< Mga Bilang 14 >

1 Umiyak nang malakas ang sambayanan sa gabing iyon.
И подняло все общество вопль, и плакал народ во всю ту ночь;
2 Pinuna ng lahat ng mga tao ng Israel sina Moises at Aaron. Sinabi ng buong sambayanan sa kanila, “Nais naming kami ay namatay na lang sa lupain ng Ehipto, o dito sa ilang!
и роптали на Моисея и Аарона все сыны Израилевы, и все общество сказало им: о, если бы мы умерли в земле Египетской, или умерли бы в пустыне сей!
3 Bakit tayo dinala ni Yahweh sa lupaing ito upang mamatay sa pamamagitan ng espada? Ang ating mga asawa at mga maliliit na anak ay magiging mga biktima. Hindi ba mas mabuti para sa atin na bumalik sa Ehipto?”
и для чего Господь ведет нас в землю сию, чтобы мы пали от меча? жены наши и дети наши достанутся в добычу врагам; не лучше ли нам возвратиться в Египет?
4 Sinabi nila sa bawat isa, “Pumili tayo ng isa pang pinuno at bumalik tayo sa Ehipto.”
И сказали друг другу: поставим себе начальника и возвратимся в Египет.
5 At nagpatirapa sina Moises at Aaron sa harapan ng buong kapulungan ng sambayanan ng mga tao ng Israel.
И пали Моисей и Аарон на лица свои пред всем собранием общества сынов Израилевых.
6 Si Josue na anak na lalaki ni Nun at si Caleb na anak na lalaki ni Jefune ay pinunit ang kanilang mga damit, ang ilan sa mga ipinadala upang suriin ang lupain.
И Иисус, сын Навин, и Халев, сын Иефонниин, из осматривавших землю, разодрали одежды свои
7 Nagsalita sila sa buong sambayanan ng mga tao ng Israel. Sinabi nila, “Isang napakabuting lupain ang aming dinaanan at siniyasat.
и сказали всему обществу сынов Израилевых: земля, которую мы проходили для осмотра, очень, очень хороша;
8 Kung nalulugod si Yahweh sa atin, sa gayon dadalhin niya tayo sa lupaing ito at ibibigay ito sa atin. Dinadaluyan ang lupain ng gatas at pulot-pukyutan.
если Господь милостив к нам, то введет нас в землю сию и даст нам ее - эту землю, в которой течет молоко и мед;
9 Ngunit huwag kayong maghimagsik laban kay Yahweh at huwag kayong matakot sa mga tao ng lupain. Uubusin natin sila na kasindali ng pagkain. Maaalis mula sa kanila ang kanilang pananggalang, dahil kasama natin si Yahweh. Huwag ninyo silang katakutan.”
только против Господа не восставайте и не бойтесь народа земли сей; ибо он достанется нам на съедение: защиты у них не стало, а с нами Господь; не бойтесь их.
10 Ngunit tinangka ng buong sambayanan na pagbabatuhin sila hanggang mamatay. Pagkatapos, lumitaw ang kaluwalhatian ni Yahweh sa tolda ng pagpupulong sa lahat ng mga tao ng Israel.
И сказало все общество: побить их камнями! Но слава Господня явилась в облаке в скинии собрания всем сынам Израилевым.
11 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Hanggang kailan ba ako kamumuhian ng mga taong ito? Hanggang kailan sila mabibigong magtiwala sa akin, sa kabila ng lahat ng palatandaan ng aking kapangyarihan na aking ginawa sa kanila?
И сказал Господь Моисею: доколе будет раздражать Меня народ сей? и доколе будет он не верить Мне при всех знамениях, которые делал Я среди его?
12 Lulusubin ko sila ng salot, hindi ko sila pamamanahan at gagawa ako mula sa iyong angkan ng isang bansa na magiging higit na dakila at mas malakas kaysa sa kanila.”
поражу его язвою и истреблю его и произведу от тебя и от дома отца твоего народ многочисленнее и сильнее его.
13 Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Kung gagawin mo ito, maririnig ng mga taga-Ehipto ang tungkol dito, dahil sinagip mo ang mga tao mula sa kanila sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan.
Но Моисей сказал Господу: услышат Египтяне, из среды которых Ты силою Твоею вывел народ сей,
14 Sasabihin nila ito sa mga naninirahan sa lupain. Maririnig nila na ikaw, Yahweh ay kapiling ng mga taong ito, dahil nakita ka nila nang harapan. Nasa itaas ng iyong mga tao ang iyong ulap. Pinangungunahan mo sila sa isang haligi ng ulap sa araw at isang haligi ng apoy sa gabi.
