< Mga Bilang 10 >

1 Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
و خداوند موسی را خطاب کرده، گفت:۱
2 “Gumawa ka ng dalawang trumpetang pilak. Pandayin mo ang pilak upang makagawa ng mga ito. Dapat gamitin mo ang mga trumpeta upang tawagin ang sambayanan nang sama-sama at upang sabihin sa sambayanang ilipat ang kanilang mga kampo.
«برای خود دو کرنای نقره بساز، آنهارا از چرخکاری درست کن، و آنها را بجهت خواندن جماعت و کوچیدن اردو بکار ببر.۲
3 Dapat hipan ng mga pari ang mga trumpeta upang tipunin ang buong sambayanan sa iyong harapan sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
وچون آنها را بنوازند تمامی جماعت نزد تو به درخیمه اجتماع جمع شوند.۳
4 Kung isang trumpeta lamang ang hihipan ng mga pari, ang mga pinuno, ang mga pangulo ng mga angkan ng Israel ay dapat magkatipon sa iyo.
و چون یکی رابنوازند، سروران و روسای هزاره های اسرائیل نزد تو جمع شوند.۴
5 Kapag humihip ka ng isang malakas na hudyat, ang mga kampo sa silangang dako ay dapat nilang simulan ang paglalakbay.
و چون تیز آهنگ بنوازیدمحله هایی که به طرف مشرق جا دارند، کوچ بکنند.۵
6 Kapag humihip kayo ng isang malakas na hudyat sa pangalawang pagkakaton, ang mga kampo sa katimugang dako ay dapat nilang simulan ang kanilang paglalakbay. Dapat humihip sila ng isang malakas na hudyat para sa kanilang mga paglalakbay.
و چون مرتبه دوم تیز آهنگ بنوازید، محله هایی که به طرف جنوب جا دارند کوچ کنند؛ بجهت کوچ دادن ایشان تیز آهنگ بنوازند.۶
7 Kapag nagtitipun-tipon ang sambayanan, hipan mo ang mga trumpeta, ngunit mahina.
و بجهت جمع کردن جماعت بنوازید، لیکن تیزآهنگ منوازید.۷
8 Dapat hipan ng mga lalaking anak ni Aaron na mga pari, ang mga trumpeta. Palagi itong magiging isang kautusan para sa inyo sa kabuuan ng salinlahi ng inyong mga tao.
«و بنی هارون کهنه، کرناها را بنوازند. این برای شما در نسلهای شما فریضه ابدی باشد.۸
9 Kapag pumunta kayo sa digmaan sa inyong lupain laban sa isang kaaway na nagmamalupit sa inyo, dapat kayong magpatunog ng isang hudyat gamit ang mga trumpeta. Ako, si Yahweh, ang inyong Diyos, aalalahanin ko kayo at ililigtas mula sa inyong mga kaaway.
وچون در زمین خود برای مقاتله با دشمنی که برشما تعدی می‌نمایند می‌روید، کرناها را تیزآهنگ بنوازید، پس به حضور یهوه خدای خودبیاد آورده خواهید شد، و از دشمنان خود نجات خواهید یافت.۹
10 Gayundin, sa oras ng pagdiriwang, kapwa ang inyong karaniwang mga pagdiriwang at sa simula ng mga buwan, dapat hipan ninyo ang mga trumpeta sa karangalan ng inyong mga alay na susunugin at sa mga alay para sa inyong handog para sa pagtitipon-tipon. Magsisilbi itong alaala ninyo sa akin, na inyong Diyos. Ako si Yahweh, na inyong Diyos.”
و در روز شادی خود و درعیدها و در اول ماه های خود کرناها را برقربانی های سوختنی و ذبایح سلامتی خودبنوازید، تا برای شما به حضور خدای شمایادگاری باشد. من یهوه خدای شما هستم.»۱۰
11 Sa ikalawang taon, sa ikalawang buwan, sa ikadalawampung araw ng buwan, ang ulap ay tumaas mula sa tabernakulo ng toldang tipanan.
