< Nehemias 8 >
1 Ang lahat ng tao ay nagtipon-tipon para sa isang layunin sa liwasan sa harap ng Tarangkahan ng Tubig. Sinabi nila kay Ezra, ang eskriba na dalhin ang Aklat na Batas ni Moises, na iniutos ni Yahweh sa Israel.
所有的人民,都一致聚集到水門前的廣場上,要求厄斯德拉經師,拿出上主命以色列當遵守的梅瑟法律書來。
2 Sa unang araw ng ika-pitong buwan, si Ezra, ang pari ay dinala ang batas sa harap ng pagpupulong, sa kapwa mga lalaki at babae, at sa lahat ng nakakarinig at nakakaunawa.
厄斯德拉司祭便在七月一日,將法律書拿到會眾前,及男女和所有能聽懂的人面前,
3 Humarap siya sa liwasan sa harap ng Tarangkahan ng Tubig, at binasa niya ito mula umaga hanggang tanghali, sa harap ng mga lalaki at babae, at sinumang nakauunawa. At ang lahat ng tao ay nakinig nang masigasig sa Aklat ng Batas.
在水門前的廣場上,從早晨到中午,在男女和所有能聽懂的人面前,宣讀了法律,所有的人民都側耳靜聽法律書。
4 At si Ezra, ang eskriba ay tumayo sa isang mataas na entabladong kahoy na ginawa ng mga tao para sa layuning iyon. Ang mga nakatayo sa kaniyang tabi ay sina Matanias, Sema, Anaya, Urias, Hilkias, at Maaseias, sa kaniyang kanan; at Pedaias, Misael, Malquias, Hasum, Hasbadana, Zacarias at Mesulam ay nakatayo sa kaniyang kaliwa.
厄斯德拉經師站在為此特備的木台上,他右邊站著瑪提提雅、舍瑪、阿納雅、烏黎雅、希耳克雅和瑪阿色雅;他左邊有培達雅、米沙耳、瑪耳基雅、哈雄、哈協巴達納、則加黎雅、和默叔藍。
5 Binuksan ni Ezra ang aklat sa paningin ng lahat ng mga tao, dahil siya ay nakatayo nang mataas sa mga tao, at nang binuksan niya ito, ang lahat ng tao ay tumayo.
厄斯德拉在眾目注視下展開了書,因他高立在眾人以上,他展開書時,眾人都立起來。
6 Si Ezra ay nagbigay ng pasasalamat kay Yahweh, ang dakilang Diyos, at lahat ng mga tao ay itinaas ang kanilang mga kamay at sumagot, “Amen, Amen!” Pagkatapos, iniyuko nila ang kanilang mga ulo at sumamba kay Yahweh na nakasayad ang kanilang mukha sa lupa.
厄斯德拉先讚頌了上主,偉大的天主,全民眾舉手回答說:「阿們,阿們! 」以後跪下,伏首至地,欽崇上主。
7 Maging sila Jeshua, Bani, Serebias, Jamin, Akub, Sabetai, Hodias, Maaseias, Kelita, Azarias, Jozabad, Hanan, Pelaias at ang mga Levita ay tumulong sa mga tao na maintindihan ang batas, habang ang mga tao ay nanatili sa kanilang lugar.
肋未人耶叔亞、巴尼、舍勒彼雅、雅明、阿谷布、沙貝泰、曷狄雅、瑪阿色雅、刻里達、阿匝黎雅、約匝巴得、哈南和培拉雅,為民眾講解法律,民眾立在原處不動。
8 At kanilang binasa ang aklat, ang batas ng Diyos, pinapaliwanag nang malinaw at binibigyan ng kahulugan para maintindihan nila ang binabasa.
厄斯德拉讀一段天主的法律書,及做翻譯和解釋,如此民眾可以懂清所誦讀的。
9 Sinabi nina Nehemias, ang gobernador, at si Ezra, ang pari at eskriba, at ang mga Levita na nagbibigay-kahulugan sa mga tao sa kanila, “Ang araw na ito ay banal kay Yahweh na inyong Diyos. Huwag kayong mamighati at umiyak.” Dahil ang lahat ng tao ay umiyak nang marinig nila ang mga salita ng batas.
