< Nehemias 2 >
1 Sa buwan ng Nisan, sa ikadalawampung taon ni Haring Artaxerxes, siya ay pumili ng alak, at kinuha ko ang alak at ibinigay ito sa hari. Ngayon ako ay hindi kailanman naging malungkot sa kaniyang harapan.
Und es geschah im Monat Nisan, im zwanzigsten Jahre des Königs Artasasta, als Wein vor ihm war, da nahm ich den Wein und gab ihn dem König; ich war aber nie traurig vor ihm gewesen.
2 Kaya sinabi sa akin ng hari, “Bakit malungkot ang iyong mukha? Hindi ka naman mukhang may sakit. Marahil ito ay kalungkutan ng puso.” Pagkatapos nito, ako ay lubos na natakot.
Und der König sprach zu mir: Warum ist dein Angesicht traurig? Und doch bist du nicht krank; es ist nichts anderes als Traurigkeit des Herzens. Da fürchtete ich mich gar sehr.
3 Sinabi ko sa hari, “Nawa mabuhay ang hari magkailanman! Bakit hindi malulungkot ang aking mukha? Ang lungsod, ang lugar ng mga libingan ng aking ama, ay nananatiling giba, at ang mga tarangkahan nito ay winasak sa pamamagitan ng apoy.”
Und ich sprach zu dem König: Der König lebe ewiglich! Warum sollte mein Angesicht nicht traurig sein, da die Stadt, die Begräbnisstätte meiner Väter, wüst liegt, und ihre Tore vom Feuer verzehrt sind?
4 Pagkatapos sinabi sa akin ng hari. “Ano ang gusto mong gawin ko?” Kaya ako ay nanalangin sa Diyos ng kalangitan.
Und der König sprach zu mir: Um was bittest du denn? Da betete ich zu dem Gott des Himmels;
5 Tumugon ako sa hari, “Kung mabuti ito para sa hari, at kung ang iyong lingkod ay gumawa ng mabuti sa iyong paningin, maaari mo akong ipadala sa Juda, sa lungsod ng libingan ng aking mga ninuno, para maitayo ko itong muli.”
und ich sprach zu dem König: Wenn es den König gut dünkt, und wenn dein Knecht wohlgefällig vor dir ist, so bitte ich, daß du mich nach Juda sendest zu der Stadt der Begräbnisse meiner Väter, damit ich sie wieder aufbaue.
6 Tumugon ang hari sa akin (at ang reyna ay nakaupo rin sa tabi niya), “Gaano katagal kang mawawala at kailan ka babalik?” Ang hari ay nagalak na isugo ako matapos kong maibigay sa kaniya ang mga petsa.
Da sprach der König zu mir und die Königin saß neben ihm: Wie lange wird deine Reise währen, und wann wirst du zurückkehren? Und es gefiel dem König, mich zu senden; und ich bestimmte ihm eine Zeit.
7 Pagkatapos sinabi ko sa hari, “Kung makalulugod sa hari, nawa bigyan ako ng mga liham para ibigay sa mga gobernador sa kabilang ilog, para ako ay pahintulutang makaraan sa kanilang mga lupain sa aking pagpunta sa Juda.
Und ich sprach zu dem König: Wenn es den König gut dünkt, so gebe man mir Briefe an die Landpfleger jenseit des Stromes, daß sie mich durchziehen lassen, bis ich nach Juda komme;
8 Mangyaring mayroon din sanang liham para kay Asaf ang tagapag-ingat ng kagubatan ng hari, nang sa gayon ay maaaring niya akong bigyan ng troso para gawing mga biga sa mga pintuan ng tanggulang kasunod sa templo, at sa pader ng lungsod, at sa aking bahay na aking pananahanan.” Dahil ang mabuting kamay ng Diyos ay nasa akin, ipinagkaloob sa akin ng hari ang aking mga kahilingan.
und einen Brief an Asaph, den Hüter des königlichen Forstes, daß er mir Holz gebe, um die Tore der Burg zu bälken, welche zum Hause gehört, und für die Mauer der Stadt, und für das Haus, in welches ich ziehen werde. Und der König gab es mir, weil die gute Hand meines Gottes über mir war.
9 Pumunta ako sa mga gobernador sa kabilang ilog, at ibinigay sa kanila ang mga liham ng hari. Ngayon ang hari ay nagpadala ng mga opisyal at mga mangangabayo para samahan ako.
Und ich kam zu den Landpflegern jenseit des Stromes und gab ihnen die Briefe des Königs. Der König hatte aber Heeroberste und Reiter mit mir gesandt.
10 Nang marinig ito nina Sanballat na Horonita at ni Tobias na lingkod na Ammonita, sila ay labis na nayamot na may isang taong dumating para tulungan ang bayan ng Israel.
Und als Sanballat, der Horoniter, und Tobija, der ammonitische Knecht, es hörten, verdroß es sie gar sehr, daß ein Mensch gekommen war, um das Wohl der Kinder Israel zu suchen.