и скажут жителям земли сей, которые слышали, что Ты, Господь, находишься среди народа сего, и что Ты, Господь, даешь им видеть Себя лицом к лицу, и облако Твое стоит над ними, и Ты идешь пред ними днем в столпе облачном, а ночью в столпе огненном;
15 Ngayon, kung papatayin mo ang mga taong ito gaya ng isang tao, ang mga bansang nakarinig sa iyong katanyagan ay magsasalita at sasabihin,
и если Ты истребишь народ сей, как одного человека, то народы, которые слышали славу Твою, скажут:
16 'Dahil hindi magawang dalhin ni Yahweh ang mga taong ito sa lupaing kaniyang ipinangakong ibigay sa kanila, pinatay niya sila sa ilang.'
Господь не мог ввести народ сей в землю, которую Он с клятвою обещал ему, а потому и погубил его в пустыне.
17 Ngayon, nagmamakaawa ako sa iyo, gamitin mo ang iyong dakilang kapangyarihan. Sapagkat sinabi mo,
Итак да возвеличится сила Господня, как Ты сказал, говоря:
18 banayad si Yahweh kung magalit at sagana sa tipan ng katapatan. Pinapatawad niya ang kasamaan at pagsuway. Hindi siya magpapawalang sala kapag dadalhin niya ang parusa ng kasalanan ng mga ninuno sa kanilang mga kaapu-apuhan, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.'
Господь долготерпелив и многомилостив и истинен, прощающий беззакония и преступления и грехи, и не оставляющий без наказания, но наказывающий беззаконие отцов в детях до третьего и четвертого рода.
19 Patawad, nakikiusap ako sa iyo, itong kasalanan ng mga tao dahil sa kadakilaan ng iyong tipan ng katapatan, tulad ng palagi mong pagpapatawad sa mga taong ito mula sa panahong nasa Ehipto sila hanggang ngayon.”
Прости грех народу сему по великой милости Твоей, как Ты прощал народ сей от Египта доселе.
20 Sinabi ni Yahweh, “Pinatawad ko na sila ayon sa iyong kahilingan,
И сказал Господь Моисею: прощаю по слову твоему;
21 ngunit totoo, habang nabubuhay ako at habang napupuno ang buong mundo ng aking kaluwalhatian,
но жив Я, и всегда живет имя Мое, и славы Господней полна вся земля:
22 lahat ng mga taong iyon na nakakita ng aking kaluwalhatian at sa mga palatandaan ng aking kapangyarihang ginawa ko sa Ehipto at sa ilang—tinutukso pa rin nila ako ng sampung beses at hindi nakinig sa aking tinig.
все, которые видели славу Мою и знамения Мои, сделанные Мною в Египте и в пустыне, и искушали Меня уже десять раз, и не слушали гласа Моего,
23 Kaya sinabi kong tiyak na hindi nila makikita ang lupaing aking ipinangako sa kanilang mga ninuno. Wala ni isa sa kanilang namuhi sa akin ang makakakita nito,
не увидят земли, которую Я с клятвою обещал отцам их; только детям их, которые здесь со Мною, которые не знают, что добро, что зло, всем малолетним, ничего не смыслящим, им дам землю, а все, раздражавшие Меня, не увидят ее;
24 maliban kay Caleb na aking lingkod, dahil mayroon siyang ibang espiritu. Sinunod niya ako ng ganap; Dadalhin ko siya sa lupaing kaniyang pinuntahan upang suriin. Aangkinin ito ng kaniyang mga kaapu-apuhan.
но раба Моего, Халева, за то, что в нем был иной дух, и он совершенно повиновался Мне, введу в землю, в которую он ходил, и семя его наследует ее;
25 (Ngayon nakatira ang mga Amalekita at mga Cananeo sa lambak.) Bukas lumiko kayo at pumunta sa ilang sa pamamagitan ng daan ng Dagat ng mga Tambo.”
Амаликитяне и Хананеи живут в долине; завтра обратитесь и идите в пустыню к Чермному морю.
26 Nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Aaron. Sinabi niya,
И сказал Господь Моисею и Аарону, говоря:
27 “Hanggang kailan ko ba dapat tiisin itong masamang sambayanang bumabatikos sa akin? Narinig ko ang mga pagrereklamo ng mga tao ng Israel laban sa akin.
доколе злому обществу сему роптать на Меня? ропот сынов Израилевых, которым они ропщут на Меня, Я слышу.
28 Sabihin mo sa kanila, 'Dahil ako ay buhay,' sinabi ni Yahweh, 'ayon sa sinabi mo sa aking pandinig, gagawin ko ito sa inyo:
Скажи им: живу Я, говорит Господь: как говорили вы вслух Мне, так и сделаю вам;
29 Babagsak ang inyong mga patay na katawan sa ilang na ito, lahat kayong nagreklamo laban sa akin, kayong nabilang na sa sensus, ang kabuoang bilang ng mga tao mula sa dalawampung taon pataas.
в пустыне сей падут тела ваши, и все вы исчисленные, сколько вас числом, от двадцати лет и выше, которые роптали на Меня,
30 Tiyak na hindi kayo makakapunta sa lupaing aking ipinangako upang gawin ninyong tahanan, maliban kay Caleb na lalaking anak ni Jefune at Josue na lalaking anak ni Nun.
