< Mga Bilang 12 >
1 Pagkatapos, nagsalita sina Miriam at Aaron laban kay Moises dahil sa isang babaeng taga-Cus na napangasawa niya.
米黎盎和亞郎為了梅瑟所娶的雇士女人出言反對梅瑟,因為他娶了個雇士女人,
2 Sinabi nila, “Kay Moises lamang ba nagsalita si Yahweh? Hindi rin ba siya nagsalita sa amin?” Ngayon narinig ni Yahweh kung ano ang kanilang sinabi.
於是說:「上主豈只與梅瑟交談,不是也與我們交談過! 」上主聽見了這話。
3 Ngayon ang lalaking si Moises ay lubos na mapagpakumbaba, higit pa sa sinuman sa mundo.
梅瑟為人十分謙和,超過地上所有的人。
4 Agad-agad nagsalita si Yahweh kay Moises, Aaron at Miriam: “Lumabas kayong tatlo, sa tolda ng pagpupulong.” Kaya lumabas silang tatlo.
上主忽然向梅瑟、亞郎和米黎盎說:「你們三人到會幕那裏去。」他們三人就去了。
5 Pagkatapos, bumaba si Yahweh sa isang haligi ng ulap. Tumayo siya sa pasukan ng tolda at tinawag sina Aaron at Miriam. Kapwa sila lumapit.
上主乘雲柱降下,停在會幕門口,叫亞郎和米黎盎;他們兩人就走向前去,
6 Sinabi ni Yahweh, “Ngayon makinig kayo sa aking mga salita. Kapag kasama ninyo ang aking propeta, inihahayag ko ang aking sarili sa kaniya sa mga pangitain at nagsasalita ako sa kaniya sa mga panaginip.
上主說:「你們聽我說:若你們中有一位是先知,我要在神視中顯示給他,在夢中與他談話;
7 Hindi ganyan ang aking lingkod na si Moises. Matapat siya sa lahat ng aking sambahayan.
但對我的僕人梅瑟卻不是這樣,他在我全家中是最忠信可靠的。
8 Tuwiran akong nagsasalita kay Moises, hindi sa pamamagitan ng mga pangitain o mga bugtong. Nakikita niya ang aking anyo. Kaya bakit hindi kayo takot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?”
我面對面與他明明說話,不藉謎語,並讓他望見上主的形像。為什麼你們竟不怕出言反對我的僕人梅瑟﹖」
9 Nag-alab ang galit ni Yahweh laban sa kanila at iniwan niya sila.
上主對他們發著怒走了。
10 Pumaitaas ang ulap mula sa ibabaw ng tolda, at biglang naging ketongin si Miriam—pumuti siya kagaya ng niyebe. Nang lumingon si Aaron kay Miriam, nakita niya na nagkaroon siya ng ketong.
彩雲一離開會幕,看,米黎盎就生了癩病,像雪那樣白;亞郎轉身看見米黎盎生了癩病,
11 Sinabi ni Aaron kay Moises, “Oh aking panginoon, pakiusap, huwag mong ipataw ang kasalanang ito laban sa amin. Nagsalita kami nang may kahangalan, at nagkasala kami.
遂對梅瑟說:「我主,懇求你,別使我們因一時愚昧所犯之罪而受罰!
12 Pakiusap huwag siyang hayaang matulad sa isang patay na bagong silang na naubos ang kalahati ng laman nang lumabas mula sa sinapupunan ng kaniyang ina.”
求你別讓她像個胎死腹中的人,一出娘胎,肉身就已腐爛了一半。」
13 Kaya tumawag si Moises kay Yahweh. Sinabi niya, “Pakiusap pagalingin mo siya, oh Diyos, pakiusap.”
梅瑟遂向上主呼求說:「天主,我求你治好她罷! 」
14 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kung duraan ng kaniyang ama ang kaniyang mukha, mapapahiya siya sa loob ng pitong araw. Huwag ninyo siyang papasukin sa kampo sa loob ng pitong araw. Pagkatapos nito, papasukin siyang muli.”
上主對梅瑟說:「若她的父親在她面上吐唾沫,她豈不要七天忍此羞辱,七天把她隔離在營外,然後才讓她回來﹖」
15 Kaya pinanatili si Miriam sa labas ng kampo sa loob ng pitong araw. Hindi naglakbay ang mga tao hanggang sa makabalik siya sa kampo.
於是米黎盎七天之久,被隔離在營外;民眾也沒有起程,直到米黎盎回來。
16 Pagkatapos nito, naglakbay ang mga tao mula Hazerot at nagkampo sa ilang ng Paran.
以後,民眾由哈茲洛特起程出發,在帕蘭曠野紮了營。