< Nehemias 12 >

1 Ito ang mga pari at mga Levita na umakyat kasama sina Zerubabel na anak ni Sealtiel at kasama ni Josue: sina Sereias, Jeremias, Ezra,
hii autem sacerdotes et Levitae qui ascenderunt cum Zorobabel filio Salathihel et Iosue Saraia Hieremias Ezra
2 Amarias, Maluc, Hatus,
Amaria Melluch Attus
3 Secanias, Rehum, at Meremot.
Sechenia Reum Meremuth
4 Naroon sina Ido, Ginetoi, Abijas,
Addo Genthon Abia
5 Mijamin, Maadias, Bilga,
Miamin Madia Belga
6 Semaias, at Joiarib, Jedaias.
Semaia et Ioarib Idaia Sellum Amoc Elceia
7 Sina Saul, Amok, Hilkias, at Jedaias. Ito ang mga pinuno ng mga pari at kanilang mga kasamahan sa mga araw ni Josue.
Idaia isti principes sacerdotum et fratres eorum in diebus Iosue
8 Ang mga Levita ay sina Josue, Binui, Kadmiel, Serebias, Juda, at Matanias, na siyang tagapangasiwa sa mga awit ng pasasalamat, kasama ang kaniyang mga kasamahan.
porro Levitae Iesua Bennui Cedmihel Sarabia Iuda Mathanias super hymnos ipsi et fratres eorum
9 Sina Bakbukuias at Uno, ang kanilang mga kasamahan, ay nakatayo sa tapat nila habang may gawain.
et Becbecia atque et Hanni fratres eorum unusquisque in officio suo
10 Si Josue ang ama ni Jehoiakim, si Joiakim ang ama ni Eliasib, si Eliasib ang ama ni Joiada,
Hiesue autem genuit Ioachim et Ioachim genuit Eliasib et Eliasib genuit Ioiada
11 si Joiada ang ama ni Jonatan, at si Jonatan ang ama ni Jadua.
et Ioiada genuit Ionathan et Ionathan genuit Ieddoa
12 Sa mga araw ni Jehoiakim ito ang mga pari, ang mga pinuno ng mga ama ng mga pamilya: Si Meraias ang pinuno ni Seraias, si Hananias ang pinuno ni Jeremias,
in diebus autem Ioachim erant sacerdotes principes familiarum Saraiae Amaria Hieremiae Anania
13 si Mesulam ang pinuno ni Ezra, si Jehohanan ang pinuno ni Amarias,
Ezrae Mosollam Amariae Iohanan
14 si Jonatan ang pinuno ni Maluqui, at si Jose ang pinuno ni Sebanias.
Milico Ionathan Sebeniae Ioseph
15 Sa pagpapatuloy, si Adna ang pinuno ni Harim, si Helkai ang pinuno ni Meraiot,
Arem Edna Maraioth Elci
16 si Zacarias ang pinuno ni Ido, si Mesulam ang pinuno ni Gineton, at
Addaiae Zaccharia Genthon Mosollam
17 si Zicri ang pinuno ni Abijas. Mayroon ding pinuno si Miniamin. Si Piltai ang pinuno ni Moadias.
Abiae Zecheri Miamin et Moadiae Felti
18 Si Samua ang pinuno ni Bilga, si Jehonatan ang pinuno ni Semaias,
Belgae Sammua Semaiae Ionathan
19 si Matenai ang pinuno ni Joiarib, si Uzi ang pinuno ni Jedaias,
Ioiarib Matthanai Iadaiae Azzi
20 si Kalai ang pinuno ni Salai, si Eber ang pinuno ni Amok,
Sellaiae Celai Amoc Eber
21 si Hashabias ang pinuno ni Hilkias, at si Nathanael ang pinuno ni Jedaias.
Elciae Asebia Idaiae Nathanahel
22 Sa mga araw ni Eliasib, ang mga Levitang sina Eliasib, Joiada, Johanan, at Jadua ay naitala bilang mga pinuno ng mga pamilya, at ang mga pari ay naitala habang naghahari si Dario ang Persiano.
Levitae in diebus Eliasib et Ioiada et Ionan et Ieddoa scripti principes familiarum et sacerdotes in regno Darii Persae
23 Ang mga kaapu-apuhan ni Levi at ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya ay naitala sa Aklat ng mga Salaysay hanggang sa mga araw ni Johanan na anak ni Eliasib.
filii Levi principes familiarum scripti in libro verborum dierum et usque ad dies Ionathan filii Eliasib
24 At ang mga pinuno ng mga Levita ay sina Hashabias, Serabias, at Josue na anak ni Kadmiel, kasama ang kanilang mga kasamahan na nakatayo sa tapat nila para magbigay ng papuri at magbigay ng pasasalamat, tumutugon ng pangkat sa pangkat, bilang pagsunod sa utos ni David, ang lingkod ng Diyos.
et principes Levitarum Asebia Serebia et Iesue filius Cedmihel et fratres eorum per vices suas ut laudarent et confiterentur iuxta praeceptum David viri Dei et observarent aeque per ordinem
25 Sina Matanias, Bakbukuias, Obadias, Mesulam, Talmon at Akub ay mga tagapagbantay ng tarangkahan na nakatayong nagbabantay sa mga bodega ng mga tarangkahan.