و واقع شد در روز بیستم ماه دوم سال دوم که ابر از بالای خیمه شهادت برداشته شد،۱۱
12 Patuloy ang mga tao ng Israel sa kanilang paglalakbay mula sa ilang ng Sinai. Huminto ang ulap sa ilang ng Paran.
وبنی‌اسرائیل به مراحل خود از صحرای سینا کوچ کردند، و ابر در صحرای فاران ساکن شد،۱۲
13 Nagawa nila ang kanilang unang paglalakbay, sinusunod nila ang utos ni Yahweh na kaniyang ibinigay sa pamagitan ni Moises.
وایشان اول به فرمان خداوند به واسطه موسی کوچ کردند.۱۳
14 Ang kampong nasa ilalim ng bandila ng mga kaapu-apuhan ni Juda ang unang lumabas, inilabas nila ang kani-kanilang mga hukbo. Si Naason na anak ni Aminadab ang nanguna sa hukbo ni Juda.
و علم محله بنی یهودا، اول با افواج ایشان روانه شد، و بر فوج او نحشون بن عمیناداب بود.۱۴
15 Si Nathanel na anak ni Zuar ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Isacar.
و بر فوج سبط بنی یساکار، نتنائیل بن صوغر.۱۵
16 Si Eliab na anak ni Helon ang nanguna sa hukbo ng tribui ng mga kaapu-apuhan ni Zebulun.
و بر فوج سبط بنی زبولون، الیاب بن حیلون.۱۶
17 Ang mga kaapu-apuhan nina Gerson at Merari, na siyang nangalaga sa tabernakulo, ang kumuha sa tabernakulo at inihanda para sa kanilang paglalakbay.
پس مسکن را پایین آوردند و بنی جرشون وبنی مراری که حاملان مسکن بودند، کوچ کردند.۱۷
18 Sumunod, ang mga hukbo na nasa ilalim ng bandila ng kampo ni Ruben ang humayo sa kanilang paglalabay. Si Elizur na anak ni Seduer ang nanguna sa hukbo ni Ruben.
و علم محله روبین با افواج ایشان روانه شد، و بر فوج او الیصور بن شدیئور بود.۱۸
19 Si Selumiel na anak ni Zurisaddai ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Simeon.
و بر فوج سبط بنی شمعون، شلومیئیل بن صوریشدای.۱۹
20 Si Eliasaf na anak ni Deuel ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Gad.
و بر فوج سبط بنی جاد، الیاساف بن دعوئیل.۲۰
21 Humayo ang mga tribu ni Kohatita. Dinala nila ang kagamitan ng banal na santuwaryo. Nagtayo ang iba ng kanilang tabernakulo bago dumating ang mga Kohatita sa kasunod na kampo.
پس قهاتیان که حاملان قدس بودند، کوچ کردند و پیش از رسیدن ایشان، آنها مسکن را برپاداشتند.۲۱
22 Ang mga hukbo na nasa ilalim ng bandila ng mga kaapu-apuhan ni Efraim ang sumunod na humayo. Si Elisama na lalaking anak ni Ammiud ang nanguna sa hukbo ni Efraim.
پس علم محله بنی افرایم با افواج ایشان روانه شد، و بر فوج او الیشمع بن عمیهود بود.۲۲
23 Si Gamaliel na lalaking anak ni Pedasur ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Manases.
و بر فوج سبط بنی منسی، جملیئیل بن فدهصور.۲۳
24 Si Abidan na lalaking anak ni Gideon ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Benjamin.
و بر فوج سبط بنی بنیامین، ابیدان بن جدعونی.۲۴
25 Ang mga hukbong nagkampo sa ilalim ng bandila ng kaapu-apuhan ni Dan ang huling lumabas. Si Ahieser na lalaking anak ni Amisaddai ang nanguna sa hukbo ni Dan.
