< Mga Bilang 14 >
1 Umiyak nang malakas ang sambayanan sa gabing iyon.
And all the congregation lifted up their voice, and cried aloud; and the people wept that night.
2 Pinuna ng lahat ng mga tao ng Israel sina Moises at Aaron. Sinabi ng buong sambayanan sa kanila, “Nais naming kami ay namatay na lang sa lupain ng Ehipto, o dito sa ilang!
And all the people murmured against Moses and against Aaron; and the whole congregation said unto them, Oh who would grant that we had died in the land of Egypt! or that we might but die in this wilderness!
3 Bakit tayo dinala ni Yahweh sa lupaing ito upang mamatay sa pamamagitan ng espada? Ang ating mga asawa at mga maliliit na anak ay magiging mga biktima. Hindi ba mas mabuti para sa atin na bumalik sa Ehipto?”
And wherefore doth the Lord bring us unto yonder land, to fall by the sword? that our wives and our children may become a prey? is it not better for us to return to Egypt?
4 Sinabi nila sa bawat isa, “Pumili tayo ng isa pang pinuno at bumalik tayo sa Ehipto.”
And they said one to another, Let us appoint a chief, and let us return to Egypt.
5 At nagpatirapa sina Moises at Aaron sa harapan ng buong kapulungan ng sambayanan ng mga tao ng Israel.
Then fell Moses and Aaron on their faces before all the assembly of the congregation of the children of Israel.
6 Si Josue na anak na lalaki ni Nun at si Caleb na anak na lalaki ni Jefune ay pinunit ang kanilang mga damit, ang ilan sa mga ipinadala upang suriin ang lupain.
And Joshua, the son of Nun, and Caleb the son of Yephunneh, of those that had spied out the land, rent their garments.
7 Nagsalita sila sa buong sambayanan ng mga tao ng Israel. Sinabi nila, “Isang napakabuting lupain ang aming dinaanan at siniyasat.
And they said unto all the congregation of the children of Israel, as followeth, The land, through which we have passed to spy it out, this land is exceedingly good.
8 Kung nalulugod si Yahweh sa atin, sa gayon dadalhin niya tayo sa lupaing ito at ibibigay ito sa atin. Dinadaluyan ang lupain ng gatas at pulot-pukyutan.
If the Lord have delight in us, then will he bring us into this land, and give it to us: a land which is flowing with milk and honey.
9 Ngunit huwag kayong maghimagsik laban kay Yahweh at huwag kayong matakot sa mga tao ng lupain. Uubusin natin sila na kasindali ng pagkain. Maaalis mula sa kanila ang kanilang pananggalang, dahil kasama natin si Yahweh. Huwag ninyo silang katakutan.”
Only against the Lord do ye not rebel; and then ye need not fear the people of the land; for they are our bread: their shadow is departed from them, while the Lord is with us; fear them not.
10 Ngunit tinangka ng buong sambayanan na pagbabatuhin sila hanggang mamatay. Pagkatapos, lumitaw ang kaluwalhatian ni Yahweh sa tolda ng pagpupulong sa lahat ng mga tao ng Israel.
But all the congregation said to stone them with stones: when the glory of the Lord appeared in the tabernacle of the congregation unto all the children of Israel.
11 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Hanggang kailan ba ako kamumuhian ng mga taong ito? Hanggang kailan sila mabibigong magtiwala sa akin, sa kabila ng lahat ng palatandaan ng aking kapangyarihan na aking ginawa sa kanila?
And the Lord said unto Moses, How long yet shall this people provoke me? and how long yet will they not believe in me, with all the signs which I have shown in the midst of them?
12 Lulusubin ko sila ng salot, hindi ko sila pamamanahan at gagawa ako mula sa iyong angkan ng isang bansa na magiging higit na dakila at mas malakas kaysa sa kanila.”
I will smite them with the pestilence, and root them out, and I will make of thee a nation greater and mightier than they.
13 Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Kung gagawin mo ito, maririnig ng mga taga-Ehipto ang tungkol dito, dahil sinagip mo ang mga tao mula sa kanila sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan.
And Moses said unto the Lord, But when the Egyptian hear, from the midst of whom thou hast brought up in thy might this people; —
14 Sasabihin nila ito sa mga naninirahan sa lupain. Maririnig nila na ikaw, Yahweh ay kapiling ng mga taong ito, dahil nakita ka nila nang harapan. Nasa itaas ng iyong mga tao ang iyong ulap. Pinangungunahan mo sila sa isang haligi ng ulap sa araw at isang haligi ng apoy sa gabi.