Matthania et Becbecia Obedia Mosollam Thelmon Accub custodes portarum et vestibulorum ante portas
26 Naglingkod sila sa mga araw ni Joiakim na anak ni Josue na anak ni Jehozadak, at sa mga araw ni Nehemias ang gobernador at ni Ezra ang pari at eskriba.
hii in diebus Ioachim filii Iesue filii Iosedech et in diebus Neemiae ducis et Ezrae sacerdotis scribaeque
27 Sa pagtatalaga ng pader ng Jerusalem, hinanap ng mga tao ang mga Levita saanman sila nanirahan, para dalhin sila sa Jerusalem para magdiwang ng pagtatalaga ng may kagalakan, may pasasalamat at umaawit na may mga pompiyang, alpa, at may mga lira.
in dedicatione autem muri Hierusalem requisierunt Levitas de omnibus locis suis ut adducerent eos in Hierusalem et facerent dedicationem et laetitiam in actione gratiarum et in cantico in cymbalis psalteriis et citharis
28 Ang samahan ng mga mang-aawit ay sama-samang nagtipon mula sa distrito sa paligid ng Jerusalem at mula sa mga nayon ng mga taga-Netofa.
congregati sunt ergo filii cantorum et de campestribus circa Hierusalem et de villis Netuphati
29 Sila ay nagmula rin sa Beth Gilgal at mula sa mga kabukiran ng Geba at Azmavet, dahil ang mga mang-aawit ay gumawa ng mga nayon para sa kanilang mga sarili sa paligid ng Jerusalem.
et de domo Galgal et de regionibus Geba et Azmaveth quoniam villas aedificaverunt sibi cantores in circuitu Hierusalem
30 Ang mga pari at ang mga Levita ay dinalisay ang kanilang mga sarili, at pagkatapos ay dinalisay nila ang mga tao, ang mga tarangkahan, at ang pader.
et mundati sunt sacerdotes et Levitae et mundaverunt populum et portas et murum
31 Pagkatapos ay kasama ko ang mga pinuno ng Juda na umakyat sa taas ng pader, at nagtalaga ako ng dalawang malaking pangkat ng mang-aawit na magbibigay pasasalamat. Ang isa ay pumunta sa kanan ng pader patungo sa Tarangkahan ng Dumi.
ascendere autem feci principes Iuda super murum et statui duos choros laudantium magnos et ierunt ad dexteram super murum ad portam Sterquilinii
32 Si Hoshaias at kalahati ng mga pinuno ng Juda ay sumunod sa kanila,
et ivit post eos Osaias et media pars principum Iuda
33 at pagkatapos nila ay pumunta sina Azarias, Ezra, Mesulam,
et Azarias Ezras et Mosollam
34 Juda, Benjamin, Semaias, Jeremias,
Iuda et Beniamin et Semeia et Hieremia
35 at ilan sa mga anak ng mga pari na may mga trumpeta, at si Zacarias na anak ni Jonatan na anak ni Semaias na anak ni Matanias na anak ni Micaias na anak ni Zacur, ang kaapu-apuhan ni Asaf.
et de filiis sacerdotum in tubis Zaccharias filius Ionathan filius Semeiae filius Mathaniae filius Michaiae filius Zecchur filius Asaph
36 Naroon din ang mga kamag-anak ni Zacarias, sina Semaias, Azarel, Milalai, Gilalai, Maai, Nathanael, Juda, Hanani, na may instrumento sa musika ni David ang lingkod ng Diyos. Si Ezra ang eskriba ay nasa harap nila.
et fratres eius Semeia et Azarel Malalai Galalai Maai Nathanel et Iuda et Anani in vasis cantici David viri Dei et Ezras scriba ante eos in porta Fontis
37 Sa pamamagitan ng Tarangkahan ng Bukal, sila ay pumanhik sa pamamagitan ng mga hagdanan sa lungsod ni David paakyat ng pader, sa itaas ng palasyo ni David, patungo sa Tarangkahan ng Tubig sa silangan.