11 Kaya nagpunta ako sa Jerusalem, at nanatili roon ng tatlong araw.
Und ich kam nach Jerusalem und war daselbst drei Tage.
12 Bumangon ako ng gabi, ako at ilan sa mga kalalakihang kasama ko. Hindi ko sinabi kahit kanino kung ano ang inilagay ng aking Diyos sa aking puso na gagawin para sa Jerusalem. Wala akong ibang hayop na kasama, maliban sa isa na aking sinasakyan.
Und ich machte mich des Nachts auf, ich und wenige Männer mit mir; ich hatte aber keinem Menschen kundgetan, was mein Gott mir ins Herz gegeben, für Jerusalem zu tun; und kein Tier war bei mir, außer dem Tiere, auf welchem ich ritt.
13 Lumabas ako ng gabi sa Tarangkahan ng Lambak, malapit sa Bukal ng Dragon at sa Tarangkahan ng Dumi, at siniyasat ang mga pader ng Jerusalem na nasira at ang mga tarangkahang kahoy na nawasak ng apoy.
Und ich zog des Nachts durch das Taltor hinaus, und gegen die Drachenquelle hin, und nach dem Misttore; und ich besichtigte die Mauern von Jerusalem, welche niedergerissen, und ihre Tore, die vom Feuer verzehrt waren.
14 Pagkatapos pumunta ako sa Tarangkahan ng Bukal at sa paliguan ng hari. Napakasikip ng lugar para daanan ng hayop na aking sinasakyan.
Und ich zog hinüber zum Quellentore und zum Königsteiche, und es war kein Raum zum Durchkommen für das Tier, welches unter mir war.
15 Kaya umakyat kami ng gabing iyon sa lambak at siniyasat ang pader, bumalik ako at pumasok sa Tarangkahan ng Lambak, gayundin pabalik.
Und ich zog des Nachts das Tal hinauf und besichtigte die Mauer; und ich kam wieder durch das Taltor herein und kehrte zurück.
16 Hindi alam ng mga namumuno kung saan ako pumunta o kung ano ang ginawa ko, at hindi ko pa ipinaalam sa mga Judio, maging sa mga pari, mga maharlika, mga namumuno, at maging sa mga iba pang gumawa ng trabaho.
Die Vorsteher wußten aber nicht, wohin ich gegangen war und was ich tat; denn ich hatte den Juden und den Priestern und den Edlen und den Vorstehern und den Übrigen, die das Werk taten, bis dahin nichts kundgetan.
17 Sinabi ko sa kanila, “Nakikita ninyo ang kaguluhan kung saan tayo naroroon, kung paano nananatiling giba ang Jerusalem at ang mga tarangkahan nito ay winasak ng apoy. Halikayo, itayo nating muli ang pader ng Jerusalem, para hindi na tayo kailanman mapahiya.”
Und ich sprach zu ihnen: Ihr sehet das Unglück, in welchem wir sind, daß Jerusalem wüst liegt und seine Tore mit Feuer verbrannt sind. Kommt und laßt uns die Mauer Jerusalems wieder aufbauen, daß wir nicht länger zum Hohne seien!
18 Sinabi ko sa kanila na ang mabuting kamay ng Diyos ay nasa akin at tungkol din sa mga salita ng hari na kaniyang sinabi sa akin. Sinabi nila “Tayo nang bumangon at magtayo.” Kaya pinalakas nila ang kanilang mga kamay para sa mabubuting gawain.
Und ich tat ihnen kund, daß die Hand meines Gottes gütig über mir gewesen war, und auch die Worte des Königs, die er zu mir geredet hatte. Da sprachen sie: Wir wollen uns aufmachen und bauen! Und sie stärkten ihre Hände zum Guten.
19 Pero nang marinig nila Sanballat na Horonita, at ni Tobias ang Ammonitang lingkod, at Gesem na taga-Arabya ang tungkol dito, pinagtawanan nila kami at nilait, at sinabi nila, “Ano ang ginagawa ninyo? Naghihimagsik ba kayo laban sa hari?”
Als aber Sanballat, der Horoniter, und Tobija, der ammonitische Knecht, und Geschem, der Araber, es hörten, spotteten sie über uns und verachteten uns und sprachen: Was ist das für eine Sache, die ihr tun wollt? Wollt ihr euch wider den König empören?
20 Pagkatapos sinagot ko sila, “Bibigyan kami ng Diyos ng kalangitan ng katagumpayan. Kami ay kaniyang mga lingkod at babangon kami at magtatayo. Pero kayo ay walang bahagi, walang karapatan, at walang kasaysayang pinanghahawakan sa Jerusalem.”
Und ich gab ihnen Antwort und sprach zu ihnen: Der Gott des Himmels, er wird es uns gelingen lassen; und wir, seine Knechte, wollen uns aufmachen und bauen. Ihr aber habt weder Teil noch Recht, noch Gedächtnis in Jerusalem.