niya. Dadalhin siya ni Yahweh sa kaniyang sarili.
然後對科辣黑和他同黨的人說:「明天早上,上主會使人知道,誰是他的人,誰是聖者;他使誰親近自己:他許誰親近自己,誰就是他所選的人。
6 Gawin ninyo ito, Korah at lahat ng iyong pangkat. Kumuha kayo ng mga insensaryo
你們應這樣做:科辣黑和他同黨的人啊! 你們要拿著火盤,
7 bukas at lagyan ninyo ng apoy at insenso ang mga ito sa harap ni Yahweh. Ang taong pipiliin ni Yahweh, ang taong iyon ay ilalaan kay Yahweh. Malayo na ang inyong narating, kayong mga kaapu-apuan ni Levi.”
明天在盤裏放上火,在上主面前,添上乳香;上主揀選誰,誰就是聖者。肋未的子孫,你們太過份了! 」
8 Muli, sinabi ni Moises kay Korah, “Ngayon ay makinig kayo, kayong mga kaapu-apuan ni Levi:
梅瑟又對科辣黑說:「肋未的子孫,請聽我說:
9 ito ba ay isang maliit na bagay para sa inyo na inilaan kayo ng Diyos ng Israel mula sa sambayanan ng Israel, upang palapitin kayo sa kaniya, upang magtrabaho sa tabernakulo ni Yahweh, at upang tumayo sa harapan ng sambayanan para maglingkod sa kanila?
以色列的天主將你們與以色列會眾分開,使你們親近他,在上主帳幕內服務,站在會眾前頭代他們行禮,這為你們還不夠麼﹖
10 Dinala niya kayo ng malapitan, at lahat ng inyong mga kamag-anak, ang mga kaapu-apuan ni Levi ay kasama ninyo, ngunit ninanasa din ninyo ang pagkapari!
他已使你和你所有的兄弟──肋未的子孫,親近他,你們還要貪求司祭之職麼﹖
11 Iyon ang dahilan kung bakit ikaw at lahat ng iyong pangkat ay nagkatipon laban kay Yahweh. Kaya bakit kayo nagrereklamo tungkol kay Aaron, na sumusunod kay Yahweh?”
其實你和你的同黨所共謀反抗的是上主;至於亞郎,他算什麼,你們竟抱怨他﹖
12 Pagkatapos ipinatawag ni Moises sina Datan at Abiram, ang mga anak na lalaki ni Eliab, subalit sinabi nila, “Hindi kami pupunta.
梅瑟派人去叫厄里雅布的兒子達堂和阿彼蘭來;他們卻答說:「我們不去!
13 Ito ba ay isang maliit na bagay na dalhin mo kami sa isang lupain na dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, upang patayin kami sa ilang? Ngayon nais mong maging tagapangasiwa namin!
你領我們由流奶流蜜的地方上來,叫我們死在曠野,這為你還不夠,你還想作王統治我們麼﹖
14 Bilang karagdagan, hindi mo kami dinala sa isang lupain na umaagos sa gatas at pulot-pukyutan, o binigyan ng mga bukid at mga ubasan bilang isang mana. Ngayon nais mo kaming bulagin sa pamamagitan ng mga walang lamang pangako? Hindi kami pupunta sa iyo.”
你並沒有領我們到了流奶流蜜的地方,也沒有給我們田地和葡萄園當產業啊! 你想剜出這些人的眼睛麼﹖我們不去! 」
15 Galit na galit si Moises at sinabi kay Yahweh, “Huwag mong galangin ang kanilang mga handog. Hindi ako kumuha ng isang asno mula sa kanila, at wala akong sinaktang sinuman sa kanila.”
梅瑟遂大怒,對上主說:「你不要垂顧他們的祭獻;我沒有奪過他們一匹驢,也沒有損害過他們任何人。」
16 Pagkatapos, sinabi ni Moises kay Korah, “Bukas ikaw at lahat ng iyong kasamahan ay dapat pumunta sa harap ni Yahweh, ikaw, sila, at si Aaron.
梅瑟對科辣黑說:「你和你一切同黨,明日要來到上主面前,就是你和他們,還有亞郎。
17 Bawat isa sa inyo ay dapat dalhin niya ang kaniyang insensaryo at lagyan ito ng insenso. Pagkatapos, dapat dalhin ng bawat tao sa harap ni Yahweh ang kaniyang insensaryo, dalawang daan at limampung insensaryo. Kayo at si Aaron rin ay dapat ninyong dalhin ang inyong mga insensaryo.”
你們各人要拿著自己的火盤,上面放上乳香;各人拿著自己的火盤到上主面前去,共二百五十個火盤;你和亞郎也各自拿著火盤。」
18 Kaya kinuha ng bawat lalaki ang kaniyang insensaryo, nilagyan ito ng apoy, nilatagan ito ng insenso, at tumayo sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong kasama ni Moises at Aaron.
