< Mga Bilang 1 >
1 Nagsalita si Yahweh kay Moises sa tolda ng pagpupulong sa ilang ng Sinai. Nangyari ito sa unang araw ng ikalawang buwan sa loob ng ikalawang taon matapos na makalabas ang mga tao ng Israel mula sa lupain ng Ehipto. Sinabi ni Yahweh,
És szólt az Örökkévaló Mózeshez Szináj pusztájában; a gyülekezés sátorában, a második hónap elsején, a második évben, hogy kivonultak Egyiptom országából, mondván:
2 “Magsagawa ka ng isang pagbibilang sa lahat ng kalalakihan ng Israel sa bawat angkan, sa mga pamilya ng kanilang mga ama. Bilangin mo sila ayon sa kanilang mga pangalan. Bilangin mo ang bawat lalaki, ang bawat lalaking
Vegyétek föl Izrael fiai egész községének összegét családjaik szerint, atyáik háza szerint, a nevek száma szerint, minden férfiszemélyt, fejenként.
3 dalawampung taong gulang pataas. Bilangin mo ang lahat ng maaaring makipaglaban bilang mga kawal para sa Israel. Dapat ninyong itala ni Aaron ang bilang ng mga kalalakihan sa kanilang armadong mga grupo.
Húsz évestől fogva fölfelé, mindazt, aki hadba vonul Izraelben, számláljátok meg őket seregeik szerint, te és Áron.
4 Ang isang lalaki mula sa bawat tribu, ang isang ulo ng angkan ay dapat maglingkod sa iyo bilang pinuno ng tribu. Dapat pangunahan ng bawat pinuno ang mga kalalakihang makikipaglaban para sa kaniyang tribu.
És veletek legyen egy-egy férfiú törzsenként, mindegyik az ő atyái házának feje legyen.
5 Ito ang mga pangalan ng mga pinunong dapat makipaglaban na kasama mo: Mula sa tribu ni Ruben, si Elizur na anak na lalaki ni Sedeur;
Ezek pedig a férfiak nevei, kik mellettetek álljanak: Rúbentől Elicúr, Sedéúr fia;
6 sa tribu ni Simeon, si Selumiel na anak na lalaki ni Zurisaddai;
Simontól Selúmiél, Cúrisáddoj fia;
7 mula sa tribu ni Juda, si Naason na anak na lalaki ni Aminadab;
Júdától Náchsón, Ámminodov fia;
8 mula sa tribu ni Isacar, si Natanael na anak na lalaki ni Zuar;
Isszáchártól Neszánél, Cúor fia;
9 mula sa tribu ni Zebulon, si Eliab na anak na lalaki ni Helon;
Zebúluntól Eliov, Chélón fia;
10 mula sa tribu ni Efraim na anak na lalaki ni Jose ay si Elisama na anak na lalaki ni Ammiud; mula sa tribu ni Manases, si Gamaliel na anak na lalaki ni Pedasur;
József fiai közül: Efráimtól Elisomo, Ámmihúd fia, Menássétől Gámliél, Pedocúr fia;
11 mula sa tribu ni Benjamin na anak na lalaki ni Jose ay si Abidan na anak na lalaki ni Gideon;
Benjámintól Ávidon, Gideóni fia;
12 mula sa tribu ni Dan, si Ahiezer na anak na lalaki ni Ammisaddai;
Dántól Áchiezer, Ámmisáddoj fia;
13 mula sa tribu ni Aser, si Pagiel na anak na lalaki ni Okran;
Ásértől Págiél, Ochron fia;
14 mula sa tribu ni Gad, si Eliasaf na anak na lalaki ni Deuel;
Gádtól Eljoszof, Deúél fia;
15 at mula sa tribu ni Neftali, si Ahira na anak na lalaki ni Enan.
Náftálitól Áchirá, Énon fia.
16 Ito ang mga lalaking pinili mula sa mga tao. Pinangunahan nila ang mga tribu ng kanilang mga ninuno. Sila ang mga pinuno ng mga angkan sa Israel.
Ezek a község hivatottjai, atyáik törzseinek fejedelmei, Izrael ezreinek fejei ők.
17 Ang mga lalaking ito ay kinuha nina Moises at Aaron, na kanilang naitala sa pamamagitan ng pangalan,
És vette Mózes meg Áron ezeket a férfiakat, akik megneveztettek név szerint.