et contra eos ascenderunt in gradibus civitatis David in ascensu muri super domum David et usque ad portam Aquarum ad orientem
38 At ang ibang pangkat ng mang-aawit na nagbigay pasasalamat ay pumunta sa ibang direksiyon. Sinundan ko sila sa pader kasama ang kalahati ng mga tao, sa itaas ng Tore ng mga Pugon, sa Malapad na Pader,
et chorus secundus gratias referentium ibat ex adverso et ego post eum et media pars populi super murum et super turrem Furnorum et usque ad murum latissimum
39 at sa itaas ng Tarangkahan ng Efraim, at sa pamamagitan ng Lumang Tarangkahan, at sa pamamagitan ng Tarangkahan ng Isda, at ng Tore ni Hananel at ng Tore ng Sandaan, patungo sa Tarangkahan ng mga Tupa, at huminto sila sa Tarangkahan ng Bantay.
et super portam Ephraim et super portam Antiquam et super portam Piscium et turrem Ananehel et turrem Ema et usque ad portam Gregis et steterunt in porta Custodiae
40 Kaya ang parehong mga pangkat ng mang-aawit na nagbigay pasasalamat ay pumunta kung saan sila nakatalaga sa tahanan ng Diyos, at pumunta rin ako kung saan ako nakatalaga kasama ang kalahati ng mga pinuno.
steteruntque duo chori laudantium in domo Dei et ego et dimidia pars magistratuum mecum
41 At ang mga pari ay pumunta rin kung saan sila nakatalaga: sina Eliakim, Maaseias, Miniamin, Micaias, Elioenai, Zacarias, at Hananias, na may mga trumpeta,
et sacerdotes Eliachim Maasia Miniamin Michea Elioenai Zaccharia Anania in tubis
42 sina Maaseias, Semaias, Eleazar, Uzi, Jehohanan, Malquijas, Elam, at Ezer. Ang mga mang-aawit ay umawit kasama si Jezrahias bilang tagapanguna.
et Maasia et Semea et Eleazar et Azi et Iohanan et Melchia et Elam et Ezer et clare cecinerunt cantores et Iezraia praepositus
43 At naghandog sila ng maraming mga alay ng araw na iyon, at nagsaya, dahil dinulot ng Diyos na sila ay magdiwang ng may labis na kagalakan. Ang mga babae rin at mga bata ay nagsaya. Kaya ang kagalakan ng Jerusalem ay maririnig mula sa malayo.
et immolaverunt in die illa victimas magnas et laetati sunt Deus enim laetificaverat eos laetitia magna sed et uxores eorum et liberi gavisi sunt et audita est laetitia Hierusalem procul
44 Sa araw na iyon ang mga lalaki ay itinalaga na maging tagapangasiwa sa mga silid-imbakan para sa mga kontribusyon, mga unang bunga, at mga ikapu, para ipunin nila ang mga bahagi na hiningi ng kautusan para sa mga pari at para sa mga Levita. Ang bawat isa ay inatasang magtrabaho sa mga bukirin malapit sa mga bayan. Dahil ang mga taga-Juda ay nagsaya para sa mga pari at mga Levita na nakatayo sa harapan nila.
recensuerunt quoque in die illa viros super gazofilacia thesauri ad libamina et ad primitias et ad decimas ut introferrent per eos principes civitatis in decore gratiarum actionis sacerdotes et Levitas quia laetatus est Iuda in sacerdotibus et Levitis adstantibus
45 Naisagawa nila ang paglilingkod sa kanilang Diyos, at sa gawain ng pagdadalisay, bilang pagpapanatili sa utos ni David at ni Solomon na kaniyang anak, at gayundin ang mga mang-aawit at mga tagapagbantay ng tarangkahan.
et custodierunt observationem Dei sui et observationem expiationis et cantores et ianitores iuxta praeceptum David et Salomonis filii eius
46 Sa mahabang panahon, sa mga araw ni David at Asaf, ay mayroong mga tagapamahala ng mga mang-aawit, at mayroong mga awiting papuri at pasasalamat sa Diyos.
quia in diebus David et Asaph ab exordio erant principes constituti cantorum in carmine laudantium et confitentium Deo
47 Sa mga araw ni Zerubabel at sa mga araw ni Nehemias, lahat ng mga Israelita ay nagbigay ng kanilang pang-araw-araw na mga bahagi para sa mga mang-aawit at mga tagapagbantay ng tarangkahan. Itinabi nila ang bahagi na para sa mga Levita, at ang mga Levita ay itinabi ang bahagi para sa mga kaapu-apuhan ni Aaron.
et omnis Israhel in diebus Zorobabel et in diebus Neemiae dabat partes cantoribus et ianitoribus per dies singulos et sanctificabant Levitas et Levitae sanctificabant filios Aaron

< Nehemias 12 >