他們每人於是都拿了火盤,上面放上火,添上乳香,同梅瑟和亞郎來到會幕門口。
19 Tinipon ni Korah ang buong sambayanan laban kina Moises at Aaron sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at nagpakita ang kaluwalhatian ni Yahweh sa buong sambayanan.
科辣黑召集了全會眾到會幕門口,來反抗梅瑟和亞郎。此時,上主的榮耀就顯現給全會眾。
20 At nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Aaron:
上主對梅瑟和亞郎說:「
21 “Ihiwalay ninyo ang inyong mga sarili mula sa sambayanang ito upang lipulin ko sila agad-agad.”
你們快離開這會眾,我立刻要消滅他們。」
22 Nagpatirapa sila Moises at Aaron at sinabi, “Diyos, ang Diyos ng mga espiritu ng buong sangkatauhan, kung nagkakasala ang isang tao, dapat kabang magalit sa buong sambayanan?”
梅瑟和亞郎就俯伏在地說:「天主,賜給一切血肉生氣的天主! 一人犯罪,你就向全體的會眾發怒麼﹖」
23 Sumagot si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
上主回答梅瑟說:「
24 “Magsalita ka sa buong sambayanan. Sabihin mo, 'Umalis kayo mula sa mga tolda nila Korah, Datan, at Abiram.'”
你訓示會眾說:你們離開科辣黑、達堂、和阿彼蘭帳幕的四周。」
25 Pagkatapos, bumangon si Moises at pumunta kina Datan at Abiram; sinundan siya ng mga nakakatanda ng Israel.
梅瑟就起來往達堂和阿彼蘭那裏去,以色列的長老也都隨著他去了。
26 Nagsalita siya sa sambayanan at sinabi, “Ngayon iwanan ang mga tolda ng mga masamang lalaking ito at huwag humawak ng anumang bagay na nabibilang sa kanila, o malilipol kayo sa pamamagitan ng lahat ng kanilang kasalanan.”
他遂向會眾說:「你們要遠離這些惡人的帳幕! 凡是他們的東西你們不要動,免得你們為了他們的一切罪惡而遭滅絕。」
27 Kaya ang sambayanan sa magkabilaan ay iniwan ang mga tolda nina Korah, Datan, at Abiram. Lumabas sila Datan at Abiram at tumayo sa pasukan ng kanilang mga tolda, kasama ng kanilang mga asawa, mga anak, at kanilang mga maliliit.
他們遂離開了科辣黑、達堂和阿彼蘭帳幕的四周;達堂和阿彼蘭同他們的妻子兒女和嬰孩出來,站在自己的帳幕門口。
28 At sinabi ni Moises, “Sa pamamagitan nito malalaman ninyong isinugo ako ni Yahweh upang gawin ang lahat ng mga gawaing ito, sapagkat hindi ko ginawa ang mga ito sa aking sariling pagsang-ayon.
梅瑟遂說:「因這件事,你們會知道,是上主派遣了我來做這一切,並不是出於我的本意:
29 Kung mamamatay ang mga lalaking ito nang karaniwang kamatayan gaya ng karaniwang nangyayari, kung gayon hindi ako isinugo ni Yahweh.
如果這些人如其他的人一樣死去,或者他們的遭遇如其他的人所遭遇的一樣,上主就沒有派遣了我;
30 Ngunit kung gagawa si Yahweh ng isang butas sa lupa na lalamon sa kanila tulad ng isang malaking bibig, kasama ng kanilang mga pamilya, at kapag bababa sila ng buhay sa lugar ng mga patay ay dapat ninyong unawain na kinamuhian ng mga lalaking ito si Yahweh. (Sheol )
但是,如果上主作了從未聽見過的事,令地裂開口,將他們和他們的一切都吞下去,使他們活活的下到陰府,你們就知道這些人拋棄了上主。」 (Sheol )
31 Pagkatapos sabihin ni Moises ang lahat ng salitang ito, bumukas ang lupang sa ilalim ng mga lalaking ito.
他一說完這些話,他們腳踏的地就裂開了;
32 Ibinukas ng lupa ang bibig nito at nilamon sila, ang kanilang mga pamilya, at lahat ng mga taong nabibilang kay Korah, pati na rin ang kanilang mga ari-arian.
地開了口,將他們和他們的家屬,以及凡屬科辣黑的人和所有的財物,都吞了下去。
33 Sila at ang lahat sa kanilang mga pamilya ay pumunta ng buhay sa lugar ng mga patay. Nagsara ang lupa sa ibabaw nila, at sa pamamagitan nito nalipol sila sa kalagitnaan ng sambayanan. (Sheol )
他們和他們的一切,都活活的下了陰府;地在他們上面閉上口,他們遂由會眾中消滅了。 (Sheol )
34 Ang buong Israel na nakapalibot sa kanila ay tumakas mula sa kanilang hiyaw. Sinigaw nila, “Baka lamunin din tayo ng lupa!”
