< Nehemias 7 >
1 Nang matapos maitayo ang pader at nailagay ko na ang mga pinto nito, at naitalaga na ang mga bantay ng mga tarangkahan at mga mang-aawit at mga Levita,
Nangyari nga nang ang kuta ay maitayo, at aking mailagay ang mga pinto, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang mga Levita ay mangahalal.
2 ibinigay ko sa aking kapatid na si Hanani ang pamamahala sa Jerusalem, kasama ni Hananias na namuno sa tanggulan, dahil siya ay taong tapat at may takot sa Diyos higit pa kaysa sa karamihan.
Na aking ibinigay kay Hanani, na aking kapatid at kay Hananias na tagapamahala ng kuta, ang pamamahala sa Jerusalem: sapagka't siya'y tapat na lalake at natatakot sa Dios na higit kay sa marami.
3 At sinabi ko sa kanila, “Huwag ninyong buksan ang mga tarangkahan ng Jerusalem hangga't hindi pa tirik ang araw. Habang may nagbabantay sa tarangkahan, maaari ninyong isara ang mga pinto at lagyan ng harang ang mga ito. Magtalaga kayo ng mga tagapagbantay mula doon sa mga naninirahan sa Jerusalem, ang ilan ay italaga sa kanilang himpilan, at ang ilan sa harap ng kanilang mga bahay.”
At aking sinabi sa kanila, Huwag buksan ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem hanggang sa ang araw ay uminit; at samantalang sila'y nangagbabantay, isara nila ang mga pinto, at inyong mga itrangka: at kayo'y mangaghalal ng mga bantay sa mga taga Jerusalem, bawa't isa'y sa kaniyang pagbabantay, at bawa't isa'y sa tapat ng kaniyang bahay.
4 Ngayon ang lungsod ay malawak at malaki, pero kaunti lang ang mga taong nasa loob nito, at wala pang mga bahay ang muling naitatayo.
Ang bayan nga ay maluwang at malaki: nguni't ang mga tao ay kakaunti roon, at ang mga bahay ay hindi naitatayo pa.
5 Inilagay ng aking Diyos sa aking puso na tipunin ang mga maharlika, ang mga opisyales, at ang mga tao na itala ang kanilang mga pangalan ayon sa kanilang mga pamilya. Natagpuan ko ang Talaan ng Lahi ng unang pangkat ng mga bumalik at aking natagpuan ang mga sumusunod na nakasulat dito.
At inilagak ng aking Dios sa aking puso na pisanin ang mga mahal na tao, at ang mga pinuno, at ang bayan, upang mangabilang ayon sa talaan ng lahi. At aking nasumpungan ang aklat ng talaan ng lahi nila na nagsiahon noong una, at aking nasumpungang nakasulat doon:
6 “Ito ang mga mamamayan ng lalawigan na umakyat mula sa pagkatapon at naging bihag ni Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia. Bumalik sila sa Jerusalem at sa Judah, ang bawat isa sa kani-kaniyang lungsod.
Ang mga ito sa nangadala, ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan;
7 Dumating sila na kasama sila Zerubabbel, Jeshua, Nehemias, Azarias, Raamias, Nahamani, Mordecai, Bilsan, Misperet, Bigvai, Nehum, at Baana. Ang bilang ng mga kalalakihan ng bayan ng Israel ay kabilang ang mga sumusunod.
Na siyang nagsisama kay Zorobabel, kay Jesua, kay Nehemias, kay Azarias, kay Raamias, kay Nahamani, kay Mardocheo, kay Bilsan, kay Misperet, kay Bigvai, kay Nehum, kay Baana. Ang bilang ng mga lalake ng Israel ay ito:
8 Ang mga kaapu-apuhan ni Paros, 2, 172.
Ang mga anak ni Paros, dalawang libo't isang daan at pitong pu't dalawa.
9 Ang mga kaapu-apuhan ni Shefatias, 372.
Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa.
10 Ang mga kaapu-apuhan ni Arah, 652.
Ang mga anak ni Ara, anim na raan at limang pu't dalawa.
11 Ang mga kaapu-apuhan ni Pahath Moab, sa pamamagitan ng mga kaapu-apuhan ni Jeshua at Joab, 2, 818.
Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Jesua at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labing walo.
12 Ang mga kaapu-apuhan ni Elam, 1, 254.
Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.