And when they tell to the inhabitants of this land, who have heard that thou, Lord, art in the midst of this people, that face to face thou, Lord, art seen, and that thy cloud standeth over them, and that in a pillar of cloud thou goest before them by day, and in a pillar of fire by night; —
15 Ngayon, kung papatayin mo ang mga taong ito gaya ng isang tao, ang mga bansang nakarinig sa iyong katanyagan ay magsasalita at sasabihin,
That thou hast killed this people as one man: then will the nations that have heard thy fame, say in this manner,
16 'Dahil hindi magawang dalhin ni Yahweh ang mga taong ito sa lupaing kaniyang ipinangakong ibigay sa kanila, pinatay niya sila sa ilang.'
That because the Lord was not able to bring this people into the land which he had sworn unto them, hath he slain them in the wilderness.
17 Ngayon, nagmamakaawa ako sa iyo, gamitin mo ang iyong dakilang kapangyarihan. Sapagkat sinabi mo,
And now, I beseech thee, let the greatness of the power of the Lord be made manifest, as thou hast spoken, saying,
18 banayad si Yahweh kung magalit at sagana sa tipan ng katapatan. Pinapatawad niya ang kasamaan at pagsuway. Hindi siya magpapawalang sala kapag dadalhin niya ang parusa ng kasalanan ng mga ninuno sa kanilang mga kaapu-apuhan, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.'
The Eternal is long-suffering, and abundant in beneficence, forgiving iniquity and transgression; but who will by no means clear the guilty, visiting the iniquity of the fathers upon the children, upon the third and upon the fourth generation.
19 Patawad, nakikiusap ako sa iyo, itong kasalanan ng mga tao dahil sa kadakilaan ng iyong tipan ng katapatan, tulad ng palagi mong pagpapatawad sa mga taong ito mula sa panahong nasa Ehipto sila hanggang ngayon.”
Pardon, I beseech thee, the iniquity of this people, according to the greatness of thy beneficence, and as thou hast been indulgent to this people, from Egypt even until hitherto.
20 Sinabi ni Yahweh, “Pinatawad ko na sila ayon sa iyong kahilingan,
And the Lord said, I have pardoned according to thy word.
21 ngunit totoo, habang nabubuhay ako at habang napupuno ang buong mundo ng aking kaluwalhatian,
But as truly as I live, and as all the earth is filled with the glory of the Lord: —
22 lahat ng mga taong iyon na nakakita ng aking kaluwalhatian at sa mga palatandaan ng aking kapangyarihang ginawa ko sa Ehipto at sa ilang—tinutukso pa rin nila ako ng sampung beses at hindi nakinig sa aking tinig.
That all the men who have seen my glory, and my signs, which I have displayed in Egypt and in the wilderness, and have tempted me these ten times, and have not hearkened to my voice,
23 Kaya sinabi kong tiyak na hindi nila makikita ang lupaing aking ipinangako sa kanilang mga ninuno. Wala ni isa sa kanilang namuhi sa akin ang makakakita nito,
Shall surely not see the land which I have sworn unto their fathers, yea all those that have provoked me shall not see it.
24 maliban kay Caleb na aking lingkod, dahil mayroon siyang ibang espiritu. Sinunod niya ako ng ganap; Dadalhin ko siya sa lupaing kaniyang pinuntahan upang suriin. Aangkinin ito ng kaniyang mga kaapu-apuhan.
But my servant Caleb, as a reward that he had another spirit with him, and followed me fully, —therefore will I bring him into the land whereinto he went; and his seed shall possess it.
25 (Ngayon nakatira ang mga Amalekita at mga Cananeo sa lambak.) Bukas lumiko kayo at pumunta sa ilang sa pamamagitan ng daan ng Dagat ng mga Tambo.”
And the Amalekites and the Canaanites dwell in the valley: tomorrow turn you, and set forward into the wilderness by the way to the Red Sea.
26 Nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Aaron. Sinabi niya,
And the Lord spoke unto Moses and unto Aaron, saying,
27 “Hanggang kailan ko ba dapat tiisin itong masamang sambayanang bumabatikos sa akin? Narinig ko ang mga pagrereklamo ng mga tao ng Israel laban sa akin.
How long [shall indulgence be given] to this evil congregation, that murmur against me? the murmurings of the children of Israel, which they murmur against me, have I heard.
28 Sabihin mo sa kanila, 'Dahil ako ay buhay,' sinabi ni Yahweh, 'ayon sa sinabi mo sa aking pandinig, gagawin ko ito sa inyo:
Say unto them, As truly as I live, saith the Lord, as ye have spoken in my ears, so will I do to you:
29 Babagsak ang inyong mga patay na katawan sa ilang na ito, lahat kayong nagreklamo laban sa akin, kayong nabilang na sa sensus, ang kabuoang bilang ng mga tao mula sa dalawampung taon pataas.
In this wilderness shall your carcasses fall, and all that were numbered of you, according to your whole number, from twenty years old and upward; ye who have murmured against me;
30 Tiyak na hindi kayo makakapunta sa lupaing aking ipinangako upang gawin ninyong tahanan, maliban kay Caleb na lalaking anak ni Jefune at Josue na lalaking anak ni Nun.