他們四周所有的以色列人,一聽見他們尖叫聲,就都逃跑說:「怕地也吞沒了我們! 」
35 Pagkatapos kumislap ang apoy mula kay Yahweh at nilamon ang 250 kalalakihan na naghandog ng insenso.
那時由上主那裏發出了烈火,吞噬了那二百五十個奉香的人。
36 Muling nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
上主訓示梅瑟說:
37 “Magsalita ka kay Eleazar na anak na lalaki ni Aaron na pari at sabihan siya na kunin ang mga insensaryo mula sa mga nagbabagang tira, sapagkat ang mga insensaryo ay idinulog sa akin. Pagkatapos, kailangan nilang ikalat ang mga baga.
「你吩咐司祭阿蘭的兒子厄肋阿匝爾,叫他將一切火盤從火堆中取去,把炭火散開,因為這一切都是聖的。
38 Kunin ang mga insensaryo sa mga namatay dahil sa kanilang mga kasalanan. Gawing minartilyong pingngan ang mga ito bilang isang takip sa ibabaw ng altar. Ang mga lalaking iyon ang naghandog ng mga ito sa harap ko, kaya naihandog sa akin ang mga ito. Magiging isang tanda ang mga ito ng aking presensya sa mga tao ng Israel.”
以這些犯罪喪生者的火盤,打成薄片,用來包蓋祭壇,──因為奉獻在上主面前的火盤已成了聖的,──給以色列子民當作鑑戒」。
39 Kinuha ni Eleazar na pari ang mga tansong insensaryo na ginamit ng mga lalaking nasunog, at ang mga ito ay minartilyo na maging isang takip para sa altar,
厄肋阿匝爾司祭便取出那些被火燒死的人獻過的銅火盤,叫人打成薄片,為包蓋祭壇用,
40 upang maging isang paalala sa mga tao ng Israel, na ang mga nagmula lamang kay Aaron ang maaaring pumuntang magsunog ng insenso sa harap ni Yahweh, para hindi sila magiging katulad ni Korah at ng kaniyang pangkat—gaya ng iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.
為給以色列子民當作鑑戒,為叫凡不是出於亞郎子孫的俗人,不應前來在上主面前獻香,以免和科辣黑及他的同黨遭遇一樣的不幸。他全照上主藉梅瑟對他所吩咐的做了。
41 Ngunit sa sumunod na umaga ang lahat ng sambayanan ng mga tao ng Israel ay nagreklamo laban kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Pinatay ninyo ang mga tao ni Yahweh.”
次日,以色列子民全會眾抱怨梅瑟和亞郎說:「正是你們害死了上主的人民」。
42 At nangyari, nang nagkatipon ang sambayanan laban kina Moises at Aaron, na tumingin sila sa tolda ng pagpupulong at, tingnan mo, tinatakpan ito ng ulap. Nagpakita ang kaluwalhatian ni Yahweh,
當會眾集合反對梅瑟和亞郎時,你們二人人轉向會幕;看,雲彩遮蓋了會幕,上主的榮耀發顯了出來。
43 at pumunta sina Moises at Aaron sa harapan ng tolda ng pagpupulong.
梅瑟和亞郎遂走到會幕面前,
44 Pagkatapos, nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
上主吩咐梅瑟說:
45 “Lumayo ka mula sa harapan ng sambayanang ito upang malipol ko sila agad-agad.” Pagkatapos nagpatirapa sina Moises at Aaron.
「你們快離開這會眾,我要立即消滅他們」。他們遂俯伏在地,
46 Sinabi ni Moises kay Aaron, “Kunin ninyo ang insensaryo, lagyan ito ng apoy mula sa altar, lagyan ito ng insenso, dalhin agad ito sa sambayanan, at gumawa ng pambayad ng kasalanan para sa kanila, dahil ang galit ay paparating mula kay Yahweh. Nagsimula na ang salot.”
然後梅瑟向亞郎說:「你快拿火盤,由祭壇取火放在盤裏,添上乳香,快拿到會眾那裏去,為他們行贖罪禮,因為憤怒已由上主面前發出,災禍一個已經開始」。
47 Kaya ginawa ni Aaron ang gaya ng sinabi ni Moises. Tumakbo siya papunta sa gitna ng sambayanan. Mabilis na nagsimulang kumalat ang salot sa mga tao, kaya inilagay niya ang insenso at gumawa ng pambayad ng kasalanan para sa mga tao.
亞郎遂照梅瑟所吩咐的拿了火盤,急忙跑到會眾中;看,災禍已在人民中開始;他遂添上乳香,為人民行贖罪禮,
48 Tumayo si Aaron sa pagitan ng mga patay at mga nabubuhay; sa pamamagitan nito natigil ang salot.
站在死者和生者之中,直到災禍止息。
49 Yaong mga namatay sa pamamagitan ng salot ay 14, 700 ang bilang, bukod sa mga namatay dahil sa ginawa ni Korah.
在這次災禍中死了一萬四千七百,為科辣黑的緣故而死的人,還不在內。
50 Bumalik si Aaron kay Moises sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong, at ang salot ay nagwakas.
亞郎於是回到會幕門口梅瑟那裏,因為災禍已止息了。