پس علم محله بنی دان که موخر همه محله‌ها بود با افواج ایشان روانه شد، و بر فوج اواخیعزر بن عمیشدای بود.۲۵
26 Si Pagiel na lalaking anak ni Okran ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Aser.
و بر فوج سبطبنی اشیر، فجعیئیل بن عکران.۲۶
27 Si Ahira na lalaking anak ni Enan ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Neftali.
و بر فوج سبطبنی نفتالی، اخیرع بن عینان.۲۷
28 Ito ang paraan ng mga hukbo ng mga tao ng Israel sa paghayo sa kanilang paglalakbay.
این بود مراحل بنی‌اسرائیل با افواج ایشان. پس کوچ کردند.۲۸
29 Nagsalita si Moises kay Hobab na lalaking anak ni Ruel na Medianita. Si Ruel ay ama ng asawa ni Moises. Nagsalita si Moises kay Hobab at sinabi, “Maglalakbay kami sa isang lugar na inilarawan ni Yahweh. Sinabi ni Yahweh, 'Ibibigay ko ito sa inyo.' Sumama ka sa amin at gagawan ka namin ng mabuti. Ipinangako ni Yahweh na gagawa siya ng mabuti sa Israel.”
و موسی به حوباب بن رعوئیل مدیانی که برادرزن موسی بود، گفت: «ما به مکانی که خداوند درباره آن گفته است که آن را به شماخواهم بخشید کوچ می‌کنیم، همراه ما بیا و بتواحسان خواهیم نمود، چونکه خداوند درباره اسرائیل نیکو گفته است.»۲۹
30 Ngunit sinabi ni Hobab kay Moises, “Hindi ako sasama sa inyo. Pupunta ako sa aking sariling lupain at sa aking sariling mga tao.”
او وی را گفت: «نمی آیم، بلکه به زمین و به خاندان خود خواهم رفت.»۳۰
31 At sumagot si Moises, “Pakiusap, huwag mo kaming iwan. Alam mo kung paano magkampo sa ilang. Dapat bantayan mo kami.
گفت: «ما را ترک مکن زیرا چونکه تو منازل ما را در صحرا می‌دانی، بجهت ما مثل چشم خواهی بود.۳۱
32 Kung sasama ka sa amin, gagawin namin sa iyo ang parehong kabutihang ginawa ni Yahweh sa amin.”
و اگر همراه ما بیایی، هر احسانی که خداوند بر ما بنماید، همان را بر تو خواهیم نمود.»۳۲
33 Naglakbay sila sa loob ng tatlong araw mula sa bundok ni Yahweh. Nauna sa kanila ang kaban ng tipan ni Yahweh nang tatlong araw upang maghanap ng lugar na maaari nilang mapagpahingahan.
و از کوه خداوند سفر سه روزه کوچ کردند، و تابوت عهد خداوند سفر سه روزه پیش روی ایشان رفت تا آرامگاهی برای ایشان بطلبد.۳۳
34 Nasa itaas nila ang ulap ni Yahweh sa araw habang naglalakbay sila.
و ابر خداوند در روز بالای سر ایشان بود، و وقتی که از لشکرگاه روانه می‌شدند.۳۴
35 Sa tuwing ilalabas ang kaban, sasabihin ni Moises, “Tumindig ka, Yahweh. Ikalat mo ang iyong mga kaaway. Palayasin mo ang mga taong napopoot sa iyo.”
و چون تابوت روانه می‌شد، موسی می‌گفت: «ای خداوند برخیز و دشمنانت پراکنده شوند و مبغضانت از حضور تو منهزم گردند.»۳۵
36 Sa tuwing hihinto ang kaban, sasabihin ni Moises, “Bumalik ka, Yahweh, sa libu-libong Israelita.”
و چون فرود می‌آمد، می‌گفت: «ای خداوند نزد هزاران هزار اسرائیل رجوع نما.»۳۶

< Mga Bilang 10 >