Truly ye shall not come into the land, concerning which I have lifted up my hand to let you dwell therein; save Caleb the son of Yephunneh, and Joshua the son of Nun.
31 Ngunit ang inyong mga maliliit na anak na sinasabi ninyong magiging mga biktima, dadalhin ko sila sa lupain. Mararanasan nila ang lupaing inyong tinanggihan!
But your little ones of which ye said, They would become a prey, them will I bring in, and they shall know the land which ye have despised.
32 At para sa inyo, babagsak sa ilang na ito ang mga patay ninyong katawan.
But as for you, your carcasses shall fall in this wilderness.
33 Magiging pagala-gala ang inyong mga anak sa ilang sa loob ng apatnapung taon. Dapat nilang dalhin ang bunga ng inyong paghihimagsik hanggang sa patayin ng ilang ang inyong mga katawan.
And your children shall wander about in the wilderness forty years, and bear your backslidings, until your carcasses be spent in the wilderness.
34 Tulad ng bilang ng mga araw na sinuri ninyo ang lupain—apatnapung araw, dapat din ninyong dalhin ang bunga ng inyong mga kasalanan sa loob ng apatnapung taon—isang taon sa bawat araw at dapat ninyong malaman kung ano ang katulad ng maging aking kaaway.
After the number of the days in which ye spied out the land, forty days, yea, each one day for a year, shall ye bear for your iniquities, forty years; and ye shall experience my withdrawal [of protection].
35 Akong, si Yahweh, ang nagsalita. Tiyak na gagawin ko ito sa buong masamang sambayanang ito na nagtipun-tipon laban sa akin. Mauubos sila sa ilang na ito. Dito sila mamamatay.'”
I the Lord have spoken it, surely, this will I do unto all this evil congregation that have assembled against me: in this wilderness shall they be spent, and therein shall they die.
36 Kaya namatay lahat ng lalaking ipinadala ni Moises upang tingnan ang lupain sa pamamagitan ng salot sa harapan ni Yahweh. Ito ang mga lalaking bumalik at nagdala ng isang masamang ulat tungkol sa lupain. Sila ang nagdulot sa buong sambayanan na magreklamo laban kay Moises.
And the men whom Moses had sent to spy out the land, and who returned, and caused all the congregation to murmur against him, by bringing up an evil report against the land,
Even these men, that had brought up the evil report of the land, died by the plague before the Lord.
38 Mula sa mga lalaking pumunta upang tingnan ang lupain, tanging si Josue na anak na lalaki ni Nun at si Caleb na anak na lalaki ni Jefune ang natirang buhay.
But Joshua the son of Nun, and Caleb the son of Yephunneh, remained alive of those men, who had gone to spy out the land.
39 Nang iulat ni Moises ang mga salitang ito sa lahat ng tao ng Israel, nagluksa sila ng napakatindi.
And Moses spoke these words unto all the children of Israel; and the people mourned greatly.
40 Bumangon sila nang maaga at pumunta sa tuktok ng bundok at sinabi, “Tingnan mo, narito kami at pupunta kami sa lugar na ipinangako ni Yahweh, sapagkat nagkasala kami.”
And they rose up early in the morning, and went up to the top of the mountain, saying, Lo, here we are, and we will go up unto the place of which the Lord hath spoken; for we have sinned.
41 Ngunit sinabi ni Moises, “Bakit sinusuway ninyo ngayon ang utos ni Yahweh? Hindi kayo magtatagumpay.
And Moses said, Wherefore now do ye transgress the order of the Lord? and it will not prosper.
42 Huwag kayong umalis, dahil hindi ninyo kasama si Yahweh upang pigilan kayo mula sa pagkakatalo sa pamamagitan ng inyong mga kaaway.
Do not go up, for the Lord is not among you; that ye may not be smitten before your enemies.
43 Nandoon ang mga Amalekita at mga Cananeo at mamamatay kayo sa pamamagitan ng espada dahil tumalikod kayo mula sa pagsunod kay Yahweh. Kaya hindi niya kayo sasamahan.”
For the Amalekites and the Canaanites are there before you, and ye will fall by the sword; since, because ye are turned away from the Lord, the Lord also will not be with you.
44 Ngunit nagpumilit silang umakyat sa maburol na lugar; gayunpaman, hindi umalis si Moises ni ang kaban ng tipan ni Yahweh mula sa kampo.
Yet they persisted to go up unto the top of the mountain; but the ark of the covenant of the Lord, and Moses, did not move out of the camp.
45 Bumaba ang mga Amalekita at gayundin ang mga Cananeo na nakatira sa mga burol na iyon. Nilusob nila ang mga Israelita at tinalo silang lahat hanggang sa daan patungo ng Horma.
Then came down the Amalekites, and the Canaanites that dwelt on that mountain, and smote them, and discomfited them, even unto Chormah.