13 Ang mga kaapu-apuhan ni Zatu, 845.
Ang mga anak ni Zattu, walong daan at apat na pu't lima.
14 Ang mga kaapu-apuhan ni Zacai, 760.
Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu.
15 Ang mga kaapu-apuhan ni Binui, 648.
Ang mga anak ni Binnui, anim na raan at apat na pu't walo.
16 Ang mga kaapu-apuhan ni Bebai, 628.
Ang mga anak ni Bebai, anim na raan at dalawang pu't walo.
17 Ang mga kaapu-apuhan ni Azgad, 2, 322.
Ang mga anak ni Azgad, dalawang libo't tatlong daan at dalawang pu't dalawa.
18 Ang mga kaapu-apuhan ni Adonikam, 667.
Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't pito.
19 Ang mga kaapu-apuhan ni Bigvai, 2, 067.
Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo't anim na pu't pito.
20 Ang mga kaapu-apuhan ni Adin, 655.
Ang mga anak ni Addin, anim na raan at limang pu't lima.
21 Ang mga kaapu-apuhan ni Ater, ni Hezekias, 98.
Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu't walo.
22 Ang mga kaapu-apuhan ni Hasum, 328.
Ang mga anak ni Hasum, tatlong daan at dalawang pu't walo.
23 Ang mga kaapu-apuhan ni Bezai, 324.
Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't apat.
24 Ang mga kaapu-apuhan ni Harif, 112.
Ang mga anak ni Hariph, isang daan at labing dalawa.
25 Ang mga kaapu-apuhan ni Gibeon, 95.
Ang mga anak ni Gabaon, siyam na pu't lima.
26 Ang mga lalaki mula sa Bethlehem at Netofa, 188.
Ang mga lalake ng Bethlehem, at ng Netopha, isang daan at walong pu't walo.
27 Ang mga lalaki mula sa Anatot, 128.
Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu't walo.
28 Ang mga lalaki ng Beth Azmavet, 42.
Ang mga lalake ng Beth-azmaveth, apat na pu't dalawa.
29 Ang mga lalaki ng Kiriat Jearim, Chephira, at Beerot, 743.
Ang mga lalake ng Chiriathjearim, ng Chephra, at ng Beeroth, pitong daan at apat na pu't tatlo.
30 Ang mga lalaki ng Rama at Geba, 621.
Ang mga lalake ng Rama, at ng Gebaa, anim na raan at dalawang pu't isa.
31 Ang mga lalaki ng Micmas, 122.
Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu't dalawa.
32 Ang mga lalaki ng Bethel at Ai, 123.
Ang mga lalake ng Beth-el at ng Ai isang daan at dalawang pu't tatlo.
33 Ang mga lalaki sa iba pang Nebo, 52.
Ang mga lalake ng isang Nebo, limang pu't dalawa.
34 Ang mga tao sa iba pang Elam, 1, 254.
Ang mga anak ng isang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.
35 Ang mga lalaki ng Harim, 320.
Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu.
36 Ang mga lalaki ng Jerico, 345.
Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima.
37 Ang mga lalaki ng Lod, Hadid, at Ono, 721.
Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, pitong daan at dalawang pu't isa.
38 Ang mga lalaki ng Senaa, 3, 930.
Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo at siyam na raan at tatlong pu.
39 Ang mga pari: Ang mga kaapu-apuhan ni Jedaias (sa bahay ni Jeshua), 973.
Ang mga saserdote: ang mga anak ni Jedaias sa sangbahayan ni Jesua, siyam na raan at pitong pu't tatlo.
40 Ang mga kaapu-apuhan ni Imer, 1, 052.
Ang mga anak ni Immer, isang libo't limang pu't dalawa.
41 Ang mga kaapu-apuhan ni Pashur, 1, 247.
Ang mga anak ni Pashur, isang libo't dalawang daan at apat na pu't pito.
42 Ang mga kaapu-apuhan ni Harim, 1, 017.
Ang mga anak ni Harim, isang libo't labing pito.
43 Ang mga Levita: ang mga kaapu-apuhan ni Jeshua, ni Kadmiel, ang kaapu-apuhan ni Hodavias, 74.
Ang mga Levita: ang mga anak ni Jesua, ni Cadmiel, sa mga anak ni Odevia, pitong pu't apat.
44 Ang mga mang-aawit: ang mga kaapu-apuhan ni Asaf, 148.
Ang mga mangaawit: ang mga anak ni Asaph isang daan at apat na pu't walo.