не войдете в землю, на которой Я, подъемля руку Мою, клялся поселить вас, кроме Халева, сына Иефонниина, и Иисуса, сына Навина;
31 Ngunit ang inyong mga maliliit na anak na sinasabi ninyong magiging mga biktima, dadalhin ko sila sa lupain. Mararanasan nila ang lupaing inyong tinanggihan!
детей ваших, о которых вы говорили, что они достанутся в добычу врагам, Я введу туда, и они узнают землю, которую вы презрели,
32 At para sa inyo, babagsak sa ilang na ito ang mga patay ninyong katawan.
а ваши трупы падут в пустыне сей;
33 Magiging pagala-gala ang inyong mga anak sa ilang sa loob ng apatnapung taon. Dapat nilang dalhin ang bunga ng inyong paghihimagsik hanggang sa patayin ng ilang ang inyong mga katawan.
а сыны ваши будут кочевать в пустыне сорок лет, и будут нести наказание за блудодейство ваше, доколе не погибнут все тела ваши в пустыне;
34 Tulad ng bilang ng mga araw na sinuri ninyo ang lupain—apatnapung araw, dapat din ninyong dalhin ang bunga ng inyong mga kasalanan sa loob ng apatnapung taon—isang taon sa bawat araw at dapat ninyong malaman kung ano ang katulad ng maging aking kaaway.
по числу сорока дней, в которые вы осматривали землю, вы понесете наказание за грехи ваши сорок лет, год за день, дабы вы познали, что значит быть оставленным Мною.
35 Akong, si Yahweh, ang nagsalita. Tiyak na gagawin ko ito sa buong masamang sambayanang ito na nagtipun-tipon laban sa akin. Mauubos sila sa ilang na ito. Dito sila mamamatay.'”
Я, Господь, говорю, и так и сделаю со всем сим злым обществом, восставшим против Меня: в пустыне сей все они погибнут и перемрут.
36 Kaya namatay lahat ng lalaking ipinadala ni Moises upang tingnan ang lupain sa pamamagitan ng salot sa harapan ni Yahweh. Ito ang mga lalaking bumalik at nagdala ng isang masamang ulat tungkol sa lupain. Sila ang nagdulot sa buong sambayanan na magreklamo laban kay Moises.
И те, которых посылал Моисей для осмотрения земли, и которые, возвратившись, возмутили против него все сие общество, распуская худую молву о земле,
сии, распустившие худую молву о земле, умерли, быв поражены пред Господом;
38 Mula sa mga lalaking pumunta upang tingnan ang lupain, tanging si Josue na anak na lalaki ni Nun at si Caleb na anak na lalaki ni Jefune ang natirang buhay.
только Иисус, сын Навин, и Халев, сын Иефонниин, остались живы из тех мужей, которые ходили осматривать землю.
39 Nang iulat ni Moises ang mga salitang ito sa lahat ng tao ng Israel, nagluksa sila ng napakatindi.
И сказал Моисей слова сии пред всеми сынами Израилевыми, и народ сильно опечалился.
40 Bumangon sila nang maaga at pumunta sa tuktok ng bundok at sinabi, “Tingnan mo, narito kami at pupunta kami sa lugar na ipinangako ni Yahweh, sapagkat nagkasala kami.”
И, встав рано поутру, пошли на вершину горы, говоря: вот, мы пойдем на то место, о котором сказал Господь, ибо мы согрешили.
41 Ngunit sinabi ni Moises, “Bakit sinusuway ninyo ngayon ang utos ni Yahweh? Hindi kayo magtatagumpay.
Моисей сказал: для чего вы преступаете повеление Господне? это будет безуспешно;
42 Huwag kayong umalis, dahil hindi ninyo kasama si Yahweh upang pigilan kayo mula sa pagkakatalo sa pamamagitan ng inyong mga kaaway.
не ходите, ибо нет среди вас Господа, чтобы не поразили вас враги ваши;
43 Nandoon ang mga Amalekita at mga Cananeo at mamamatay kayo sa pamamagitan ng espada dahil tumalikod kayo mula sa pagsunod kay Yahweh. Kaya hindi niya kayo sasamahan.”
ибо Амаликитяне и Хананеи там пред вами, и вы падете от меча, потому что вы отступили от Господа, и не будет с вами Господа.
44 Ngunit nagpumilit silang umakyat sa maburol na lugar; gayunpaman, hindi umalis si Moises ni ang kaban ng tipan ni Yahweh mula sa kampo.
Но они дерзнули подняться на вершину горы; ковчег же завета Господня и Моисей не оставляли стана.
45 Bumaba ang mga Amalekita at gayundin ang mga Cananeo na nakatira sa mga burol na iyon. Nilusob nila ang mga Israelita at tinalo silang lahat hanggang sa daan patungo ng Horma.
И сошли Амаликитяне и Хананеи, живущие на горе той, и разбили их, и гнали их до Хормы, и возвратились в стан.

< Mga Bilang 14 >