18 at sa tabi ng mga lalaking ito, tinipon nila ang lahat ng mga kalalakihan ng Israel sa unang araw ng ikalawang buwan. At bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas ay kinilala ang kaniyang kanunu-nunuan. Dapat niyang pangalanan ang mga angkan at ang mga pamilyang nagmula sa kaniyang mga ninuno.
Az egész községet pedig összegyűjtötték a második hónap elsején, és bejelentették születéseiket családjaik szerint, atyáik háza szerint, a nevek száma szerint, húsz évestől fölfelé, fejenként.
19 Pagkatapos, itinala ni Moises ang kanilang mga bilang sa ilang ng Sinai, gaya ng inuutos ni Yahweh na kaniyang gawin.
Amint parancsolta az Örökkévaló Mózesnek, úgy számlálta meg őket Szináj pusztájában.
20 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Ruben, panganay na anak ni Israel, binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
És voltak Rúbénnek, Izrael első szülöttének fiai, nemzetségeik, családjaik szerint, atyáik háza szerint, a nevek száma szerint, fejenként, minden férfiszemély, húsz évestől fölfelé, mindaz, aki hadba vonul,
21 46, 500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Ruben.
megszámláltjaik Rúbén törzséből: negyvenhatezer és ötszáz.
22 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Simeon ay binilang nila ang lahat ng pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
Simon fiaiból, nemzetségeik, családjaik szerint, atyáik háza szerint, megszámláltjai a nevek száma szerint, fejenként, minden férfiszemély húsz évestől fölfelé; mindaz, aki hadba vonul,
23 59, 300 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Simeon.
megszámláltjaik Simon törzséből: ötvenkilencezer és háromszáz.
24 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Gad ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
Gád fiaiból, nemzetségeik, családjaik szerint, atyáik háza szerint, a nevek száma szerint, húsz évestől fölfelé, mindaz, aki hadba vonul,
25 45, 650 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Gad.
megszámláltjaik Gád törzséből: negyvenötezer és hatszázötven.
26 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Juda ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
Júda fiaiból, nemzetségeik, családjaik szerint, atyáik háza szerint, a nevek száma szerint, húsz évestől fölfelé, mindaz, aki hadba vonul,
27 74, 600 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Juda.
megszámláltjaik Júda törzséből: hetvennégyezer és hatszáz.
28 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Isacar ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
Isszáchár fiaiból, nemzetségeik, családjaik szerint, atyáik háza szerint, a nevek száma szerint, húsz évestől fölfelé, mindaz, aki hadba vonul,
29 54, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Isacar.
megszámláltjaik Isszáchár törzséből: ötvennégyezer és négyszáz.
30 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Zebulon ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
Zebúlun fiaiból, nemzetségeik, családjaik szerint, atyáik háza szerint, a nevek száma szerint, húsz évestől fölfelé, mindaz, aki hadba vonul,
31 57, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Zebulon.
megszámláltjaik Zebúlun törzséből: ötvenhétezer és négyszáz.
32 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Efraim na anak na lalaki Jose ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
József fiai közül: Efráim fiaiból, nemzetségeik, családjaik szerint, atyáik háza szerint, a nevek száma szerint, húsz évestől fölfelé, mindaz, aki hadba vonul,
33 40, 500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Efraim.
megszámláltjaik Efráim törzséből: negyvenezer és ötszáz.
34 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Manases ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
Menásse fiaiból, nemzetségeik, családjaik szerint, atyáik háza szerint, a nevek száma szerint, húsz évestől fölfelé mindaz, aki hadba vonul.
35 32, 200 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Manases.
megszámláltjaik Menásse törzséből: harminckétezer és kétszáz.
36 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
Benjámin fiaiból, nemzetségeik, családjaik szerint, atyáik háza szerint, a nevek száma szerint, húsz évestől fölfelé, mindaz, aki hadba vonul,
37 35, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Benjamin.
megszámláltjaik Benjámin törzséből: harmincötezer és négyszáz.
38 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Dan ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
Dán fiaiból, nemzetségeik, családjaik szerint, atyáik háza szerint, a nevek száma szerint, húsz évestől fölfelé, mindaz, aki hadba vonul,
39 62, 700 ang nabilang nila mula sa tribu ni Dan.
megszámláltjaik Dán törzséből: hatvankétezer és hétszáz.