乃赫米雅省長和厄斯德拉司祭兼經師,並教導民眾的肋未人,向民眾說:「今天是上主你們天主的聖日,你們不可憂愁哭泣! 」因為全民眾聽了法律的話,都在哭泣。
10 Pagkatapos, sinabi ni Nehemias sa kanila, “Humayo na kayo, kainin ninyo ang taba at kumuha kayo ng matamis na maiinom, at ipadala ang ilan nito sa mga walang naihanda, dahil ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon. Huwag kayong magdalamhati, dahil ang kagalakan ni Yahweh ang inyong lakas.”
為此,乃赫米雅又向他們說:「你們應該去吃肥美的肉,喝甘甜的酒,且贈送一部份,給那些沒有預備的人,因為今天是吾主的聖日;你們不可憂愁,因為喜樂於上主,就是你們的力量。」
11 Kaya pinatahimik ng mga Levita ang mga tao, na sinasabing, “Tumahimik kayo! Dahil ang araw na ito ay banal. Huwag kayong magdalamhati.”
肋未人也安慰民眾說:「你們要安靜,因為今天是聖日,不應憂愁! 」
12 At lahat ng tao ay humayo para kumain, uminom, magbahagi ng pagkain at magdiwang ng may matinding kagalakan dahil naunawaan nila ang mga salitang ipinahayag sa kanila.
民眾遂去吃喝,且贈送一部份給他人,大家異常歡樂,因為都明白了向他們所講的話。
13 Sa ikalawang araw ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno mula sa lahat ng tao, ang mga pari at mga Levita, ay nagpunta nang sama-sama kay Ezra, ang eskriba para makatanggap ng kaalaman mula sa mga salita ng batas.
第二天,全民族的族長和司祭並肋未人,都聚集在厄斯德拉經師身旁,研究法律上的話。
14 At kanilang natagpuan na nakasulat sa batas kung paano iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises na ang bayan ng Israel ay kailangan manirahan sa mga kubol sa panahon ng kapistahan sa ikapitong buwan.
發現法律上記載:上主曾藉梅瑟,命令以色列子民,在七月的慶節日,應住在帳棚內。
15 Kailangan nilang gumawa ng isang panukala sa lahat ng kanilang mga lungsod, at sa Jerusalem, na nagsasabing, “Pumunta kayo sa burol, at magdala kayo ng mga sanga pabalik mula sa mga puno ng olibo at ligaw na olibo, at mula sa mirto, mga palma at mayabong na mga puno, para gumawa ng pansamantalang bahay, katulad nang nasusulat.”
他們一聽說如此,遂在各城和耶路撒冷,宣佈這命令說:「你們上山去,取橄欖樹的枝葉、野橄欖樹的枝葉、長春樹的枝葉、棕樹的枝葉,和其他茂盛樹的枝葉,照經上所寫的,搭造帳棚。」
16 Kaya ang mga tao ay pumunta at nagdala ng mga sanga pabalik at ginawan nila ang kanilang mga sarili ng kubol, bawat isa sa kanilang mga bubong, sa kanilang mga patyo, sa mga hukuman ng bahay ng Diyos, sa bukas na lugar sa Tarangkahan ng Tubig, at sa bukas na lugar sa Tarangkahan ng Efraim.
民眾就去採了樹枝來,在屋頂上,院子裏,天主殿宇的庭院內,水門的廣場上,和厄弗辣因廣場上,搭了帳棚。
17 At lahat ng kapulungan ng mga bumalik mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga kubol at tumira doon. Dahil simula noong mga araw ni Josue, anak na lalaki ni Nun, hanggang sa araw na iyon, ang bayan ng Israel ay hindi ipinagdiwang ang kapistahang ito. At ang kagalakan nila ay lubos-lubos.
由充軍回來的全會眾,都搭造帳了棚,住在帳棚內;從農的兒子若蘇厄之日起,直到今日,以色列沒有舉行過如此的盛事,大家都非常歡樂。
18 Gayundin araw-araw, mula sa unang araw hanggang sa huli, si Ezra ay nagbasa mula sa Aklat ng Batas ng Diyos. Pinanatili nila ang kapistahan nang pitong araw at sa ikawalong araw ay isang taimtim na pagpupulong, bilang pagsunod sa kautusan.
從第一日直到最後一日,天天宣讀天主的法律書;七天之久過了慶節,第八天按規定舉行了盛會。