45 Ang mga tagapagbantay ng tarangkahan na kaapu-apuhan ni Sallum, ang mga kaapu-apuhan ni Ater, ang mga kaapu-apuhan ni Talmon, ang mga kaapu-apuhan ni Akub, ang mga kaapu-apuhan ni Hatita, ang mga kaapu-apuhan ni Sobai, 138.
Ang mga tagatanod-pinto: ang mga anak ni Sallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Accub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, isang daan at tatlong pu't walo.
46 Ang mga lingkod ng templo: ang mga kaapu-apuhan ni Ziha, ang mga kaapu-apuhan ni Hasufa, ang mga kaapu-apuhan ni Tabaot,
Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth;
47 ang mga kaapu-apuhan ni Keros, ang mga kaapu-apuhan ni Sia, ang mga kaapu-apuhan ni Padon,
Ang mga anak ni Ceros, ang mga anak ni Siaa, ang mga anak ni Phadon:
48 ang mga kaapu-apuhan ni Lebana, ang mga kaapu-apuhan ni Hagaba, ang mga kaapu-apuhan ni Salmai,
Ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Salmai;
49 ang mga kaapu-apuhan ni Hanan, ang mga kaapu-apuhan ni Gidel, ang mga kaapu-apuhan ni Gahar.
Ang mga anak ni Hanan, ang mga anak ni Giddel, ang mga anak ni Gahar;
50 Ang mga kaapu-apuhan ni Reaias, ang mga kaapu-apuhan ni Rezin, ang mga kaapu-apuhan ni Nekoda,
Ang mga anak ni Rehaia, ang mga anak ni Resin, ang mga anak ni Necoda;
51 ang mga kaapu-apuhan ni Gazam, ang mga kaapu-apuhan ni Uza, ang mga kaapu-apuhan ni Pasea,
Ang mga anak ni Gazzam, ang mga anak ni Uzza, ang mga anak ni Phasea;
52 ang mga kaapu-apuhan ni Besai, ang mga kaapu-apuhan ni Meunim, ang mga kaapu-apuhan ni Nefusesim.
Ang mga anak ni Besai, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nephisesim;
53 Ang mga kaapu-apuhan ni Bakbuk, ang mga kaapu-apuhan ni Hakufa, ang mga kaapu-apuhan ni Harhur,
Ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacupha, ang mga anak ni Harhur;
54 ang mga kaapu-apuhan ni Bazlit, ang mga kaapu-apuhan ni Mehida, ang mga kaapu-apuhan ni Harsa,
Ang mga anak ni Baslit, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa;
55 ang mga kaapu-apuhan ni Barkos, ang mga kaapu-apuhan ni Sisera, ang mga kaapu-apuhan ni Tema,
Ang mga anak ni Barcos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema;
56 ang mga kaapu-apuhan ni Nezias, ang mga kaapu-apuhan ni Hatifa.
Ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatipha.
57 Ang mga kaapu-apuhan ng mga lingkod ni Solomon: ang mga kaapu-apuhan ni Sotai, ang mga kaapu-apuhan ni Soferet, ang mga kaapu-apuhan ni Perida,
Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon; ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Sophereth, ang mga anak ni Perida;
58 ang mga kaapu-apuhan ni Jaala, ang mga kaapu-apuhan ni Darkon, ang mga kaapu-apuhan ni Gidel,
Ang mga anak ni Jahala, ang mga anak ni Darcon, ang mga anak ni Giddel;
59 ang mga kaapu-apuhan ni Shefatias, ang mga kaapu-apuhan ni Hatil, ang mga kaapu-apuhan ni Poqereth Hazebaim, ang mga kaapu-apuhan ni Amon.
Ang mga anak ni Sephatias, ang mga anak ni Hattil, ang mga anak ni Pochereth-hassebaim, ang mga anak ni Amon.
60 Lahat ng mga lingkod ng templo, at lahat ng mga kaapu-apuhan ng mga lingkod ni Solomon, ay 392.
Lahat ng Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon, ay tatlong daan at siyam na pu't dalawa.
