< Nehemias 3 >
1 Pagkatapos tumayo si Eliasib ang punong pari kasama ng kaniyang mga kapatirang pari, at itinayo nila ang Tarangkahan ng Tupa. Pinagingbanal nila ito at naglagay ng mga pinto. Pinagingbanal nila ito hanggang sa Tore ng Sandaan at hanggang sa Tore ng Hananel.
那時,大祭司以利亞實和他的弟兄眾祭司起來建立羊門,分別為聖,安立門扇,又築城牆到哈米亞樓,直到哈楠業樓,分別為聖。
2 Kasunod niyang nagtrabaho ang mga kalalakihan ng Jerico, at kasunod nilang nagtrabaho si Zacur na anak ni Imri.
其次是耶利哥人建造。其次是音利的兒子撒刻建造。
3 Itinayo ng mga anak ni Hasenaa ang Tarangkahan ng Isda. Inilagay nila ang mga biga sa lugar at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas.
哈西拿的子孫建立魚門,架橫樑、安門扇,和閂鎖。
4 Si Meremot ang nag-ayos ng katabing bahagi. Siya ay anak ni Urias na anak ni Hakoz. At Si Mesulam ang kasunod nilang nag-ayos. Siya ang anak ni Berequias na anak ni Mesezabel. Kasunod nilang nag-ayos ay si Zadok. Siya ang anak ni Baana.
其次是哈哥斯的孫子、烏利亞的兒子米利末修造。其次是米示薩別的孫子、比利迦的兒子米書蘭修造。其次是巴拿的兒子撒督修造。
5 Kasunod nilang nag-ayos ang mga taga-Tekoa, pero ang kanilang mga pinuno ay tumangging gawin ang inutos ng kanilang mga tagapangasiwa.
其次是提哥亞人修造;但是他們的貴冑不用肩擔他們主的工作。
6 Sina Joiada anak ni Pasea at Mesullam anak ni Besodeias ang nag-ayos ng Lumang Tarangkahan. Nilagay nila ng mga biga, at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas.
巴西亞的兒子耶何耶大與比所玳的兒子米書蘭修造古門,架橫樑,安門扇和閂鎖。
7 Kasunod nilang nag-ayos sina Melatias na taga-Gibeon, kasama si Jadon na taga-Meronot. Sila ang namumuno sa mga kalalakihan ng Gibeon at Mizpa. Ang Mizpa ay tirahan ng gobernador ng lalawigan sa kabilang Ilog.
其次是基遍人米拉提,米倫人雅頓與基遍人,並屬河西總督所管的米斯巴人修造。
8 Kasunod niya na nag-ayos ang anak ni Harhaia na si Uziel, isa sa mga platero, at kasunod niya si Hanania, manggagawa ng mga pabango. Itinayo nilang muli ang Jerusalem hanggang sa Malapad na Pader.
其次是銀匠哈海雅的兒子烏薛修造。其次是做香的哈拿尼雅修造。這些人修堅耶路撒冷,直到寬牆。
9 Kasunod nilang nag-ayos si Refaias na anak ni Hur. Siya ang pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem.
其次是管理耶路撒冷一半、戶珥的兒子利法雅修造。
10 Kasunod nila si Jedias anak ni Harumaf na nag-ayos katabi ng kaniyang bahay. Kasunod niyang nag-ayos si Hatus na anak ni Hasabneias.
其次是哈路抹的兒子耶大雅對着自己的房屋修造。其次是哈沙尼的兒子哈突修造。
11 Sina Malquias anak ni Harim at Hasub anak ni Pahath Moab ang nag-ayos ng isa pang bahagi sa gawi na Tore ng mga Pugon.
哈琳的兒子瑪基雅和巴哈‧摩押的兒子哈述修造一段,並修造爐樓。
12 Kasunod nila si Sallum anak ni Haloles, pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem, ang nag-ayos kasama ang kaniyang mga anak na babae.
其次是管理耶路撒冷那一半、哈羅黑的兒子沙龍和他的女兒們修造。
13 Sila Hanun at ang mga naninirahan sa Zanoa ang nag-ayos ng Lambak na Tarangkahan. Itinayo nila ito at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas nito. Sila ang nag-ayos ng isang libong siko hanggang sa Tarangkahan ng Dumi.
哈嫩和撒挪亞的居民修造谷門,立門,安門扇和閂鎖,又建築城牆一千肘,直到糞廠門。
14 Si Malquias anak ni Recab, ang pinuno ng distrito sa Beth Hakerem, ang nag-ayos ng Tarangkahan ng Dumi. Itinayo niya ito at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas nito.
管理伯‧哈基琳、利甲的兒子瑪基雅修造糞廠門,立門,安門扇和閂鎖。
15 Si Sallun anak ni Col hoze, ang pinuno ng distrito ng Mizpa, ang nagtayo muli ng Bukal na Tarangkahan. Itinayo niya ito, at inilagay ang isang takip sa ibabaw nito at at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas nito. Itinayo niyang muli ang pader ng Paliguan ng Siloam sa hardin ng hari, hanggang sa hagdan patungo sa ibaba mula sa lungsod ni David.
管理米斯巴、各荷西的兒子沙崙修造泉門,立門,蓋門頂,安門扇和閂鎖,又修造靠近王園西羅亞池的牆垣,直到那從大衛城下來的臺階。
16 Si Nehemias anak ni Azbuk, ang pinuno ng kalahating distrito ng Beth Zur, ang nag-ayos ng lugar sa kabila mula sa mga libingan ni David, hanggang sa paliguan na gawa ng tao, at sa bahay ng malalakas na lalaki.