40 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Aser ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
Ásér fiaiból, nemzetségeik, családjaik szerint, atyáik háza szerint, a nevek száma szerint, húsz évestől fölfelé, mindaz, aki hadba vonul,
41 , 500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Aser.
megszámláltjaik Ásér fiaiból: negyvenegyezer és ötszáz.
42 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Neftali ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
Náftáli fiaiból, nemzetségeik, családjaik szerint, atyáik háza szerint, a nevek száma szerint húsz évestől fölfelé, mindaz, aki hadba vonul,
43 53, 400 ang nabilang nila mula sa tribu ni Neftali.
megszámláltjaik Náftáli törzséből: ötvenháromezer és négyszáz.
44 Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng mga lalaking ito, kasama ang labindalawang kalalakihang namumuno sa labindalawang tribu ng Israel.
Ezek a megszámláltak, akiket megszámlált Mózes meg Áron és Izrael fejedelmei, tizenkét férfiú; egy-egy férfiú volt atyáik háza szerint.
45 Kaya lahat ng kalalakihan sa Israel mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat nang maaaring makipaglaban sa digmaan ay binilang nila sa bawat kanilang mga pamilya.
És voltak Izrael fiainak minden megszámláltjai atyáik háza szerint, húsz évestől fölfelé, mindaz, aki hadba vonul Izraelben,
46 603, 550 na kalalakihan ang nabilang nila.
és voltak mind a megszámláltak: hatszázháromezer és ötszázötven.
47 Ngunit hindi na nila binilang ang mga kalalakihang nagmula kay Levi,
De a leviták, atyáik törzse szerint, nem számláltattak meg közöttük.
48 dahil sinabi ni Yahweh kay Moises,
És szólt az Örökkévaló Mózeshez, mondván:
49 “Hindi mo dapat bilangin ang tribu ni Levi o isama sila sa kabuuang bilang ng mga tao sa Israel.
Csak a Lévi törzsét ne számláld meg és összegüket ne vedd föl Izrael fiai között.
50 Sa halip, italaga mo ang mga Levita na ingatan ang tabernakulo ng toldang tipanan, at ingatan ang buong kagamitan sa loob ng tabernakulo at sa lahat ng kagamitang naroon. Dapat buhatin ng mga Levita ang tabernakulo at dapat nilang dalhin ang mga kagamitan sa nito. Dapat nilang ingatan ang tabernakulo at itayo ang kanilang kampo sa paligid nito.
Hanem rendeld te a levitákat a bizonyság hajlékához és minden edényeihez és mind ahhoz, ami hozzávaló; ők vigyék a hajlékot és minden edényeit és ők szolgáljanak benne, és a hajlék körül táborozzanak.
51 Kapag ang tabernakulo ay ililipat na sa ibang lugar, dapat itong ibaba ng mga Levita. Kapag ang tabernakulo ay itatayo, dapat itong itayo ng mga Levita. At ang sinumang dayuhang lalapit sa tabernakulo ay dapat patayin.
És mikor a hajlék elvonul, bontsák le azt, a leviták, mikor pedig táborozik a hajlék, állítsák föl azt a leviták; az idegen pedig, aki odalép, ölessék meg.
52 Kapag itatayo ng mga tao ng Israel ang kanilang mga tolda, dapat itong gawin ng bawat lalaki malapit sa bandilang nabibilang sa kaniyang armadong grupo.
És táborozzanak Izrael fiai, kiki az ő táboránál, és kiki az ő zászlajánál, seregeik szerint.
53 Gayon pa man, dapat itayo ng mga Levita ang kanilang mga tolda sa paligid ng tabernakulo ng toldang tipanan upang hindi bumaba ang aking galit sa mga tao ng Israel. Dapat ingatan ng mga Levita ang tabernakulo ng toldang tipanan.”
A leviták pedig táborozzanak a bizonyság hajléka körül, hogy ne legyen harag Izrael fiainak községére; őrizzék meg a leviták a bizonyság hajlékának őrizetét.
54 Ginawa ng mga tao ng Israel ang lahat ng mga bagay na ito. Ginawa nila ang lahat na inutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.
És cselekedtek Izrael fiai mind aszerint, amint parancsolta az Örökkévaló Mózesnek, úgy cselekedtek.