61 At ang mga sumusunod ay ang mga pumunta mula sa Tel Mela, Tel Charsa, Cherub, Adon, at Imer; pero hindi nila mapatunayan na sila o ang mga pamilya ng kanilang mga ninuno ay mga kaapu-apuhan mula sa Israel:
At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Telmelah, Telharsa, Cherub, Addon, at Immer: nguni't hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, o ang kanilang binhi man kung mga taga Israel:
62 Ang mga kaapu-apuhan ni Delaias, ang mga kaapu-apuhan ni Tobias, ang mga kaapu-apuhan ni Nekoda, 642.
Ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Necoda, anim na raan at apat na pu't dalawa.
63 At ang mga pari: ang mga kaapu-apuhan ni Hobaias, ang mga kaapu-apuhan ni Hakoz, ang mga kaapu-apuhan ni Barzilai na ginawang asawa ang mga anak na babae ni Barzilai na taga-Galaad at tinawag ayon sa kanilang pangalan.
At sa mga saserdote: ang mga anak ni Hobaias, ang mga anak ni Cos, ang mga anak ni Barzillai, na nagasawa sa anak ni Barzillai, na Galaadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan.
64 Sinaliksik nila ang pagkakatala ng kanilang pangalan kung kasama sa mga nakatala ayon sa kanilang lahi, pero hindi nila matagpuan, kaya sila ay ibinukod mula sa pagkapari bilang marumi.
Ang mga ito ay nagsihanap ng kanilang talaan ng lahi sa mga yaon na nangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi, nguni't hindi nasumpungan: kaya't sila'y nangabilang na hawa, at nangaalis sa pagkasaserdote.
65 At sinabi ng gobernador sa kanila na hindi dapat sila payagan na kumain sa bahagi ng pagkain ng mga pari na mula sa mga alay hanggang sa pagkakataon na may lumitaw na pari na may Urim at Tumim.
At ang tagapamahala ay nagsabi sa kanila na sila'y huwag magsikain ng mga kabanalbanalang bagay, hangang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at may Thummim.
66 Ang buong kapulungan na magkakasama ay 42, 360,
Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu't dalawang libo at tatlong daan at anim na pu.
67 maliban pa sa kanilang mga lalaking lingkod at kanilang mga babaeng lingkod, na ang bilang ay 7, 337. Sila ay mayroong 245 na mang-aawit na mga lalaki at mga babae.
Bukod sa kanilang mga bataang lalake at babae, na may pitong libo at tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y may dalawang daan at apat na pu't lima na mangaawit na lalake at babae.
68 Ang kanilang mga kabayo ay 736, ang kanilang mga mola, 245,
Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu't anim; ang kanilang mga mula, dalawang daan at apat na pu't lima;
69 ang kanilang mga kamelyo, 435, at ang kanilang mga asno, 6, 720.
Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu't lima; ang kanilang mga asno, anim na libo't pitong daan at dalawang pu.
70 Ang ilan sa mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno ay nagbigay ng mga kaloob para sa gawain. Ang gobernador ay nagbigay sa pananalapi ng isang libong daric ng ginto, 50 mga mangkok, at 530 mga kasuotang pang-pari.
At ang mga iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa gawain. Ang tagapamahala ay nagbigay sa ingatang-yaman ng isang libong darikong ginto, limangpung mangkok, limang daan at tatlong pung bihisan ng mga saserdote.
71 Ang ilan sa mga pinuno ng angkan ng mga ninuno ay nagbigay sa pananalapi para sa gawain ng 20, 000 mga daric ng ginto at 2, 200 na mga mina ng pilak.
At ang iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa ingatang-yaman ng gawain ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libo at dalawang daang librang pilak.
72 Ang natirang mga tao ay nagbigay ng 20, 000 na mga daric ng ginto, at 2, 200 na mga mina ng pilak, at animnapu't pitong mga balabal para sa mga pari.
At ang nangalabi sa bayan ay nangagbigay ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libong librang pilak, at anim na pu't pitong bihisan ng mga saserdote.
73 Kaya ang mga pari, ang mga Levita, ang mga tagapagbantay ng tarangkahan, ang mga mang-aawit, ang ilan sa mga mamamayan, ang mga lingkod sa templo, at lahat ng Israelita ay nanirahan sa kani-kanilang mga lungsod. Nang ika-pitong buwan ang mga bayan ng Israel ay nanahan sa kanilang mga lungsod.”
Sa gayo'y ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang iba sa bayan, at ang mga Nethineo, at ang buong Israel, ay nagsitahan sa kanilang mga bayan. At nang dumating ang ikapitong buwan ang mga anak ni Israel ay nangasa kanilang mga bayan.