其次是管理伯‧夙一半、押卜的兒子尼希米修造,直到大衛墳地的對面,又到挖成的池子,並勇士的房屋。
17 Pagkatapos niya ang mga Levita ang nag-ayos, kasama si Rehum anak ni Bani at kasunod niya si Hashabias, ang pinuno ng kalahating distrito ng Keila, para sa kaniyang distrito.
其次是利未人巴尼的兒子利宏修造。其次是管理基伊拉一半、哈沙比雅為他所管的本境修造。
18 Pagkatapos niya ang kanilang mga kababayan ang nag-ayos, kabilang si Bavai, anak ni Henadad, pinuno ng kalahating distrito ng Keila.
其次是利未人弟兄中管理基伊拉那一半、希拿達的兒子巴瓦伊修造。
19 Si Ezer ang sumunod sa kaniya na nag-ayos. Siya ay anak ni Jeshua, pinuno ng Mizpa, na nag-ayos sa isa pang bahagi sa kabila ng paakyat patungo sa taguan ng mga armas, sa tukod.
其次是管理米斯巴、耶書亞的兒子以謝修造一段,對着武庫的上坡、城牆轉彎之處。
20 Pagkatapos niya, si Baruch anak ni Zabai ang buong pusong nag-ayos ng isa pang bahagi mula sa tukod hanggang sa pinto ng bahay ng punong paring si Eliasib.
其次是薩拜的兒子巴錄竭力修造一段,從城牆轉彎,直到大祭司以利亞實的府門。
21 Pagkatapos niya, si Meremot anak ni Urias na anak ni Hakoz ang nag-ayos ng isa pang bahagi, mula sa pintuan ng bahay ni Eliasib hanggang sa dulo ng bahay ni Eliasib.
其次是哈哥斯的孫子、烏利亞的兒子米利末修造一段,從以利亞實的府門,直到以利亞實府的盡頭。
22 Kasunod niya ang mga pari, ang mga kalalakihan mula sa lugar sa palibot ng Jerusalem ang nag-ayos.
其次是住平原的祭司修造。
23 Pagkatapos nila, sina Benjamin at Hassub ang nag-ayos sa kabila ng kanilang sariling bahay. Pagkatapos nila, si Azarias anak ni Maaseias na anak ni Ananias ang nag-ayos sa tabi ng kanilang sariling bahay.
其次是便雅憫與哈述對着自己的房屋修造。其次是亞難尼的孫子、瑪西雅的兒子亞撒利雅在靠近自己的房屋修造。
24 Pagkatapos niya, si Binui anak ni Henadad ang nag-ayos ng isa pang bahagi, mula sa bahay ni Azarias hanggang sa tukod.
其次是希拿達的兒子賓內修造一段,從亞撒利雅的房屋直到城牆轉彎,又到城角。
25 Si Palal anak ni Uzai ang nag-ayos sa itaas salungat sa tukod at toreng aabot pataas mula sa itaas ng bahay ng hari sa patyo ng mga guwardiya. Pagkatapos niya, si Pedeias anak ni Paros ang nag-ayos.
烏賽的兒子巴拉修造對着城牆的轉彎和王上宮凸出來的城樓,靠近護衛院的那一段。其次是巴錄的兒子毗大雅修造。(
26 Ngayon ang mga lingkod ng templo na naninirahan sa Ofel ang nag-ayos sa kabilang bahagi ng Tarangkahan ng Tubig sa silangan ng nakausling tore.
尼提寧住在俄斐勒,直到朝東水門的對面和凸出來的城樓。)
27 Pagkatapos niya ang mga taga-Tekoa ang nag-ayos ng isa pang bahagi, sa kabila ng malaking tore na namumukod tangi, hanggang sa pader ng Ofel.
其次是提哥亞人又修一段,對着那凸出來的大樓,直到俄斐勒的牆。
28 Inayos ng mga pari ang ibabaw ng Tarangkahan ng mga Kabayo, bawat tapat ng sarili nilang bahay.
從馬門往上,眾祭司各對自己的房屋修造。
29 Pagkatapos nila, si Zadok anak ni Immer ang nag-ayos ng katapat na bahagi ng sarili niyang bahay. At pagkatapos niya, inayos ni Semias anak ni Secanias, ang tagapagbantay ng silangang tarangkahan.
其次是音麥的兒子撒督對着自己的房屋修造。其次是守東門、示迦尼的兒子示瑪雅修造。
30 Pagkatapos niya, sina Hananias anak ni Selemias, at Hanun ang ikaanim na anak ni Zalap ang nag-ayos ng kabilang bahagi. Pagkatapos niya, inayos ni Mesulam anak ni Berequias ang tapat na kaniyang tinitirahang mga silid.
其次是示利米雅的兒子哈拿尼雅和薩拉的第六子哈嫩又修一段。其次是比利迦的兒子米書蘭對着自己的房屋修造。
31 Pagkatapos niya ay si Malquias, isa sa mga platero, ang nag-ayos hanggang sa bahay ng mga lingkod sa templo at mga mangangalakal na nasa kabila ng Tarangkahan ng Tipan at ang silid sa sulok na tinitirahan sa itaas.
其次是銀匠瑪基雅修造到尼提寧和商人的房屋,對着哈米弗甲門,直到城的角樓。
32 Nag-ayos ang mga platero at ang mga mangangalakal sa gitna ng itaas na silid at ang Tarangkahan ng mga Tupa.
銀匠與商人在城的角樓和羊門中間修造。